logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

MALULUTONG na halakhak ang nabungaran ng secretary ni Edward. Hindi man nagtatanong pero nasa mukha nito ang labis na pagtataka. Hindi naman iyon binigyang pansin ni Honey. Nakatuon ang salubong pa ring kilay nito sa lalaking nasa sentro ng mesa.
"Tsk! Naisahan ako r'on ah!" naiiling pa niyang turan sa sarili.
Nag-uusap ang dalawang lalaki habang si Honey ay naka-upo lamang sa isang tabi. Manaka'y pinagmasdan niya ang paligid. May ilang nakasabit doon at natawag ang kanyang pansin sa isang larawan na nakapatong sa table malapit sa bintana. Hinawakan niya iyon, inilapit unti-unti sa mata niya.
"Sino kaya ito?"
"Ako 'yan," tinig ni Edward, hindi niya namalayan ang paglapit nito. Wala na rin ang kausap nito. "Ito naman si Dad."
"Ah! Guwapo ang tatay mo, Sir. Parang magkapatid lang kayo ditong tingnan."
Napangiti si Edward.
"Nasaan na ang tatay mo Sir? Parang hindi ko nakita sa bahay mo." Maingat na niyang ibinalik ang frame sa mesa.
"Wala na siya." Naging malungkot ang tinig ni Edward at napatingin sa kawalan.
"Pareho po pala tayo, wala na rin ang aking ama."
Napasulyap sa kanya ang katabi, "Sabi mo, hinahanap mo ang iyong ina."
"Opo Sir, simula pagkabata'y hindi ko pa siya nakita. At ang tanging larawan niya na nakalagay sa bag ko, nawala pa."
Sabay silang napahinga ng malalim. Sandaling natahimik ang paligid. Umingay lang muli nang tumunog ang cellphone ni Honey.
"Wait lang Sir, sagutin ko lang po ito."
"Go ahead, may gagawin na rin naman ako."
Si Weng-weng ang tumatawag. Nangungumusta sa lagay niya. Isinalaysay niya ang lahat ng nangyari sa kanya. Waoa naman siyang ibang narinig maliban sa paninirmon nang nasa kabilang linya.
"Weng, huwag mo nang sabihin kay Lola. Ako na ang nakiki-usap sa iyo," nasa tono niya ang pagsusumamo matapos marinig mula sa kaibigan ang balak nito. Inihakbang pa niya ang mga paa palapit sa bubog na bintana at, "Oh my God!" Halos umikot ang paningin niya sa nadungawan. "Ang taas pala nang kinalalagyan ko!"
"Bakit? Nasaan ka ba?" tanong na narinig sa kausap.
"Nandito sa isang building at takenote nasa 25th floor kami ngayon."
"What? Ano naman ang ginagawa mo riyan? Tagalinis ka ba ng bintana ng mga building?" bulalas na tanong ni Weng-weng.
"Hindi noh! Dito ako magta-trabaho. Isa akong personal assistant."
"At sino naman ang kumuha sa iyo? Baka alilain ka lamang diyan ha! Malilintikan sa akin ang mga tao riyan."
"Hindi at mabait ang boss ko. At alam mo ba, hightech ang mga pinto rito. Tumataas at bumaba!"
Napalingon siya sa kinaroroonan ng boss niya nang marinig itong tumawa. Sinilip pa niya ito. Nakatutok ang mata nito sa computer kaya't nagkibit-balikat na lamang siya. Marami pa siyang ikinuwento sa kaibigan.
"PINTUANG tumataas at bumaba," pigil ni Edward ang huwag mapatawa ng malakas. Kanina pa niya pinakikinggan ang mga sinasabi ni Honey. Simula nang makabunggo niya ang dalaga ay palagi na siyang nakangiti hindi tulad nang wala pa sa poder niya ang dalaga. Palaging nakasimangot at mukhang may mabigat na problema. Ganoon siya palagi. Simula kasi nang mawala ang ama ay lagi na siyang tahimik at walang kibo. Sa trabaho nama'y ubod ng estrikto. Tanging si Ben at Edring lamang ang kabiruan niya.
He feel better nang dumating si Honey. Palaging nakangiti at minsa'y tumatawa pa nang mag-isa. Sino ba naman kasing tao ang hindi matutuwa sa kalagayan ni Honey?! Parang isang taong 'bano' o 'abnoy'. Lahat ng nakikita ay ikinatutuwa ng dalaga. At iyon din ang ikinatutuwa ni Edward, ang kaaningan at ang pagiging inosente ng dalaga sa lahat ng bagay. Tulad nang nangyari ngayong umaga. Pagkakaalam pala ng dalaga'y isa siyang foreigner si Edward, which is totoo naman, half nga lang. Ang tatay niya ang isang foreigner at ang kanyang mama ay isang Pilipino. Labis pa nga siyang napahagalpak ng tawa sa nalaman.
"Sir, okay ka lang po ba?"
"Huh? Ahm, yes. May binabasa lang akong report dito." pagdadahilan niya
Tumango-tango na lamang ang dalaga at kampanteng umupo sa nasa bakanteng bangko na nasa unahan ng mesa ni Edward. Manaka'y palihim na sinusulyapan siya nito na ikinangiti naman niya at isang pilyong salita ang pumasok sa isipan niya. Itinutok niya ang camera ng laptop sa dalaga at sa isang iglap ay nag-click iyon. Walang kamalay-malay ito sa ginawa niyang iyon. Kita niyang tumayo ito kaya umayos na siya.
"Ahm Sir, ano ho pala ang magiging trabaho ko?" 'pagdaka ay tanong nito.
Itinuro naman agad niya ang mga dapat nitong gawin. Hanggang sa pagtitimpla ng kape.
"Wow! Ang galing! Hindi mo na kailangan pang halo-haluin."
Nangingiti lang naman si Edward. Itinuro na rin niya kung ano dapat gawin kapag may lakad siya.
"Yes Sir," mabilis na tugon ni Honey nang tanungin siya nito kung kaya ba ang trabaho.
WALA pang gasinong ginagawa si Honey kaya't inip na inip siya. Kulang na lamang ay hilahin niya ang oras upang maging hapon na muli. Panay din ang hikab niya habang naka-upo sa bangko. Lalo na nang sumapit ang ika-dalawa ng hapon. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Nagising na lamang siya sa yugyog nang sinuman.
"Sir Ben, n-nakatulog po pala ako! Pasensiya na po," hinging paumanhin niya.
"Okay lang ineng, I feel you!" sabay kindat nito.
Sinulyapan niya ang kinaroroonan ni Edward, subalit wala na ito roon.
"Si Sir po?"
"May meeting lang siya sandali. Uhm, ilang taon ka na Honey?"
"Eighteen po."
"Really? Akala ko'y edad fifteen ka lang!" You're looking younger than your age."
Napangiti siya sa salitang iyon, "Thank you po."
"Uhm, by the way, may nais lang sana akong itanong sa iyo."
"Okay lang po, ano po ba 'yon?"
"Uhm, hindi mo ba talaga jowa si Sir Edward?"
"Naku hindi po!" aniya na sinamahan pa ng pag-iling.
"Okay, that's good."
"Bakit po?" Na-curious siya bigla sa kaharap.
"Wala naman. Sige, matulog ka na muli. Maya-maya pa naman si Sir. Gigisingin n lamang kita 'pag pabalik na siya."
"Salamat po,"
Natahimik ang paligid matapos umalis ni Ben, subalit hindi pa rin mawaglit-waglit sa isipan niya ang tanong na iyon.
"Hindi kaya, bading ito?" tanong niya, "Naku naman, sayang ang lahi mo dhay! Hindi iyan darami."
"Alin ang hindi darami?" tanong na nagmula sa likuran niya.
Napapitlag pa siya't unti-unti ring lumingon. "H-hi Sir,"
"Ano 'yong sinasabi mo kanina?" Lumapit si Edward sa mesa, inilapag doon ang sangkatutak na mga polder, envelope at papel.
"Ho-a-ahm, k-ku-kuwan, 'y-ong kaibigan ko Sir, hindi raw ho mag-aasawa.
Tumitig lang sa kanya ang binata na animo'y binabasa kung tama ba ang sagot nh dalaga. Ilang oras pa ang inilagi nila roon bago napagpasiyahan ang umuwi.
Sa unit na tinutuloyan, pumasok ai Edward sa silid nito. Siya nama'y naiwan sa sala. Matiyagang pinasadahan niya ng tingin ang mga gamit na naroon. Ilang saglit pa ay lumabas muli si Edward, naka-boxer at puting sando lang ito.
"Ang yummyliscious talaga ni Sir?" saad ng isipan niya.
Niyakag siya nito sa kusina at kahit naituro na ni Edring ang mga bagay doon ay muli nitong itinuro. Kung paano ang tamang paggamit, pagbuhay para hindi na raw siya mahirapan pa.
Matandain naman si Honey kaya madali niyang natutunan ang bagay na ipinapagawa sa kanya ni Edward. Subalit, hindi talaga maiwasan na minsa'y abutin siya ng palpak tulad ngayon, may inu-utos ang boss niya. Nasa ground floor sila ng building na iyon. Sa kanyang paglabas, nakalimutan niyang may nakaharang pala sa daraanan niya. Paano ba naman kasi niya makikita eh bubog ang pinakang dibisyon niyon. Sumalpok ang noo niya sa nakaharang.
"Ouch!" daing pa niya.
Tinawanan tuloy siya ng mga taong nakakita sa kanya at lalo na si Edward. Marahil kung wala ito sa harap ng tao ay humagalpak na ito ng tawa.
"Nakaharang eh!" inis niyang wika sa mga tumatawa sa kanya. Narinig niya ang ilan dito. "Bakit hindi ka kasi tumatabi?" sabi pa niya sa nakaharang. Mabilis na lamang niyang inihakbang ang mga palabas ng building. "Dyahe! Kakahiya ah!" muli niyang sabi.

Komentar Buku (143)

  • avatar
    LenlenRhammelen

    oiejebrhrjr

    9d

      0
  • avatar
    Alvin Redillas

    very nice

    19d

      0
  • avatar
    JM Pacyao

    500

    09/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru