logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7

IRITHEL POV
Maaga akong pumunta sa opisina para maayos ang lahat ng bagay patungkol sa trabaho ko. Kailangan ko na din kasing ayusin ang pagfile ko ng leave. Hindi naman din ako papayag na basta-basta ko nalang iiwan ang mga trabahong hindi ko natapos, kailangan ko munang ipaalam sa mga nakatataas ang sitwasyon ko na sa tingin ko naman ay alam na nila. Kailangan ko ring maayos ito para naman mabilis akong makahanap ng trabaho kung sakaling matatagalan bago ako makabalik sa opisina dahil sa kasong biglang kinasasangkutan ng pangalan ko.
"Kaya mo'to irithel! Bakit ka mahihiya, guilty ka ba?" Agad naman akong napailing sa naisip ko. Bakit ako magiguilty? Kasalanan ko ba kung bakit tinanggihan ko ang project na yun? Mali bang sagutin ang isang sekretaryang walang ginawa kundi ang ipahamak ako dahil insecure? At tsaka yung kasong kinasasangkutan ko sa opisina na falsifying of legal documents at pangungurakot ay wala akong kinalaman, nagulat nalang ako at nadamay ang iniingatan kong pangalan at trabaho.
"Good morning ma'am" bati saken ng security guard na nakaduty sa building.
"Morning kuya" ngumiti naman ako dito.
Maya-maya pa nasa pilahan na ako ng elevator. Medjo mahaba na ang pila ng mga tsismosa este mga empleyadong tulad ko na hinahabol ang maagang pagpasok sa trabaho.
"Nabalitaan mo na ba?" rinig ko galing sa isang babaeng medjo maliit na mukhang sa HR Department nakaassign.
"Nakita ko kahapon sa group. Totoo ba yun?" sagot naman ng isang lalakeng inaayos pa ang necktie.
"Oo. Alam niyo ba dumating kahapon dito ang bagong presidente. Kitang-kita ng mga mata ko kung gaano ito kagwapo, isang hottie bachelor sa edad niya" kinikilig pang sagot ng isang babae.
"Talaga?" mukhang lahat na ng empleyado biglang nabighani sa salitang gwapo.
"Bakit hindi mo manlang kinuhanan ng stolen shot, para makita ko naman" boses naman ng isang babae doon na mukhang disappointes dahil hindi nakita ang taong pinag-uusapan.
"Oo nga. Alam mo naman kaming mga nasa Accounting at Finance hindi nakakalabas, halos maburyo na kami sa kakatipa ng keyboard ng computer at calculator. Wala manlang napapadpad dun sa department namin na gwapo" dagdag pa nung isang babae na mukhang nerd.
"Ano ba kayo! Kalat na sa GC ang picture niya. Ito o!" sumingit naman ang isang binabae na kaopisina namin sa usapan ng mga ito. At ipinagmalaki ang picture na nasa cellphone niya. Halos pagkaguluhan at pagpasa-pasahan ang cellphone nito.
"Ano ba naman yan. Ang labo! Tsaka likod lang naman niya ang malinaw" side comment naman nung isa pa.
"Ah basta, napakayummy niya" mariing sagot ng bakla tsaka niya hinablot pabalik ang cellphone sa mga ito.
"Pero balita ko iba ang ugali nun!" singit ng isa pang babae na pumukaw sa interest ko.
"Bakit naman? Kayo ha. Hinuhusgahan niyo na, hindi niyo pa nakakaharap. Hindi niyo pa nga nakakasalamuha kahit minsan" curious na sagot nung lalake.
"Pinalabas niya ng opisina si vivoree" ngising sagot nito.
"Talaga?" napasigaw na comment ko sa usapan. Nagulat pa ako ng napatingin sila halos sa pwesto ko sa pila. Sobrang napalakas ata ang pagkakasabi ko. Nahawakan ko pa ang bibig ko sa gulat.
"Ang aga-aga nagkukumpulan na kayo para magtsismisan" biglang nagulat kami nung tumambad sa harap namin ang bulto ni vivoree.
"....." pati ako napatahimik e. Pero halos patayin ko na siya sa pagkakatitig ko sa kanya ng masama.
"Pwede bang umusog ka" sabi niya dun sa taong nasa unahang pila ng elevator.
"Ah s-sge. Maaga pa naman, lilipat nalang ako sa dulo" agad naman nitong pinagbigyan na sumingit ang babaeng yun sa pila.
"Teka!" hinawakan ko naman yung kamay nung empleyadong iyon para pigilan.
"Iri" pilit pa nitong tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Pare-parehas tayong empleyado dito. Hindi porket mas mataas posisyon mo, gagamitin mo yun para sa mga bagay na hindi maganda at patas para sa iba" paninindigan ko.
"So you're still here whore!" ngising sagot nito na nakataas pa ang kilay.
"Y-you as--"
"Okay lang iri. Hayaan mo na!"
"Pero John" malumanay ko itong tiningnan.
* T I N G *
"Tss. Get lost" at tuluyan na itong pumasok sa elevator at iniwan akong inis na inis dito.
__________
"Iri hindi na ba talaga magbabago isip mo?" nakangusong tanong saken ni Priya.
"Hmm" tango ko naman sagot. Nililigpit ko na kasi ang mga gamit sa desk ko dito sa trabaho ko.
"Aish. Nakakainis ka, iiwan mo na talaga ako" parang batang nagmamaktol sa harap ko.
"Ano ka ba! Hindi naman kita iiwan. Magpapahinga lang ako, tsaka dumating na yung memo na pinapayagan nila akong magleave habang iniimbestigaham nila ako. Tsaka dapat maging masaya ka for me dahil sa wakas magkakaroon na ako ng oras sa sarili at sa pamilya ko"
"Siyempre masaya ako. Nalulungkot lang ako dahil puro si Vivoree ang masisilayan at makakasama ko dito sa opisina"
"O baka pagbalik ko magulat nalang ako, pinagpalit mo na pagkakaibigan natin sa feelingera na yun" asar ko dito.
"As if naman gusto ko siyang maging kaibigan" natatawa na ako, paano ba naman kasi umiirap siya habang sinasabi ang mga ito sakin. "Baka nga ako pa makalimutan mo" dagdag niya pa.
"Sinabi ko na sayo diba? Hindi kita makakalimutan. Mahirap kaya makalimutan ang katulad mong hindi nakakatulog pag walang kulambong kinikiskis sa paa" asar ko ulit dito. Binigyan niya naman ako ng mahinang hampas. "You can call me anytime. Sa ngayon hindi mo na muna ako makakasama sa trabaho, tsaka hindi naman matatapos ang pagkakaibigan naten dahil lang nawala ako pansamantala, lagi mong tatandaan na hindi ako mawawala as long as we're friends! Okay?" tsaka ko ulit sinalansan sa box na hawak ko ang mga gamit ko.
"Ahhhh. Ang bait mo talaga, kaya naiinggit sayo si Vivoree e. Kahit kailan parang never kang nagkaroon ng negative thoughts sa buhay, parang lahat positive lang" malambing na compliment niya sakin.
"Positive thoughts. Positive mind" kumindat pa ako nung sinasabi ko ito sa kanya.
"Akin nalang to!" mabilis niyang kinuha sa lamesa ko ang isang baso na doraemon character.
"Kunin mo na lahat wag lang yang paborito kong pagkapehan" malumanay na explain ko.
"Pretty please? Kung hindi mo ibibigay, pahiram nalang muna. Pagbalik mo, ibabalik ko sa'yo" mas nagbeauty full eyes pa siya.
"Hayyy. Okay! You can keep it. Hindi mo na kailangang hiramin pa" wala na akong nagawa kaya umoo nalang ako.
"Thank you, you're the best!" at nagmamadaling umalis dala yung kinuha niyang baso galing saken.
"Uy. Totoo palang nabili na'tong kumpanya natin at isang multimillionaire company ang nakabili" narinig ko namang pinaguusapan nila hindi kalayuan sa pwesto ko kitang-kita ko kung paano sila nagkukumpulan sa trabaho.
"Narinig ko din na after makapagtapos ng anak
ng dating president ng kumpanya agad na pinatakbo ng anak nila ang negosyo nila at mas lumawak pa business nila. Pero ang pinaka nakabibilib dun napakabata pa nung bagong presidente" sagot nung isang lalake.
"A devil business man?" tanong na isang empleyado na mukhang amaze na amaze pa.
Bakit parang ang bilis naman ata ng pangyayare? New boss? New company? Bakit parang biglaan? malalim akong napapaisip sa mga nangyayare.
"Irithel!"
"Vivoree?" nawala bigla ang malalim na iniisip ko ng makita ko ang pagmumukha nito sa harap ko.
"Nagdadalawang isip kana ba? Luluhod kana ba sa harap ko?" ngising parinig nito sa harap ko.
"H-huh?" takang tanong ko dito.
"Tss. Nandito ako para kunin sayo ang resignation letter mo. As assistant of the president ako na ang magpapasa nito sa presidente" at iniabot pa nito ang kamay.
"Excuse me? Resignation letter?" takang tanong ko dito.
"Yes. O come on! Baka nakakalimutan mong wala kanang kahihiyang ihaharap sa opisina na'to. Leaving is the best solution you have" dagdag pa nito.
"Thank you for your warmest concern. Dont worry konting ayos nalang sa mga gamit ko at aalis na ako. Nakakahiya naman sa mga taong katulad mo na sumasakit ang ulo pag nakikita ako sa harap nila dahil sobrang insecure. Tsaka bago ka magsuggest ng gagawin ko alamin mo muna kung ano ang naging desisyon ng board. May memo na ako, they approve my leave. Kaya kung ako sa'yo sulitin mo mga araw na wala ako dahil pagbalik ko, sisiguraduhin ko na pangalan mo ang nakalagay sa kasong binabato nila sakin at hindi ang pangalan ko!" at agad kong iniabot ang isang folder sa kanya. Doon lang naman nakalagay yung memo ng leave ko na inaprubahan na.
"You whore!" tsaka ito padabog na umalis.
"Tss. Guilty. I won this time" bulong ko.
*bzzzzzt* *bzzzzzt* *bzzzzzt*
Gyselle calling. . . .
"Hel---"
"Iri. Can you... come to my house... please" rinig ko ang malalim na hikbi nito.
"Gys--"
*tut* *tut* *tut*
Fvck! Agad akong binabaan ng tawag. Nagmamadali ko namang ipinasok ang  iba kong gamit sa box. Ito kasi yung mga folders na kakailanganin ko para matapos ang ibang paperworks na iniassign sakin ng ibang mga boss ko dito.
"O anyare? Bakit nagmamadali ka?" nakabalik na si Priya malapit saken. Bumaba naman ang tingin ko sa dalawang tasa ng kape na hawak niya.
"I need to go. Now!" at mas lalo pang nagmamadali.
"Teka sa--" napansin ko pang iaalok niya pa sana ang mug ko na may lamang kape pero hindi ko na siya binigyang pansin pa.
"Sorry but this is more urgent. Just enjoy those coffee, okay?" at mabilis ko na itong iniwan.
__________
*dingdong* *dingdong*
Nandito na ako ngayon sa RiverDale Villa, in short sa bahay ni Gyselle. Isa itong exclusive villa sa parañaque, mga business man at mga kilalang aktor at aktres in short mayayaman lang ang maaaring tumira dito.
"Ma'am Iri" bungad saken ni aling minda, ang kasama at katiwala nila dito sa bahay.
"Si Gyselle po?"
"Nasa kwarto siya at nagkukulong, puntahan mo nalang" parang kinakabahan na sabi nito, tsaka nito inabot ang box na hawak ko para kunin.
"Salamat Nanay Minda" at pumasok na ako.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa sala nagkalat ang mga babasaging vase na nagkapira-piraso na at mga upuan. Pati ang malaking litrato nila ni Greg noong kasal nila ay nakita kong nasa sahig na at basag na ang salamin nito. Pati ang unang portrait na ipininta ni Gyselle ay nasa sahig na at may bakas na ng punit ang canvass nito. Parang dinaanan ng bagyo ang buong sala. Nakaramdam naman ako ng pagkataranta kaya agad-agad kong tinakbo ang hagdanan papuntang second floor at mabilis na umakyat dito upang puntahan ang kwarto nito. Sa labas ng kwarto nila nakita ko ang mga damit na nagkalat kung saan-saan.
"Gyselle" mahinang tawag ko sa pintuan ng kwarto kung saan nakauwang ang pinto.
"Huhuhu" isang hagulgol ang naririnig ko.
"Gyselle" tawag ko ulit dito at itinulak na nang dahan-dahan ang pinto.
"Huhuhu" mas malakas kong naririnig ang mga iyak niya.
Bumungad saken ang madilim na kwarto kaya agad kong hinanap ang switch at pinailaw ito. Pagbukas ng ilaw, nakita ko siyang nakaupo sa sahig sa dulo ng kama. Nakayuko at patuloy pa ring umiiyak. Sa paghagulgol niya mahahalatang matagal siyang umiiyak. Nagkalat ang dalawang basag na bote ng alak at baso. Pati salamin na malapit sa closet ay may bakas ng basag. Lahat ng mga unan at kumot nagkalat sa buong kwarto 
"Gyselle" dahan-dahan ko itong nilapitan. Parang wala itong naririnig dahil patuloy pa din ang pagiyak niya.
"...."
"Gys" nagdadalawang isip pa ako kung yayakapin ko siya pero nung nakalapit na ako sa kanya niyakap ko nalang siya ng mahigpit.
"Huhuhu" mas lumakas pa ang iyak nito.
"Ssshhhh. Nandito na ako. Nandito na ako" mas niyakap ko siya ng mahigpit kasabay ng paghaplos ko sa likuran niya.
"Iri" yun lang ang narinig kong sagot niya at sumiksik pa siya sa pagkakayakap.
"Sshhh" pinapatahan ko siyang parang bata.
"Bakit ganun?" bigla itong umalis sa pagkakayakap ko at humarap saken.
"Gys" habang nakatingin siya saken walang tigil ang pagbuhos ng mga luha sa mga mata niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luhang bumabagsak sa mga mata niya.
"Lahat naman ginawa ko sa relasyon namin. Lahat binigay ko sa kanya. Sobrang inintindi ko siya sa lahat ng bagay. Lahat ng ginagawa niya kahit mali at nasasaktan na ako, tinotolerate ko. Kahit anong gawin ko bakit parang kulang?" malumanay na sabi niya.
"Gyselle tama na ang pag-iyak. Nakakapangit lalo" ngiting wika ko sa kanya.
"Mahal ko siya. Sobrang mahal. Alam ko minsan nasasaktan ko din siya sa mga bagay na ginagawa ko pero--"
"Ssshhh. Tama na ang pag-iyak. Sinasaktan mo lang sarili mo sa mga bagay na hindi naman dapat. Thats not worth it!" tsaka ko hinawakan ang mga kamay niya.
"Sobrang nagpakatanga ako sa kanya. Sobrang nabulag ako sa pagmamahal ko para sa kanya"
"Ang tunay na nagmamahal marunong masaktan" medjo naluluha ko na ding sagot sa kanya.
"Gusto ko nalang bumalik sa dati kong buhay. Kahit mahirap ako noon at hindi marangya ang buhay, nararanasan kong sumaya sa maliliit na bagay"
"Gyselle ano ba yang sinasabi mo?" nagtatakang tanong ko.
"I want to be Gyselle Cueva again" determinadong sagot niya.
"Pero gyselle--"
"Siguro tama na yung katangahan ko sa relasyon nato. Kaya kong masaktan ng ako lang, kaya kong tanggapin lahat ng kalokohan niya ng ako lang. Pero ibang usapan na yung iuwi niya dito ang kabet niya. Pinipilit ko naman isalba relasyon namin kahit noon pa pero iba na talaga ngayon. Hindi ko na kaya" doon ako nagulat sa mga narinig ko.
"That jerk!" malakas ang pagkakasabi ko na nagpakuyom sa mga kamao ko.
Biglang tumayo si Gyselle at parang matutumba pa kaya dali-dali ko siyang inalalayan. Umakyat ito sa kama at iniabot saken ang isang papel.
"Annulment papers?" tiningnan ko naman siya.
"Matagal niya na palang prinoseso ang lahat para jan.Tingnan mo pirma ko nalang ang kulang" lumungkot pa ang boses niya.
"Paano niya nagawa ang ganitong bagay?" takang tanong ko ulit sa kanya.
"Siguro dahil hanggang dito nalang talaga dapat kami?" pilit siyang ngumiti kahit na pilit pa ring tumutulo ang luha sa mga mata niya.
"Kung anong magiging desisyon mo sa bagay nato, susuportahan kita" at tinulungan ko na siyang makahiga ng maayos sa kama.
"I will sign it as soon as possible" ngumiti pa ito ulit.
"Minsan may mga mahihirap na desisyon na dapat harapin sa buhay. Minsan kung ano pa yung akala mong ikasasaya mo, yun pala ang maglulugmok sayo. You need to rest. Grab some sleep. Bukas bagong araw, bagong panimula" at hinaplos ko ang buhok niya.
"Salamat at nandito ka" nakangiti pa itong sumagot saken.
Pinagmasdan ko siya hanggang sa maging mahimbing ang tulog niya. Yung lungkot na nararamdaman niya kanina hanggang sa pagtulog nakapinta. Mga luha ng kalungkutan ay nananatiling nakabakas sa maamo niyang mukha. Sa mga ngiting pinapakita niya samen noon, hindi ko aakalaing ganitong lungkot pala ang araw-araw niyang dinadanas. Isa siyang prinsesang kumapit sa mga pangako ng isang prinsipeng walang paninindigan. Ang relasyong matagal niyang inalagaan ngayon ay bibitawan niya na para sa pansariling kasiyahan. Ganito ba dapat ang pagmamahal? Masaktan hanggang sa maubos ang pagmamahal na meron ka sa sarili? Magpakatanga hanggang malaman mong hindi ka karapat-dapat? O kaya ang tumakbo ng tumakbo hanggang sa mahanap mo ang sarili mo?

Komentar Buku (13)

  • avatar
    Ruby Gallego

    Super nice 😊

    14/03

      0
  • avatar
    Chougaming Pios

    hzjjzjzjzjjzjsjjsjsnsnnsnsbzchcycyfyxyfuhxhxkgzgksfksgkstkstksykdykdhldykxffchlxhlxjlchdjddbsdjsjhsnznsnjshzbzsjjsbdbxjdbdnxnddbbxnxndndbxbnxbddbndbxnxndndnxndh hxyxhxhxuchfhchlxyoxkyxkgzkgzitzfkxtkztkdtkxtkdykdykddykdykdkydkyddmdbhdhdenydndhehdhdhdhdhdhddhhdhdhdhdhhxhddhxjssvhschdldl cl gxhhsbs cz do fee BP fee BP HV xpvw JV b xxx hdhjsjsjbdnxbxbxbxbbxxbbxbxbbxnxnxnxnnxxnnxnxnjxjxjjxxjjxjxjxjxjjxjxjnxnxnxnxnxnxnnxnxnnxnxjnxnxnxskscjdpfj of cl is so is so if up of up JV cl JC cl HC cl HC cl JC c

    02/02

      0
  • avatar
    Mildney Inoc

    it's a nice story highly recommend

    29/09

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru