logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 6 IKA-ANIM

Kanina pa ako napapaupo sa sahig siguro yung sahig talaga ang nakatadhana para sa'kin.
Napakacareless talaga.
Pagkadating namin doon ay nakita kong nasa labas na sila Ama, si Ate Beryl naman ay katabi si Prince Ellio, napansin ko lang kay Prince Ellio na parang badtrip siya.
"Anak, Blesi bakit ang tagal mo?" tanong sa'kin ni Ina at siya na ang umalalay sa'kin "Ano bang nangyari sayo?"
"Ah eh kasi po namali po ako ng tapak doon sa hagdan ng Tree house ni Lomord ayun nahulog po ako pero ayos na po ako." sagot ko at ngumiti.
Nakakunot pa din ang noo nung mahal na Hari na ama nila Lomord.
Baka dahil nagtataka sila kung bakit hindi ginamit ni Lomord ang kapangyarihan niya na lumipad paakyat at pababa sa Tree House ni Lomord.
Maya-maya ay nakita kong tumakbo papunta sa'kin si Lomord. May hawak siya na isang box na maliit.
"Regalo ko sayo, Blesi salamat sa pagsama sa'kin ah ang saya-saya ko." ngiting sabi ni Lomord kaya pala siya umalis kanina.
"Salamat Lomord." sabi ko at tinaggap ang hawak niya at pagbukas ko kuwintas iyon na may bulaklak na pendant.
Tumingin naman ako sa Reyna at Hari ng kertuwa. Ngumiti ako sa'kanila at bahagyang yumuko bilang pagpapaalam at paggalang na din.
"Paalam po." sabi ko.
Maya maya lang ay dumating si Treoll may dalang Vase na may laman na nag-iisang bulaklak laking tuwa kong si Blossom yun, yung bulaklak na pinangalanan ko sa gubat, yung bulaklak na bukod tangi ang kulay. At yung bulaklak na nakakuha ng atensyon ko kanina.
"Si Blossom!" masayang sabi ko at tumingin kay Blossom the flower.
"Regalo ko sayo narinig kasi kita kanina na kinakausap mo yung bulaklak na ito kaya hinukay ko at nilagay sa maayos na lalagyan at wag kang mag alala hindi siya malalanta." ngiting sabi ni Prince Treoll.
Ang bait niya kahit na ang akward ng nangyari kanina.
Kahit na sinungitan at ini-snob ko siya kanina ay binigay niya pa din sa'kin ang bulaklak na ito at tingin ko siya ang may-ari nito at ang nag-alaga nito.
Sabi kasi niya mahilig siya sa bulaklak kaya siya palaging nasa gubat na iyon.
"Salamat, Prince Treoll the best ka talaga." ngiting sabi ko sa kaniya.
Maya-maya ay kinuha ng babae ang gamit at nilagay iyong mga yun sa karwahe.
"Paalam, aalis na kami magkita na lang ulit tayo bukas ng gabi sa pagtitipon." paalam ni Ama, sa kanila kaya ngumiti sila.
Si Ate naman ay humalik lang sa pisngi ni Prince Ellio.
Pero nakakunot pa din ang noo ng Prinsipe. Problema niyan? Malaki ba ang problema niya o pinaglihi siya sa sama ng loob?
Kaya lumapit na ako kay Ate habang ika-ika pa din.
"Anak, Blesi sa karwahe ka na sumakay at mukhang lalong sasakit yan kapag sumakay ka ng kabayo." sabi sa'kin ni Ina kaya tumango ako at inalalayan ako ni Ate na umakyat sa karwahe.
"Pakiingatan ang regalo ni Prince Treoll, mahalaga yan para kay Lady Blesi." paalala ni Ina doon sa kutsero.
Tumango na lang ang kutsero at lumipad na kami.
Ang saya! The best talaga ang Fantasy World! Kahit sa mga nababasa ko na libro ay magaganda ang mga detalyado nilang pagkaka-describe sa mga lugar.
Ang gaganda ng mga view. Parang yung ilang parte ay hindi ko nakita kanina dahil kinakausap ako ni Ate Beryl habang bumabyahe.
Sa sobrang tuwa ko napatayo ako at sumilip sa baba, Nakalimutan kong masakit pa pala ang paa ko. Kaya naman na-out balance ako at nahulog.
"Blesi!" rinig kong sigaw. Grabe ang pagtibok ng puso ko nang maramdaman ko ang hangin na sumasalubong sa akin habang nahuhulog ako.
Mamamatay na ata ako! ito na ba ang katapusan ko?
Nagulat ako ng may lumipad na nakahood papunta sa'kin at sinalo ako. Nakatingin pa din ako sa kanya pero nakatakip ng hood yung mata niya at ilong niya.
Tanging labi niya lang nakikita ko. Nakikita niya pa kaya ako?
Pagkalapag namin sa may gubat ay ibinaba niya na ako atsaka siya tumakbo ng sobrang bilis na parang hangin lang. Hanggang ngayon ay natulala pa din ako sa nangyari. Yung kaba ko na dito pa rin sa dibdib ko.
Bakit walang ganun na character sa libro na nabasa ko?
Aish baka dahil unti-unti ko nang nababago ang kuwento.
"Blesi anak ayos ka lang? Pasensya na anak." umiiyak na sabi ni Ina. Ang pag-aalala ng isang Ina ay matagal ko nang hindi naramdaman.
"Pero paano ka nakaligtas anak? Masyadong malayo ang karwahe natin nung nahulog ka pero anak laking pasasalamat ko at buhay ka hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa'min." sabi ni Ama at ipinabuhat ako doon sa warrior na kasama namin kanina.
"Oo nga anak di ko kakayanin kung mawalan ako ng isang anak." umiiyak na sabi ni Ina at niyakap ako.
Hanggang ngayon hindi ko pa din maintindihan kung sino siya at anong role niya sa kuwento? Sa sobrang lutang ko ay nakauwi na pala kami.
"Ina! Ama! Anong nangyari kay Bunso?" tanong ni Ate at tumakbo papunta sa'min.
"Nahulog siya mula sa karwahe natin anak, nakakapagtaka dahil walang sinong nakaligtas sa ganun kataas sa mga walang kapangyarihan kahit na ganun eh sobrang saya ko dahil nakaligtas si Blesi, halika at ihahatid na kita sa iyong silid." sabi ni Ina kaya tumango ako.
Nag aalala pa din si Ate pero hinayaan niya na lang ako na makaakyat sa kwarto.
Grabe ang trauma ko doon ah feeling ko talaga patay na ako ngayon. Feeling ko ay isa na akong kaluluwa ngayon.
Mr. hoodman... Kung nasaan ka man ngayon... Maraming salamat...
Alam nila na wala akong kapangyarihan kaya sobrang pag-alala nila sa'kin.
Pero siguro ay kung hindi rin ako niligtas nun ay buhay pa din ako dahil may power naman ako diba?
Nakahiga na ako ngayon dito at inaalala ang pulang labi niya.
Hiy Bea! di ka pa nga sigurado kung babae yun o lalaki eh.
Pero hindi eh walang kapangyarihan na ganun ang mga babae.
So lalaki siya, sana! Siya na nga yata ang hinahanap kong Prince na aking tagapagligtas.
Sabi ni Blesi noon sa kuwento mas makapangyarihan daw ang lalaki kaysa sa babae dahil ang mga babae lang eh dapat lang mag stay sa bahay kaya takot ang mga babae sa lalaki.
Ang mga lalaki lang ata ang may kakayahang lumipad.
"Anak? Ayos ka na ba?" alalang tanong ni Ama pagkapasok.
"Ayos na po ako nagpapasalamat pa din po ako dahil nakaligtas ako." ngumiti ako.
Di ko na lang sasabihin na may nagligtas sa'kin baka magtaka sila kasi ako din eh takang taka.
"Malapit na ang iyong kaarawan anak at malapit na din kitang ipasok sa Pertovel Academy, sa kabilang isla yun kaya malalayo ka sa'min. Mag iingat ka doon ah lilipat naman ang iyong Kuya sa school mo eh para protektahan ka." ngiting sabi ni Ama sa'kin habang hinahaplos pa din ang buhok ko.
Isa to sa pangarap ko ang makatanggap ng pagmamahal mula sa isang pamilya.
Kaya niyakap ko ang Hari na ama ni Blesi.
"Maraming salamat po." lumuluha kong sabi.
Hinaplos lang ni Ama yung buhok ko.
Ayaw ko ng umalis sa mundong ito. Gusto ko nang kapiling sila. Ayaw ko ng bumalik sa mundong iyon. Blesi, magiging selfish ba ako kapag sinabi kong ayos lang ba kung ako na ang mamuhay sa pwesto na dapat sa'yo?

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Renar Cunanan

    knjjkkkkkjjkkkmnjj

    04/08

      0
  • avatar
    Cristin Macatunog Pajuelas

    Gusto ko mag basa niyo

    27/01

      0
  • avatar
    Dyolc Odanapmoca

    nc ganda ng kwento nyo

    14/08/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru