logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 6

Thymine
Matapos ang ilang paalala ay mabilis kaming umalis sa silid. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa unang palapag ng bahay. Hindi ko pa rin maiwasang mamangha dahil sa laki nito.
May apat na palapag ang bahay na 'to at dito namin naisipang magsimula. Wala akong ideya kung anong kapahamakan ang maaari naming makuha rito pero gaya ng sabi nila, hindi nagpapakita si Kamatayan kapag umaga.
"Thymine, marami kayo. Huwag kang masyadong mag-isip. Kasama mo si Rhian, hindi ka mapapahamak," mahinang bulong ko habang kinukumbinsi ang sarili.
Sa unang palapag makikita ang mga antigong gamit at may mga sinaunang obra pa na nakasabit sa mga pader. Ngayon ko lang ito nakita dahil sa ikatlong palapag ako unang dinala pagkarating dito.
"Huwag kang masyadong mamangha sa mga nakikita mo. Impyerno ang lugar na ito kaya katakutan mo lahat ng bahay na makikita kahit napakaganda pa nito," rinig kong sabi ng isang lalaki sa katabi niya.
Halos nasa dalawampu't lima kami ngayon, kabilang na ako. Ayon sa kanila, kinakailangan namin na libutin ang buong bahay para mas maintidihan ang mga nangyayari.
"Sa nakikita niyo, magulo ang paligid. Ipapaliwanag ko mamaya kung ano ba talagang nangyayari sa tuwing sumasapit ang takdang oras. Ito ang laging niyong tatandaan," bulalas ni Trench at bahagyang tumigil para tignan ang mga kasama ko sa likod.
May dalawa kasi naghaharutan at parang balewala lang sa kanila ang mga pinagsasabi ni Trench. Hindi ko nga maintindihan kung paano nila nagagawa 'yon gayong nasa gitna kami ng panganib.
"Hayaan mo na sila, Thymine. Mukhang nabitin pa sila kagabi kaya ganyan pa rin hanggang ngayon. Huwag kang mag-alala, si Trench na ang bahala riyan," sabi sa akin ni Rhian.
Napatigil na rin ang iba at lahat sila ay napatingin sa dalawa namin kasamahan na nagkikilitian at paminsan-minsan ay hawak-kamay pa. Kung wala kami sa ganitong sitwasyon, baka walang papansin sa ginagawa nila.
"Kayong dalawa, kung hindi kayo interesado sa mga sinasabi ko, maaari na kayong umalis sa grupo. Huwag niyong aasahan na tutulungan namin kaya kapag dumating na siya. Hindi kayo marunong magseryoso," najinis na sambit ni Trench at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Muli na naman siyang napahinto dahil may nagsalitang babae. Bakas ang bahagyang inis sa mukha niya pero hinarap niya pa rin ang babae. Kinakabahan ako sa awra ni Trench, pakiramdam ko iba siya kung magalit.
"Ano bang saysay ng ginagawa nating paglilibot ngayon? Bakit hindi niyo na lang ituro ang daan palabas? Sabihan niyo na para makaalis na kami, marami pa akong naiwang gawain sa kumpanya," naghahamong sabi ng isang ginang.
Sa pagkakaalam ko, sampu kaming bagong dating lang sa lugar na 'to. Hindi ko nga rin alam kung sino ba ang may-ari ng bahay na 'to. Maaaring si Trench, posible ring si Rhian.
Totoo kayang hindi alam ni Rhian ang palabas sa lugar na ito? Baka pinaiikot niya lang ako? Tinutulungan niya para hindi ko siya pagdudahan.
"Ano ba 'yan, Thymine! Bakit pati si Rhian ay pinagdududahan mo? Siya ang tumutulong sa iyo ngayon kaya umayos ka," mahinang bulong ko sa isipan.
Masyado kasi kaming marami at wala akong ideya kung sino ba ang mga dapat pagkatiwalaan. Nakikisama na lang ako sa kanila, gusto ko na rin kasing makalabas. Ang problema, hindi ko alam kung paano.
"Kung alam ko ang sagot sa itinatanong mo, matagal na akong wala sa lugar na 'to. Pagbibigay impormasyon lang ang kaya kong ibigay, kung ayaw niyo ay maaari na kayong tumiwalag sa grupo. Hindi ko naman kayo pinipilit na sumama," makahulugang paliwanag ni Trench kaya natahimik ang lahat.
Kung sa bagay, may punto si Trench. Kusang-loob kaming sumama sa grupo nila kaya wala kaming karapatan na magreklamo. Subalit hindi naman nagustuhan ng ginang ang narinig. Hindi ito ang inaasahan niyang sagot.
"Hindi kaya ikaw ang nagdala sa amin dito at nagpapanggap ka lang na walang alam? Posible 'yon dahil sa pagkakatanda ko, huli kong naka-usap ay lalaking kasingkisig mo. Pareho kayong gasgas na ang boses, tama ba ako?" nagtatakang tanong ng ginang.
Napahawak na lang sa sentido niya si Trench at bakas sa mukha niya ang pagkainis. Hindi niya nagugustuhan ang mga tinuturan ng ginang. Pero hindi ko naman masisisi ang ginang. Kahit ganito ang sitwasyon namin, may karapatan pa rin kaming magduda.
"Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan at bahala ka kung anong iisipin mo. Ayaw mong maniwala na ang bahay na 'to ay bahay ni kamatayan? Tignan lang natin, hanggang saan ka kaya dadalhin ng tapang mo?" makahulugan niyang sagot habang pilit na kinakalma ang sarili.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang marinig ang pangalan ni Kamatayan. Pakiramdam ko ay tintignan niya ako sa malayo. Nakakakilabot!
"Kailangan niyong magkaroon ng kaalaman kung paano ang kalakaran dito. Kung gusto niyong makaligtas, susunod at makikinig kayo sa mga sasabihin ko. Alam ko kung ano at kailan siya lumalabas," mariing giit ng isang babae na sa tingin ko ay katiwala rin ni Trench
Kanina ko pa kasi siya nakikitang nakadikit kay Trench. Gusto ko sanang isipin na baka may pagtingin sila sa isa't isa pero hindi ko sigurado. Bahagyan namang lumapit sa akin si Rhian at bumulong.
"Siya si Wince, ang kanang kamay ni Trench. Mas madali siyang lapitan kaysa kay Trench, mabait siya at hindi madaling magalit. Marami na rin siyang nalalaman tungkol sa lugar na 'to, mas matagal na sila kaysa sa akin. Kaya kung may tanong ka, si Wince muna ang lapitan mo," sabi ni Rhian.
Pasimpleng nagbulungan ang iba naming kasamahan, tila may isa na namang haka-haka silang pag-uusapan. Hindi ko ito marinig pero alam kong tungkol ito kay Trench.
"Hayaan mo sila. Hindi mo gugustuhing makita na magalit si Trench. Hayaan mong sila ang mapagbuntungan ng galit. Huwag na tayong makisali," muling bulong sa akin ni Rhian.
Padabog na lumapit si Trench sa ginang na nagsalita kanina. Mababakas na namin nang malinaw ang pagkainis sa mukha at ikinikilos niya.
"Kung ayaw mong maniwala sa akin, umalis ka na. Huwag mo kaming guluhin at sige, subukan mong tumakas. Tignan lang natin kung makaligtas ka. Iyan ang gusto mo, hindi ba? Tinutulungan kita pero nagmamatigas ka," nagtitimping sabi ni Trench.
Hindi pa rin nagpatinag ang ginang sa mga sinasabi ni Trench. Nakipagmatigasan pa rin siya at pinaniniwalaan na may kinalaman si Trench sa nangyayari sa amin ngayon.
"Aalis talaga ako! Hindi ako hihingi ng tulong mula sa inyo. Nagsasayang lang ako ng oras sa mga walang k'wentang bagay na pinagsasabi niyo. Pinaglalaruan mo lang kami!" singhal nito at padabog na pumunta sa bukana ng bahay.
Malapit lang kami sa mismong pintuan ng bahay kaya hindi na tuloy siya nahirapan na makapunta ro'n. Akmang pipigilan ng isang lalaki ang ginang subalit pinigil siya ni Trench.
"Hayaan niyo siya sa kagustuhan niya. Sa oras na lumabas siya ng pintuang 'yan, katapusan na niya. Walang lugar sa bahay na 'to ang katigasan ng ulo. Desisyon niya 'yan, hayaan natin siya," mariing giit ni Trench.
Tuluyan na ngang lumabas ng pintuan ang ginang at walang nagtakang pigilan siya. Hindi ko maiwasang kabahan sa posibleng mangyari sa kanya. Pagkatapos nito ay nabalot ng katahimikan ang buong lugar.
"Wala bang nangyaring masama sa kanya? Rhian, baka sa pintuan na 'yon nga ang daanan paalis dito," mahinang bulong ko sa kanya.
Humarap naman siya sa akin at sinabing huwag akong maingay. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ba sumagi sa isip niya na ang daanan paalis dito ay ang pintuan sa harap namin?
"Alam kong delikado ang daan na 'yan. Hintayin mo kung anong mangyayari sa kanya," makahuluhang sagot ni Rhian.
Maya-maya pa ay nakarinig kami ng kaluskos sa labas ng bahay. Sunud-sunod na sigaw ng ginang ang aming naririnig. Halos lahat ay nakaramdam ng matinding takot, hindi namin alam kung ano bang nangyayari sa labas.
"A-Ano 'yon?" kinakabahang tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Paulit-ulit na sumisigaw at dumadaing ang ginang dahil sa sakit. Nararamdam ko rin ang sakit na nararamdaman niya sa bawat daing. Nasasaktan siya habang kami, nakikinig lang sa masasakit niyang daing. Naghihirap siya pero walang nagtatangkang tulungan siya.
Para itong inaatake ng kung ano at sobrang nasasaktan siya kaya siguradong hindi ito pangkaraniwan.
Ilang daing at hiyaw pa ang narinig narinig bago tuluyang humina at nawala ang tinig ng ginang. Ano kayang nangyari? Patay na ba siya? Ano bang eksaktong nangyari sa kanya?
"Kung ayaw niyong matulad sa kanya, susunod kayo at hayaan niyong ilantad ko ang misteryo. May mga impormasyon akong nalalaman na siguradong makakatulong sa atin para makaligtas," sambit ni Trench at sa pagkakataong ito ay nakikinig na sa kanya ang lahat.
Tuluyan niyang nakuha ang atensyon namin sa nasaksihan namin na nangyari. Kung gusto ko ring makaligtas, kailangan kong makakuha ng mga impormasyon kay Trench. Hindi palaging nandito si Rhian para iligtas ako.
"Walang makakaligtas sa bahay ni Kamatayan, bawat kaalaman ay may kapalit na buhay. Hindi siya pangkaraniwan, madalas niya tayong pinaglalaruan," dagdag pa niya na mas lalong nagpatibok nang malakas sa puso ko.

Komentar Buku (473)

  • avatar
    gnomes

    Interesting title, mapapa isip ka kung ano ang Macabre at bakit yun ang title nitong novel and exciting ang introduction. Definitely a highly recommended and a must read novel, especially if you're a fan of mystery novels.

    16/07/2022

      18
  • avatar
    PolicarbonatoJames

    Goosebumps! Grabe, sobrang highly recommended ang story na ito!

    16/05/2022

      2
  • avatar
    Marcela

    Very catchy ng description. Nakaka-curious kung bakit macabre ang pamagat. Kudos to you author ❤️❤️❤️

    22/04/2022

      26
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru