logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2

Thymine
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon pauwi sa bahay galing eskwelahan. Wala akong sariling kotse kaya kinakailangan kong maglakad para makatipid. Hindi ako gaya ng iba na pinanganak na mayaman. Kailangan kong magtipid.
"Ito ang pinakapraktikal na desisyon na ginawa mo, Thymine," bulong ko sa sarili.
Tahimik ang kalsadang tinatahak ko ngayon at bibihira lang ang mga taong nagpupunta rito. Ito kasi ang pinaiksing daan para mas mabilis akong makauwi sa amin. Lugar ito ng mga abandonadong bahay at tanging yabag lang ng mga dumaraan ang naririnig.
"Hindi ko maintindihan ang iba. Hindi ba nila naiisip na masyadong mahal ang pamasahe? Kung naglalakad na lang din sila gaya ko, hindi sana ganito katahimik dito," bulalas ko habang naglalakad.
Maliwanag pa naman subalit hindi ko maiwasang makaramdam ng takot. Iba kasi ang pakiramdam kapag naglalakad dito. Masyado rin kasing kakaiba ang lugar na ito. Maraming nagsasabi na may kung ano-anong ligaw na kaluluwa pero hindi ako naniniwala.
"Ano ba 'yan, Thymine! Kung ano-ano ang naiisip mo. Mas lalo mo lang tinatakot ang sarili mo."
Medyo may katangkaran ako at patpatin ang katawan. Tipikal lang at walang kahit anong espesyal sa akin. Kaunti lang din ang mga nakakausap ko sa eskwelahan dahil bibihira lang ako makisalamuha.
Nakayakap na lang ako sa aking sarili nang maramdaman ang malamig simoy ng hangin. Pasado alas-singko na rin pala ng hapon.
"Bakit ko ba kasi naisipang takasan si Yoola? Hindi na sana ako dadaan dito kung hindi ko siya tinakasan. Napadpad na naman tuloy ako sa lugar na 'to," bulalas ko habang tahimik na nagmamasid sa paligid.
Hindi naman kasi ako palaging dumaraan dito dahil madalas kong kasabay si Yoola. May sarili silang sasakyan at suwerte na magkalapit lang ang bahay namin kaya nakikisabay ako sa kanya.
"Ayan, kung ano-ano kasing kalokohan ang pumapasok sa isip mo. Hay nako, Thymine!" naiinis na bulong ko sa sarili.
Napapasipol na lang ako para maibsan kahit papaano ang kabang nararamdaman ko ngayon. Kung ano-ano kasi ang naiisip ko.
"Ganito pala ang pakiramdam kapag mag-isa ka lang naglalakad sa tahimik na lugar. Matagal na rin mula nang naramdaman ko ito," bulong ko.
Mas lalo kong tinatakot ang sarili ko. Kaunting distansya na lang at siguradong makakarating na ako sa kalye ng lugar namin. Doon ay maraming tao na dumaraan kaya hindi ko na kailangang matakot.
"Kaunting tiis na lang Thymine," sambit ko at mas lalong binilisan pa ang paglalakad.
Nakasuot pa rin ako ng uniporme ng aming paaralan kaya hindi ko maiwasang lamigin. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko sa katawann. Nakasuot ako ng pantalon kaya mas lalong namamawis ang hita dahil sa kaba. Ano ba itong ginagawa mo? Hay nako!
May narinig akong kaluskos sa hindi kalayuan at bigla akong nakaramdam ng kaba. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko.
"Juskong buhay naman 'to, pauwiin niyo muna ako bago kayo manakot. Hindi ito nakakatuwa," natataranta kong sabi at mas binilisan pa ang paglalakad.
Sa tingin ko ay para itong hayop na nasa damuhan at naghahanap ng makakain. Hindi na ako nag-abalang lapitan pa ito bagkus ay ipinagsawalang-bahala ko na lang.
"Kailangan kong makaalis na rito, nakakatakot na," pangungumbinsi ko sa sarili.
Napatakbo ako nang wala sa oras dahil biglang may lumabas na tatlong naglalakihang daga mula sa isang bakanteng lote at tumatakbo sila papunta sa direksyon ko. Mas lalong trumiple ang kabang nararamdaman ko.
"Mama, ayoko na talagang dumaan dito. Takot pa naman ako sa daga, nakakainis naman! Hindi ko na tatakasan si Yoola!" natatarantang sigaw ko at mas mabilis na tumakbo.
Nakasunod pa rin sa akin ang mga daga kaya wala pa rin akong tigil sa pagtakbo. Sinubukan kong lumingon muli sa likuran subalit mali ang aking ginawa. Ito ang pinagsisisihang desisyon na ginawa ko.
Tumama ako sa kung ano habang tumatakbo at agad na tumilapon sa semento. Halos mahalikan ko na ang lupa at kitang-kita ko na ang mga nagtatakbuhang daga. Nakakasuka! Hindi ko sila kayang tignan.
Nakakadiri ang itsura ng mga ito at hindi ko talaga kayang tumagal malapit sa kanila. Kulay itim at may nakakadiring kuko at ngipin. Ayoko na, napapikit na lang ako namg wala sa oras. Ayokong tignan ang paglapit nila sa akin. Natatakot ako sa mga daga. Ayoko sa kanila!
Nakahanda na ako kung sakaling kagatin nila ako subalit ilang segundo na ang lumilipas ay wala pa ring dagang lumalapit sa akin. Nakapagtataka, ano bang nangyayari? Wala akong ideya.
Minulat ko na ang mata at tumambad sa akin ang duguang mga daga. Nagkalat ang dugo nila sa paligid at nakakasuka itong tignan. Para silang binato at ito ang naging sanhi ng pagkamatay nila. Kahit na hindi ko sila gusto, nakakaramdam pa rin ako ng kaunting awa.
Naalala ko ang nabunggo ko kanina kaya lumingon ako sa likuran at nakita ko ang isang lalaki na nakalahad ang kamay sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Nahihiya ako.
Hindi ko pa ito nakikilala sa buong buhay ko subalit nakangiti sìya at para niya akong ine-enganyong tanggapin ang kamay niya. Hindi ko alam ang gagawin. Bihira lang akong makisalamuha sa tao.
Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko ba pero hindi kalaunan ay kinuha ko na rin. Iniligtas niya ako sa mga daga kaya wala naman sigurong problema. Baka magmukha pa akong walang utang na loob kung sakali.
Inalalayan niya akong makatayo bago ako tuluyang makapag-pagpag ng damit. Narumihan pa tuloy ang uniporme ko. Mas lalo tuloy akong nagsisisi na tinakasan ko si Yoola. Hindi ko sana mararanasan ito.
Malaki ang pangangatawan ng lalaki at kayumanggi ang kulay ng balat. Mayroon din siyang bilugang mata at may itim sa gilid. Sa tingin ko ay madalas siyang kulang sa tulog.
Nginitian ko na siya kahit medyo naiilang ako. Bahala na, wala naman sigurong masama kung magiging mabait ako sa kanya. Kaya mo 'yan, Thymine!
"Salamat nga pala, salamat sa pagliligtas mo sa akin sa daga. Kahit na hindi mo ako kilala, hindi ka nagdalawang-isip na tulungan ako," masayang sambit ko.
Ngumiti rin siya pabalik at bahagyang lumapit sa akin. Nakakailang! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko?
"Walang anuman, masaya akong makatulong."
Malaki ang boses nito at medyo gasgas ito. Naiilang akong tumingin sa kanya dahil hindi ko alam kung dapat ba akong magpakilala. Bahala na. Magpapakilala na ako sa kanya. Iniligtas niya ako kaya siguro walang masama.
"Ako pala si Thymine, maiwan na kita, ah? Baka abutan ako ng dilim, mahirap na," nakangiti kong sambit at muling inayos ang uniporme ko.
Sinimulan ko na ulit ang paglalakad ng muli siyang magsalita. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko, may iba sa sinabi niya. Ano ba 'yan, kung ano-ano na ang naiisip ko.
"Mag-iingat ka Thymine."
Hindi ko na lang ito pinansin at muling ngumiti sa kanya bilang pasasalamat. Ipinagpatuloy ko na ang paglalakad subalit hindi pa man ako tuluyang nakakalayo nang biglang may pumukpok sa ulo ko.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at akmang lilingon sa aking likuran subalit muli akong pinukpok. Hindi ko na tuluyang nasilayan ang mukha niya dahil pagkatapos niya akong pukpukin ay binalot ng kadiliman ang buong paligid ko.

Komentar Buku (473)

  • avatar
    gnomes

    Interesting title, mapapa isip ka kung ano ang Macabre at bakit yun ang title nitong novel and exciting ang introduction. Definitely a highly recommended and a must read novel, especially if you're a fan of mystery novels.

    16/07/2022

      18
  • avatar
    PolicarbonatoJames

    Goosebumps! Grabe, sobrang highly recommended ang story na ito!

    16/05/2022

      2
  • avatar
    Marcela

    Very catchy ng description. Nakaka-curious kung bakit macabre ang pamagat. Kudos to you author ❤️❤️❤️

    22/04/2022

      26
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru