logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Camille's POV
SA tingin ko, pati dito sa cafeteria ay pinag-titinginan parin ako. Ang bilis talaga kumalat ng nangyari kanina sa Quadrangle. Pati si Kayla ang sama na din ng tingin nila sa kanya. Pagpasok pa lang namin dito, pinagchi-chismisan na kaming dalawa kaagad.
Parang sa mga titig nila may kung ano na naman ang nasa isip ng mga 'to. Kung ano yun?
Hindi ko alam.
"Uhmm...Kayla maghanap ka na lang muna ng ma-uupuan, ako na ang bibili ng pagkain natin. Alam ko nagugutom ka na rin eh." mariin kong sabi sa kanya, tumingin siya sakin ng naka-kunot ang noo. Ayaw sundin ang sinabi ko.
"Are you sure about that? I don't think I could let you handle buy our foods without me, kita mo naman kung paano ka nila titigan ng masama...ay tayong dalawa pala!" inilibot ko ang tingin ko at mukhang tama siya.
"Samahan mo na nga lang ako." Suko kong sabi. Medyo takot din ako sa titig ng ibang studyante, baka kung ano pa anga gawin nila sakin.
"Let's go! I'm hungry already!" pabulong niyang sabi. Naglakad kami papunta sa mga nagtitinda ng pagkain (counter) at hindi naman masyadong mataas ang pila, pagkatapos bumili ng babae sa unahan ko...ako na yung kasunod.
"Uhmmmm...Miss isang beef rice toppings po at isang egg rice toppings po para sa kanya, salamat." Sabi ko at ginawa naman nung ibang kasama nung babae yung rice toppings namin. Bumili din ako ng dalawang bottled water para sa aming dalawa.
"Php. 340.00 lahat." Sabi nung babae at nilabas ang wallet ko para kukuha na sana ng pera ng may inabot si Kayla sakin. Pera?
"Hati tayo. Tig 170-170 tayo para hindi naman kaagad maubos yang allowance mo." Sabi niya agad at tinanggap ko na lang kaysa makipag-talo pa sa kanya. Ini-insist pa kasi.
Kinamot ko na lang yung pisngi ko at tumango sa kanya. Nagpa-salamat na lang ako dahil sa ginawa niya.
Inabot ko kaagad yung bayad nung babae sa counter at tinanggap ang pagkain namin, pagkatapos ibigay yung resibo kinuha na namin yun, bitbit ang pagkain habang tumingin-tingin sa paligid. Naghahanap kung saan ay may vacant.
Nagsimula kaming maglakad at naka-hanap kami ni Kayla ng upuan na pang-dalawahan sa kabilang sulok ng cafeteria, na hindi masyadong pinupuntahan ng mga studyante.
"Buti naman at wala masyadong umu-upo dito." sabi niya sabay ngiti sakin at tumango lang ako.
"O-Oo nga eh. Pero kahit dito na tayo umupo tumitingin pa rin sila dito satin. *sigh!*" kasi naman kaming dalawa lang yata yung may distansya sa kanilang lahat.
Nag-simula na kaming kumain ni Kayla. Pa minsan nag-uusap kami sa mga bagay na palagi naming ginagawa at noong mga bata pa kami, nung una ko siyang nakilala sa center at tinatawanan ko siya dahil pag naglalaro kami ng kahit anong larong pang-bata siya palagi yung taya.
Nang biglang may naramdaman ako na kung ano na tumama sa ulo ko sa kalagitnaan ng pagkain namin. Tiningnan ko kung ano yun at, crumpled paper? Huminto sa pagtawa si Kayla at taka siyang tumingin sakin dahil hindi ko siya sinabayan na tumawa.
"Why did you stop laughing? What's wrong?" tanong niya na kaagad akong tumingin sa kanya at pina-kita itong crumpled paper na ibinato sakin. Tumayo siya at inilibot niya ang tingin sa mga studyanteng pinag-bubulungan kami at may iba na masaya sa pagkain nila.
"Wag mo nang intindihan Kayla...siguro hindi sinasadya nang nagtapon nitong crumpled paper nato. Ang layo kasi ng trash can, kaya sakin natapon." Pinaupo ko na lang siya at pilit na pinapakalma dahil ayokong gumawa ng eksena at mag scandalo pa itong si Kayla. Mahirap pa naman itong paamuhin kapag galit na galit na siya.
Kumalma naman siya.
Tapos na kaming kumain ng ma-isip ko na itapon ang ilang pagkain sa scrap trash bin. Lalagyan ng mga natirang paglain at kino-kolekta yun ng mga staff dito pag puno na.
Iniwan ko muna saglit si Kayla para mailagay lang yung natirang pagkain sa scrap trash bin, ng biglang ang lahat ng mga crumpled paper itinapon sakin ni...Prince!? Tumuwid ako ng pagkaka-tayo at humarap ako sa kanya. Hindi ko man lang naramdaman na pumasok siya dito sa cafeteria dahil tuma-himik yung mga studyanteng nandito.
For the second time, huminto ako sa kung anong ginagawa ko at hindi ako naka-kilos kaagad dahil maraming papel ang naka-paligid sakin.
Kanina mukhang ang saya pa niya sa ginawa, ngayon naka-ngisi siya at galit siyang tumingin sakin.
Nakita ko na tumayo si Kayla sa pagkaka-upo niya sa mesa namin kung saan kami kumain.
Iniling ko na lang ang ulo ko at tiningnan siya.
Binalik ko ang tingin kay Prince na ngayon ay tumatawa kasama ang mga kaibigan niya na kabilang rin Student Supreme Council. Pero anim lang sila ngayon, pito sila eh.
Walang lumabas na boses sa bibig ko at naramdaman kong nag-iinit yung sulok ng dalawang mata ko. Hindi ko gustong umiyak pero kung ganitong pag-papahiya ang ginagawa niya sakin? Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak.
He enjoyed it so much!
"Oh! Before you go? Clean that mess first! Because if you don't? I will give an addition merit for your sanctions, got that? Miss Martinez?" tumatawa niyang sabi kasabay pasalampak niyang binigay sakin ang trash bin ng mga crumpled paper na nilagay at ibinuhos niya kanina.
My eyes got widen because of what he said. Napaawang ang labi ko kasi sa lahat? Bakit ako pa ang tinatrato niya ng ganito?
Siguro nga nung umalis siya kahapon matapos ko siyang nabangga ay kinimkim niya yung galit at ngayon pinararanasan niya akong pahirapan.
Tumutulo yung mga luha ko habang unti-unti kong pinupulot yung mga papel na nagkalat. Buti na lang, hindi natapon yung mga tirang pagkain namin ni Kayla sa sahig.
Sina-uli ko muna ang mga plato, kutsara at tinidor sa isang staff na may dalang cart at doon ko na lang nilagay para hindi na ako mahirapan.
Pagkatapos ng eksenang yun, nilapitan kaagad ako ni Kayla at tinulungan niya akong ligpitin ang mga crumpled paper na mukhang gamit na at sinadya lang talagang gawing bilog para gawing crumpled paper.
Pagkatapos ng ilang minuto natapos na namin at kaming dalawa na lang yung naiwan dito sa may tabi ng trash bin at sinabihan na kami ng isa pang staff na sa isang tabi na lang namin iiwan at sila na rin ang bahala na magtapon sa likuran nitong cafeteria.
Nagpasalamat naman kami sa kanila at nagawa pa kaming tulungan ng ilang staff.
LUMABAS na kami ni Kayla at pumunta na kaming parking area dahil kanina pa pala nagtext yung sundo niya.
Narating din namin ang parking area ng bigla siyang nagsalita dito sa tabi ko.
"So? Ngayon na pinagtri-tripan ka ni Prince, anong gagawin mo?" tanong niya habang nakatagilid yung ulo niya at kunot-noo niya akong tiningnan. Nag cross-arms pa siya sa harap ko.
"Ewan? Kahit anong gawin niya naman siguro hindi ko siya papatulan, Kayla. Kasi kapag ginawa ko yun baka mawala yung scholarship na ini-ingatan ko nung first year hanggang ngayon...malulungkot sila Ate Joanna at yung mga bata pag nagkataon."
"*Sigh* Bakit ka ba kasi ganyan? Sobra mong napaka-bait. Sa sobra na yan, yan ang magpapa-hamak sayo! Hindi mo alam yun?" iritang sabi niya.
Pero kapag pinatulan ko siya, madadamay naman ang pag-aaral ko. Baka hindi ako makapag-graduate kapag ginawa ko yun.
"Hindi naman kasi ako ganoong klaseng tao Kayla eh...na may dinadamdam ako sa ibang tao, kasi dignidad lang ang meron ako Kayla." Malungkot kong sabi sa kanya.
Itinaas niya lang ang mga kamay niya at tumango-tango ng maintindihan ang mga sinabi ko. Kung may isang tao lang kasi na nakakakilala sakin ng lubusan, eh si Kayla yun...kaya nga best friend ko ya eh.
"Oh? Sumabay ka na sakin at hindi ko tatanggapin kung ano man yang excuses mo." Nagulat ako sa sinabi niya at sabay hatak sakin papasok ng kotse. Nakalimutan ko pala...habang naguusap kami nasa tabi na pala kami ng sasakyan niya.
Bumaba naman ang isang body guard niya sa unahan at pinag-buksan niya kami ni Kayla ng pintuan.
Pumasok na kaagad ako, hindi na ako nagsalita at nakipag-talo sa kanya, eh wala naman akong laban jan. Tiningnan niya lang ako at ngumiti din ako sa kanya.
"You tell me the whole story of what happened kanina early in the morning...gusto kong malaman kung bakit ka pinagtri-tripan at pinahiya ni Prince kanina." Gulat akong napalingon sa kanya dahil bigla lang siyang nagsalita pero hindi naman siya tumitingin sakin. Straight face lang ang expression ng mukha niya at sa harapan lang ang atensyon ng mga mata niya.
"*Sigh* O-Okay...sige na nga!"
DUMERITSO kaagad ako kanina sa kwarto ng dumating kami ni Kayla dito sa center at hinihintay niya lang ako sa garden katulad kahapon para masabi sa kanya ang mga nangyari kaninang umaga sa Quadrangle.
Lumabas na ako ng kwarto pagkatapos kong nag-bihis ay binati ko lang sila Asher Joy, Mika at Jacob kasama yung ibang ka-edad lang din namin. Dinaanan ko din si Ate Joanna na kasama ang mga bata sa theatre room kung saan nanonood sila ng mga movies, huminto muna ako saglit para tingnan yung mga bata...nakasalubong ko naman ng tingin si Ate na nakangiti sakin. Tumango si Ate Joanna at nag-thumbs up lang ako sa kanya.
Naglakad ulit ako pagkatapos kong tingnan ang mga bata na masaya sa kung anong pinapanood nila.
Nilapitan ko kaagad si Kayla at pinakita niya sakin yung dalawang cheese cake na nilapag ni Jacob sa mesa at may dala din siyang dalawang orange juice para sa amin.
"U-Uhmmm...merienda niyo nga pala Camille, Kayla. Sinabi ni Ate Joanna sakin na dalhan ko kayo ng merienda...sige ma-upo kana Camille at kumain na kayo." 'Yun lang ang sinabi niya at umalis kaagad dahil may ibang gagawin pa siyang ina-asikaso.
"Na-uutal! Hahahaha sabihin mo nga sakin, Camille? May gusto ba yun sayo? Kasi iba yung titig na ibinigay sayo eh?" tanong niya sakin na may kasamang pag-dududa.
"Wala no?! Ano ka ba, Kayla! Binibigyan mo naman ng malisya yung tao eh. At saka, hindi ka naman nandito para usisain si Jacob diba?" agaran kong sabi...para mawala na yung pag-dududa niya at hindi niya na din ako kulitin.
"Ahh? Oo nga pala. You're right! Maybe I can minimize my attitude sometimes...kilala mo naman kasi ako eh. Kapag may napansin mag-jump into coclusion kaagad ako diba? O baka defensive ka lang jan? Hahahaha." Tawa niya parang wala ng bukas. Umiling kaagad ako at sinimulang kainin yung cheese cake na nasa mesa.
"Oo nga pala. Diba...tinanong mo ako kung anong nangyari kaninang umaga? Sasabihin ko na sayo." Deklara kong sabi sa kanya.
E-kenuwento ko yung nangyari lahat-lahat pati yung, kung paano ikinalat sa gitna ng quadrangle yung mga gamit at saka yung bagpack ko...kailangan ko pa tuloy palitan yung mga gamit ko kasi halos lahat basa yun ng sobra sa orange juice na binuhos nung mga studyante kanina.
"WHATTTT!!! They did that to you!? What kind of people they are? Wag kang mag-alala...bukas na bukas I am going to fetch you at sabay tayong pupunta ng school. I will make a complain letter to the Deans at ibibigay ko din bukas...para may magawa naman ang dean natin so that they could take actions to them. I'm so sorry that you have get through sa pag-trato nila sayo ng ganito." Galit na sabi niya as she closed her two fists without continueing her cheese cake because she lost her apettite. Hinawakan ko yung mga kamay niya at sinabihan ko na wag na niyang gawin yun.
"Okay lang naman ako eh...atsaka hindi naman nila ako ganoong sinaktan. Uhmmmm...slight lang?" babatukan niya sana ako pero hindi niya nga lang naabot yung ulo kasi umiwas ako kaagad. Ang sakit pa naman nitong mam-batok.
"Basta, maaga akong pupunta dito bukas para sunduin ka, okay? And that's final!" wala na talaga akong magawa kapag sinabi niya...dahil gagawin niya talaga.
Umalis si Kayla na dito ulit nag-hapunan kasama yung driver at body guard niya. Tuwang-tuwa naman ang mga bata dahil naka-dalaw ulit si Kayla sa center, pati si Ate Joanna masaya na makita yung mga bata na may malalaking ngiti sa labi dahil sa paglalaro namin sa kanila.
Feeling ko kay-sarap bumalik maging bata!

Komentar Buku (182)

  • avatar
    Choy Choy Turno

    kay

    6d

      0
  • avatar
    Welanjack Gojilde

    thanks

    7d

      0
  • avatar
    Christianmyl Abella

    okay

    11d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru