logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

"You can now close your mouth." natatawang sabi niya.
"Kilala mo siya?" bulong sakin ni Kath na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Kailan ba dadating ang panahon na hindi na kita makikita?" nanlulumong tanong ko na nagpahalakhak sakanya.
"The answer of that question would be never. I'll make sure that you will stuck with me, Ms. Algabre." nakangising sabi niya na inirapan ko.
Napailing ako dahil sa sinabi niya. Kung abot ko lang yang ulo mo ay matagal na sana kitang sinabunutan.
"Magsismula na po ba kami, sir?" magalang na tanong ko sakanya.
"Pwede na kayong magsimula." walang emosyong sabi niya kay Dianne at Kath na nasa likod ko.
"Okay, sir!" aktibong sabi ni Dianne.
"Saan po ba yung mga kagamitan panlinis?" magalang na tanong ni Kath.
"Manang!" sigaw ni Ryle.
Binigyan ko ng ngiti ang matanda na ngayon ay naglalakad papunta samin. Tumango siya sakin bago siya lumingon kay Ryle.
"Ano iyon iho?" tanong niya kay Ryle.
"Pakituro sa kanilang dalawa kung saan ang mga kagamitan panlinis." sabi ni Ryle.
"Sige po." sabi niya at bumaling siya kila Kath at Dianne. "Sumunod kayo sakin." nakangiting sabi niya at nagsimula nang maglakad.
Agad kaming sumunod kay manang pero napatigil ako nang marinig ang boses ni Ryle.
"Dalawa lang ang pinasunod ko kay manang diba?" tanong ni Ryle na nagpabusangot sa mukha ko.
Iritado ko siyang hinarap.
"Sige, uuwi nalang ako." iritadong sabi ko at nagsimula nang maglakad sa pintuan.
"Meron ba akong sinabi na umuwi ka?" mataray na tanong niya kaya padabog ko siyang hinarap muli.
"Ano bang problema mo." galit kong sabi habang pinipilit ang sarili na huwag sumigaw, baka marinig ako ni Candy.
"Wala naman akong problema. Ikaw, may problema ka ba?" nakangising tanong niya na lalong nagpagalit sakin.
"Oo, ikaw! Ikaw ang problema ko." madiing sabi ko.
Umiling lang siya at lumapit sakin.
"Wag kang lumapit sakin." naniningkit na sabi ko habang nakaturo sakanya pero inirapan niya lang ako at marahas akong hinila. "Ano ba?!" iritadong sabi ko.
Hinila niya ako patungo sa sofa kung saan narinig ko silang nagtatalo ng kaibigan niya kanina.
"Hello." tamad na bati ng kaibigan niya na ngayon ay nakaupo sa sahig habang naglalaro ng video games.
Naka top less lang ang kaibigan niya habang si Ryle ay naka sleeveless. Magulo ang buhok ng kaibigan niya, sakto lang ang taas ng ilong niya. Makapal ang kilay niya. Maskulado rin ang katawan niya at kung titingnan silang dalawa ni Ryle ay mukhang mas malaki ang katawan ng kaibigan niya kaysa sakanya.
Marahas akong pinaupo ni Ryle sa sofa.
"Tangina." mahinang daing ko.
"Behave." madiing utos niya na nagpakunot sa noo ko.
"Ano ako aso?" inis kong tanong sakanya.
Inirapan niya lang ako, tiningnan niya ang damit ko kaya napatingin din ako doon. Hindi pa pala ako nakapagbihis.
"Pwede ba akong magpalit ng damit?" awkward kong tanong sakanya dahil nakatingin pa rin siya sa damit ko.
Hindi ko alam kung nandidiri ba siya sakin o ano kasi walang kahit anong emosyon ang makikita sa mukha niya ngayon.
"Anong damit ang dala mo?"
"T shirt lang at shorts." kibit balikat na sabi ko na nagpakunot sa noo niya.
"Bakit ka magsusuot ng shorts?"
"Bakit hindi? Paglilinis naman ang pinunta ko dito. Wag kang mag alala, sa susunod gown na ang susuotin ko." sarcastic kong sabi sakanya.
"Gago lakas." natatawang sabi ng kaibigan niya kaya iritadong siyang nilingon ni Ryle.
"Shut up, Gio." maawtoridad na utos ni Ryle pero tinawanan lang ito ng kaibigan niya na tinawag niyang Gio.
Bumaling si Ryle sakin, tiningnan niya ako ng ilang minuto bago ako tinalikuran.
"Bakla." mahinang sabi ko dahilan ng paglingon sakin ni Gio.
"Alam mo?" seryosong tanong niya.
Nagulat ako nang makilala ko kung sino siya. Hindi ko kasi masyadong nakita ang mukha niya dahil sa gulo ng buhok niya.
"The great Duke Giovann Perèz?" tanong ko na nagpangisi sakanya.
"Sabi ko na nga ba, no one can forget me." confident niyang sabi.
Nakatira din siya dito? Nanlaki ang mga mata ko at napatakip ako sa bibig ko. So sa iisang bubong nakatira sila Candy, Ryle, at Gio?
Teka.
Baka naman bumisita lang sila Ryle at Gio dito. Baka si Candy lang ang talagang nakatira dito.
Siya si Duke Giovann Perèz. Tawag ng lahat sakanya ay The Great Duke Giovann Perèz. Siguradong si Ryle ang nagbansag sakanya nun, siya lang naman ang pinakacorning tao na nakilala ko. Napakatalino niya pero isa din siyang pasaway. Last year ay bigla nalang siyang nawala, ang sabi ng karamihan ay nag bakasyon lang daw pero hanggang ngayon ay hindi parin siya pumapasok.
Naalala ko pa noon nung nakipag suntukan siya sa isang lalake sa gitna ng flag ceremony. Iniidolo siya ng mga kalalakihan sa University kaya ayun, sinunod siya. Nakipagsuntukan din ang lahat, mga gago.
"So, alam mo na ba?" seryosong tanong niya sakin.
"Ang alin?" taka kong tanong.
Humarap siya sakin at kinabahan ako nang makita ang seryoso niyang mukha.
"Alam mo ang tunay niyang katangian." sabi niya.
Tunay niyang katangian? Muntik nakong matawa dahil sa lalim ng tagalog niya. Alam ng lahat na hindi siya masyadong marunong magtagalog dahil lumaki siya sa States.
"T-totoong bakla siya?" gulat kong tanong sakanya at tumango siya ng tatlong beses.
Nang narinig namin ang tunog ng hakbang ni Ryle ay mabilis siyang bumalik sa pwesto niya kanina habang ako naman ay umayos ng upo. Ewan ko kung bakit parang umaakto kami na may tinatago mula kay Ryle.
"Here." mataray niyang sabi sabay hagis ng isang dress sa tabi ko.
"Ano to?"
"Damit." sabi niya dahilan ng pag irap ko.
"Ang galing mong magpaintindi." sabi ko sakanya.
Isa itong black sleeveless dress, mukhang pangmayan ito. Mukhang aayaw ang dress sa balat ko dahil sa kinang nito.
Pero talagang bakla si Ryle? Napangiti ako sa kalooban ko. Tama ako.
"T-totoo ba talaga?" tanong ko sakanya na nagpakunot sa noo niya.
Syempre, kailangan kong kumpirmahin.
"What?" takang tanong niya.
"Ano kayang magiging reaksiyon ng mga estudyante sa Neurelia University pag nalaman nila na bakla ka." natatawang sabi ko habang nakatingin sakanya.
"What the fuck?! Ako, bakla?!" galit niyang sigaw sa mismong mukha ko.
Mariin akong napapikit sabay hawak sa tenga ko. Parang mabibingi ako dahil sa lakas ng boses niya.
Napatingin si Ryle kay Gio nang biglang tumawa ito.
"Gago, anong sinabi mo?!" sigaw niya kay Gio.
Nagkibit balikat lang si Gio sabay takbo sa hagdan.
"Candy, Ryle is mad at me again!" sigaw niya habang tumatakbo.
Patago akong ngumiti dahil sa sinigaw niya. Tangina, para siyang bata na nagsusumbong sa nanay niya.
"You."
Napalingon ako kay Ryle na ngayon ay walang enosyong nakatingin sakin.
"B-bakit h-hindi b-ba t-totoo?"
Bakit nauutal ako? Malakas akong tumikhim at iniwas ang paningin sakanya. Tangina, bakit kinakabahan ako?
"Akala ko na ay nagkaintindihan na tayo?"
Muli akong napalingon kay Ryle na ngayon ay unti unting lumalapit sakin. Laking pasasalamat ko dahil malaki ang sofa na ito. Mabilis akong lumayo at pumunta sa dulo.
"B-bakit ba? Nagtatanong lang naman ako." kunot noong sabi ko.
Yakap yakap ko ngayon ang tuhod ko habang tinitingnan siya. Mukha siyang leon ngayon na naghihintay ng tamang oras para umatake.
Kinabahan ako ng umiling siya.
"No. I thought I already made it clear to you. Should I do it again, Rachel?" nakangising tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko. Ano? Anong gagawin niya? Babantaan na naman niya ako?
"Umayos ka, Ryle." madiing sabi ko na kinatawa niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makitang ang lapit na niya sakin. Nilagay niya ang isang kamay niya sa likod ko at tinitigan ako. Nang makita kong sobrang lapit na ng mukha niya sakin ay yumuko ako at ibinaon ang mukha ko sa pagitan ng mga tuhod ko.
"Tumigil ka na nga!" iritadong sigaw ko.
Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang baba ko. Itinaas niya iyon hanggang sa magkita ang mga mata namin.
Ilang minuto niya kong tinitigan bago siya nagsalita.
"I would've kissed you right now to prove you wrong, but I feel like it's not right. Instead, I will just kiss your forehead, a sign that I respect you." mahinang bulong niya.
Napatigil ako at napatitig sakanya. Dinig na dinig ko ang bilis ng pagtibok ng puso ko habang tinitingnan siya.
Naputol ang titigan namin ng ayusin niya ang buhok ko. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya at wala akong nagawa kundi ang pumikit at hintayin ang pagdapi ng mga labi niya sa noo ko.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sakin ang seryoso niyang mukha na nakatingin din sakin.
"Weird, I suddenly turn into a man." natatawang sabi niya na ikinangiti ko din.
That's the real definition of man.
A person who respect you not just because he/she loves you, but because you're a person worthy of respect.
Ilang segundo pa kaming nagkatitigan bago pumasok sa isip ko na ang panget ng posisyon namin. Para kaming magjowa na maghahalikan.
"Baby! I'm here!" malakas na sigaw ng isang babae.
Napalingon si Ryle doon kaya kinuha ko na ang opurtunidad na iyon. Malakas ko siyang tinulak dahilan ng pagbagsak niya sa sahig.
"Aray!" daing niya habang nakahiga parin sa sahig.
"S-sorry." nag aalalang sabi ko at tutulungan ko na sana siya pero biglang pumasok sa isip ko ang sinabi at ginawa niya kanina. "Magbibihis muna ako." mabilis kong sabi at naglakad na papalayo sakanya.
Nang nasa malayo nako ay tumigil ako at hinawakan ang dibdib ko. Hinihingal akong napatingin sa kawalan. Biglang pumasok muli sa isip ko ang nangyari kanina kaya napapikit ako ng mariin at napahawak sa noo ko.
Tangina. Ano yun, Rachel? Bakit mo siya hinayaang halikan ka sa noo mo?
Bahagya kong ginulo ang buhok ko at malalim na bumuntong hininga.
"Umayos ka, Rachel." madiing sabi ko sa sarili ko.
Habang nagsisisi ako sa nangyari kanina ay bigla kong nakita si manang kaya mabilis akong lumapit sakanya.
"Manang." magalang na pagtawag ko sa babaeng inutusan ni Ryle kanina.
"Ano yon, iha?" nakangiting tanong niya.
"Saan po ang banyo dito? Magbibihis po sana ako." tanong ko sabay pakita sakanya ng damit.
"Sasamahan na kita, iha at baka maligaw dito. Masyado pa namang malaki ang mansion na ito." nakangiting sabi niya sabay hawak sa kamay ko. "Ikaw ba ay girlfriend ng amo ko?" nakangiting tanong niya sakin na agad kong inilingan.
"Naku po. Hindi po." agad kong sabi.
"Hindi? Maganda ka pa naman at mabait." sabi niya na nagpapula sa pisngi ko.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Ilang segundo kaming natahimik bago namin nadaanan ang malaking frame na nakasabit sa pader. Litrato iyon nila Candy, Gio, at Ryle.
"Bata pa lang ang mga yan ay napakalapit na nila sa isat isa." biglang sabi ni manang kaya napatingin ako sakanya.
Nakatingin din pala siya sa litrato nila Candy. Bahagya akong napangiti.
"Inalagaan niyo po ba sila mula pagkabata pa nila?" tanong ko at nakangiti siyang tumango.
"Ang pinakamabait sa kanila ay si Ryle. Nung bata pa siya ay iyak siya ng iyak dahil gusto niyang iuwi ang mga pusa sa kalye. Gusto niya daw alagaan." natatawang pagkwekwento niya na nagpatawa din sakin.
"Mabait din naman yan si Gio kaso ay sa mga taong kilala niya lamang. Ganoon din si Candy. Parehong pareho silang dalawa." dagdag niya.
Dahan dahan akong napatango. Napatingin ako kay manang nang lumapit siya sakin.
"May kutob ako na sila ang magkakatuluyan." bulong niya.
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.
"Sila Gio po at si Candy?" pagkaklaro ko na tinanguan niya.
Tumango siya at tumawa. Hinawakan niya ang braso ko at hinila.
"Tara na at baka hinihintay ka ni Ryle." nakangiting sabi niya.
Ilang minuto kaming naglakad bago kami huminto sa isang pintuan.
"Nandito na tayo, diyan sa pintuan na iyan ang banyo." nakangiting sabi niya.
"Salamat po."
"Walang anuman."
Papasok na sana ako nang may bigla akong naalala. Muli kong hinarap si manang.
"Ano po pala ang pangalan niyo, manang?" nahihiyang tanong ko.
Ilang segundo siyang napatitig sakin bago siya ngumiti.
"Linda. Tawagin mo nalang akong manang Linda." sabi niya na ikinangiti ko.
"S-sige po, manang Linda." nakangiting sabi ko.
Hinintay ko na muna siyang umalis bago ako pumasok sa loob. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Agad na nabura ang ngiti ko at napalitan ito ng gulat.
Tangina, paborito ba nilang tatlo ang power puff girls?
Unti unti akong pumasok at isinara ang pinto. Literal na color pink, blue, at green lang ang kukay na nakikita ko dito. Ang iba ay kulay puti na.
May tatlong cubicle doon at kada pinto ay may iba't ibang kulay. Sa unahan ay pink, ang sunod ay blue habang ang sa huli ay kulay green.
Nakangangang tumingin ako sa chandelier na nandirito. Chandelier, sa loob ng banyo?
Napakaliwanag dito. Niisang dumi ay wala kang makikita. Okay lang ba talaga na magbihis ako rito?
Pagkatapos kong tingnan ang paligid ay naisipan ko nang magbihis. Mabilisan lang na pagbihis ang ginawa ko at hindi na pumasok sa cubicle. Baka ano na naman ang magawa ko at baka may mabasag ako.
Nang matapos ay aalis na sana ako nang mapatingin ako sa salamin. Napatigil ako nang makita ang sarili ko. Ang ganda ng damit na suot ko ngayon. Dahan dahan kong inabot ang tali sa buhok ko at tinanggal yun. Inayos ko ang buhok ko at nakangiting tiningnan ang repleksyon ko sa salamin.
"A-ang ganda." mahinang sabi ko.
Pero unti unting nawala ang ngiti na yun nang bigla kong maalala ang mga estudyante sa Neurelia University.
Ang mga magagandang ngiti nila habang tinitingnan ang mga mamahaling bagay nila. Ang munting pagsigaw nila dahil sa saya habang binubuksan ang mga regalo nila.
Pumasok ako sa blue na cubicle at doon nagbihis. Binilisan ko ang pagpapalit ng damit dahil baka biglang magpakita si Professor.
Nang natapos ako ay agad akong j repleksyon ko salamin. Ibang iba ako sa dating ako. Humarap ako ng maayos sa salamin. Tinanggal ko ang tali sa buhok ko at inayos ito.
"Hindi ako bagay dito." mahinang sambit ko habang nakatitig sa sarili. "Bakit nga ba ako nandito?" kunot noong tanong ko sa sarili. "Paglilinis lang naman ang pinunta ko dito pero bakit ako nakasuot ng ganito ngayon?" natatawang tanong ko.
Nilagay ko sa kanang balikat ang buhok ko at ngumiti sa harap ng salamin.
"Ang ganda mo, iha" nakangiting sabi ni manang nang makalabas ako. "Ilagay mo dito ang damit mo." utos niya sabay bigay sakin ng isang paper bag.
"Salamat po." magalang na sabi ko.
"Sige, bumalik ka na doon at merong naghihintay sayo." nakangiting sabi niya at tumango lang ako.
Si Ryle lang naman siguro ang maghihintay sakin diba? Bakit parang iba ang pagkakasabi ni manang sakin?
Buti nalang at naalala ko pa ang dinaanan namin ni manang kanina dahil kung hindi ay baka maligaw ako dito.
"Where is she?" excited na tanong ng isang babae.
Babae? Hindi naman iyon boses ni Candy, hindi rin boses nila Kath at Dianne. Sino yon?
Dahan dahan akong naglakad papuntang sala at nakita ko si Ryle at isang babae na nakaupo sa sofa.
"Can't you wait, mom?" iritadong sabi ni Ryle.
Mom?! Bakit nandito ang nanay niya?! At sino ang hinahanap niya?! Ako?! Wait! Chill ka lang Rachel, baka si Candy yung hinahanap niya. Masyado kang assuming! Mabuti pa at aalis nalang ako dito, tama! Aalis nalang ako!
Dahan dahan akong tumalikod at humakbang papunta sa pintuan, dahan dahan talaga ang hakbang na ginagawa ko dahil alam kong malakas ang pang amoy ni Ryle.
"Rachel?" agad akong napahinto nang marinig ang boses ni Ryle.
Diba tama ako?
"Yes?" nakangiting sabi ko na parang walang nangyari.
Unti unti akong humarap sakanya at nakita ko silang dalawa na papunta sakin.
"So you're the girl!" masayang sigaw ng nanay niya habang lakad takbong pumunta sakin.
"Po?" litong tanong ko at napatigil ako nang yakapin niya ako ng mahigpit.
Agad niya rin itong kinalas at hinawakan ang mukha ko kaya agad bumilis ang tibok ng puso ko at dali dali ko iyong iniwas sakanya. Hinihingal kong tiningnan siya na puno ng takot.
"Rachel? Are you okay?" nag aalalang tanong sakin ni Ryle.
Nang hawakan niya ako sa mukha ay ang galit na mukha ng nanay ko ang biglang nagpakita sakin. Takot at sakit ang inilagay ng nanay ko sa utak at sa puso ko. Takot akong masaktan.
"P-pasensya na po." magalang kong sabi sa nanay ni Ryle.
"It's okay, baka hindi ka lang sanay. I'm sorry." malungkot na sabi niya kaya agad akong umiling.
"Hindi po, hindi po kayo dapat humingi ng pasensya."
Ngumiti lang siya at dahan dahang inabot ang kamay ko.
"Upo tayo?" nakangiting pag aya niya sakin kaya nakangiting tumango ako.
Inalayan niya ako papunta sa sofa at doon umupo.
"By the way, I'm Melissa Reyn Harrison Castañeda my parents are Janesha Harrison and Morton Harrison. I'm married to Simone Santio Castañeda." nakangiting sabi niya.
Nakaupo kaming dalawa habang si Ryle ay nasa gilid lang, tinitingnan kami habang nakatayo.
"I'm Rachel Daniella Algabre po." nakangiting sabi ko rin.
"So tell me, mabait na boyfriend ba tong si Ryle?" tanong niya na nagpawala sa ngiti ko.
"Po? Hindi po-"
"Alam mo, hindi ko pa malalaman na may girlfriend na pala tong si Ryle kung hindi ko nakita ang picture ninyong dalawa." nakangusong sabi niya.
Lumingon ako kay Ryle para sana humingi ng tulong sakanya pero kinindatan niya lang ako. Ano to?! Ambush?!
"Nagkakama-"
"Magpakasal na kaya kayo?" suhestiyon niya na tumigil sa mundo ko. Mukhang mahihimatay na ako dito. Para akong na susuffocate sa mga sinasabi niya. "Mahal niyo naman ang isat isa kaya bakit pa natin papatagalin diba?" excited na sabi niya.
Kasal?! Tangina! Hindi ko siya mahal! Ano to?!
"Po?!" gulat kong tanong.
"Ilan ang gusto ninyong anak? Dapat marami! Tapos tatawagin nila akong lola Melissa!" masayang sabi niya.
Mahihimatay na ako! Mahihimatay na ako! Anong anak?! Lumingon ako kay Ryle na ngayon ay pinipigilan ang tawa ngayon. Wala na akong pakealam kung ang epic ng mukha ko ngayon!
"Tawagin mo na akong mommy, okay?" nakangiting sabi niya habang hinahawakan ang magkabilang balikat ko. "Gutom na ako, let's just continue our talks later. Let's eat!" masayang sabi niya sabay tayo at punta sa dining area.
"See? She doesn't know how to listen." kibit balikat na sabi niya.
"Sabihin mo sakanya." madiing sabi ko.
"She'll deny it and much worse baka mag conclude siya ng kung ano ano." sabi niya at umupo sa tabi ko.
"Anong gagawin natin?" nanlulumong tanong ko.
"Let's just go with the flow and after a few months, I'll tell her that we broke up." nakangiting sabi niya.
Okay lang ba to?
"Hindi. Kailangan ko tong pag isipan." naniningkit mata na sabi ko.
"Unfortunately, you don't have to say yes or no because for her, we're already a couple."
"May atraso ka ba sa kapatid mo at nagawa niya ito?" problemadong tanong ko.
"I don't know" kibit balikat na sabi niya sabay kuha sa kamay ko. "Let's go."
"Ano yan?" mataray na tanong ko sabay turo sa magkahawak na kamay namin.
"What? We're a couple." nakangising sabi niya sabay lagay ng kamay ko sa braso niya.
Nakanganga ko siyang tiningan.
"Kailangan talaga ganito?" madiing tanong ko.
"Yes, don't worry pag wala si mom hindi tayo magkakalapit." sabi niya na kahit papaano ay nagpahinga sakin ng maluwag.
"C'mon love birds, let's eat!" sigaw ng nanay niya kaya dali dali kaming pumunta doon.
Ano ba itong pinasok ko?! Sabi niya bibigyan niya ako ng pera, mukhang kailangan ko itong gawin para pambayad sa hospital bill ni tatay. Isipin mo nalang Rachel na para sa pamilya mo ang ginagawa mong ito. Para sa pamilya mo.
Hinila ni Ryle ang isang upuan at inalayan akong umupo doon.
"Sweet." kinikilig na sabi ng nanay niya.
Anong sweet doon?! Ginawa lang naman niya akong parang lumpo.

Komentar Buku (41)

  • avatar
    PereiraLigia

    maravilhosooooooooooo

    27/04

      0
  • avatar
    Ki Kay

    Bitin hihi

    27/11

      0
  • avatar
    Jaz Mendoza

    Sobrng gndng basahin

    02/09/2023

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru