logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Chapter 6
Aviena’s POV
“Ma’am, Ms. Atasha’s already here. She’s already waiting for you outside,” anang isang kasambahay sa akin. Napatango naman ako roon bago nagtungo sa baba.
“Good morning, Atasha!” bati ko sa kaniya bago nakipagbeso.
“How are you?” tanong niya sa akin kaya ngumiti naman ako.
“I think I’m doing fine?” patanong na sagot ko sa kaniya. My life feels the same. Ang pinagkaiba lang ngayon ay ang mga taong nasa paligid ko. I can’t act the normal katulad kapag nasa condo ako na hindi ko na kailangan pang magpanggap. Hindi tulad dito na hindi rin komportable kahit nasa kwarto na. I can’t even wear my favourite shirts.
“Aren’t you happy?” tanong sa akin ni Atasha. Ngumiti lang ako at nagkibit ng balikat.
“I am. I don’t have to think about the future of ny family and my life is still normal. Katulad pa rin nang dati na marami akong project,” ani ko bago ngumiti sa kaniya.
“I’m happy for you, Vena, but what about River? Is he treating you well?” tanong niya sa akin.
“Yes.” Because we never really see each other that much. Hindi kami nagtatalo o ano. I don’t know if it’s a good sign or what.
Atasha and I talked for a while habang sinusukatan niya ako. It’s for my wedding gown pero parang normal na lang din sa akin ‘yon. Para bang nagsusukat lang ng gown na kakailanganin sa trabaho.
Umalis na rin si Atasha after that kaya naman naiwan na ako sa mansiyon. It’s my rest day today. Kahit maraming trabaho na nakaline up sa akin, may day off pa rin nama ako.
Sunday ngayon kaya naman nasa bahay lang ako. Dapat pala’y nagtungo na lang ako sa condo dahil kita ko rin na hindi komportable ang ilang kasambahay sa presensiya ko. Halos lahat sila’y natataranta kapag nagagawi na ako sa labas ng kwarto. That’s why I decided to stay in River’s room.
I just sleep for a while dahil ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Nang gutumin, saka ko lag din naisipang bumaba.
Nahinto nga lang ako sa paglalakad nang marinig ang usapan ng mga ito tungkol sa aming dalawa ni River.
“Hindi ko rin talaga gets ‘yang si Sir River. Mag-aasawa na nga lang ‘yong pinagsawaan pa ng iba.”
“Right! Ang landi rin talagang tignan. Ang gwapo pa naman ni Sir, ang dami niyang babae. ‘Yon pa ang mga manliligaw pero sa malaking boobs lang siya napunta! If I know, wala sigurong utak ang isang ‘yon. Sayang si Sir! Sana si Ma’am Marissa na lang ang inasawa niya! Elegante pang tignan, hindi tulad niyang si Vena na mukhang trying hard lang naman talaga!”
Nagtawanan pa ang mga kasambahay na nag-uusap tungkol doon. Hindi ko naman maiwasan ang matigilan. I always hear things like this but I just can’t really help but to feel sad about it.
Tahimik lang akong tumalikod bago ako nagtungo pabalik sa aking kwarto. Hindi ko na namalayan pa ang luha mula sa aking mga mata. I was always like this. Always been an annoying cry baby that everyone thinks can’t cry. I always have an strong personality in the internet but easily get hurts with those comments I read.
Pinalis ko lang ang luha nang matapos akong umiyak. Sinindi ko na lang din ang tv at nanood sa netflix habang nilalantakan na lang ang pagkain dito sa ref dahil hindi ko na gustong bumaba.
I know River won’t go home too. Hindi naman na rin talaga umuuwi ang isang ‘yon. Napakadalang ko siyang makita na nakatambay rito sa loob ng kaniyang bahay. Hindi ko alam kung masiyado lang malaki kaya hindi kami nagkikita o ano.
I don’t really care at all. Mas mabuti na lang din siguro ang ganitong sitwasiyon naming dalawa. Wala naman din kaming pakialam sa isa’t isa.
Mayamaya lang ay may kumakatok na mula sa labas. Binuksan ko naman ‘yon. Niluwa ng pinto ang isang maid dito sa bahay. Maganda ito at mukhang kaedaran ko lang. Maingay nga lang at laging naririnig ang tinig but she’s the only one na nakakatiis na kausapin ako at pagsilbihan.
“Ma’am sure ka bang mananatili ka lang diyan? Hindi po ba kayo kakain? Sure ka riyan, Ma’am? Papatayin niyo ang sarili niyo sa gutom?” sunod-sunod na tanong niya kaya hindi ko mapigilan ang mapailing habang nakatingin dito.
“I’m not hungry yet. Susunod na lang ako mamaya,” ani ko.
“Hindi rin po kayo nag-lunch, Ma’am. Kaloka ka. Ako na-sstress sa ‘yo. Narinig mo ba ang usapan nila kanina? Narinig mo siguro, ‘no? Gago talaga ang mga ‘yon. Ang chichismosa.” Napailing-iling pa siya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.
“Hatiran na lang kitang pagkain dito, Ma’am.” Malapad pa siyang ngumiti sa akin kaya nagtataka ko lang siyang sinundan ng tingin. What’s really wrong with that girl? Naiiling na lang akonh bumalik sa pagkakahiga.
Naging abala na ako sa panonood nang mahinto sa pagsubo dahil napansing may nakatayo na sa hamba ng pinto. Agad akong napaayos ng upo sa pagkakadapa.
“Uh… kanina ka pa?” Halos mataranta ako dahil sobrang komportable pa ng itsura ko habang kumakain. I probably look like an idiot while eating.
“No. I just got home. I was just going to take some files.” Naglakad na siya palapit sa kaniyang drawer. Wala namang pinagbago ang ekspresiyon ng mukha niya. Napanguso naman ako dahil masiyado lang akong oa mag-react. Wala naman din talaga siguro itong pakialam sa kahit ano mang itsura ko. Napatawa na lang ako sa naisip.
“They said you haven’t eat lunch and dinner. Are you sure you can really eat those unhealthy foods?” tanong niya na nilingon pa ang ilang pack ng junk foods and tsokolate na nasa tabi ko. Panay wala ng laman ang mga ‘yon. Hindi naman ako nagsalita. Well, I suppose to eat healthy foods but your maids are having fun talking shit about us.
I actually want to say that but I didn’t voice out my opinions.
Paniguradong mamamatay na naman ako ka-wowork out nito just to maintain the body that I wanted.
“Let’s eat together.” Nilingon ko naman siya at pinagtaasan ng kilay dahil doon kaya ibinalik niya lang din sa akin ang judgemental kong tingin.
“Huwag na. Busy ako,” ani ko na bumalik sa pagkakaupo at nilingon ang tv. Ramdam ko pa rin ang tingin niya sa akin dahil dito. Well, I just don’t want to eat awkwardly. We’re not that close to begin with. Isa pa, ayaw kong marinig ang usap-usapan ng mga katulong niya tungkol sa akin. I don’t like it when people keeps on talking behind my back and act so good in front of me. It’s just so annoying. Hindi pa sila ganoon kagaling umarte.
“Fine!” Napairap na lang ako dahil hindi pa rin siya umaalis doon tila ba hinihintay lang talaga akong tumayo.
Sumunod lang ako sa kaniya. Agad ko namang nakita ang ilang kasambahay na patingin-tingin sa akin. Bumabalik pa ang mga mata nila sa isa’t isa tila ba nag-uusap-usap gamit ‘yon. I tried to look at them with having no interest but the truth is buhol buhol na ang mga nasa isip sa aking utak. Hindi ko pa maiwasan ang mapabuntonghininga habang nakatingin sa mga ito.
Ni hindi naman sila nagsasalita habang nakatingin sa aming dalawa ni River na siyang tahimik nang naupo bago nagsimulang kumain.
We acted sweet in front of them dahil ang sabi ni River ay mayroong spy ang lolo niya isa sa mga ito. It’s not that awkward for me dahil sanay na akong umarte sa harap ng camera. Kahit na hindi ko gusto ang tao’y tila ba kailangan kong gustuhin ito kapag nasa harap na ako ng maraming tao.
“Is this awkward for you?” pabulong na tanong ni River nang bulungan niya ako. This. Was. Awkward. For. Me. Him making all the butterflies in my stomach fly. I tried to act normal kahit na pa para na ring sasabog ang puso ko sa lakas ng kalabog.
“Not really. Sanay na ako.”
Umalis din agad siya after naming kumain. After someone called him, nagsuplado na lalo ito. Masungit naman lagi ang isang ‘yon pero pansin ang iritasiyon sa kaniya kanina habang nasa hapag kami.
For weeks, ganoon lang ang nangyari. Madalas na hindi rin kami nagkikita sa bahay at madalas na nasa trabaho rin kaming dalawa.
“Nice shots, Aviena.” Isang ngiti ang ibinigay sa akin ng photographer matapos ng photo shoot ko. Ngumiti lang din ako pabalik bago nagtungo sa aking upuan at sumimsim sa iniinom.
Napatingin naman ako kay Ate na siyang nakatingin lang sa akin. Tumaas lang ang kilay ko dahil sa paraan ng tingin nito sa akin. Hindi ko rin maiwasan ang titigan siya dahil madalas na nawawala ito kapag kailangan ko siya. Katulad na lang nitong nakaraan. Hindi ko tuloy alam kung saan ba ito pumupunta.
“What?” Tumaas lang ang kilay ko bago naupo at sumimsim sa aking inumin.
“How’s your stay in River’s house?” tanong sa akin ni Ate. Nagkibit naman ako ng balikat doon. It’s normal. Hindi rin madalas magtungo si River sa kwarto. For how many days, madalas na late na itong umuuwi dahil ata sa pagiging abala sa trabaho. Ganoon din naman ako pero mas maaga pa rin akong nakakauwi sa kaniya. Sometimes nga’y para lang kaming mag-asawang hindi magkakilala dahil kapag nagkakasalubong ang landas namin at tanguan lang ang ganap.
“Hi,” bati ni Tom na naupo sa tapat ko. Isang ngiti ang ibinigay niya bago iniabot sa akin ang isang strawberry cheesecake. Agad namang kumurba ang ngiti sa mga labi ko nang tanggapin ‘yon.
“Wow! Thank you!” Tom’s knows me. He was always my screen partner but behind the camera we’re friends. He’s nice, he respect me always that’s why I really like to be with him. Siguro dahil simula no’ng tumapak ako sa industriya ay magkasama na kami kaya naman hindi na mahirap sa aming dalawa ang kilalanin ang isa’t isa.
“Vena…” tawag niya sa akin kaya nilingon ko siya habang sumusuno ng strawberry cheesecake na gusto pang kunin sa akin ni Ate dahil nakakataba raw.
“Hmm?” Tila ba nagdadalawang isip pa siyang sabihin ang gusto. Ilang araw na siyang ganiyan. Ako lang ang nafru-frustrate sa kaniya.
“Are you really dating River Savellano?” tanong niya sa akin kaya nahinto ako. Kalat na kalat naman na ‘yon sa industriya ngunit nakakalimutan din nila dahil nga madalas sinasabing wala akong siniseryoso. May mga nagpakalat pa nga na break na kami kahit na ilang araw lang na kumalat ang balitang kami na. Ang issue pa nila’y nagbreak daw kami dahil marami akong lalaki. The heck? I don’t even have time to get a guy right now sa dami ng nakaline-up na projects ko. Sinusulit masiyado ni Ate ang lahat.
Nagkibit na lang ako ng balikat kay Tom. Sa totoo lang ay ayaw kong magsinungaling sa kaniya but the contract is confidential so I can’t really do what I wanted to do.
Sanay naman na si Tom sa mga balita tungkol sa akin, alam niya ring hindi totoo ang iba roon. We all know how media works. Kahit fake news ngayon ay kumakalat na lang bigla.
Tumayo na kaming dalawa ni Tom nang tawagin na ng aming manager for the next shoot. We’re wearing summer clothes. I’m wearing my bikini while he was wearing his shorts showing his abs. May nga hawak din kaming drinks for summer. Hawak-hawak na ni Tom ang baywang ko dahil magsisimula na ang shoot.
I was about to smile in front of the camera nang mabitin ‘yon sa ere dahil sa pagpasok ng isang lalaki na hindi ko akalaing sa trabaho ko pa makikita when I can’t even see him in his house.

Komentar Buku (10)

  • avatar
    pangilinandang

    kailan po ang update..😊

    2d

      0
  • avatar
    GacusanBernardo

    nice vidios

    17d

      0
  • avatar
    GalichaRea

    excellent

    22/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru