logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 1

"Sarap mong kalbohin,"
Mariin kong bulong. Naisip ko palang na nakalbo ko si Laire ay parang iyon na 'ata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Napangisi ako habang nakakunot ang noo.
Sinipa ko yung nakita kong bote dahil sa sobrang inis. Ang lakas ng loob niyang ipahiya ako sa buong klase kanina na mas maganda siya. Eh, walang-wala ang sementado niyang mukha sa utak ko!
"Aray..."
Nanlaki yung mata ko ng makitang natamaan ko yung isang ka-blockmate ko!
"Sorry!" Yumuko ako sa kaniya.
She just glared and continued to walk past me. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad ng naalala ko na naman yung dahilan kung bakit ako inis na inis.
Si Laire!
Nanggigigil talaga ako sa kaniya! Kala mo di siya naiihi sa nerbyos kapag pinapasagot sa recitation. Pag laban lang naman sa mukha siya matapang, pero pagdating sa talino ay nagmumukhang tinapakan na makahiyang tanim.
"Vion!"
Hindi ko tuloy pinansin si Ma'am Ria dahil sa sobrang inis ko kay bruhang Laire. Nagtuloy-tuloy lang ang lakad ko hanggang makarating sa cafeteria, ikakain ko na lang 'to baka sakaling mabawasan ang pagaalburuto ko dito.
Dahil sa panggigigil ko ay pati plastic ng burger nakain ko, at tuluyan na nga akong nabilukan.
"Here," napataas ang kilay ko ng mag offer ng tubig yung babaeng nasa kabilang mesa. Close ba kami? Kilala ko lang siya dahil president 'ata siya ng kabilang section. Pero wala akong maalalang close kami.
Napansin 'ata niya yung reaksyon ko dahil mas nilapit pa niya yung bote. "You obviously need it."
Tinanggap ko na lang dahil ayoko naman siyang mapahiya, nakatingin kasi samin yung mga kaklase niya. Nagpasalamat rin ako dahil ayoko naman magmukhang bastos.
Hanggang kalahati ata yung naubos ko kaya nahihiyang kong binalik sa kaniya yung tubig, nagtaka ako nung umiling siya.
"Sayo na lang, Vion."
"Kilala mo 'ko?" nagtataka kong tanong.
"Ah, yes," tumango siya. "I know you since you are from the section Athena." My brows furrowed, because of her sudden emphasis on words. Pero agad rin akong tumango para hindi niya mahalata ang reaksyon ko.
"Thanks again, for the water..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko naman alam ang pangalan niya. Napansin ata niya dahil naglahad siya nga kamay.
"Apple... Apple Yunario." Tinanggap ko naman ang kamay niya.
"Salamat, Apple," mahina kong saad. Naisip ko na bastos naman kung siya lang ang pormal na nagpakilala kaya nagpakilala rin ako kahit hindi na kailangan. "I'm Vion Hariz pala."
May kung ano sa kaniya na hindi matukoy. I shook my head to change that thought. Baka gumulo lang ang utak ko dahil kay Laire.
Nagpaalam rin ako kaagad sa kaniya dahil may lakad pa ako. Lalabas muna ako, isang oras pa naman bago magsimula ang class hours. Nakakasakal dito.
Napabuntong hininga ako. Ayoko talaga dito mag-aral dahil kahit gaano pa kalawak dito, parang ang sikip-sikip.
May mga close naman ako na kaklase pero hindi ko masasabi na kaibigan ko sila, talino lang naman ang kailangan nila sa akin, nakakagigil.
Since ito lang naman ang pinakamalapit na university sa bahay ay dito na ako pinaaral nila Mama. Pero isang buwan pa lang nagsisimula ang third year ko ng college pero parang isang taon na agad dahil sa dami ng nangyari. Si Laire, lagi na lang ako pinapahiya. Kung ano-ano lang ang pinanggagawa sa buhay na pati ako nadamay. Pero alam ko na ang rason simula last week.
Aksidente ko silang narinig ng kanyang mga kaibigan na nag-uusap sa gym, at kaya pala palagi nila akong pinapahiya ay dahil inggit lang sila sa buhay ko.
Pagkalabas ko sa main gate ay nakita ko agad ang itim na kotse ni Ely. Kumakaway pa siya, kaya kinawayan ko siya pabalik. Nang makarating sa kanyang kotse ay agad rin niyang pinaharurot paalis.
"Vion! I miss you," hanggang sigaw at lingon lang siya dahil siya'y nagmamaneho.
"Grabe, buti na lang at sinabihan mo ako na maglibot-libot muna, dahil tulog pa yung tatlo, kung dumiretso agad ako sa school namin ay siguradong papatayin agad ako sa sobrang bored. Ba't kasi dito kapa nag-aral." nakanguso niyang pagrereklamo.
"Alam mo naman na desisyon yun nila Mama, Ely. Kaya wala akong magagawa." Mahina kong saad.
"Of course, I already know that," tumatango siya.
"Ang sa akin lang, kung nahihirapan ka naman mag-adjust doon ay mas maganda kung magtransfer ka na lang sa ibang university, okay lang kung hindi sa pinapasukan ko. Basta ang importante ay hindi aabot sa puntong made-depress ka dahil sa mga nararanasan mo dito!" Nag-aalala niyang paalala.
"Naiintindihan kita, Ely."
Nagpapasalamat ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan katulad niya. Maalalahanin, mapagmahal at supportado. Hindi ko alam ang gagawain ko kung wala akong kaibigan o kung wala siya.
"My gosh, let's just dodge this topic."
Umabot ng kalahating oras ng madaanan namin ang university nila Ely sa Carpila.
Brawl Chefton University
O mas tinatawag na BC or Chefton University. Totoo nga ang sinabi ni Ely. Mas malaki 'yong pinapasukan kong university kaysa dito, pero hindi ko maipagkakait na maganda rin dito. Konti lang ang building pero magaganda.
This is the type of school I want. Kaya lang this is more like a culinary school so mas fino focus dito yung cooking skills mo. Pero syempre hindi lang culinary ang course na pwede mong kunin dito.
Okay lang naman kung dito ako mag-aaral, because I'm already used in cooking. Ako lang naman ang katulong ni Mama pagluto sa bahay. Ngumiti ng malaki si Ely ng mapansin niya ang pagkatulala ko sa mga building.
After an hour pa daw magsisimula yung klase nila. May mga nakikita rin akong mga college students na katulad namin na nagtutungo sa school with their uniforms. May nakita nga akong gwapong brown-haired guy.
Lumampas na kami sa university at mga bahay at mga puno na lang ang nakikita ko. Kahit dito ay malinis at maganda. May nakita rin kaming di-gaanong kalaki na bahay pero ang ganda-ganda, siguro architect yung may-ari dahil sa elegante ng bahay.
Napansin kong may lumabas mula doon na lalaking itim ang buhok tapos... ang gwapo! Pero mukhang seryoso siyang tao. Grabe, nag-aaral din siya sa Chefton Univ dahil sa suot niyang uniform. Sayang lang at hindi naman ako do'n nag-aaral.
"Hindi lang ang paaralan namin ang maganda at malinis," pagpapahayag ni Ely ng mapansin niyang nakatingin ako sa lalaki. "Pati na rin ang mga nag-aaral dun, like me!" Nagmamalaki niya saad.
Halos lahat ng nakita kong mga BCU students ay mukhang anak mayaman dahil sa kutis at kalinis.
Pagkatapos ng ilang minuto naming paglibot-libot ay naisipan naming magpahinga muna sa isang coffee shop na malapit sa university. Pati dito ang ganda at fresh ng hangin dahil open area ang café.
Pero 'di ko aakalain na makikita ko dito sila Mama at Papa. Ano ang ginagawa nila dito? Malayo yung hospital na trinatrabahuan ni Mama, ah. Wala rin bang duty si Papa? Nilingon ko si Ely na kasalukuyang hinihintay ang aming in order.
"Ely," tawag ko sa kaniya. Agad rin naman siyang lumingon. "Andiyan sila Papa!" Pabulong kong sigaw.
Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin kaya siguro hindi siya naniniwala. Nginuso ko naman ang direksyon kung saan sila Papa nakapwesto. Nang lingunin niya ay agad nanlaki ang mga mata niya.
"Ha?! Tara puntahan muna natin! Matagal ko na hindi nakakausap sila Tita Maddie."
Nagmamadali niyang kinuha ang kaniyang order kaya ganun rin ang ginawa ko. Muntik pa akong matapilok ng bigla na lang niya akong hinigit papunta kila Mama. Nagulat naman sila ng makita kami sa kanilang harapan. Pati 'ho ako ginulat niyo!
"Oh Anak! At Ely?" Gulat na tanong ni Mama.
"Yes po Tita! Si Ely po ito!" Natutuwang sabi ng katabi ko. Inunahan pa talaga ako sa pagsagot. Mukhang masaya talaga siya.
Ely is my only friend that I introduced to my parents. "You really remember me Tita! Well, of course, I'm the one and only Elydan Avilla, afterall!"
Muntik pa akong matawa sa sobrang hyper niya. Buti na lang napigilan ko.
"Ah, Ma," umupo muna kami sa bakanteng upuan.
Nagtataka pa rin ako kung bakit sila nandito, sana naman wala akong dapat ikabahala. Namomroblema na nga ako sa pinapasukan kong university, ayokong madagdagan pa.
"Ano nga po pala ang ginagawa niyo dito? Hindi naman 'ata kayo pupunta dito para lang magkape. Marami namang kape sa bahay, ah. Meron rin namang malapit na coffee shop sa bahay natin, diba? So, ano po talaga ang ipinunta niyo dito?"
Napansin kong nagkatinginan muna sila bago kami lingunin. "Tinignan lang namin yung university malapit dito." Seryosong saad ni Papa habang sumisimsim ng kape. My brows furrowed. Yung BC Univ?
"Bakit naman po niyo titignan ang... BC University?" Mahina kong tanong. Tumango naman si Ely bilang pagsang-ayon sa tanong ko.
Nakita ko ang pag-aalanganan ni Mama kung sasagutin ba niya yung tanong ko o hindi, pero mukhang sasagutin dahil sa bigla niyang pagbuntong hininga. Ely and I leaned a bit.
"Vion, nalaman kasi namin kay Mrs. Leroio last week na... nahihirapan ka daw mag-adjust, sa bago university na pinapasukan mo simulang nakaraang buwan." Sinabi yun ni Ma'am Ria kela Mama?! Baka 'yon yung rason kung bakit tinawag ako kanina Ma'am.
I suddenly got shy to face her again. I just ignored her a while ago!
But she's right. Ako lang ata yung nahihirapan mag-adjust sa aming lahat na third year college students sa Wesly. Tumango naman ako kila Mama para ipagpatuloy nila yung sasabihin nila.
"Pinagisipan namin ng Papa mo na tingnan ang BCU na kung saan nakapagtapos ang Tito Dave mo, kung pwede ba para sa iyo yung kapaligiran dun. Maganda naman doon, at marunong ka namang magluto..." Kumunot ang noo ko.
"Kaya simula lunes, dun ka na mag-aaral." Napakurap-kurap ako sa binitawan niyang salita.
"P-po?"
Pwede ba yun? Wala namang kaso sa 'kin kung dito na 'ko mag-aaral dahil atat na atat na akong lumayas sa Wesly pero isang buwan na ang lumipas kung kelan nagsimula ang sem, pwede pala yun?
Naramdaman kong ang excited na pagkirot sa 'kin ni Ely sa tagiliran. Wag mong siraan ang atmosphere!
"Uhm.. Sigurado po ba kayo?" Nag-aalangan kong tanong.
"Kilala mo kami anak. Hindi kami basta basta na lang nagbibitaw ng desisyon sa seryosong usapan." Nagpunas si Mama gamit ang tissue.
Tumango ako. Alam ko namang 'yon na talaga ang desisyon nila.
"Mukhang wala naman naging problema ang pag-aaral dito ng tito mo kaya okay lang para sa'yo."
Saglit kong sinulyapan si Ely at nakita kong hindi na mawala ang ngisi niya sa labi. Mas excited pa 'to kesa sa 'kin. Napaismid ako.
"Sige po," pagpapayag ko habang tumatango. Kita ko ang paglaki ng ngisi ni Ely habang ngumiti at tumango lang ang mga magulang ko.
Wala namang problema 'to 'di ba? 'Di ba?

Komentar Buku (16)

  • avatar
    Ezekiel Luciano

    Sobrang ganda ng kwento may napupulot na aral

    31/07

      0
  • avatar
    JoAnjo

    nice

    31/07

      0
  • avatar
    eroyjohn paul

    Ang Ganda nang kwento

    23/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru