logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

2

Her Pov.
" I need you to make him register my child's name."
" T-teka, t-teka. U-ulitin mo nga. Baka nagkakamali lang ako ng dinig eh."
" I need you to make him register my child's name."
" Oh, my god! Seryoso ka?! May anak ka na?!!"
"I'll tell you why, later."
" Oh, god! Hindi ako makapaniwala! Mahihimatay yata ako Sia! Oh, God! P-paanong nangyari?! Bakit ngayon ko lang nalaman! Wala ka talagang kwentang kaibigan!"
paano ko sasabihin sa'yo kung ngayon ko lang rin nalaman?
"Kaya nga pinaaalam ko sayo ngayon eh."
" So, p-paanong. P-paano nga nangyaring may anak ka na?!"
"Sasabihin ko kapag nagawa mo na ang pinag-uutos ko."
" S-sige, sige!"
"Tawagan mo na, dali."
" H-ha?"
"Tawagan mo na..."
" S-sino ba!?"
"Si Jay"
"Ng-ngayon na?!"
"Sinabi ko na dba?"
" Bakeetttt?!!!" Agad na napangiwi ako sa sigaw niya iyon. Daig niya pa pumapalahaw na bata.
"Dahil parating na ako sa bahay mo ngayon. Mag-impake kana rin. Pag may narinig kang busina, yon na yon"
"H-haaa???What The Fff-----" hindi ko na masyadong narinig ang sinabi niya dahil nahang-up ko na.
Hindi naman ako nag-dadalawang isip na baka hindi niya magawa ang pinapagawa ko. Dahil wala pa akong inutos na hindi niya ginawa.
Maya-maya pa'y nakapagtatakang ang swabeng takbo ng trapiko kanina ay biglang bumigat.
Sakto namang may inforcer na padaan sa gilid ko kaya minabuti kong ibaba ang bintana ng sasakyan ko.
"Excuse me."May kalakasang tawag ko rito.
"A-ah, yes ma'am?" Aligaga pang sabi nito.
"What's happening? Bakit bumibigat ang daloy ng mga sasakyan?" Kalmadong tanong ko.
"A-ah...eh..k-kase ho, m-may nagkarambolang mga sasakyan d'yan sa intersection eh," tinuro pa niya ang unahan namin. D'yan siguro ang intersection. Malayo kase sa amin eh, hindi ko gaanong naaaninag.
"Ah, gano'n ba. Mga ilang minuto bago maresolba 'yan?"
"Mga...T-Tatlong oras po siguro." Agad akong napatingin sa kanya. Dahilan kung bakit bahagya ring manglaki ang mata niya.
"Ang tagal naman?!" Bahagyang taas ng boses ko.
"E-eh...madami po kasing kasangkot eh" kakamot-kamot batok niya pang sabi.
"Ano? Ilan ba?"
"Tatlo po , ma'am.."
"What!?"
"O-opo ma'am.."
"Then why would it take three hours just to resolve three?!"
"Eh kas-se po. T-tatlong ten wheeler po eh. Sira lahat."
Ano bang nasa kukute ng mga driver ng mga truck na 'yan at nagkarambola sila?!
Lumingon ako ulit sa traffic inforcer.
"Thank you, y-you may go," agad naman itong umalis. Malamang ay may gagawin pa.
Tumingin ako sa harap.
Paano ako makakaalis dito ngayon?! Mag-aalas singko na. Hay! Nako naman!
This time napatingin ako uli sa cellphone ko saka malakas na bumuntong hininga.
Kung pwede lang sanang gumamit ng connection! Lintek na yan! I hate being powerless! Napakadami kong galamay pero Hindi ko magamit!
Kase nga, may plano ka!..Isang pagkakamali mo lang, masisira ka!!
Ughh!! Fvck this!
Inis kong isinampal ang kamay ko sa doorbell. Kanina pa ako rito at gabing-gabi na! Alas 8:00 na ng gabi! Umiiyak na ang dala kong sanggol, wala pang nagbubukas ng gate!
"Uwahhhhhh!! Uwahhhhhh!!! Uwahhhhhh!!!uwahhhhhh!!!"
Aish! Nakaririndi naman umiyak 'tong batang 'to!
"Huminto ka sa pag-iyak! Pag hindi ako nakapagtimpi ipapakain kita sa mga asong pagala-gala rito," inis na bulong ko sa bata habang pinanlalakihan ito ng mata kahit hindi niya nakikita.
Umangat ang sulok ng labi ko nang unti-unti ay tumahan ito ngunit nawala rin agad dahil biglang bumukas ang gate dahilan upang marinig ko na naman ang palahaw nito.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako at sa wakas ay pinagbuksan din kami. O mapipikon dahil kanina pa ako rinding-rindi sa palahaw ng batang to, hindi man lang binigyan ng break ng tenga ko.
"Helllooooohhhhh!!! How can wee helpp yyyouuuu?!!" Inis ako napatingin sa sumigaw.
Agad nagbago ang mukha niya nang makita ako.
"W-whoahh...H-Hi Sia! Hehe. Hindi ko alam na ikaw pala ang n-nandito sa gate. Kala ko mga batang k-kalye lang..hehe. Lika, p-pasok ka..hehe"
Nakakatawang pagmasdan ang mukha niyang parang natataeng masaya.
Lumingon muna ako sa sasakyan ko.
"Kita mo 'yan?" Nagtataka naman itong tumingin sa akin matapos tumingin sa sasakyan ko.
Tumingin ako sa karga kong sanggol. Napangiwi ako. Kani-kanina lang umiiyak ka ah? Bat tulog na tulog ka na?
"S-sasakyan 'yan, hindi ba?" Nag-aalangan pang sambit niya.
"Kung may utak ka, sasakyan 'yan. Kung wala naman, apat na gulong na may nakakorbang bubong at apat na pinto lang yan" sabi ko habang nasa bata parin ang paningin ko.
"S-sia naman eh.." kakamot batok na ungot pa niya. Kaya napatingin ako sa kanya.
" Tsk, wag kang magdrama. Kunin mo ang dalawang bag d'yan. "
"'Y-yong malalaki?"
"May ibang bag ka pa bang nakikita d'yan?"
"Wala. Pe-pero, sigurado ka talaga?"
"Uulitin pa talaga?"
"O-oo sige..s-sige.." sabi nito. Saka dali-daling pumunta sa sasakyan ko. Bumubulong-bulong pa siya, minumura na siguro ako.
Pero badtrip parin ako sa kanila. Kaya naman, huminto ako sa harap niya. Nakaharang sa kanya. Makaisa man lang.
"A-araaayyyyyyy!!! My precious face! My face! Huhu! Sia naman ehhh!!!" Agad na palahaw niya nang huminto ako sa harap niya para lang sapakin siya.
Hindi ko na siya pinansin pa at matuling naglakad papasok sa bahay.
"Tsk, ba't ang tagal niyo 'kong pagbuksan?! Ano bang ginagawa niyo? Nagtatagu-taguan?!" Pikong ani ko kay Mil nang madatnan ko itong prenteng nakaupo sa sala nila.
Apat na sofa ang gamit nila. Kulay kape. Dalawang mahaba at isang katamtaman lang. Kasya siguro ang tatlong katao.
Ang isang long sofa ay nakatalikod sa bintana habang ang isa naman ay nakatalikod sa hagdan. Ang katamtaman naman ay nakatalikod sa dingding kung saan nandon ang pinto at nakaharap sa siguro'y 40 inches na TV.
Sa gitna ng mga yon ay square na glass table. May vase pa sa gitna, na wala namang ibang laman kung hindi mga bato. Nando'n ang kusina sa likod ang TV.
Umupo rin ako ro'n. Iksaktong sa harap ni Mil. Ando'n siya sa mahabang sofa na nakatalikod sa bintana ka naman, ako ang nakatalikod sa hagdanan. Dahil unang-una, pagod ako. Pangalawa, nangangalay na ang mga braso ko, kaya naman ipinatong ko muna ang sanggol sa mga hita ko habang nakaalalay parin dito ang mga kamay ko.
"Oh? Andito kana pala? Akala ko hindi kana darating eh. Oh, kumusta? Hindi ko akalaing hanggang ngayon ay buhay ka pa. Aba, ilang dekada kang nawala ah? Ni akong kaisa-isang kaibigan mo hindi alam kung saan ka pumunta," imbis na sagutin ang tanong ko ay yon ang sinugot niya. Nakangisi pa ang bruha.
"Natraffic ako. May nagkarambola sa intersection. Saka ang layo nitong bahay mo sa airport." Tumango-tango siya. Nawala rin ang ngising nakaplastar sa mukha niya.
" Kailan mo ba malalaman kung paano sagotin lahat ng tanong sa'yo?" Sarkastiko pa niyang sabi. Pero ngumisi lang ako sa kanya.
"At kailan mo rin ba malalaman kung paano magtanong ng isa-isa lang?" Muli, ay ngumisi siya sa naging sagot ko.
"I'm happy that you're the same Sia, I have known for years. But I bet...many things changed." Seryosong aniya habang nakaderekta ang tingin sa nga mata ko.
"Oh, dear. Believe me, everything does," napailing siya.
"Yeah right," saka lumipad ang tingin sa karga kong sanggol. Ngunit bago paman siya makapagtanong ng mga gusto niyang tanongin ay naputol na siya ng isang malakas na kalabog.
Pareho kaming natigilan at napatingin kung saan yon. Sa pinto lumipad ang mata ko. Nando'n si Jay. Nakatayo habang pinupunasan ang pawis sa noo. Nasa paanan niya ang DALAWANG bag na gamit namin.
Isa lang naman talaga dapat 'yan. Akin lang, kaso no'ng nastuck ako sa traffic ay may nahagip ang mata ko na ukay-ukayan. Sakto namang nakaharap sa gawi ko ang isang bag na parehong-pareho no'ng akin. Naisip ko rin na mas mabuting bumili ako no'n para lagyan ng mga gamit ng sanggol.
Kase paniguradong kapag nakita nila 'yong mga shopping bags na galing sa mall. Paniguradong magtatanong sila ng magtatanong hanggang sa malaman nilang ampon ko ang sanggol.
Hindi ko pwedeng hayaan nalang na mangyari yon. Gusto kong walang makaalam na ampon ko ang batang to.
"Woohhh!! Kapagod!" Biglang sigaw nito dahilan para ngumiwi ang natutulog na nilalang sa kandungan ko. Agad ko naman itong inalo at swerte namang hindi nito itinuloy ang pag-atungal.
Tumingin ako ng masama kay Jay.
"Bakit kailangan mong sumigaw?"
"H-ha? Eh, kapagod eh."
"Ha! Napagod ka? Talaga? Dadalawang bag lang dala mo. Napagod ka pa? Galing." Sarkastiko kong ani. Wala itong nagawa at ngumuso nalang.
"A-anong nangyari sayo?!"Sabay kaming napatingin kay Mil. Turo turo niya ang namumulang pisnge ni Jay.
" S-sinapak niya," nakalabing turo naman sakin ni Jay na parang batang nagsusumbong sa ina niya.
"W-what?" Gulat pang tanong ni Mil. At saka tumingin sakin. "Is it true, Sia?" Hindi ko siya sinagot at tinignan lang ng blanko.
"Aish. Wag mo na munang pagdiskitahan yang si Jay, Sia," mapanuyang napatingin ako kay Mil saka ngumisi.
"Ang sabihin mo, pinagtatanggol mo lang 'yang shota mo," tinuro ko pa si Jay na parang pagod na pagod na inilaglag ang pwet sa sofang nakaharap sa TV.
"Oy! Hindi ah! Kagagaling palang kase sa lagnat nyan! Baka mabinat." I just shrugged. Kahit anong deny ng mga 'to, hindi ako mauuto ng mga 'to.
"At may pake ba ako?"
"Wala! Baliw ka talaga!"
"Nga pala! Sabi mo ngayon mo sasabihing----"
Hindi niya natapos ang sasabihin sana niya nang putolin ko ang sinsabi niya.
"Mamaya na ang interrogation. Kelangan kong magtimpla ng gatas para sa anak ko. Kanina pa 'to pumapalahaw" sabi ko saka dahan-dahang inilapag ang bata sa sofa at lumingon sa kanila.
"Pakibantayan nga," sabay silang napangiwi.
"Hindi talaga marunong mang-uto ang gaga," pasaring pa ni Mil.
Kinuha ko ang bag ni Flea. Nandito kase ang gatas saka iba pang gamit.
"May warm water ba kayo?"
"Oo, siguro. Kung wala patulong ka na lang sa engkanto," sabi ni Jay habang nakatingin sa bata.
"Airflea ang pangalan niya" tumingin naman sakin si Jay.
"Walang nagtatanong" sabi niya. Napakapilosopo talaga. Hindi ko na siya pinatulan pa at pumunta na sa kusina.
Pagpasok ko palang amoy na amoy ko na ang adobong niluluto ng hindi ko alam kong sino. Teka, nagluluto? Ang alam ko, si Jay lang naman at Mil ang nandito ah? At napakalabong kumuha sila ng katulong at tagaluto dahil graduate ng Culinary si Mil.
Bigla akong natigilan. What if, totoo ngang may engkanto dito? Magpapatulong ba ako?
walang engkanto ul¢l!
Napatigil ako kaagad sa paghakbang nang may marinig akong mga kalansing. I turn around and saw nothing. Pero nahanap ko naman kong saan galing ang mga kalansing na yon.
Perpendicular ang style ng kitchen nila. Ewan anong tawag. Basta para siyang T.
Dahan-dahang lumakad ako papunta sa pinanggagalingan ng mga tunog nang tumunog na naman ito. Parang mga kutsara na nagkakalansingan saka mga stainless na pot.
Wala lang 'yan, Sia..
Oo, dahil kapag meron at mabuhay pa ako. Papatayin ko talaga ang dalawang 'yon!
Ayaw ko mang aminin ay natatakot ako! Kung tao ay kaya ko iyong labanan ngunit hindi ang mga multo at masasamang elemento! Balita ko pay hindi daw nahahawakan ang mga multo! Ang iba naman ay may superpowers!
Kasalanan talaga 'to ni Jay eh! Papantayan ko talaga mukha niya ng latay.
"Oh, Hi beautiful!" A playful voice suddenly interrupted my thoughts. Dahan-dahang napatingin ako dito at unti-unting nanlaki ang mata ko!
Maputi siya! Maputi mula ulo hanggang paa! Hidni siya engkanto.. kundi
"AH MULTO!!!" Malakas na sigaw ko pa at dali-daling pumunta sa pinto. Dali-daling hinawakan ang doorknob. P-pero..
HINDI KO MABUKSAN!!
I can feel his gaze at my back. What the hell?! Baket ang gwapo namang multo non!
lumalandi ka na nga lang sa multo pa! Baka mabasa niyan utak mo!
Ha? Nakakabasa ba sila ng isip? Anak ng!
"H-hey...nakalock yan. Hindi mo talaga mabubuksan yan," he said. He even chuckled! Nanlalaki ang mata ko na humarap dito habang dikit na dikit ang likod ko sa pinto. Pilit na hinihila ang doorknob. Wala akong pakealam kahit masira ko ito!
Ikinagulat ko nang humakbang siya!
"A-anak ng! W-wag kang lalapet!" Sigaw ko rito pero tumabingi lang ang ulo nito. At nagpatuloy sa paghakbang!
"A-ano ba! T-teka!" Itinaas ko ang kanan kong palad paharap sa kanya bilang senyas na huminto siya. Thankfully huminto naman ito.
Pero unti-unti ay nagsalubong ang kilay nito. Biglang sumeryoso. May bipolar ring multo? Sinipat ko siya mula ulo hanggang paa.
"What?" Kunot noong tanong nito.
"M-multo ka 'diba?! Baket nakakalakad ka?! Hindi ba dapat nakalutang ka lang at walang paa?!" I am furious right now! Totoo ngang may powers sila!
"Ha! M-me? Multo? What the hell, woman?"
"W-what the hell?? What the hell?! The hell I care! Just answer the hell out of me!"
"BWUAHAHA... BWUAHAHAHAHAH..BWUAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA!" T-tumawa siya! T-tumawa siya!!!! B-bakett?!!
masaya siguro siyang nakikita mo siya!
Oo, nga ano? Sabi nila. Bibihira lang sa mga tao ang nakakakita ng multo. 'Yong may mga third eye daw.
s-so, my third eye ako?!
"BWUAHAHAHAHAH!!!! Se-seryoso ka talaga? HAHAHAHAHA... Sa gwapo kong t-to? Napagkamalan mo pa 'kong multo? BWUAHAHAHAHA," hinahampas niya pa ang isa niyang kamay sa mesa.
" Tsk, mukha ka naman talagang multo," kanina pa siya ganiyan. Parang sirang plaka na nagpapaulit-ulit sa utak niya ang nangyari kanina.
Matapos akong mapahiya dahil hindi naman pala siya tunay na multo eh hindi na siya huminto pa katatawa.
Kaya pala may parang nagkakalansingan. Ang mga gamit niya pala 'yon, dahil may niluluto siya. Hapunan daw. Isinalansan níya lang dahil tapos na raw siya.
At nong makasalubong ko siya, paalis na siya dapat non kaso, ando'n daw ako at parang batang takot na takot at nakakita ng multo.
Nakompirma daw niya yon nang sumigaw ako sa gulat nong bigla siyang kumibo.
"HAHAHAHAHAH! Ang sabihin mo, naunahan ka lang talaga ng takot! BWUAHAHAHAHA! Sana nakita mo mukha mo kanina! Ang ganda! Para kang 'yong mga biktima sa wrong turn! Alam mo ba yung palabas na yon?"
Napakadaldal naman ng isang 'to?
Madaldal naman si Jay pero hindi kasing daldal ng taong 'to! Si Jay natitiis ko, pero 'tong isang 'to? Baka mawala ako sa wisyo.
nag-eenjoy ka naman...
Halos mapairap ako. Minsan hindi ko gusto ang ugali kong sumagot at makipag-usap sa sarili ko. Hindi ako baliw, sadyang maraming taon lang akong naging mag-isa at sarili lang ang inaasahan kaya nasanay na ako.
Nagpatingin na rin ako sa mga psychiatrist at psychologist pero pare-pareho lang ng findings. "THAT'S NORMAL, YOU DON'T HAVE TO WORRY". Lalo pa raw at naging mag-isa ako sa mahabang panahon. Kung hindi ako nagkakamali, internal monologue daw ang tawag don. Napag-aralan ko din 'yan kaso nalimutan ko na.
Sabi pa nga no'ng isang article na nabasa ko, pakikipag-usap sa sarili ay maaaring sign that you're a genius o di naman kaya'y pwede itong makabuild ng confidence natin.
Pero kapag nakikipag-usap ka na sa sarili mo out loud at mukha kanang demonyo. Aba, pumunta kana sa spesyalista at baka may taliling kana. Hehe.
Hinarap ko siya. Inilagay ko ang isang kamay ko sa sink habang inaalog-alog ang tinimpla kong gatas gamit ang isa pa.
"Alam mo?" Dagling umangat ang dalawang kilay niya nang magsalita ako. Bagaman nakaiirita pa rin ang mukha niya.
"Ano?" ngi-ngisi ngising aniya.
"Ngayon lang ako nakasalubong ng lalaking kasing daldal mo. Sa ano ka ba ipinaglihi? Sa palaka?"
"Ewan ko. Samahan mo 'ko sa'min. Tanongin mo mommy ko. Tawagin mo na rin siyang mommy para pareho tayo." Halos mapatanga ako sa lumabas sa bibig niya. Hindi pa nakontento't kumindat pa talaga!
"Tsk."
"Alam mo rin ba?" Hindi ko siya pinansin at tumalikod para ligpitin ang kalat ko.
"Hoy! Sumagot ka ng " Ano?"-"maya-mayay atungal na naman niya.
"A-ano ba babae?! Nagmumukha na 'kong tanga sayo ah!"
"Ang ingay mo."
"Sabihin mo kaseng ano?"
Ano bang pinagsasasabi ng kumag na to?
"Hoy! Ano na?!"
"Wag ka ngang sumigaw!"
"Eh, sabihin mo na kase!!"
"Ang ano?!" Iritang sabi ko.
"Ikaw lang din ang babaeng nakilala ko na napakalaki ng tinig. Blanko pa mukha mo!" ngi-ngisi ngising aniya.
"Oh? Problema ba yon?!"
"Oo!" Taas noong sagot niya.
"At baket?" Nakangiwing ani ko pa. Saka humarap sakanya.
"Dahil diba? Sa mga pocket book, ang mga ganiyang expression ay kinaiinisan?" Nagsalubong ang kilay ko. Hindi naman halatang favorite niya ang mga pocket books...
" Hindi lahat."
"Ah...kaya pala," tatango-tango pang aniya habang nakahawak sa baba(chin) niya.
"A-anong kaya pala?"
"Kaya pala hindi ako naiinis sayo."
"Oh?" Ngunit ikinagulat ko nang bigla ay kumanta siya!
"Dahil ika-haa-ah-hay gusto koooo-ooohhhh!!"
baliw
"Ano naman 'yang kinanta mo?"
"Bakit wala ka na namang gana?! Tsh, ika'y gusto ko ang title no'n!"
"Ba't parang hindi ko pa narinig 'yan?" Takang tanong ko saka tumalikod ulit.
"Ay hindi mo talaga alam! Isusulat ko palang 'yan! 'Wag kang atat!!"
"Bakit ba palaging nakasigaw ka?"
"Baka hindi mo karinig eh! Mahirap na!" Sigaw na naman niya!
ang sama ng tama ng isang to!
Napatingin ako sa hawak kong bottle na may lamang gatas. pwede na siguro to
Handa na sana akong makipag-asaran ulit ngunit nang i-angat ko ang ulo ko ay siya namang pagbagsak ng pinto.
Napailing nalang ako sa kaabnormalan ng isang yon. Teka nga. sino nga ba yon?
Bit-bit ang mga gamit at natimpla ko ay lumabas ako. Gising na siguro si Flea. Paniguradong gutom na yon.
Saktong paglabas ko ay narinig ko ang hagikhik ng isang maliit na nilalang. Medyo nagulat ako nong makitang si Flea ang tumatawa habang parang inihahagis siya nong lalaking nakasama ko kani-kanina lang sa ere. Medyo lang. Napangiwi pa ako.
normal bang tumawa ng ganito kaaga ang sanggol?
Nakatayo yung lalaki habang hawak hawak ang sanggol at idinuduyan ito sa paraan na parang pahagis.
Ang dalawa naman ay parang tangang nakatingala sa dalawa pa. Ngingiti sila kapag humahagikhik ang bata. Real talk, mukha silang asong ulol.
Titikhim sana ako pero hindi ko gustong sirain ang moment. Tsk.
Kaya inabot ko nalang sa lalaki ang bottled milk. Tumingin ito sakin ng pagtataka.
"Pakainin mo," inginuso ko ang bata habang nakatingin sa leeg niya.
'ang taas naman ng taong to? Sa baba(chin) lang yata niya abot ang taas kong 5'9 eh
"Bakit ako?" Takang tanong nito. Napalunok ako dahil sa laki ng boses niya.
'wag kang papaapekto, sia...'
Tama. Tama. Tatango-tangong tumingin ako sa mga mata niya. Those sad blue eyes. I can see a sea of tears in them. Ang lungkot ng mga mata niya. I blink, trying to focus my self on.
"Dahil ikaw ang may hawak sa anak ko." I managed to say while my eyes are still directed to his.
"A-anak mo 'to?" Kunot-noong tanong nito. Nagtataka masyado.
"Oo! Anak niya 'yan! Nga pala! Ako na magpapakilala sa inyo sa isat-isa! Dahil paniguradong wala kayong kwenta kapag nakikipagkilala! Be thankful of me okay?!" Pinutol niya ang pagsasalita niya saka tumingin sa lalaki. "She is Sia. Siya nalang tanongin mo kung anong tunay na pangalan niya. Masyadong maarte ang isang 'yan." Dere-deretsong singit ni Mil saka tumingin sakin. "Siya naman si Thunder. Thunder Thompson. Puro TH diba? Baket? Dahil dakila siyang TH! TamangHinala! BWUAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHA," parang demonyong tawa nila ni Jay. Napatigil naman ang bata sa paghagikhik.
"Now! Pwede niyo nang shotain ang isat-isa!" Dag-dag pa niya! Na agad namang tinawanan nung isa.
"Th-they're crazy." bulong ni kulog.
"Definitely crazy."

Komentar Buku (20)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08

      0
  • avatar
    Prin Cess

    🤭❤️

    05/07

      0
  • avatar
    Jude Ezekiel Castor

    ok na

    13/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru