logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Chapter 5
Dreams
Josephine's POV
*Dream*
Nasaan ako? Di ako familiar sa lugar na ito. Bakit nandito ako? Madilim, mainit at tanging nakasinding lampara lang ang nagsisilbing liwanag rito. Lumakad ako sa mahabang daanan parang nasa loob ako ng lumang palasyo. Walang katao tao pa rito. Hanggang sa may narinig akong ingay sa isang kwarto. Hindi basta ingay kundi sigaw ng lalaki.
"AAAHHH!!! AAAHHHH!!!!"
At may narinig pa ko tunog ng latigo. Ano kaya nangyayari sa loob ng kwarto? Nanginginig ang aking kamay habang dahan dahan kong binubuksan ang pintuan. Napatakip ang aking bibig nang makita ko kung ano nasa loob. Meron isang lalaki nakakadena ang mga kamay at mga paa niya pati rin sa leeg nya. Duguan at pinagpatuloy yung isang kawal ang paglalatigo sa likod ng lalaki. Pero ano ba ito napuntahan ko? At bakit ganun? Parang pumipiga ang puso ko sa nakita ko lalo na yung lalaking nakadena.
"Kamahalan..."
Lumingon ako doon sa umiiyak na babae na nakadena din ang mga kamay nya pero bantay sarado sya ng dalawang kawal. Blurry yung tingin ko sa mukha ng babae. Sino kaya sya? Binalik ko ang atensyon ko sa pinagpapatuloy pa ang pagpapahirap sa lalaki. Kamahalan?
"AAAAHHHH!!!!"
Dahil hindi ko kayang mapanood pa, sumigaw na ako sa kanila.
"Tama na!!! Itigil nyo iyan!!!" sigaw ko. Pero parang di ako naririnig ng mga kawal at pinagpapatuloy pa pagpapahirap sa lalaki.
"Pakiusap, tama na." naiiyak na sambit ng babae.
"Bakit pa nabubuhay yung mga nilalang katulad nyo?!" sigaw ng kawal saka tumigil na sya paglalatigo nya.
Dahil hindi ko matitiis, sinugod ko yung kawal pero tumagos ako sa kanya na kinagugulat ko. Parang isa lang ako multo rito. Di ko namalayan na umiiyak na ako habang pinapanood ko ang pagpapahirap nila sa lalaki. Sobrang sakit nararamdaman ko ngayon. Laking gulat kong umangat ang ulo ng lalaki at nakatingn sya sa akin. Di ko masyado na kilala yung mukha nya dahil na rin punong puno ng dugo at sugat. Maliban lang sa mga mata nya. Parang familiar sa akin yung mga mata nya.
"Amore..." mahinang sambit nya.
*Dream end*
Napadilat ako at nakita ko yung kisame na kwarto. Tinignan ko yung nasa paligid at nakita kong mahimbing na natutulog ng magkapatid. Panaginip. Napabangon ako at di ko namalayan na umiiyak ako na walang dahilan. Sino ang mga tao na yun?
-3 days later
"Sabi ko sa iyo na magpahinga ka muna, Mira. Baka mabinat ka pa bata ka. Hay naku." Naiiritang sambit sa kanyang kapatid.
Nagpanguso naman si Mira sa kuya nya. Napatawa naman ako kasi ang cute niya kapag ginawa niya yun.
"Hayaan mo na. Magaling na naman si Mira."
"Oo nga, kuya, magaling na ako. Kaya ko na nga tumalon eh." Sabi nya habang patalon talon sya sa harap ng kuya nya.
Napailing na lang si Romel sa kanya pero alam ko na masaya na nakikita nya na gumaling na si Mira.
Kahit gabi na ay marami pa rin namimili rito. Pasalamat na lang at gumaling na rin si Mira kaya balik masigla na naman sya. Habang may pinipili kaming bibilhin ng prutas ay parang may nararamdaman kong may nagmamasid sa akin. Tinignan ko agad ang paligid pero wala naman ako nakita.
"Ate, bakit po? Anong hinahanap mo?" Taka ni Mira sa akin habang hawak nya ang mansanas.
"Ah.. Wala naman. Akala ko may tumatawag sa akin" Palusot ko.
"Ang mga mamayanan ng Erisso!"
Tumigil kami nang may sumigaw na isang kawal. Ano na naman yun? Dahil doon ay nagkagulo yung mga tao rito at nagsisibulungan sila.
"Kuya, di kaya-"
"Oo, may nahuli na naman sila." Tugon ni Romel.
"Ng ano nahuli nila?" taka ko.
"Isang bampira."
"Bampira?" gulat ko.
Di ko alam pero namadali akong pumunta sa nagdaragsa.
"Sandali lang, ate, Hintayin mo kami." Rinig ko kay Mira na sumunod na sila sa akin.
Kita namin mga higit sa 20 ang mga kawal at may isang nakakadena at nakaluhod na lalaking bampira. Pumunta naman sa harapan na parang isang opisyales.
"Nandito na naman kami dahil isa na naman bampira ang nahuli namin. Pumatay sya ng 10 biktima nya. Iba sa kasamahan nya ay tumakas at yung iba ay pinatay agad namin." Saad nya na kinagulat ang lahat at nagsimula na magalit ang ilan.
"Napakawalang hiya nya!"
"Patayin nyo na yan!"
"Halimaw talaga!"
"Walang awa sa mga inosente."
"Patayin na yang hayop na yan!"
Nakagulo na yung mga tao rito. Ang iba ay pinagbabato kung ano-ano sa bampira. Laking gulat namin nagsalita ito.
"Mga walang utang na loob! Balang araw babayaran nyo ginawa nyo sa amin." Tumawa sya na mahina. "Dahil babalik sya... nararamdaman ko nababalik sya para papatayin kayong lahat dahil wala kayo utang na loob!"
Sino kaya tinutukoy nya na “sya”?
"Tumahimik ka!" bulyaw ng kawal pero di tumigil sa pagsasalita yung bampira.
"Kayo mga hangal. Luluhod kayo sa kanya para makaawa kayo. Pero mas maigi kung patayin na lang kayo."
Tumawa ng malakas ang lalaki.
Laking gulat na lang namin pinagutan nila ang ulo ang lalaki sa harap ng maraming tao.
"Mira."
Tinakpan agad ni Romel ang mga mata ni Mira dahil brutal naging nangyari. Pinaligpit agad ng mga kawal ang katawan ng bampira at nagbigay pa sila ng paalala na mag-ingat kami lalo na sa pagsapit ng malalim na gabi na wala nang katao tao sa bayan o kahit sa labas ng kaharian. Niyaya ko na lang umalis kaming tatlo. Ewan ko ba kung bakit biglang pumasok sa isipan ko yung pinapanaginip ko.
"Amore"
Parang nanlamig ang buong katawan ko. Yung boses na yun.
"Nolite timere, amore"
Paglingon ko sa isang eskinita may isang lalaking nakaitim na hood na nakatayo sa madilim na parte. Bigla syang umalis. Agad ko naman sinundan sya. Malakas ang tibok ang puso ko. May mga tanong gusto ko malaman. Hanggang sa pagliko ko, nawala sya na parang bula.
"Ate, saan ka pupunta?" rinig kong sambit ni Mira na sinundan pala nila ako.
"Ate, may problema po ba?" Nag-alalang sambit ni Romel sa akin na hinihingal pa sa pagtakbo papunta sa akin.
"Wala. Akala ko... hay huwag nyo na lang problemahin." nalilitong sambit ko.
"Pagod lang yan at baka nabigla ka lang sa nakita mo kanina. Halika na, uwi na tayo." Yaya ni Romel at binitbit nya yung dala kong prutas.
Masasabi kong madaling araw na at hanggang ngayon di pa akong nakakaramdam ng antok. Malakas ang pakiramdam ko na may kakaiba talaga dito na lugar na ito. At sino lalaki iyon kanina? Sya kaya nagtawag sa akin na 'Amore'? Sa kakaisip ko namalayan ko na lang na nakatulog na ako.
*Dream*
"Amore"
"Amore"
Pagdilat ko ng mga mata ko ay nagulat pa ako dahil may isang lalaki nakaibabaw sa akin. Pero blurred ang tingin ko sa kanya. Makisig ang pangangatawan nya at itim na mahaba ang buhok nya. Hinipo nya ang pisngi ko. Napakalamig. Pero di ko alam kung bakit ako naluluha na parang gusto ko syang yakapin.
"Quit clamoris, amore. Tandem unum sumus." Mahinahong sambit nya kahit di ko maintindihan ang kanya sinasabi.
Na realize ko na nakahubad kaming pareho. Dapat ako sumigaw at matakot baka kung ano ang gagawin nya sa akin pero bakit komportable ako sa kanya. Sino ba talaga sya? Sa di inaasahan, hinalikan nya ako sa labi. Malambot at malamig ang kanyang labi. Dahan dahan at hindi marahas. Nang matapos, hinahabol ako ng hininga.
"Amore."
Hinalikan nya ako sa leeg hanggang sa aking dibdib. Napa-ungol ako bigla. Hindi. Hindi ito tama. Di ko sya kilala. Hinalikan nya ulit ako sa labi. Pero tumigil sya at tumingin sya sa akin sa mga mata ko. Gusto ko sya itanong kung bakit, paano, at ano talaga pero parang paralisado ang aking bibig.
"Malapit na tayo magkita, Amore."
*Dream end*
Napabangon at hingal na hingal ako. Kinapa ko pa ang sarili at bumuntong hininga ako. Panaginip na naman. Sino ba talaga sya?

Komentar Buku (57)

  • avatar
    Jane Viernes

    so beautiful story

    11d

      0
  • avatar
    Kyle James

    i love story

    21d

      0
  • avatar
    Karen Arid

    i love it

    21/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru