logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

Lost in Korea
Chapter 2
1 months later
“Sure ka na ba jan sa trabaho na iyan anak?” Tanong ni mama sakin.
Nasa airport kami ngayon at dala ko na ang aking mga bagahe dahil ngayong araw na ang aking lipad papuntang South Korea. Ito na ang araw kung kailan matutupad ko na ang matagal kong minimithi. Ang makapunta ng South Korea at makita si Shin Lee. Kaya kahit abot tenga ang ngiti ko ay hindi ako nangangalay dahil sa sobrang excited.
Tumagal ng one month ang paghihintay ko kasi inasikaso pa ni Ms. Kim ang mga papeles lalo na ang visa at passport ko. Pero worth it naman ang paghihintay kasi nagkatotoo naman. Hindi ako na scam. Talagang tunay si Ms. Kim.
“Opo ma. Umaasa ako na baka ito na ang magaahon satin mula sa kahirapan.” Sabi ko kay mama habang pinipisil ang kamay niya upang pakalmahin siya.
Noong araw na inalok ako ni Ms. Kim ay pinaalam ko na ito agad kay mama. Noong una ay nag alanganin siya kasi ibang bansa yon at saka hindi pa ako nakapunta doon ngunit kinalaunan din ay napilit ko rin siyang payagan ako. Kaya ngayon, dala ko na ang mga bagahe ko at hinihintay ko na lamang si Ms. Kim.
“Ms Flevie!” Ma autoridad na wika ng isang babae sa likod ko.
Nilingon ko ang babae at nagulat ako ng makitang si Ms. Kim ito. Namukhaan ko talaga siya. Ang picture niya sa social media ay walang halong joke. Siyang siya talaga. Walang ka filter filter. Pero ang ganda niya super! Para siyang dalaga sa mukha niya.
“Ms. Ki-kim!” Omg! Hindi ako makapagsalita ng maayos. Nauutal ako dahil sa matinding kaba. Nalunok ko pa ang laway ko saka napayuko upang iwasan ang mga titig niya. Sobrang nakakakaba talaga!
Naramdaman kong lumapit siya sakin at hinawakan ang panga ko para iharap ang mukha ko sa kanya. Napangisi siya, na siyang ipinagtataka ko. Nakakakilabot ang pamamaraan niya ng pagtitig sa isang tao. Grabe talaga ang dating ni Ms. Kim!
“Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sayo Akira. Kakaiba ang iyong ganda!” Sabi niya. Naku! Napuri pa ang beauty ko! Hindi naman ako ganoon kaganda pero napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagsisinungaling siya o nagsasabi ng totoo pero masaya na ako na napansin niya ang beauty kong face.
Nahiya akong yumuko sa kanya sabay sabi ng ‘salamat’ dahil sa papuri niya.
“Tapos ka na ba magpaalam sa iyong ina? Kailangan na nating umalis dahil mahuhuli na tayo sa flight.” Tanong niya.
Hinarap ko naman si Mama at niyakap sya ng mahigpit. “Mamimiss ko kayo ma. Ingat kayo lage ah. Magpapadala ako kapag nakasweldo na ako!” Sabi ko sabay kalas sa yakap.
“Magiingat ka doon anak.” Sabi ni mama sabay kaway ng kanyang kanang kamay. Nakita ko pa na may luha na tumulo sa kanyang mata. Napaiyak din tuloy ako. Mamimiss ko talaga silang lahat. Sana kaya ko rin silang isama sa Korea. Pero ang sabi ni Ms. Kim ay ako lang daw ang dapat na sumama sa kanya.
Kumaway naman ako pabalik habang naglalakad papunta sa eroplano na aming sasakyan. Pagkapasok namin sa eroplano ay napatingin ako sa bintana at nakita ko si mama na nakatayo pa rin doon sa harap ng airport. Napangiti ako ng mapait. Nadudurog ang puso ko kasi maiiwan ko sila. Pero dibali nalang, mababawi ko rin naman ang ilang sandaling pagkamiss ko kung sakaling papalarin ako sa Korea.
“Mamimiss ko kayo.” Bulong ko habang nakatingin sa tanawin sa labas. Nakalapat sa salamin ang aking kamay habang iniimagine na mukha ni mama ang aking hinahawakan.
“Akira oh gusto mo?” Pag aalok ni Ms Kim sakin ng isang chewing gum.
Ngumiti ako bago ito tanggapin. Hindi ako nakapagbaon ng chewing gum dahil sa sobrang pagmamadali. Paborito ko kasi itong kainin sa tuwing may byahe. I bow my head to say thank you bago kinain ang chewing gum.
Ngumunguya lang ako nang ngumuya sa chewing gum hanggang sa bigla akong makaramdam ng antok. Naramdaman kong umangat na ang eroplano sa ere. Hindi ki alam kung dahil ba sa eroplano kaya ako nakaramdam ng pagkahilo at pagod o baka kakapuyat ko lang ito kagabi. Napuyat kasi ako kakaisip ng kung ano ang mangyayari ngayong araw.
Anyway wala naman sigurong masama kung matulog muna ako. Mahaba pa naman ang byahe kaya papahinga muna ako. Ngunit bago ako tuloyang mawalan ng diwa ay naramdaman ko ang boses ni Ms. Kim sa kaliwang tenga ko.
“Tulog ka muna Akira dahil malayo layo pa ang ating byahe!”
Nagising ako nang makaramdam ako ng kakaibang bagay sa paligid ko. Naramdaman ko ang isang kamay na humihipo sa binte ko. Ikinurap kurap ko ang mga mata ko at tinignan kung kanino galing yon. Nagulat ako nang bumungad saking harapan ang isang lalaki na singkit ang mata na nakatingin ng malagkit sakin.
“You’re awake baby girl. So can we start now?” Tanong niya habang nakangisi.
Biglang kumabog ang dibdib ko sa narinig kong mga salita na nanggaling sa kanyang bibig. Nanayo ang mga balahibo ko sa batok dahil sa matinding kilabot. Pinilit kong umiilag sa bawat hawak niya sakin. Natatakot ako. Ano bang nangyayari? Naiiyak na ako! Hindi na ako makawala pa dahil sa sobrang lakas niya. Hawak na niya ang dalawang braso ko at nakaibabaw na siya sakin.
Bumuhos na ang luha ko habang nagugulohan pa rin sa nangyayari. Gusto kong sumigaw para humingi ng tulong pero tinakpan na ng lalaki ang bibig ko para hindi ako makapag ingay. Habang natutuwa siya, ako naman ay nasasaktan.
“Help me! Please stop it! Im begging you!” I shouted.
Ano ba itong napasok ko? Bakit may ganito? Ano ito?
Waitress ang ipinunta ko dito diba?
Pero bakit ganito ang nangyayari?
Bakit ako nakahiga sa kama habang nakaibabaw sakin ang isang lalaking gustong pagkatuwaan ang katawan ko? Bakit? Ano bang ginawa ni Ms. Kim sakin?
She fooled me! Ang dami niyang sinabi na wala naman palang katotohanan. Now I regret it na nagtiwala ako sa kanya. Grabe! Ang tanga ko! Nagpauto ako sa kanya. Sana nakinig nalang ako kay mama. Sana hindi na ako naniwala sa kanya!

Komentar Buku (110)

  • avatar
    Ron AG

    good

    3d

      0
  • avatar
    Adonis Alicante

    sana naman maging uk Ang lahat

    19/08

      0
  • avatar
    Jusinan Daring Tarami

    okay

    07/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru