logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

04

Hindi nagsalita ang pamilya ni Steve. mas lalo tuloy akon'g kinabahan. Steve pulled the chair for me at tumabi na siya sa akin. Nakayuko lang ako sa kinaupoan ko. 'Yong kaba ko nag-uunahan na.
"So, kailan naging kayo?" biglang tanong ng Daddy niya.
"Last week dad," simpleng wika ni Steve.
"Last week? Bago lang." Napaiwas ako ng tingin nang makitang nakatingin sa akin ang Nanay niya habang sinasabi iyon.
Pamilya ba sila ng malalamig, ang cold mag salita.
Napatingin kami lahat sa Lolo niya nang tumikhin ito. Tumingin siya sa akin nang dahilan ng pagtigil ko sa paghinga, pati 'yong tingin niya ay sinusuri ako.
Bakit ba narito ako sa sitwasyon na 'to.
"Ano ang pangalan mo ija?" halos matuod ako sa kinaupuan ko nang marinig ang malamig niyang boses.
"G-Grace Alvarez po," sagot ko.
"Anong trabaho ng pamilya mo?" Shit, ito na naman.
"Wala po sir." Nakayukong kong sagot. Nakakahiya tumingin sa kanila.
"Wala?" Nakakunot nitong tanong.
Bawal ba sa pamilyang 'to ang walang trabaho ang pamilya ng magiging girlfriend ng pinaka mamahal nilang Steve? Kung gano'n bawal pala ako rito. Hindi ako nararapat.
"Master, wala po'ng trabaho ang pamilya n'ya," si Steve na ang nagsabi.
Sumama ang tingin ng matanda kay Steve at nakakunot ang noo habang sinusuri pa rin ako, para ba'ng isang kahibangan na nandito ako sa harap nila, sumasabay na hindi naman ako nababagay.
Gano'n din ang Mama't Papa ni Steve.
"Bakit siya ang girlfriend mo? Sinabi ko'ng maghanap ka ng may kaya, mayaman at higit sa lahat may connection," bakas sa boses ng matanda na galit ito.
Bigla akong nanliit sa sarili ko. Dapat wala akong pake kung ano man ang sasabihin ng iba patungkol sa buhay ko.
"Master, please respect my girlfriend," seryusong sabi ni Steve, he clenched his jaw. I can feel his hand holding mine, kinabahan na ako lalo.
"Ikaw ang rumespeto Steve! Ilang ulit ko ng sinabi na huwag ka'ng maghanap na ganya'ng babae!" sigaw ng matanda.
Napayuko ako dahil sa kakahiyan, gusto kong umalis na agad.
"We're leaving," Steve said and he pulled me away from his family.
Narinig pa namin ang tawag nila pero hindi huminto si Steve kakahila sa akin hanggang sa nakalabas kami.
Huminto kami sa harap ng kotse ni Steve at hinarap n'ya ako pero nakayuko pa rin ako. Ganito ba talaga ang mayayaman, ang matapobre, kung gano'n din naman, ayaw ko na yumaman kung pera lang ang dahilan ng pagtakbo ng buhay nila.
"I'm sorry of what my family did," he said. I looked at his eyes na puno ng awa. Gusto kong matawa, nakita ko na naman sa mukha ng tao ang awa nila sa akin, naiinis ako.
"It's okay, pero paano ba iyan maghahanap ka ng bagong gaganap 'yong tanggap ng pamilya mo?" bawat bigkas ko sa salitang ito, nasasaktan ako na hindi ko malaman ang dahilan.
"I don't know, bahala na." he answered. I smiled. Even me, hindi alam kung anong gagawin.
"Ihahatid na kita" sabi niya.
Habang nasa byahe tahimik lang kaming dalawa. Iniisip ko pa rin ang panlalait ng Lolo n'ya kanina. dapat babalewalain ko 'yon pero bakit tumatagos pa rin 'yong sakit. Bakit kasi wala akong pamilya, bakit kasi mag-isa lang akong lumalaban sa buhay.
"Grace." Napalingon ako sa kanya.
"I'm sorry," he said, napangiti ako. Kahit pala gaano ka matapobre ang pamilya n'ya may mabait na side pa rin itong lalaking 'to.
"Ayos lang 'yon, huwag ka na mag sorry," I said with a smile on my face.
"Nnndito na tayo,"
"Salamat Steve, sabihan mo lang ako kung tama na ang pagpapanggap." sabi ko at ngumiti.
Sumeryeso naman siya. he looked at me in my eyes, down to my lips. Nabigla ako nang bigla s'yang lumapit, I can smell his scent, ang bango.
"A-anong ginagawa m-mo?" kinakabahan ko'ng tanong. Pero imbes na sagutin ako, hinawakan n'ya ang leeg ko, at sinakal, charot.
"T-teka, anong g-gawin mo," nauutal ko pa ring tanong.
Lumapit s'ya lalo, paatras naman ako nang paatras at palapit s'ya nang palapit. Hanggang sa dumampi ang malabot n'yang labi sa labi ko. Iginilaw n'ya ang labi nito pero hindi ako makasabay, gosh hindi ako marunong humalik, help!
Gumalaw ang kanyang kamay sa likod ko, gusto ko'ng kumawala pero may parte sa sarili ko na ayaw gumalaw. Ang landi mo Grasya, jusko ka!
"Open your lips," he said with an husky voice.
Ginawa ko naman agad dahil nga maharot ako sa part na 'to. Ginalaw n'ya pa lalo ang labi n'ya at naka sabay na ako kahit hindi sigurado kong tama ba ang ginagawa ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang napunta ang kamay n'ya sa isa ko'ng dibdib. "Palakihin natin," sabi niya nang dahilan ng pagtulak ko. Pareho kaming naghahabol ng hininga naming dalawa.
"Bastos ka," inis kong sabi pero ngumisi lang siya.
"Gusto mo naman, ituloy natin sa loob?" Napanganga ako at hinampas s'ya.
"Mauna na ako, salamat sa paghatid." Nagmamadaling akong bumaba. I heard him chuckled pa. Hindi ko na siya nilingon.
Tumakbo ako papasok sa apartment, Napangiti ako at hinawakan ang labi ko, ramdam ko pa rin ang halik ni Steve.
What did you do to me Steve? Bawal ako magkagusto sa'yo, bawal ka rin magkagusto sa akin.
Ginawa ko ang evening routine ko bago humiga sa kama. Gusto ko ng matulog pero naiisip ko ang ginawa ni Steve kanina.
Bakit n'ya ako hinalikan? Gusto n'ya ba ako? Pero malabo, sa isang klaseng lalaki ni Steve, hindi ang tulad ko ang gugustohin n'ya.
Kung anu-ano na ang naiisip ko hanggang sa dumako ang tingin ko bote na nasa tabi ko, kinuha ko ito at pinagmasadan lang. Kung lagi ko bang inumin ang gamot na ito, mabubuhay ako ng matagal? I sighed bago binagsak ang katawan sa kama.
***
Linggo kaya may whole day work ako. Kailangan kong kumita para sa mga gamot ko.
Nagmamadali akong kumilos para maka-alis na. Sumakay lang ako ng jeep papunta sa trabaho , pagkarating ko nagmamadali na rin akong magbihis.
"Good morning ma'am." bati ko sa Manager namin.
"Good morning, sige na bilisan n'yo at magbubukas na tayo."
"Good luck sa una mo'ng araw Grace." Trisha said. Siya ang nagpasok sa akin dito.
"Thank you Trish." I replied and smiled to her.
Hindi rin naman nagtagal dumami ang mga customer. Our manager guided me, buti mabait ang mga kasamahan ko.
"Grace favor naman oh." Napalingon ako kay Jasmine. Huminto ako at nilapag ang tray sa counter.
"Yeah sure, ano 'yon?" tanong ko.
"Ikaw na kumuha ng order ng mag-jowa roon oh." turo n'ya sa gilid.
Tinignan ko ito, nakatalikod lang ang lalaki pero kita ko kung gaano kaganda ang babae. Tumango ako kay Jasmine at umalis na para puntahan ang sinabi n'ya.
"Hello po, Can I get your order." Nakangiting kong sambit.
Tumingin ako sa babae na nakangiti sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin ako sa kasama niyang lalaki. Lumipat ako sa kamay nilang dalawa, hawak-hawak ng babae ang kamay n'ya.
"Can I have frappe nalang and chocolate cake please, ikaw love anong gusto mo?" hindi ko napansin ang sinabi ng babae dahil nakatingin lang ako sa lalaking kaharap ko, gano'n din naman s'ya. Gulat ang kanyang reaction.
"Miss." Nabalik lang ako sa wisyo nang tawagin ako ng babae. Bakit may kirot akong nararamdaman. Lumunok pa ako ng isang beses at tumingin sa babae sabay ngumiti.
"Okay Ma'am, how a-about y-you sir?" I asked him na hindi tumitingin sa kanya. Nakatingin lang ako sa hawak kong ballpen at papel. Ramdam kong nanginginig ang kaloob-looban ko.
"Same as her," he said, I nodded at nagmamadaling isulat ang orders nila.
"Right away po," sabi ko at tumalikod na. Bigla akong nanghina at napatigil nang makarating ako sa kitchen.
Lumapit sa akin si Jay. "Ayos ka lang Grace?" he asked.
"Yeah, ito 'yong order." Inabot ko sa kanya ang listahan sa kanya.
Hindi nawala sa isipan ko ang mukha nilang dalawa, ang kamay na magkahawak. May iba na ba siyang nakita para magpanggap na girlfriend n'ya?. Bakit ako nasasaktan sa nakita ko?
"Grace may naghahanap sa'yo." Tumingin ako sa tumawag sa akin, si Trisha.
"Sino raw?" I asked.
"Hindi ko kilala eh, pero gwapo s'ya, ayon oh sa may counter inaantay ka, sige na ako na bahala rito." sagot niya naman.
Nagtaka naman ako kung sino ang maghahanap, baka si Renz, pero hindi naman nila alam na nag tatrabaho ako rito. Wala na akong nagawa kaya pinuntahan ko nalang.
Pagkarating ko sa counter, pinagsisihan ko kung bakit pa ako pumunta, gusto ko'ng umatras. Huminga ako ng malalim bago siya hinarap.
"Yes sir?" tanong ko. Tinignan n'ya lang ako ng seryuso.
"What are you doing here?" he asked kaya kumunot ang noo ko. Hindi n'ya ba nakikita na nagtatrabaho ako.
"I'm working sir, what can I do for you po?" magalang at mahinahon ko'ng sabi.
"Mag-usap tayo sa labas," sabi niya. Bakit pa, may kasama naman siya.
"May kasama ka sir, ano nalang po ang kailangan ninyo?" tanong ko, naiinis na ako sa kanya pero pinipigilan ko. Mag-uusap kami pero nariyan 'yong girlfriend niya!
"Umuwi na si Jemia, so can we talk now outside?" tigas talaga ng panga nito.
"Sir, I'm still working po." sabi ko at tatalikod na sana pero hinarangan ako ni Manager.
"Sige na Grace, balik ka nalang kapag tapos na." sabi niya. Gusto ko'ng pagbawalan niya ako pero bakit siya pumayag? Napabuntong-hininga ako.
"Ma'ma may gagawin pa po ako sa kusina," sabi ko.
"Si Jay na ang bahala, sige na nagpaalam na'yan sa akin, huwag mo ng tanggihan ang gwapo pa naman." sabi niya at kinurot pa ako sa tagiliran ko. My gosh! Ano bang ginawa ng lalaking 'to sa mga tao rito at napapayag niya?
I sighed at lumabas na, hindi ko siya pinansin pero ramdam ko na sumunod na siya. Sa likod na sana kami pero hinila niya ako.
"Bitawan mo ako, a-aray! Saan ba tayo mag-uusap?" Pilit kong binawi ang kamay ko mula sa kanya.
"Sa kotse ko," sabi niya. Sumunod na lang ako para matapos na kaagad.
"Ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko bigla.
"Anong ginagawa mo? Bakit ka nag tatrabaho?"
"Kasi mahirap ako at kailangan ko ng may makain." Inirapan ko siya. Malamang, ano bang dahilan kung bakit nag-tatrabaho ang tao? Bonak.
"Bibigyan kita, huwag ka na lang mag trabaho," aba desisyon siya ah.
"Bakit ba?" Taas kilay kong tanong. Bakit ba ako naiinis ngayon sa kanya.
"Hindi pa tapos ang trabaho mo sa akin." Tinignan ko siya ng masama.
"Hindi? May iba ka ng nahanap na magpapanggap, anong gusto mo dalawa kami?!" hindi ko na maiwasan na sigawan siya.
"She's my... whatever basta hindi ka pa tapos."
"Kailangan kong magtrabaho, tawagan mo na lang ako kung kailan ulit ako magpapanggap, hindi lang sa'yo umiikot ang oras at araw ko Steve." Akma akong lalabas nang pigilan niya na naman ako, napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Dahan-dahan niya itong inalis mula roon.
"Jemia is my real girlfriend pero hindi siya pwede ipakilala sa pamilya ko dahil ayaw ng pamilya niya." he said. So he has a girl, he's real girl.
"Sige, babalik na ako." sabi ko.
"Grace, please." Napatigil ako nang marinig ang mahinahong boses niya. Parang hinaplos ang puso ko dahil sa boses niyang nagmamakaawa. Why Steve?
"Steve, ano pang silbi ng pag-papanggap kong ayaw ng pamilya mo? Nagmumukha lang akong tanga, salamat sa binigay mong pera pero ayaw ko na, babayaran ko nalang ang binayad mo sa tuition ko, ayaw ko na magpanggap dahil hindi ko na kaya kung pagsasalitaan pa ako ng pamilya mo, hindi ako kasing lakas ng ibang tao na kakayanin lahat ng sinasabing masasama tungkol sa akin. Maghanap ka nalang ng iba, p-parang awa mo na, h-huwag ako."
That's the last thing I said and I turned my back from him. Pinahid ko ang luhang kanina pa gustong kumawala. Tama lang ang ginawa ko, kapag tuloyan pa akong nalalapit sa kanya, tuloyan ko rin siyang magugustohan. Titigil hangga't maaga pa. 

Komentar Buku (107)

  • avatar
    Metis Tales

    npaka painful pero gnun tlga.. sad but happy in da heart. high five po.

    26/07/2022

      2
  • avatar
    BustosRichelle

    gusto ko lang Naman magbasa e,bat mo ko pinapaiyak author😭😭😭

    29/07

      0
  • avatar
    Marivic Malate Cater

    lo...kkaiyak ung wkas

    09/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru