logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Ivan's Lair

Tila tinusok ng milyong karayom ang sentido ni Reese the moment she opened her eyes. Kaagad na tumambad sa kanya ang kadiliman at malamig na temperatura ng kwarto kung saan nandoon. Her eyes immediately looked for a light, masyadong madilim ang paligid and she hated the dark. Ni hindi siya natutulog na walang kahit maliit lang na liwanag.
"Puttteekk!" bahagyang sigaw niya. She was trembling, habang pilit na hinagilap ang lampshade na nakapatong sa bedside table niya. But, she can't find it. Ni hindi nga niya makapa kahit na ang bedside table niya ng mga oras na iyon. It was just inches away from her bed sa pagkakaalala niya.  Bakit tila sobrang malayo na ang distansya ng kama niya sa naturang lamesa?
Matapos ang ilang segundong pangangapa ay nagdesisyon na siyang bumaba ng kama niya at hanapin itong muli. Naisip niyang baka may naglinis kanina sa kwarto niya, at nakalimutang ibalik sa tamang posisyon at distansya ang bedside table niya.
But, the moment her feet touched the floor ay kaagad siyang natigilan. Isang kahoy na sahig ang naramdaman ng kanyang mga paa. At sa pagkakaalala niya ay gawa sa marmol ang sahig ng kwarto niya. May mali sa kwarto kung saan siya nandoon ng mga oras na iyon. At nakompirma niya iyon dahil sa pamilyar na panlalaking pabango na binalot ang buong kwarto. Dagli siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Pinalano niyang maghanap ng liwanag dahil masyadong madilim ang paligid, wala siyang makita, at hindi siya makahinga ng maayos. 
"Ahhh!" tili niya. Isang katawan ang nabangga niya ng mga oras na iyon and the body was cold na tila ba isang bangkay. Biglang sinakop ng takot ang buong sistema niya. Wala na siyang pakialam kung anong mangyari sa kanya, kailangan niyang tumakbo palabas ng kwartong iyon. Ngunit, hindi niya makita ang pinto palabas. She knew she was hopeless, ngunit nagpatuloy siya sa pagkapa at paghanap sa paligid.
Nasa ganoon siyang sitwasyon. Nang isang isang kamay ang biglang sumakop sa pupulsuhan niya, dahilan upang muli siyang mapatili. 
Sunod pa ay halos nabulag siya sa biglang pagliwanag ng buong kwarto, at kaagad na tumambad sa kanya ang seryosong mukha ni Ivan.
"Oh! No! No!" sigaw niya. Hindi pwedeng maging totoo ang akala niyang panaginip lang niya. Ivan, was standing inches from her ng mga oras na iyon. Her dream was true. Lahat ng nakita niya, at naramdaman niya, maging ang pagpatay nito babaeng sigurado siyang hindi tao. Ang babaeng iyon na pinatay nito using his bare hands.
"What are you doing?" tanong sa kanya ng lalaki. He was still holding her arms at hindi niya masabi dito na bitawan siya nito. Tila napipi siya ng mga oras na iyon.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito? What are you doing in my room!" pilit niyang pinakalma ang boses at ang sarili. She was scared of him, kung totoo man ang mga naaalala niyang ginawa ng lalaki sa babaeng iyon ay sigurado siyang hindi siya ligtas dito. He was a monster.
"This is my room." natigilan siya. Saka kaagad na inilibot ang kanyang mata sa loob ng kwarto upang suriin iyon at kaagad namang napaawang ang mga labi niya, hindi niya iyon ang kwarto niya. Lalo na sa kulay itim na pintura nun. She doesn't like dark colors. 
"Anong ginagawa ko dito? You are planning-"
"Masyado kang exaggerated. Kumalma ka nga!" Putol nito sa sana ay huling sasabihin pa niya. Binitawan siya nito at tinungo ang isang kahoy na upuan na nakalagak sa tabi ng isang bintana. 
Binuksan ng lalaki ang bintana na iyon, at kaagad na tumambad sa kanyang mga mata ang papasikat pa lang na araw. The light immediately blinded her tired eyes. Hindi pa sapat ang tulog niya, ngunit kailangan na niyang magmadali at umalis. Mahuhuli na siya sa trabaho niya, at ayaw niyang mapagalitan na naman ng ama niya. 
She's working at her father's company. Halos araw, araw ay lagi niyang pinatutunayan ang sarili, upang hindi lang ito ma disappoint sa kanya. Her parents were separated at may ibang pamilya na ang ama niya, while her mother kept on finding fling, relationships to satisfy her needs and her sexual desires. Hindi ito kailanman naging seryoso sa mga relasyon nito. She still loves her father. Iyon ang pagka intindi niya sa pagrerebelde nito, ngunit imposible nang magkabalikan ang dalawa. At ang tanging rason kung bakit pilit siyang nagtatrabaho sa kompanya ng ama niya ay dahil, kailangan niyang siguraduhin ang perang para sa kanya, at sa ina niya. She was still a De Guzman at may karapatan siyang angkinin ang sa kanya naman talaga. 
"I need to go home Ivan, just give me the key to my car. Mahuhuli na ako sa trabaho" aniya sa lalaki. At sa pagkakataong iyon ay bigla niyang naalala si Jacque. Hindi niya ito nakita sa loob ng kwarto na iyon kung saan siya nandoon. Nagpalinga linga siya, hindi pwedeng wala ang kaibigan niya doon. Magkasama lang sila kagabi.
"She's not here. May sumundo sa kanyang lalaki. The name is Andrew" putol ng lalaki mula sa nataranta niyang utak at puso. Paano nito nalaman ang mga iniisip niya? 
"Pero, bakit ako napunta dito sa. Bahay mo? Kung sinundo naman pala si Jacque ng asawa niya. Bakit, hindi mo na lang ako isinama sa kanila? Kaagad na tanong niya sa lalaki. May iba ba itong balak sa kanya?
"You passed out, at mahihirapan daw yung lalaking iyon na iuwi kayong dalawa ng kaibigan mo. Malayo din daw ang bahay nila mula sa bahay mo Kaya, iniwan ka niya sa akin, at dahil hindi ko alam ang address mo ay wala akong choice kundi ang dalhin ka dito sa bahay ko." sagot ng lalaki. Bumuntong hininga siya, naintindihan niya ang ginawang iyon ni Andrew, masyado nga namang malayo ang bahay niya mula sa bahay sa bahay ng mga ito. Ngunit ang hindi niya lang maintindihan kung bakit dinala siya ni Ivan sa bahay nito and hindi na lang siya ginising at tinanong kung saan siya nakatira? 
"No further questions please, masyado kang maraming tanong. Here is your key. Go!" Singhal ng lalaki, bago pa man siya muling makapagsalita. He just throw her car key sa mismong pagmumukha niya at muling binalingan ang nakabukas na bintana sa tabi nito. Ni hindi man lang ito nag-atubiling ihatid siya palabas ng bahay o ng kwarto man lang nito.
Muli niyang pinagmasdan ang lalaki. Napagtanto niyang katulad pa rin pala ito sa Ivan na kilala niya noon. Tahimik at ayaw ng maraming pag-uusap. But, the one she saw last night was different, a totally different Ivan, at dahil siya si Reese, at si Ivan ang lalaking nasa harapan niya ng mga oras na iyon ay hindi niya mapigilang mas ma curious pa dito. She swears she's gonna find out his secret. Sa mga oras na iyon ay nagbago na ang goal niya sa lalaki. Her new goal was to find out his real job, at kung kung anong klaseng nilalang ang pinatay nito nagdaang gabi sa mismong harapan niya.
"Aren't you leaving?" muling tanong ng lalaki. Hindi niya namalayan na nakatitig na pala ito sa kanya ng mga oras na iyon.
"Aalis na! Ang dami mo ring tanong!" singhal niya sa lalaki. Saka niya mabilis na nilisan ang kwarto nito. 
Kaagad na umakyat ang kilay niya ng makalabas na ng naturang kwarto. Isang mahabang hallway ang kaagad bumungad sa kanya. Iilang kwarto pa ang nakita niya mula doon. Madilim ang paligid at hindi niya alam kung saan banda ang daan palabas. Makikipaglaro ata ng maze ang lalaki sa kanya ng mga oras na iyon.
"Ivan! Pwede mo naman akong ihatid palabas di ba? Masyadong malaki ang bahay mo!" sigaw niya sa lalaki. Ngunit hindi man lang ito sumagot at makalipas ang ilang minuto ay nagdesisyon na lang siyang tahakin ang kaliwang bahagi ng naturang madilim na pasilyo. 
The walls of the mansion was painted with cream color, may ilang mga painting na nakasabit sa dingding. Madulas at matibay pa ang kahoy na sahig, halatang laging nalilinis. Nakakabingi ang katahimikan sa buong paligid. Mag-isa lang ata na nakatira si Ivan sa mansyon na iyon. 
Naalala niya noong High School pa sila, wala siyang nakitang miyembro ng pamilya nitong pumunta sa paaralan. Sa bawat. Recognition, parents day o ni nung nagtapos na sila ay wala pa ring pumunta na mga magulang para dito. Maliban na lang noong araw na ni reject siya nito. Mayroong isang matandang lalaking sumundo dito.
"Miss?" napapitlag siya sa boses na biglang nagsalita sa kanyang likuran ng mga oras na iyon. Dahan, dahan pa siyang nilingon iyon at kaagad na bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ng isang matandang lalaki.
"Teka, ikaw yung Lolo ni Ivan!" bulalas niya. Ilang beses ba dapat niyang sabihin ang 'speaking of the devil' bakit sa tuwing iniisip niya ang mga ito ay bigla na lang ang mga itong nagpapakita sa kanya na tila ba narinig ng mga ito ang naisip niya. Kagaya ng nangyari ng nagdaang gabi kay Ivan. She was just thinking about him at bigla na lang itong nagpakita sa kanya, makalipas ang halos sampung taon.
"Hindi, hindi po ako Lolo ni Ser Ivan. Caretaker lang po ako ng mansyon na ito" sagot ng matanda sa kanya. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon, buong akala niya ay Lolo ito ng lalaki. 
"A, ganun po ba? Pasensya po" sagot niya sa matanda, saka niya inilibot ang tingin sa paligid. Hinahanap pa rin niya ang daan palabas ng mansyon na iyon. 
"Ma'am. Dito po ang daan palabas" itinuro ng matanda ang kabilang bahagi ng pasilyo. Kaagad naman siyang tumango at sumunod sa matanda. Hanggang sa maabot na nila ang isang grand staircase na gawa din sa kahoy. Bago pa man sila makababa ng hagdan na iyon ay inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid. Masyadong malaki ang mansyon na iyon, para sa dalawang tao lang. Wala na bang ibang pamilya si Ivan? 
"Ahhhm. Pwede po bang magtanong?" hindi na niya na pigilan ang sarili na magtanong sa matandang katabi. 
"Wala na bang ibang kasama na pamilya si Ivan dito? Masyadong malaki ang bahay na ito para sa inyong dalawa lang" tanong niya dito. Hindi niya alam kung bakit ang daming niyang tanong sa umagang iyon. She was usually just the listener, marahil ay dahil sa katotohanan na interesado talaga siya, kapag si Ivan na ang pinag-uusapan.
"Wala po Ma'am" sagot lang ng matanda sa kanya. kasalukuyan na silang bumaba na sila ng hagdan ng mga oras na iyon at natatanaw na niya ang dambuhalang kahoy na pinto palabas ng naturang mansyon. Hindi na niya masyadong maaninag ang iba pang parte ng mansyon ng mga oras na iyon, dahil madilim na sa ibang parte at tila hindi talaga uso sa mga ito ang ilaw.
"Maraming Salamat po. Mauna na po ako" paalam niya sa matanda matapos nitong buksan ang double door. Bumungad sa kanya ang maliwanag at mainit na sikat ng araw, kabaliktaran ng madilim at malamig na loob ng mansyon.
Namataan niya ang sasakyang nakaparada sa mismong harapan ng masyon. Hindi uso ang gate kay Ivan, pwede pa naman itong maglagay ng barikada sa paligid, ngunit wala talagang anumang proteksyon ang bahay na iyon. Na napapaligiran ng halos kagubatan. Sigurado siyang nakapadilim ng mansyon na iyon tuwing gabi.
Malaking porsyento ng populasyon ng Kaleidoscope ay mga puno at kagubatan. Hindi katulad ng mga katabing bayan nila na masyado nang advance ang teknolohiya. 
People in her town chose a simple life, halos iilan lang ang mga matataas na gusali sa bayan niya at isa sa mga gusaling iyon ay ang kompanya ng ama niya. They were producing products needed for everyday life. Katulad na lang ng mga sabon at iilang pang personal hygiene. Kaya sikat ang kompanya nila sa buong Kaleidoscope. Dahil kung doon ka nagtatrabaho ay siguradong magaling ka. They only choose the best, hindi pwede ang medyo magaling lang. Dapat ay magaling talaga upang matanggap sa kompanya and as for her, ginawa niya ang best niya upang makapasok. Ayaw niyang sabihin ng iba na dahil anak siya ng nagmamay-ari kaya siya nakapasok. She pull herself up mula sa pagiging Secretary ng ama ay na promote siya ng paulit ulit. And now she is the Vice President of the company. Malaking obligasyon ang hawak niya. Kaya hindi option ang ma late sa work, kailangan niyang maging magandang ehemplo sa iba.
"Ma'am! Sa kaliwang bahagi po ang daan palabas!" napatingin siya sa matandang nakatayo pa rin pala malapit sa pinto, at tila hinihintay ang tuluyang pag-alis niya.
"Sige po. Salamat!" sagot niya dito. Saka niya binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan. She was about to go inside nang mapansin niya ang pares ng mga matang nakatingin sa kanya, mula sa isang bintana ng mansyon. Nandoon pa rin si Ivan at nakaupo. He was just looking at her ng mga oras na iyon at walang emosyon ang mukha. He is freaking her out. Minsan talaga iniisip niya na napaka weird ng lalaki. 
"Sige po!" muli siyang nagpaalam sa matandang lalaki. Hindi na siya muling tumingin kay Ivan. Sumakay na siya ng sasakyan niya at hinanap ang daan palayo sa weird na mansyon na iyon.
Tatapusin lang niya ang iilang major na gawain niya sa opisina at sisimulan na niya ang paghahanap ng kasagutan sa mga katanungan niya, tungkol kay Ivan. Ngunit, baka ilang araw pa ang gugugulin niya sa opisina bago niya magawa ang bagay na iyon.

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Kely Añasco Lomocso

    I'm okay 😊

    24d

      0
  • avatar
    Ch Arm Gerona

    good story

    01/06

      0
  • avatar
    Joan Santos

    darating rin po ang panahon ay kaialangan natin magbago s bwat maling nagawa natin noon at kaya natin itong baguhin dahil ito ang mga gawa natin na kayang baguhin ng bawat tao kasi po may tinataaag po tayo isang pagkakamali molang ay para samga tao na hindi ka naiintindihan ay isng maling gawain na ang nakikita nila para syo dahil kilala ka nila bilang masamang tao at hindi campante kung paunti unting itatama ang pagkakamali natin ay kaya makita ng mga tao ang pagbabago mo sa bawat pagkakamali m

    11/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru