logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1

Chapter 1
“Bea! Bilisan mo naman maglakad!" Nilingon ko ang best friend ko na nakasunod sa ‘kin, habang hawak ang cellphone niya at nakangiti.
Nakanguso akong humarap sa dinaraanan ko at mabilis na humakbang palayo.
‘Yong totoo, naglalakad ba siya sa buwan?
Kapapasok lang namin sa loob ng campus. Pero malayo-layo pa kasi ang North Wing kung saan naroroon ang classrooms para sa mga senior.
Mayroon kasing apat na gusali ang Montecillo Academy na humahati sa bawat year level. Ang bawat gusali na ito ay mayroong limang palapag na may tig-lima ring naglalakihang mga silid.
Ang South Wing building ay para sa mga freshmen, East Wing ang sa mga sophomore at West Wing ang sa mga junior. At bago ka pa makarating sa mismong North Wing ay madaraanan mo muna ang malawak na quadrangle ng campus, ang main building— kung saan matatagpuan ang cafeteria, library, laboratory rooms, computer rooms, function hall at music room. Pati na rin ang administrative building kung saan naroroon naman ang faculty rooms ng mga guro sa bawat departamento, student council office at ang principal’s office. Gayundin ang malawak na gymnasium kung saan madalas na ginaganap ang P.E., extra curricular activities at ang iba’t ibang klase pa ng palaro.
All of the buildings here were designed of European cutting edge modern-style with a mix of different patterns on each wall.
Isa ang mga ito sa dahilan kaya ko nagustuhang pumasok sa academy na ito. Pakiramdam ko kasi ay nasa Europa na ko nang dahil sa disenyo at istruktura ng bawat gusali rito.
“Kumalma ka nga riyan, SM! Unang araw pa lang ng pasukan kaya paniguradong late darating ang guro natin para sa first period. Isa pa ay wala pa namang masyadong gagawin ngayon.”
Nakasimangot na nilingon ko si Bea. Hihirit pa sana ko nang magsalita siya ulit, dahilan para matigilan ako.
“For all I know, you just want to see Bryan. Kaya kanina ka pa nagmamadali. Gano’n ba katindi ang paghanga mo sa lalaking ‘yon? Hindi ka pa talaga nadala sa mga nangyari sa past relationships mo, hah, SM?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Pero ang bruha ay ngumisi lang sa ‘kin.
Alam na alam talaga niya kung paano ako bubwisitin. Tinatawag lang naman niya kong SM sa tuwing gusto niya kong asarin, eh! Ginawa pa kong mall ng lukaret na ‘to.
Saka kailangan ba talagang banggitin pa niya ang tungkol sa past relationships ko? Past na nga, ‘di ba? Which means, wala na! Tapos na! Period.
Pero hindi ko naman maikakaila na kaya talaga ko nagmamadali ay para makita si Bryan. Dalawang buwan ko rin siyang hindi nasilayan, eh!
Anyway, SM stands for “Samantha Michelle”. Hindi raw kasi niya malaman kung ano ang itatawag sa ‘kin nang dahil sa haba ng pangalan ko kaya SM na lang daw. Pero tinatawag lang naman niya kong gano’n sa tuwing inaasar niya ko.
Minsan tuloy ay napapaisip ako kung bakit ba naging kaibigan ko ang babaeng ‘to. Pero kahit may saltik ay siya pa rin ang pinakamatalik kong kaibigan— si Beatrice Ocampo.
Nagsimula ang pagkakaibigan namin noong freshmen pa lang kami. Tandang-tanda ko pa ang panahon na nakailang ikot na ko sa buong campus para lang hanapin ang magiging classroom ko, pero napagod na lang ako at lahat ay wala pa rin.
Hanggang sa nakabungguan ko siya. Then it turned out na iisa lang pala ang destinasyon naming dalawa.
Nakakatuwa nga dahil magmula noon ay hindi pa kami nagkahiwalay ng seksyon. Hindi naman sa pagmamayabang pero nasa highest section na kami mula noon.
NBSB nga pala ang kaibigan ko sa hindi ko malamang kadahilanan.
Madalas siyang kunin na muse sa tuwing may patimpalak ang academy, consistent na top one ng klase at anak ng isa sa mga nagmamay-ari ng malaking hotel chain sa bansa si Bea. Mahaba ang straight at kulay blonde niyang buhok na palagi niyang kinukulot ang bandang dulo. Matangkad, maputi, makinis ang balat at matangos ang ilong. May mga nagtangka namang nanligaw sa kanya. Ang kaso nga lang ay supalpal agad sila bago pa man makapagpahayag ng kanilang intensyon.
Ang alam ko lang ay mayroon siyang naging first, puppy love o anuman ‘yon. Magmula pa lang noong elementary siya ay may gusto na siya sa lalaking ito, pero sa kasamaang palad mukhang hanggang ngayon ay may tama pa rin siya sa kung sino man ‘yon. Nagkaroon naman siya kahit papaano ng mga crush noong sophomore at junior year namin, pero wala man lang akong nakilala ni isa sa mga nakuwento niya. Napakamalihim kasi ng babaeng ito pagdating sa kanyang lovelife.
Samantalang kapag tungkol naman sa love life ko ay alam na alam niya ang lahat hanggang sa kaliit-liitang detalye. Ito nga ang tungkol sa past relationships ko na nabanggit niya na ayoko ng balikan pa.
Hindi naman sa bitter ako, pero kasi ang main goal ko ngayon ay ang mag-focus na lang sa present. Which happens to be Bryan.
Yes. I’ve already claimed it that he is going to be mine someday. Siyempre, think positive ata ko!
“Sammy, ano kayang mayroon sa quadrangle? Nagkakagulo kasi ang karamihan sa mga babae roon. Tara tingnan natin!”
Napalingon naman ako sa direksyon na itinuro ni Bea. Ang hilig talaga niyang makiusyoso.
“Ang tsismosa mo talaga kahit kailan. Huwag mo na ngang intindihin ‘yan! Pumunta na lang tayo roon sa bulletin board para sa list of sections.”
Sinimangutan niya ko, pero nginitian ko lang siya at hinila na.
“Section A pa rin naman tayo. Saka nasa form naman ang room number natin. So, ano pa ang titingnan mo roon?” Pagmamaktol pa niya.
“I know. Pero gusto ko kasi malaman kung may mga natanggal o nadagdag ba na bago sa mga kaklase natin.” Hindi na siya nagreklamo pa at tuluyan ng nagpahila. Good girl.
Nang marating namin ang North Wing ay agad kaming dumiretso sa kumpulan ng mga estudyante kung saan naroroon ang bulletin board at nakisiksik hanggang sa makarating kami sa unahan. Mabilis na pinadaanan ko ng mga mata ang listahan para sa section A, kung saan nakalagay na rin ang room number namin.
Pero bigla kong natigilan nang huminto sa isang partikular na pangalan ang mga mata ko.
7. Bryan Castillo
Napakurap ako nang ilang beses at kinusot ko pa ang mga mata ko. Baka kasi namamalik-mata lang ako.
Pero nang tingnan ko ulit…
Tuluyan ng nanlaki ang mga mata ko. Nandoon talaga ang pangalan niya!
Kaklase ko na si Bryan! Nalipat na siya sa seksyon namin! For real ba ito?
Ang lakas ko talaga sa ‘yo, G! Answered prayer ang hiniling ko kagabi bago matulog!
Nilingon ko si Bea at bahagyang niyugyog ang kanyang balikat dahil sa magkahalong excitement at tuwa na nararamdaman ko ngayon.
“Bea! Nakita mo ba? Nandito ang pangalan niya! Nalipat na siya sa seksyon natin!” pabulong kong sigaw sa kanya dahil pansin ko na ang kakaibang tingin sa ‘kin ng iba pang mga estudyante na nandito.
But I'm too happy to care!
Unti-unti lang akong nahimasmasan at napakunot noo nang mapansin ang reaksyon niya. Gano’n din ba siya kagulat at talagang nakatakip pa ang dalawang kamay niya sa bibig?
“Bea, wag mong sabihin na may lihim ka ring pagtingin kay Bryan?” Tumingin ako sa kanya ng may pagdududa.
Mukha naman siyang natauhan nang dahil sa sinabi ko at gulat niya kong nilingon, sabay sunod-sunod na umiling. “W-what? Wala, a! T-tara na nga.” Nauna na siyang maglakad na tila wala sa sarili.
Napanguso na lang ako at napakamot sa ulo. Problema niya? Para binibiro ko lang naman siya dahil ang OA ng reaksyon niya, eh!
Pero sabagay, OA rin pala ang akin. Matalik talaga kaming magkaibigan.
Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula na ring maglakad. I was humming happily. Hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa ‘king mga labi.
Pero mayamaya lang ay napatungo na ko upang iwasan ang kakaibang tingin na ipinupukol sa ‘kin ng bawat nakakasalubong ko.
Masyado akong masaya para paglaanan pa sila ng atensyon. Mas lalo namang wala kong pakielam sa kung ano man ang iniisip nila.
Pero hindi ko rin kayang tagalan ang mga tingin nila na may halong pagtataka.
Papasok na sana ko ng classroom namin, pero dahil nga nakatungo ako ay hindi ko napansin na may mabubunggo pala ko. Bakit ba palagi na lang ganito ang senaryo ko?
“What the!”
Napahawak ako sa ulo kong tumama sa kung anong matigas na bagay upang hilutin ito, bago ako dahan-dahang tumingala para makita kung sino ba ang nabangga ko na suminghal nang pagkalakas-lakas sa ‘kin. Kung bakit naman kasi ang cute ng height ko at four eleven lang ang taas ko? Madalas tuloy akong tumitingala!
Pero tila huminto ang mga pangyayari sa paligid nang bigla siyang humarap sa ‘kin.

Komentar Buku (22)

  • avatar
    Tixiah Pampilon

    pls

    19d

      0
  • avatar
    Vanz Maranga

    paano

    20d

      0
  • avatar
    MagdugoJohn michael

    wow that's amazing and so beautiful

    18/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru