logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Hindi ko alam kung pano ko nagawang makarating sa unit. Isa lang ang alam yun ay kaylangan kong makalayo sa kanya, sa kanila. Di ko inakalang ang mga taong pinakamamahal ko ang sya ring dudurog sakin. Wala ng mas sasakit pa na malaman na ang fiance ko mismo ang ama ng pinagbubuntis ng kapatid ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at sinaksak ng paulit ulit. Sinubukan kong pumikit at humiling na sanay isa na lamang itong panaginip upang sa aking pag gising ay makalimutan ko na ang bangungot na ito. Napaluhod ako sa sobrang panlalambot habang patuloy na tumatangis. Di ko alam kung ilang balde na ng luha ang pinakawalan ko o kung mayroon paba akong iluluha. Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit ngunit walang boses ang lumabas.
Pagkatayo ko'y isang mainit na yakap ang nadama ko mula sa likod. Sa halip na magpakalma ay lalo itong nagdulot ng hapdi sa aking puso. Rinig ko din ang kanyang paghikbi kasabay ng pag agos ng masagana kong luha. Nanatili kami sa ganung posisyon. Wala akong lakas na itulak sya palayo sa kabila ng ginawa nito sakin.
"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko but please listen to me Ashiee"
"Hindi ko intensyong saktan ka"
pagsusumamo nito na ngayoy nangungusap sa harapan ko. Nakatitig pa ito sa akin habang hinahaplos ang kamay ko.Di intensyon? nag init ako ng marinig ang katagang iyon. Dinuraan ko ito at sarkastikong tumawa sabay talikod palayo sa kanya. Nakakailang hakbang palang nang pigilan nito ako sa kamay.
"I didn't mean it Ashiee pleasee.. that ti. time i was so..
"Shut up, wala akong paki alam sa sasabihin mo" Bwelta ko kaya natigilan ito. Nanlambot ako nang makitang may umaagos na luha sa kanyang pisngi. Hindi ko magawang bawiin ang kamay kong hawak pa nya. Ngunit kailangan kong tibayan. Ayokong mapahiya si mom at maging disgrasyada ang kapatid ko. Pumikit ako dahil isang ideya ang pumasok sa isip ko. Sobrang durog na durog na ako at hindi ko na alam kung pano pa maiibsan ito. Isa lang ang alam ko yun ay hindi ako makapapayag na lumaking walang ama ang pamangkin ko.
"You want my forgiveness right? " matapang kong tanong dito. Pinilit kong pinahupa ang mga luhang kanina pa kumakawala. Im so wreak kaya wala na namang mawawala sakin.
"Marry her" dugtong ko. Halos manlaki ang mata nito sa sinabi ko.
"Did i hear it right?" No i.. mean would you please let me explain Ashiiee " nahihirapan nitong pakiusap habang walang ampat sa pag luha. Lumuhod ito at masuyong hinaplos ang kamay ko.
"Ginusto mo diba? pwes panindigan mo.. If you really love me gawin mo ang sinabi ko Svett"
"Listen to me Ashiee please hear my side"
Hindi ko nagawang tumingin sa mata nyang nagsusumamo.
Huminga ako ng malalim at pilit na pinigil ang luhang kanina pang nagbabadya. Ito ang pinakamasakit ngunit pinaka tamang gawin sa sitwasyon namin.
"Asan na yung Svettelar na responsable? yu.. yung walang inuurungan at di tumatakas sa responsibilidad?" Pinilit kong hindi pumiyok habang binibigkas ang mga katagang iyon. May nakatakas na luha kaya agad ko itong pinahid at ngumiti dito. Pinunasan ko rin ang mga luha nya kaya pumikit ito at dinama ang init palad ko. Huminga ito ng malalim at masuyong hinalikan ang kamay ko. Tumango tango muna ito bago tumingin ng diretso sa akin.
"If that's what you want, sige gagawin ko but always remember na my heart only beats for you Ashiera Claire" Duon na umagos ang masagana kong luha. Hindi ko kinaya ang sinabi nito. Tumayo ito at ngumiti ng pilit sakin.
"Can i hug you for the last time?" Hindi ko na nagawang sumagot at agad syang niyakap ng mahigpit. Humagulhol ako sa bisig nya. Sa bisig nya na akala koy ligtas ako ngunit hindi pala. Rinig ko ang impit nitong pag hikbi na lalo lang nagpalakas ng iyak ko. Hinaplos nito ang buhok ko tulad ng dati pag yakap nya ko. Dati yakap nya ang nagpapakalma sakin ngunit iba ngayon. Isa itong bagay na hindi ko na mararanasan muli.
Habang tumatagal ay humihigpit ang kapit namin sa isat isa. Tila walang gustong bumitaw. Kung pwede lang sanang bawiin ang sinabi ko. Kung pwede lang sanang maging makasarili, gagawin ko. Masakit pero alam kong tama ang desisyon ko. Para ito sa magiging pamangkin ko.
Mabigat man sa loob ay itinulak ko si Svett. Kung hindi ako bibitaw ay walang bibitaw. Luhaan itong tumingin sakin at tumango. Bago tumalikod ay may binulong pa ito sa hangin. 'iloveyou'. Pinagmasdan ko ang likod nya habang tuluyan syang lumalayo sakin. 'Farewell my totga see you in next life' bulong ko sa sarili. Tunay ngang goodbye is such a sweet sorrow.
~~~
Eto na ang araw kung saan kailangan kong mas maging matatag. Galit na galit ang mga kaibigan ko kay Svett at AV to the point na gusto nila itong gantihan. Pinigilan ko sila at sinabing suportahan na lang ang desisyon ko. Since private ang relationship namin ni Svett hindi ako nahirapan sa mga relatives namin nang inanunsyo ang kasal ng dalawa. While pinalabas ko namang naghiwalay na kami a years ago sa nakaka alam sa relasyon namin.
Walang kibo si mom nung ako na mismo ang lumapit sa kanila kasama si Svett. Tumupad ito sa usapan at agad na manhikan kasama ang magulang nya. Halos himatayin ang parents nya nang malamang hindi ako ang pakakasalan ng anak nila. Ngunit gaya ni mom ay naintindihan nilang ito ang mas makabubuti para sa nakararami. Naging malapit ako sa mama ni Svett kaya umiiyak itong yumakap sakin at sinabing magpakatatag ako.
Dahil paga pa ang mata ko sa kakaiyak ay kinapalan ni San ang make up ko. Habang panay naman ang kwento ni Tally at Kisha para aliwin ako. Hindi ko man lang nagawang ngumiti kahit na mukhang nakakatawa ang kwento nila. Sobrang na appreciate ko ang ginanawa nila for me para mapasaya ako. Ngunit wala na yatang mas sasakit pa sa araw na ito. Sa araw ng kasal ng lalaking pinakamamahal ko at ng kapatid ko.
Inakbayan ako ni San pagkababa ng kotse habang magka akbay naman sa likod ang dalawa. West wedding ang napag desisyunan nila kaya di na kailangan ng abay. Gusto ko sanang hindi sumipot sa kasal nila ngunit kailangan kong panindigan ang pagpapanggap sa harap ng relatives namin.
Nginitian ko lahat ng naroroon maliban sa kapatid kong di magawang makatingin sakin. Isa sa mga tiyahin namin ang nagtanong kung nasaan na ba ang groom at ang family nito. Mali raw kasi na mauna ang bride sa groom. Hindi ko alam ang isasagot kaya nginitian ko na lang.
Ilang sandali rin ay dumating na si Svett together with his family. Nagtama ang tingin namin kaya agad akong yumuko. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili at makailang ulit na huminga ng malalim. Agad namang lumapit ang tatlo para pagaanin ang loob ko.
Nagsimula ang seremonya ngunit wala ako sa wisyo para maintindihan lahat ang mga sinasabi nung judge.
"Svettelar Dave Lubiano do you take Abierzha Valine Gordon to be your lawfully weded wife in sickness and in health, in richest and poorest 'till death do you part?" Hindi agad ito naka sagot at nagpalinga linga na para bang may hinahanap. Nang matagpuan nya ako ay ngumiti ito ng pilit. Di nakatakas sa paningin ko ang pumatak na luha mula sa kanya bago ito nag i do.
"You may now kiss the bride" hindi ko nagawang tumingin nung marinig iyon. Nangingilid na ang luha ko pero pilit ko pa din itong pinipigil.
" I now pronounce you husband and wife" nagpalakpakan ang mga taong naroroon. Hindi ko na napigil ang aking sarili at nanakbo ako palabas. Dinig kong tinawag ako ng tatlo pero di ko sila nilingon. Wala na akong paki alam sa iisipin nila sa bigla kong pagtakbo. At wala na rin akong balak sumunod sa reception area. Kinalampag pa ni San ang kotse nang makasakay ako roon. Tumingin ako dito bago tuluyang pinaharurot ang sasakyan.
Pagdating ko sa isang convenience store ay agad akong bumili ng alak. Di ko alintana ang tingin ng mga taong nakasalubong ko doon. May isa pa ngang nag abot ng panyo sakin. Kalat kalat na kasi ng mascara ko sa pag iyak kaya naman nag mukha na kong multo.
Habang nagmamaneho papuntang kungsaan ay tuloy lang ang lagok ko ng alak. Di ko ininda ang pait nito. Umiiyak at tumatawa ako na parang hibang. Binuksan ko ang fm sa kotse at malas na kantang "the one that got away" pa ang kasalukuyang nag pla play.
"In another life I would be your girl, we keep all our promises be us against the world" sabay ko sa kanta habang tuloy lang ang inom. Iwinagayway ko pa ang aking kamay para damhin ang awitin. Ramdam ko na ang hilo kaya naman parang nabawasan ang bigat sa aking puso. Kalahati na mahigit ang bawas ng hawak kong empi kaya di nakapagtatakang nahihilo na ko.
Kanina pang tumutunog ang telepono ko kaya kinuha ko ito saglit sa may backseat at inihagis kung saan. Gulat akong napatingin sa daan ng may bumusinang sasakyan. Dahil nagbitaw sa manobela ay nawala ako sa tamang linya. Sasalpok ako sa kasalubong na truck kapag hindi ko nailiko agad. Pandalas kong pinihit ang manobela para sana bumalik sa tamang line ngunit hindi ako makasingit. Ilang dipa na lang ang babangga na sakin ang truck. Alam kong kahit mag preno ito ay wala ring mangyayari kundi sumalpok ito sakin. Agad kong pinaharurot pa gilid ang sasakyan. Siguradong sa poste ang diretso ko nito pero bahala na. Ayokong may madamay pa sa katangan ko. Its either sa truck o sa poste ako babangga kaya mabuti pang mag sarili na lang.
Ramdam ko ang mainit na likidong pumatak papunta sa may pisngi ko. Shit nagawa kong iwasan ang truck. Napangiti ako kahit namamanhid na ang buong katawan. Is this the end? Tanong ko sa sarili. Nanlalabo ng paningin ko at parang inaantok na ako. Bago mawalan ng ulirat ay ramdam kong may mga taong naki usyoso.

Komentar Buku (10)

  • avatar
    Jessabel Escotal

    500

    19d

      0
  • avatar
    CorsigaMark anthony

    ♥️♥️♥️

    29/06

      0
  • avatar
    MalonzoKelly Grace

    good job

    22/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru