logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Chapter 6
Dracula
Third person's POV
"Ate, gising ka pala." Naantok pa sabi ni Romel habang kinukusot ang isang mata nya.
Nakita nya na umiinom ng basong tubig si Josephine habang nakatingin sa labas ng bintana nila na parang malalim ang iniisip nito. Napalingon naman si Josephine nung nagtanong si Romel sa kanya.
"Ikaw pala, Romel. Hindi ako makatulog kaya nagpalipas oras muna ako rito." Saad ng dalaga.
Pero ang totoo iyan ay balisa sya sa mga napapanaginipan nya sa mga nakaraang gabi. Lalo na nagpapakita sa kanya ang misteryosong lalaki na hanggang ngayon di nya pa alam kung sino ito.
Samantala, may isang lalaki nakatayo sa di kalayuan mula sa tinitirihan nina Josephine. Malalim na ang gabi pero kitang kita pa nya ang dalaga kahit malayo. Kung pwede lang kunin nya na lang ang dalaga at dalhin nya sa malalayong lugar para magsama na sila. Pero alam nya kung ano ang magiging kapalit. Simula nabuhay sya muli ay lagi na nya binantayan ang dalaga. Subalit, sa di kalayuan sa kinatatayuan nya, may narinig syang nagkagulo doon sa isang parte ng gubat. Mga bampira at tao kung mababasehan sa naamoy nya. Bago pa sya umalis, tinignan nya muna ang dalaga sa huling saglit.
-
Papauwi na ang isang grupo ng kalalakihan. Katatapos lang nilang mangngangaso. Pero sa di inaasahan ay sinugod sila ng apat na bampira.
"AAAAHHHH!!!!"
"AAAHHH"
"TULONG! TULONG! MAY MGA BAMPIRA NANDITO! AHHH-"
Unting unti silang pinaslang at sumipsip ng mga dugo nila hanggang sa isang tao na lang natira. Nanginginig ang lalaki habang lumalapit kanya ang isang lalaking bampira.
"P--pakiusap huwag nyo ako patayin." Mangiyak ngiyak na pakiusap ang lalaki sa bampira.
Pero malakas ang halakhak ang bampira.
"Huwag kang mag-alala makakasama mo naman sa mga namatay mong kaibigan." Nakangising ang bampira na takam na takam na syang uminom ng dugo.
Hanggang sa tinuluyan na nya pinatay ang nag-iisang tao sa grupo ng mangangaso. Tuwang tuwa ang mga bampira lalo na nakabiktima na naman sila. Aalis na sana sila nang nagsalita ang isang kasamahan nilang bampira.
"Naramdaman nyo ba yun?"
"A-ano yun?”.
Nakaramdam silang apat ng isang kakaibang presensya. Sa amoy pa lang ay alam nila na isa itong bampira pero nagtataka sila kung bakit kakaiba itong bagong dating. Dahan dahan lumakad ang bagong dating na bampira. Nakabalabal ito na itim at bahagyang tinakpan ang mukha nito.
"Sino ba yan?" tanong ng namumuno sa grupo nila.
Pero maski sila di nila kilala. Hanggang huminto ito at binaba nya ang balabal sa mukha nya. Isang makisig at magandang mukha ang lalaki. Mahabang buhok hanggang balikat at mapula ang mga mata. Iba ang presensya nya dahil na rin malamig at walang ekspresyon ang mukha nya. Nakaramdam silang apat ng konting takot at pangangamba.
"Sino ka?!" bulyaw ng namumuno sa grupo.
Hindi ito sumagot sapagkat tinignan lang sila. Hindi na tiis ng isa kaya sinugod na nya. Pero nagulat sila, ang bagong bampira ay mabilis nyang sinakal sa leeg at inangat nya pa nito.
"Mahina."
Saka binalian na nya ang ulo nito at mabilis nya binato sa mga kasamahan nito.
"Mga walang galang."
"Hoy! Sino ka ba ha? Parehas tayong mga bampira dito!" Bulyaw pa ng isa.
"H-hindi. Hindi. Imposible. Ang si-simbolo sa braso nya. Hindi maari.." takot na takot na sambit ng isang bampira. "Tama na Fred!"
Lumingon si Fred sa kasamahan nya na ngayon nanginginig sa takot. Bigla na lang ito lumuhod at yumuko.
"Lumuhod kayo, Fred, Mil. Magpakita kayo ng galang sa kanya." Balisa sambit nya habang nakayuko pa sya.
"Ano?! At bakit natin gagawin yun?!"
Di na lang nya hinintay ang sagot sa kanya nang agad nya sinugod ang bagong bampira kasama si Mil. Pumikit na lang ang nakayukong bampira at narinig na lang nya kumapos na lang ng hininga ang dalawang kasamahan nya. Nararamdaman na lang nya na nasa harapan na nya ang bagong bampira kaya lalo syang natakot.
"P-patawad, patawad po. " Pakiusap nya habang nakaluhod at nakayuko. "Kamahalan. " mangiyak ngiyak sabi nya. "Kamahalan, gagawin ko po ang lahat basta huwag nyo po akong patayin."
"Kilala mo pala ako?"
Bahagyang inangat nya ang kanyang ulo at tumango sya.
"Opo, kayo po si Haring Dracula. Ang hari ng mga bampira. Nalaman ko po dahil sa simbolo sa inyong braso."
"Kanino ka kamag-anak?"
"P-po? Ah ah eh..sa aking ama at sya din naging tagapagsilbi sa inyo noon na si Trent Dencio po. Ako po ang kanyang nag-iisang anak, Ralf Dencio, kamahalan" tugon ni Ralf.
"Dalhin mo ako sa kanya."
Natahamik naman si Ralf. Napalunok muna sya bago sya nagsalita.
"P-pero matagal na po syang pumanaw dahil pinatay sya ng mga tao noon. Kaya po gumaganti ako ngayon sa mga
tao, kamahalan." Saad nya.
Nagkamao ang mga kamay nya kapag naalala nya kung pinatay ang mga tao ng kanyang ama. Laking galit nya sa mga tao hanggang ngayon.
"Sino namumuno sa inyo ngayon?"
"S-si Von Leris po."
-
Sa kabilang dako, may isang grupong na bampira na naninirahan sa kabilang gubat na malayo naman ito sa kaharian ng Erisso. Itong grupo na ito ay pinumunuan ni Von Leris. Sa oras na iyon ay nagpapakasaya si Von kasama ang iba pang kaibigan nya. Napahinto ang kasiyahan nila nang makitang tumatakbo ngayon ang isa sa kanang kamay ni Von.
"Pinuno. Pinuno. May kailangan nyo makita." Natatarantang saad nito sa kanya.
Nakakunot ang noo ni Von. Pinuntahan nya na lang at nakikita nya maraming bampira na nagkukumpulan. Nagsitabi ang mga ito nang dumating sya. Kita nya na si Ralf at isang bampira na nakabalabal na nakatakpan ang mukha nito.
"Pinuno."
"Ralf, nasaan na ibang kasamahan mo?" taka nya at napansin nya wala yung tatlong kasamahan nito. "Sino ka naman?" Maangas nya tanong sa bagong kasama ni Ralf.
Matalim ang tingin ni Dracula kay Von dahil sa pagpapakita ugali sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Ralf sa maangas na pinapakita ni Von.
"Pinuno, paumanhin pero huwag nyo pagsalitaan na ganyan sa kanya. Di nyo lang alam kung sino sya." Mahinahon sambit ni Ralf sa kanya na sinusubok nya pakalmahin si Von.
Napangisi si Von sa sinasambit ni Ralf.
"At bakit naman? Ako naman pinuno ng bampira sa grupo na ito."
"Pinuno, kasi-"
Naputol ang sasabihin ni Ralf nang nagsalita ang bagong kasama nya.
"Luhod."
"Ano?" taka ni Von.
"Ang sabi ko. Luhod." Diin ang sabi nito.
'Aba di nya ba alam kung sino nasa harap nya ngayon.' Sa isip ni Von.
Di nya akalain na may uutos sa kanya samantala isa nga syang pinuno. Tahimik lang ang mga bampira habang pinapanood lang nila ang mga nangyayari. Pero ramdam nila ang kakaibang presensya ng bagong kasama ni Ralf kaya ayaw nila makialam. Biglang tumawa na malakas si Von.
"Nagpapatawa ka yata. Bakit ko naman susunod sa utos mo? Isa ka lang dayo sa teritoryo namin."
Mas lalong kinakabahan si Ralf.
"Pinuno, sya ang hari ng mga bampira, si haring Dracula." Diretso nyang sambit.
Nagulat ang mga bampirang kasamahan nila sa saad ni Ralf. Ngunit nanatiling tahimik at walang ekspresyon ang sinasabing hari. Nawala ang tawa ni Von.
"Ano? Tama na yan. Ayokong marinig mga walang kakwentang dahilan mo dahil ako pa rin ang masusunod dito. Ka-"
Ilang saglit lang, pinatay agad ng hari si Von. Kaya laking gulat ang mga bampira sa bilis na pangyayari.
Tinapon ng hari ang ulo ni Von sa tabi habang nanatiling malamig ang ekspresyon nya.
"Mga walang galang talaga." Sambit nito.
Nanginginig na tinuro ng isang lalaking bampira sa kanya.
"A-ang simbolo. Ang simbolo ng hari ng mga bampira sa kanyang braso. Totoo sya nga yun!"
"KAMAHALAN! NABUHAY NA ANG MAHAL NA HARI. SI HARING DRACULA!"
Nagsiluhuran ang mga bampra sa hari. Tinignan ni Dracula sa kanila habang malamig ang ekspresyon sa mukha nya. Ngayon magsisimula na nya ang kanyang paghihiganti.

Komentar Buku (57)

  • avatar
    Jane Viernes

    so beautiful story

    11d

      0
  • avatar
    Kyle James

    i love story

    21d

      0
  • avatar
    Karen Arid

    i love it

    21/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru