logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Chapter 4
Vampire King
Josephine's POV
"Achoo!"
"Mira, uminom ka nito."
Binigyan ni Romel ng halaman gamot kay Mira. Dalawang araw na syang nagkasakit kaya nag alala kami para sa kanya.
"Ang pait." Angal nya sabay humiga ulit sya.
Bumuntong hininga na lang si Romel at niligpit nya yung ininom ni Mira. Hinawakan ko ang kanyang balikat nya at sumenyas ako na labas na kami ng kwarto para makapagpahinga si Mira.
"Ate, kailangan ko muna magtrabaho para makabili ng gamot nya. Pwede po bang bantayan nyo muna sya?" tanong ni Romel.
“Oo naman. Magluluto na lang ako ng lugaw para makakain sya mamaya kahit pa paano." Sabi ko.
Mabilis syang nagbihis at binitbit nya yung mga dadalhin nya sa trabaho. Pumasok muli sya sa kwarto at lumapit sya kay Mira para magpaalam.
"Mira, si ate Josephine muna magbabantay sa iyo. Magtatrabaho muna ako para makabili ako ng tamang gamot mo."
Tumango na lang si Mira saka nagpaalam na sya sa akin bago sya’y umalis na tuluyan. Nagluto na lang ako ng lugaw para sa ganon makakain ng konti si Mira.
"Mira, kaya mo bang kumain ng lugaw?" tanong ko sa kanya habang hinawakan ko yung noo nya. Naku, mainit pa rin sya.
"Kakayanin ko po." Mahinang sambit nya habang nakahiga pa sya.
Pumunta ako sa kusina para ihanda ng makakain niya. Hangga’t nandito pa ako tutulungan ko muna sila. Nung sumapit na ng hapon, hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa sobrang antok ko. Tinignan ko si Mira sa tabi ko at hinipo ko ulit yung noo nya kung may lagnat pa sya.
"Mira? Bakit napakainit mo ngayon?" tarantang ko.
Mabilis kong nilagay ng basang basahan sa kanya noo. Pero kung may Paracetamol o Antibiotic lang, sigurado gagaling sya agad. Alalang alala ako sa kalagayan nya ngayon. Di yata sapat yung pinainom namin sa kanya ng halamang gamot. Balak ko na sana buhatin sya para dalhin sya sa bayan nang may narinig akong yabag sa loob ng bahay.
"Ate? Ano nangyari kay Mira?" Tanong ni Romel na kakapasok lang nya sa bahay.
"Lalong tumataas yung lagnat nya. Ginawa ko na lahat pero hindi pa humuhupa yung lagnat nya. Kailangan na natin dalhin sya sa bayan." Natatarantang sabi ko.
Umiling sya.
"Hindi natin kakayanin magbayad sa manggagamot o bumili ng mahal na gamot." Naluluhang saad nya.
"A-ano? Paano yun? Paano na si Mira?"
Napaisip sya. "May isa pang paraan. Pero delikado para sa atin kung pumunta tayo sa lugar na yun." Saad nya.
"At saan naman iyon?" tanong ko.
"Sa Bundok Revina."
-
Di na kami nagsayang na oras pa. Dinala muna namin si Mira sa kakilala ni Romel na si Aling Felia para may magbabantay sa kanya habang wala pa kami. Estimate ko mga isang oras kaming naglalakbay papunta sa bundok Revina na kung saan doon daw may isang halamang gamot para sa katulad sa sakit ni Mira. Gamit namin yung kalesa na hiniram ni Romel sa kakilala nya.
"Dito na tayo." Sabi ni Romel nang humito na kami.
Kwento nya ang Bundok Revina daw ay isa sa nakakatakot puntahan ng mga naglalakbay. Dahil daw may dala ng sumpa kung sino man pumunta sa bundok. Oo nga, nakakatakot yung itsura ng lugar na ito. Parang nasa horror movie kami kaya tumataas yung balahibo ko. Dagdag pa nya ang sinasabing halamang gamot ay binebenta ito ng mahal sa bayan. Kung may sumpa man o wala, ang mahalaga ay maigamot namin si Mira. Pagbaba sa kalesa ay nakita namin may kuweba sa di kalayuan sa puwesto namin.
"Doon ba sa loob ng kuweba yung halaman na yun?" tanong ko sa kanya habang dala ko ang lampara.
"Opo. Kailangan natin madali."
Sa pagpasok namin sa loob ng kuweba ay tumataas yung balahibo ko dahil hindi ko alam kung bakit. Di dahil sa takot kundi parang may puwersa na humila sa akin sa loob ng kuweba. Medyo mahaba din yung nilakad namin.
"Ayan na yung dulo." Saad nya.
Nang makarating kami sa dulo, maraming halamang nakatanim sa paligid. Sabi nya kanina yung halaman na yun may maliliit at kulay blue yung bulaklak kaya yun yung hahanapin namin.
"Hanapin na natin." Sabi ko sabay hanap na rin yung halaman.
Ilang minuto lang sa paghahanap namin ng halaman, may napansin ako sa bandang kaliwa ko. Teka, ito kaya? Sinuri ko mabuti baka ito nga. Kumuha ako ng konti para ipakita ko kay Romel.
"Romel, may nakita ako rito baka i-AHHHH!!!"
"ATE!" rinig kong sigaw nya.
Aray. Palapit na sana ako kay Romel na bigla na lang ako nahulog. Kaasar may trap pala dito sa kuweba. Mabuti naman di ako nasugatan pero di ko kayang iakyat doon sa lagusan.
"Ate? Ayos ka lang ba?" Nag-alalang tanong ni Romel nang sumilip sya dito sa baba ng binagsakan ko.
"Oo! Huwag kang mag alala ayos lang ako."
Pero masakit yung pwet ko dahil sa pagkabagsak.
"Kukuha lang ako ng lubid sa kalesa. Babalik agad ako."
Umalis agad sya para kumuha ng lubid. Mabuti naman at dala ko pa yung lampara na di naman nabasag. Lalong ako natakot baka magkatotoo yung sa mga horror movies napapanood ko. Huwag naman sana. Sinuri ko yung paligid para sakaling may daanan palabas pero sa pagsusuri ko dito sa loob ay ganun na lang laking gulat ko.
"Kabaong?"
Bakit may kabaong dito? Naku, mas lalong ako natatakot ngayon. Dahan dahan akong lumapit. May mga kakaibang simbolo na nakaukit yung kabaong. Pero bakit ganun? May kakaibang nararamdaman ko na di ko maipaliwanag kung bakit. Ano kaya nasa loob nito? Dahan dahan kong binuksan yung kabaong.
"AHH!!" Sigaw ko na makita ko yung nasa loob.
Isang bangkay nga. Itsura ng bangkay ay hindi pa yung totally na kalansay parang natuyo ito. Mukhang lalaki ito base sa kasuotan pero bakit dito pa nila tinago o nilibing sa kuweba? Namalayan ko na nakatitig pala ako sa bangkay. Bakit nakaramdam ako ng lungkot at awa rito? May nakita akong makintab na bagay na nasa kamay nito. Parang isang kwintas. Sa pagkuha ko ng kwintas sa kamay nya, biglang nasugatan yung daliri ko dahil sumagi sa isang matalim na kuko. Malalim yata yung sugat kaya siguro nagdugo. Ano ba yan. Tinignan ko yung nakuha kong kwintas. Isang ruby gem necklace. Napakaganda.
"Ate, nadyan ka pa?!"
Napalingon ako sa likod nang marinig kong sigaw ni Romel.
"Oo andito pa ako." Sabi ko sabay tago ko yung kwintas pero bago ako makalayo lumingon muna ako sa bangkay. Parang may humihila sa akin na mag-stay ako rito sa tabi nya pero kailangan ko talaga umalis na para makabalik na kami.
Nang makakuha na kami ng halamang gamot ay tinanong ako ni Romel kung ano nangyari sa akin sa ilalim yun pero di ko na lang sinabi tungkol sa nakita kong kabaong. Sinabi ko na lang na maraming bato at wala naman nakatirang mababangis na hayop. Basta may kakaiba talaga don sa kabaong na iyon. Pagkalabas namin sa kuweba ay bigla na lang may sumalubong sa amin ng mga lalaki.
-
Third Person's POV
-Few minutes ago
Nang masugatan si Josephine sa daliri, di nya namalayan na tumulo ang kanyang dugo sa bunganga ng bangkay. At sa pag alis ng dalaga, di nya napansin na gumalaw ang buong katawan nito.
-
Josephine POV
Teka bakit nandito si Greg?
"Paano-"
"Sinundan namin kayo nung pag alis nyo, binibini, sa ganda mo di ka na dapat gumabi at pumunta sa lugar na
ito." Ngumisi sya sa akin.
"Ano ba kailangan nyo? Pwede ba tantanan nyo kami." Nagagalit kong sambit sa kanila.
Pero deep inside, natatakot ako sa mga mangyayari sa amin ni Romel.
"Alam na kung ano yun."
"Pera? Mga gahaman nga kayo!" sigaw ni Romel sa kanila.
"Sinabi ko na dati sa binibini na sya na lang ang magiging kabayaran sa mga utang nyo."
"Ano? Hindi. Hindi nyo gagawin inyo."
Tumawa lang si Greg.
"Sapilitan na lang gagawin namin." Sabi nya sabay senyas nya sa mga kasamahan nya.
Nagulat ako na biglang sumugod si Romel at agad nyang nilabanan yung tatlong lalaki pero dahil marami sila alam ko di nya kakayanin.
"Romel!" Sigaw ko nang makita kong pinagbubugbog na nila.
Humarang agad ito si Greg nang malapitan ko sana sa kinaroroonan ni Romel.
"Ang sama mo." Sabi ko na napupuno na ako sa kanya.
Sa galit ko, sinampal ko sya na kinabigla nya pero bigla nya ako sinuntok na malakas kaya natumba ako sa lupa. Hinipo ko yung pisngi ko sa sobrang sakit at nalasahan ko yung dugo ko sa labi.
"Ate." Nanghihinang sambit ni Romel na pinadapa sya.
Sinabunutan ako ni Greg at nilapit nya yung mukha ko sa kanya. Ngumisi ito na nakakaloko pa.
"Gusto ko yan palaban." Sabi nya.
Sinakal nya ako na napakahigpit. Sinubukan ko makawala pero di ko kaya.
"Ate!"
"AAAHHHH!!!!"
Nabigla ang lahat sa may sumigaw kaya sa ganun ay binitiwan ako ni Greg. Hingal na hingal ako. Laking gulat na lang namin na makita na may isang lalaki na kinagat nya sa leeg sa isang kasamahan ni Greg. Isang...isang bampira! Nang siguradong naubusan nya yung dugo ay tinapon nya yung biktima at punung puno ng dugo sa kanyang bibig at pulang pula ang mga mata nya. Mahaba at itim na buhok. Mahahabang kuko. Punit na punit ang kanyang damit. May ilang parte sa mukha nya na parang naagnas pa.
"I-isang bampira?!" Sigaw ng isang lalaki.
Sa isang iglap lang, pinagpapatay nya yung mga kasamahan ni Greg hanggang si Greg na lang natira na nanginginig ngayon sa takot. Tumakbo sya na mabilis para makatakas pero nasa harapan nya agad ang bampira.
"Hu-huwag. Pakiusap. Bibigyan kita ng kahit ano maski pera. Huwag mo lang a-ako papatayin." Nanginginig habang nagmamakaawa sya.
Pero kinagat agad sya ng bampira sa leeg. Sumigaw sya pero di tumigil ang bampira sa pagsipsip ng dugo nya.
"A-ate..."
"Romel. Ayos ka lang?" Tanong ko habang tinulungan ko sya tumayo.
"A-ano na gagawin natin?" Natatakot na tanong nya sa akin.
Di ko sya sinagot sapagkat nanginginig ang katawan ko sa takot pero may kung ano pang nararamdaman ako na di ko maintindihan. Baka kami na susunod mabiktima ng bampira.
Nang matapos ang bampira kay Greg na alam namin patay na sya, tumingin ito sa direksyon namin. Nagkataon nagtama ang mga mata naming dalawa. Ha? Bakit... bakit ganun? Parang may humihila sa akin papunta sa kanya? Dahan dahan syang lumapit sa amin hanggang sa huminto sya sa harapan ko. Tahimik lang ang bampira habang nakatitig sa akin.
"Impossibilis." Sabi nya na parang ibang lenggwahe ginamit nya.
Hinipo nya ang aking pisngi, kung saan sinuntok ako ni Greg, na sanhi na tumaas bigla ang mga balahibo ko. Napakalamig yung kamay nya. Dinaan nya yung labi ko kung saan may sugat. Gamit ang daliri nya ay pinahid nya yung konti dugo sa sugat ng labi ko. Dinilaan nya ito habang nakapikit sya.
"Meus amore." ungol nya.
Sumigaw sya ng malakas na kinabibigla namin hanggang sa nawala sya bigla na parang bula.
"Na-nawala sya." mahinang saad ni Romel.
Di ko alam kung ilang minuto ako na shock at naguguluhan sa mga nangyayari. Lumingon ako kay Romel.
"A-ang mabuti pa umalis na tayo." Mahinang sambit ko.
Tumango na lang sya at umalis na kami sa lugar na yun.
-
Third person's POV
Habang pauwi sina Josephine at Romel, di nila namalayan na sinusundan sila ng bampira kanina. Hinding hindi nya nakakalimutan ang napakabango ang amoy ng dugo ng dalaga. Di sya makapaniwala ang kanyang Amore ang bubuhay sa kanya. Nagtataka sya kung bakit at paano nangyari iyon. Kailangan nya ang mga sagot sa mga katanungan nya. Pero hindi pa rin nawawala ang kanyang galit sa mga nagtrayidor sa kanya. Nawala na ang lahat sa kanya noon kaya ngayon gaganti sya sa kanila. Pero kailangan nya muna protektahan ang kanyang Amore.

Komentar Buku (57)

  • avatar
    Jane Viernes

    so beautiful story

    11d

      0
  • avatar
    Kyle James

    i love story

    21d

      0
  • avatar
    Karen Arid

    i love it

    21/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru