logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

IN THE LIBRARY

Pagod akong bumalik papunta sa office. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pagod. Yung parang nakakawalang-ganang kumilos. Kakatapos ko lang sa second class ko and I have an hour vacant.
    "Hi, Miss Boa."
    "Good morning, Miss Boa."
Puro ngiti at tango lang ang sinusukli ko sa mga bumabati sa akin at kadalasan mga estudyante.
     "Miss Zamara?"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. It's her again.
     "What do you want?" Walang-gana kong tanong dito. "At ilang beses ko bang sasabihin sayo na stop calling me by my first name."
     "Okay, chill. Sorry naman. Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?"
     "Do you want to know why?" She nodded. "Because it irritates me when I see your face. So please, stop bothering me."
Naglakad ako papalayo rito. That bitch always bothered me dahil kung saan ako nandun din siya. Hindi porque ay anak siya ni Ninang Melly at hindi ko siya matanggal-tanggal dito sa school, gagawin niya na lahat ng gusto niya. That's why I hate her because she's a brat.
Nakarating ako sa office ko. Nilapag ko ang mga dala ko bago ako naupo sa sofa at sumandal habang hinihilot ang sintido ko.
Bakit ba ako pagod na pagod ngayon?
And then, that girl suddenly crossed my mind. Kakakilala ko lang sa kanya pero hindi na siya matanggal sa isip ko and for Pete's sake, she is my student.
But she's in her legal age already. Tuya ng isipan ko.
Oh, God! No way, I'm not a lesbian. Will never be.
Erased! Erased!
Napaayos ako ng upo ng biglang may nagbukas ng pinto ng office.
     "What the hell, Welalain Hancock?!?" Singhal ko sa babaeng kakapasok lang.
     "Ano na naman? Ghad Zamara, ang init-init na naman ng ulo mo. Kelan ba lalamig yan? Kasi sa totoo lang, ako lagi ang pinag-iinitan mo."
     "Bakit kasi hindi ka muna kumatok. You startled the shit out of me."
     "I'm sorry, I didn't know that you were here."
Tumayo nalang ako at inayos ang mga gamit na nakakalat sa table. Naalala ko na may gagawin pa pala ako sa library.
     "Wela, vacant mo ngayon diba?" Tiningnan niya ako na parang nagtatanong. "Samahan mo ako sa library."
     "But---" Pinutol ko ang sasabihin niya kasi alam kong hihindi siya.
     "No buts. Sasamahan mo ako dun."
Utos ko. Narinig ko pa itong may binubulong sa sarili. May iniiwasan akong tao at mahirap na baka nandun na naman yung babaeng mangkukulam. Ayaw kong masira ng tuluyan ang araw ko ngayon.
Lumabas na kami ng office at patingin-tingin pa ako sa paligid baka bigla itong susulpot sa harapan ko. Para pa naman itong kabute, bigla-bigla nalang sumusulpot kung saan-saan.
     "What are you doing, Zam? You look stupid. May iniiwasan ka ba?"
     "What? No! Wala akong iniiwasan." Tinitigan niya akong maigi. "Bakit mo naman nasabi yan?"
     "Oh hahaha. I knew it. You're avoiding Mira. So that explains why you want me to come with you to the library because you don't want Mira to come near you. Shit couz, you are so cute when you do that. Nagtatago ka na parang naglalarong hide-and-seek."
She laughed loudly. Napapatingin tuloy samin ang mga students na nasa hallway. Pinsan ko ba talaga 'to?
Hinablot ko siya sa braso at binilisan ang paglalakad. Nakakahiya talaga itong kasama. Mabilis ang lakad na ginagawa ko para lang makarating agad sa library.
     "Couz, easy. Makakarating din tayo sa pupuntahan natin nang hindi nadadapa. Baka mauna pa ang nguso ko nyan." Wika nito na natatawa pa.
This lady knows how to make me annoyed. Huminto ako para balingan siya ng tingin at dun ko siya binatukan.
     "Ouch couz, what was that for?" Sabay himas sa batok niya.
     "Pampatino. At sana naman tumino ka na. Pinahiya mo ako kanina at ngayon may gana ka pang mang-asar." Gigil na saad ko.
     "Grabe ka naman. Ang harsh mo ah."
Balak ko ulit siyang batukan ng iniharang niya ang kamay pangsangga. Tinaasan ko nalang siya ng kilay at nagsimula nang maglakad. Ramdam ko namang sumunod ito.
Nakarating kami ng library ng hindi nag-uusap. Bumati sa akin ang librarian at tinanguan ko lang ito bilang sagot. Dumiretso ako kung saan ko makikita ang libro na hinahanap ko.
     "There you are."
     "About Maths na naman yang babasahin mo." Boring nitong sabi.
      "Because I love Maths. It's interesting and challenging."
Naghanap ako ng mauupuan at may nakita naman akong bakante sa dulo. Nauna akong umupo dahil may kinukuha pa si Wela na libro about history. She's a history professor and I find it boring. Ewan ko ba sa babaeng yun, history pa ang nakuhang subject na ituturo.
Sinimulan ko ng basahin ang libro na kinuha ko nang may narinig akong nagsalita sa tabi lang ng table ko. Isang metro lang ang layo nito sa table namin kaya rinig ko pa rin ito.
     "Hi. Is this seat taken?"
Pansin ko na he's one of my students in BSBA. Si Mr. Alvarez and first-time ko lang siya nakita rito sa library. Anong nasinghot nito at napunta siya rito?
     "No."
Sumagot ang babaeng nakaupo sa table na katabi namin. So he was talking to that girl. Oh-oh, I think maghahasik na naman ito ng lagim dito sa library. Poor little girl, may bagong bibiktimahin na naman si Mr. Playboy.
     "You're crazy. What's wrong with you today? Nagdo-droga ka ba?"
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa may tenga ko.
     "What the hell?"
Muntik na akong mapasigaw dahil sa babaeng tuwang-tuwa ngayon sa harapan ko. Ang hilig niyang manggulat. Naku! Konting-konti nalang at maipapatay ko na ang babaeng to kahit pinsan ko pa.
     "Nakangisi ka kasi mag-isa dyan."
     "But you don't have to do that." Inis na wika ko sa kanya.
     "Hahaha okay po. Hindi na muulit."
Umupo ito katapat ko. Napatingin muli ako sa kabilang table.
     "Pwede makiupo sa tabi mo?"
Hindi ko nakikilala 'yung babaeng nakatalikod sa amin pero she's familiar.
White shirt and ponytail?
Goodness, gracious! Don't tell me, it's Miss Alexander. Naku naman.
     "You were good earlier, but I thought you can't answer the question that was given by Miss Boa. You know, kaka-start lang ng klase tapos yung tinanong niya pa ay hindi pa niya natuturo, and that was Math."
Kahit mahina pa itong magsalita ay naririnig ko pa rin kung ano ang pinag-uusapan nila. Pati si Wela, nakiki-etsusera rin.
So they were talking about what happened to my class earlier. Not they, kasi si Mr. Alvarez lang naman ang nagsasalita at mukhang wala namang pakialam si Miss Alexander dito. That's good.
      "...If you are interested in going out with me, I'm free, basta't ikaw."
Nag-iba ang mood ko sa narinig. May balak si Mr. Alvarez na idate ito kasi nakuha niya ang pansin ng isang Mr. Playboy dahil lang sa nangyari kanina. Miss Alexander is intelligent, and my class knows about it already.
Sisingit na sana ako sa usapan nila para pigilan si Mr. Alvarez sa binabalak nito. Pero niligpit ni Miss Alexander ang kanyang mga gamit at tumayo.
     "Hey! Where are you going?" Kumunot ang noo ko nang biglang hawakan nito ang dulo ng bag ni Miss Alexander.
This man is persistent and he's pissing me off.
     "Oh please, just mind your own business. And I'm not interested in you, not in everyone, because I'm content with my life. Leave me alone."
Natameme ang lalaki, maging ako man ay ganun din. Naamazed na naman ako sa ginawa niya. She's feisty and fierce.
Nakita ko itong naglakad ngunit hindi pa man nakakalayo ay bigla itong bumalik.
No, no, no. Don't change your mind. Parang tanga akong kinakausap ang sarili.
     "You've changed your mind." I saw Mr. Alvarez smile widely.
Gusto kong alisin yung ngisi na nakapaskil sa pagmumukha ng lalaking yan. But thanks to Miss Alexander because she did it for me.
     "I forgot something. Don't assume too much; you may even die." Kinuha niya ang book na nasa mesa at mukhang naiwan niya ito. "And oh, it's Maths, not Math. You say Mathematics, not Mathematic. Try mo magbasa minsan nang malaman mo."
Nice one.
Ngiti kong malaki. Gusto kong pumalakpak dahil napahiya niya ang isang Mr. Playboy, kaso lang mukhang o.a naman yata 'yung palakpak at baka lalong mapahiya ang student ko, and I'm still a teacher. Pero yung tawa ko hindi ko napigilan, mukhang ganun din si Wela.
Sino ba naman ang hindi matatawa sa naging reaction ni Mr. Alvarez, he's speechless. Mukha siyang nabagsakan ng langit at lupa dahil sa hitsura niya ngayon.
I am that bad?
Yes, I am.
Napatingin samin si Miss Alexander pero saglitan lang at umalis na rin ng tuluyan.
     "Wow, she's feisty. I like her."
Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig ko kay Wela.
     "What did you say?" I asked her. "Don't try to flirt with her, Wela. I'm warning you. Flirt everyone inside this university but don't lay your hands to her." Seryoso kong sabi sa pinsan ko.
     "Woah! Chill couz. You don't need to say those words to me. I already knew that she's off the hook." Ngisi nito at taas-baba pa ang mga kilay nito.
     "What do you mean?" Tanong ko.
Ano bang pinagsasabi nito?
     "Secret. By the way, I need to go, may date pa ako ngayon."
     "Wait! Date? Seriously?!"
     "Ako pa ba? Chic magnet yata to." Turo niya sa sarili niya.
Napailing nalang ako sa tinuran ng pinsan ko. She's old enough to know what she's doing to her life. Alam na naman niya kung ano ang tama sa mali, so I don't need to worry about her.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    EncaMhoctar

    very nice planning to have and get more big opportunities

    19d

      0
  • avatar
    vloggiemerenz

    ang ganda po graveh napaka iyakin ko haha

    27/07

      0
  • avatar
    Mike Gulam

    it's nice story

    31/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru