logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Dracula's Beloved

Dracula's Beloved

Armagendon


Chapter 1

Chapter 1:
Cinderella
Josephine's POV
Year 2019
"Josephine! Josephine! Nasaan na yung susuotin namin?! Bilisan mo at matatrapik na naman kami dahil sa iyo!" rinig kong sigaw ng stepmother ko sa baba habang nagpaplantsya ko pa yung mga susuotin nila.
"Hoy, tapos na ba?" mataray na tanong ni ate Celine, stepsister ko.
"Tapos na, ate, pati kay ate Maddy at kay ma'am Ida." sabi ko saka binigay ko sa kanya yung mga susuotin nila.
"At saka mamaya pag uwi mo, ikaw na gagawa ng mga projects namin ni Maddy. May party kami pupuntahan mamayang gabi so matatagal kami pag uwi, ok?"
'Heto na naman sila.' Sa isip ko lang. Aawayin nila ako pagtinanggihan ko.
"Ok, ate."
Pag-alis nya sa kwarto ko saka ako nagbihis para pumasok sa school. Magkaibang pinapasukan namin ng school kaya kailangan nilang mas maaga silang papasok. Tinignan ko sarili ko sa salamin para mag ayos sa sarili. Ako nga pala si Josephine Deras. !9 years old. Ulila na ako sa magulang. Ang papa ko ay namatay dahil sa sakit ng cancer samantalang iniwan ako ng totoong kong ina nung sanggol pa ako. Nung 13 years old ako, nag asawa ulit si papa which is si ma'am Ida. Sa una, mabait sila sa akin pero nung namatay si papa ay ginawa nila akong instant katulong sa kanila dito sa bahay. Di naman kaming mayaman o mahirap pero nagfi feeling mas mayaman yung tatlo. Kahit gusto kong sanang umalis dahil di ko matiis yung pinagpapagawa nila sa akin, eh saan naman ako titira at wala naman ako pera. So nag decide ako na mag part time job sa fast food restaurant para makaipon ng pera at pambayad sa mga panggastos sa school. Pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ko yung tatlo.
"Josephine, paglabas mo sa bahay paki lock na lang yung pinto. Aalis na kami." Bilin ng stepmother ko.
"Opo, ma'am Ida."
Ma'am ida tinawag ko sa kanya dahil sabi nya di niya naman akong anak nya kaya bakit ko daw sya tatawagin na 'mama'.
"At pakihugas na lang yung pinagkainan namin. Let's go girls. Baka ma late pa kayo."
Iniwan nila ako mag isa sa bahay na iniwan pa nila yung pinagkainan nila sa table. Bumuntong hininga ako. Di na ako nagtataka pa. May oras naman kaya nilinis ko muna bago umalis sa bahay. Sina ate Maddy at ate Celine ay nag aaral sila sa mamahaling university samantala ako naman ay nag aaral sa di kilalang college pero scholar naman ako kaya nagpapasalamat ako na walang gaano ginagastos. Nasa 3rd year college na ako at BSBA ang kinuha kong kurso. Kung may kotse sina ate, ako naman nagba bike lang. Pagdating ko sa school, naghihintay sa akin ang makulit kong best friend na si Hanna.
"Kanina ka pa nandito?" tanong ko habang kinakadena ko yung bike.
"Di naman. Don't tell me madaming pinapagawa sa iyo ng evil stepmother mo no? Kaya medyo mukha kang haggard ka ngayon. Sabi ko sa iyo pwede ka naman sa amin tumira eh."
Napangiti ako sa kanya. Mula elementary hanggang college mag best friend na kami pero nakakahiya naman kung pumayag ako na mag stay sa kanila. Lalo pa alam kong medyo gipit din sila ngayon.
"Huwag na. May ipon na rin ako para mag rent ng bedspace sa darating na summer."
Pumapalakpak sya sa saya
"Tama yun para makalayas ka na sa mga bruha na yan."
Napapailing ako sa sinabi nya.
"O sya tama na yan. Halika na nga magre review pa tayo sa quiz natin mamaya." Sabi ko saka sabay na kami pumasok sa school.
-12 noon
"Ok class, that's all for today. And don't forget your essay tomorrow." Paalam ng prof namin bago sya umalis sa room.
Habang nag aayos ako ng mga gamit, kinalabit ako ni Hanna.
"Josephine, halika mag ice cream tayo sa 7/11. Libre kita."
"Huh? Huwag na may gagawin pa ako." Tanggi ko.
Umikot ang mga mata nya sa akin.
"Halika na, minsan lang kita ililibre. At saka day off mo ngayon di ba?. Sige na. Please?" pakiusap nya na nagpapa-cute pa sya.
Ang kulit naman ito. Pero pinipigilan ko lang tumawa dahil sa itsura niya.
"Sige na dahil makulit ka kasi." Biro ko.
Dumeretso kami sa 7/11 para kumain ng ice cream. Nang matapos kami kumain at palabas na kami sa store, may nakita kaming matandang manghuhula sa tabi ng guluyan dito.
"Bes, magpahula kaya tayo sa kanya." Yaya ni Hanna kaya napakunot-noo ako sa kanya.
"Ayoko. Di naman totoo mga hula na yan at pera lang naman kailangan dyan."
Napanguso at nag crossed arms siya.
"O sige edi ako na lang. Malay mo baka dumating na yung Mr. Right ko."
Agad siyang lumapit sa manghuhula kaya sumunod na lang ako sa kanya para alamin kung ano sasabihin ito sa kanya. Umupo na lang ako sa gilid habang hinihintay ko siya matapos. Ilang minuto pa natapos na rin sila.
"OMG, friend. Baka totoo nga sabi ng manghuhula sa akin." Sabi ni Hanna nakilig na kilig sya.
Tinaas ko ang kilay ko sa kanya.
"Anong sabi niya sa iyo?"
"Matatagpuan ang Mr. Right ko sa school natin, bes. Naku sino kaya yun?"
Patuloy nya ikiwento yung sinabi ng manghuhula sa kanya. Niyaya ko na sana siya umuwi na kami nang may tumawag sa amin.
"Sandali mga hija."
Yung babaeng manghuhula.
"Bakit po?" taka ko.
Tumingin siya sa akin ang manghuhula na parang inobserbahan nya ako kaya nagtataka naman ako.
"Ikaw, hija. Ayaw mo talagang malaman kung ano ang magiging kapalaran mo?" tanong nya sa akin.
"Pasensya na po pero hindi po ako naniniwala sa mga hula eh." Pagtapat ko sa kanya pero ngumiti siya sa akin.
"Pero may nakikita na akong kung ano ang magiging kapalaran mo base sa nakikita kong vision. Wala naman bayad sa pagpapahula ko sa inyo."
"Oo naman bes, wala naman bayad yung pagpapahula sa kanya. Kaya sige na bes. Isang beses lang naman ito. Pagbigyan mo na yung matanda." Pakiusap naman ni Hanna.
"O-ok papayag na po ako."
Niyaya ako ng matanda sa pwesto nya. Ngayon, nakaharap kaming dalawa habang hinawakan niya ang mga palad ko.
"Anong nakikita nyo po sa akin?" tanong ko sa kanya.
Kita sa itsura ng matanda na pagkaseryoso niya habang sinusuri nya ako.
"Marami kang madadaang pagsubok bago mo makuha inaasahan mong kaligayan. At para malapasan mo ang mga pagsubok ay may isang taong makikilala mo at siya ang makakatulong sa iyo."
Kumunot ang noo ko.
"Yung tao na yun kilala ko po ba siya?"
Umiling ang matanda.
"Sa ngayon, hindi pa pero malapit na."
Ok? Naguguluhan tuloy ako.
"Kung ganun, maari ko bang malaman kung sino sya?"
Umiling ulit sya.
"Paumanhin pero hindi ko alam ang kanyang pangalan. Pero binata sya at makikilala mo sya sa madilim na lugar. Magaganap iyon kapag kabilugan ng buwan."
Binata? Nasa madilim na lugar? Nagulat naman ako nang biglang tumawa ang matanda.
"Hija, alam kong naguguluhan ka sa sinasabi ko sa iyo. Pero huwag kang mag alala. Wala naman ako nakikitang masamang pangitain sa iyo. Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko sa vision ko. Biglaan kasing magpapakita ito sa akin."
Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Ok lang po yun. Atleast sinabihan niyo rin ako."
Pagkatapos ang paghuhula sa akin ay sabay na kaming umuwi ni Hanna. Nung gumabi na at natapos ko na yung dapat kong gawin sa bahay at yung mga project nina ate Celine at ate Maddy. Mabuti naman at wala pa silang tatlo dahil nasa party. Humiga na ako habang nakikinig ng radio. Pumikit ako at naalala ko naman yung sinabi sa akin ng manghuhula.
"Ang ibig sabihin ng manghuhula ay makilala ko ang lalaki na yun kapag nagkabilugan ng buwan at nasa madilim na lugar pa yun? Sino kaya tao na iyon?" tanong ko sa sarili ko.
Siguro nga imposible naman. Kaya nga hula eh. Ang mabuti pa matulog na lang ako.

Komentar Buku (57)

  • avatar
    Jane Viernes

    so beautiful story

    11d

      0
  • avatar
    Kyle James

    i love story

    22d

      0
  • avatar
    Karen Arid

    i love it

    21/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru