logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CALIGO NIGHT

CALIGO NIGHT

Fajardo


CHAPTER 1

Nagsilabasan ang mga kaklase ko para sa breaktime. Nanatili naman akong nakaupo at nagbasa basa lang ng mga naisulat ko kanina habang naglelecture ang guro. Huminga ako ng malalim. Saka nilibot ko ang buong classroom. Mag isa ako dito at hiniling na sana ganito nalang palagi. Walang maingay.
Hindi pa nga ako nakagitna sa aking pagbabasa ay nakarinig na ako ng hilyawan. I mean, grupo ng lalaki na nagtatawanan at nag bibigayan ng high five. Napa irap ako sa isipan ko. Puro pa cool.
Tinuloy ko ang pagbabasa ngunit wala na akong naiintindihan doon dahil sa ingay na dala nila. Bumusangot ako ng tuluyan na silang nakapasok sa room. Ang grupo pala to ng mga PA-COOL GUYS!
"Sobrang sexy talaga ng chix na yun, Jhon! Tangina kahit may jowa yun kaya kong paibigin sakin yun!" Sabay halakhak ni Julius. Nagtawanan sila kaya napakunot na ang noo ko. Ang ingay Lord. Pakiusap. Nag aaral ako dito.
"Sus, yabang mo Julius. Hindi mo nga kayang paibigin crush mo!" Kantyaw ni Angelo dito. Napatahimik si Julius at tinapunan ng masamang tingin si Angelo. Tinawanan lang naman ito ng barkada.
"Ibang usapan na yung crush ko, Angelo. Punyamas ka! Makapag salita ka akala mo may bebe. Wala naman!" Banat muli ni Julius.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang makinig sa walang kwentang pag uusap nila. Hindi na kasi ako makafocus. Kung pwede nga lang akong umuwi e ginawa ko na kaso naman, marami pa akong pangarap kaya tiis tiis nalang muna sa maingay na lugar.
"Pare-pareho lang naman tayong walang shota dito. Wag nga kayong mag salita na akala nyo matinik na kayo sa babae" isang malamig na boses ang nagpatahimik sa kanila ng ilang segundos saka sabay sabay na nagtawanan. Hinahampas hampas pa nila ito.
Napalunok ako nang nakita niya akong nakatingin sa kanya. Ningitian niya ako at tinanguan ko lamang siya. Hindi kami close, pero talagang cheerful at friendly lamg siya na kahit ang isang tulad ko ay pinapasin niya. Hindi naman big deal kung papansinin niya ako o hindi. Mas mabuti nga kung hindi nalang pagkat ko'y nadedrain sa mga taong maingay, pero gusto ko ang maingay kung music. Kung ang pag uusapan ay ingay ng tao, at sasakyan? Aba e no comment na lamang ako niyan.
"Saka wag kayong maingay, mga kupal na tangina. Nag aaral si Alexa." Saway niya sa mga barkada na ngayon ay napatingin na sa akin.
"Oh damn! Hindi ko napansin na may ibang tao dito." Sinabayan ulet ng halakhak ni Julius iyon.
Napakamot ako sa ulo ko. Wala ng mas iingay pa ang grupong ito.
Naupo na si Jhon Niño sa kanyang upuan. Si Julius naman ay nakipagtawanan pa sa mga babaeng bagong dating galing sa labas. Si Angelo naman ay may kung anong ginawa sa kanyang phone at si Jovel ay nakatingin sa akin. Ano namang itiningin tingin niya riyan? May problema ba siya?
Tinaasan ko siya ng kilay saka umiwas ng tingin. Nagbasa ulet ako pero pansin ko parin ang mga titig niya. Napabusangot ako saka tinapunan siya ng tingin. Masamang tingin. Ewan ko ba at mainit ang ulo ko sa kanya. Hayss.
Tumaas ang kanyang kilay at muling ngumiti. Naweweirduhan ako sa kanya kaya bago pa siya makalapit ay pumasok na ang aming guro sa susunod na subject.
Napangiti ako sa isipan ko. Buti nga sa kanya. Pa cool!
Todo effort ako sa pag take notes ng mga pinagsasabi ng aming guro habang sa likuran ko ay may nagdaldalan. Wala bang break ang kaingayan nilang lahat?
Kanina pa sila kaya hindi ko na natiis. I raise my concern sa guro namin.
"Uh...Miss. Mendoza."
"Yes, Miss Rosales?" Striktang pagmumukha niya ang tumumbad sa akin. Lumunok ako saka nagsalita. Nakakatakot siya pero kere narin kesa naman mag titiis ako dito sa mingay at hind makapag focus.
"Miss, pwede po ba akong lumipat ng upuan? Hindi po kasi ako nakakapag focus dito. Hehe"
Dalawang kilay ang tumaas niya at sinilip kung sino ang nasa likod ko. Bumuntong hininga siya at nakapameywang na ngayon. Inayos niya ang kanyang salamin saka nagsalita.
"Okay, Miss. Rosales. Ikaw na maghanap ng mauupuan mo."
Okay.....?
Palingon lingon ako sa buong klase namin. Nagpatuloy si Mam sa discussion niya at ako nama'y naghahanap pa ng maupuan. May isang bakante kasi kaso nga lang ay katabi naman ni Jovel. Ngumuso ako. Kung mamalasin nga naman ako, oo. Wagas. Parang isang bagsakan talaga. Hindi man lang naawa.
Napatingin si Jovel sa akin at walang emosyon ko lamang siyang tiningnan. Tumaas ang kanyang gilid sa labi na mas lalo ko lang pinagbuti na hindi ipakita ng aking emosyon. Hindi niya deserve makita ang naiinis kong expression pagkat masasayahan lamang siya.
Kahit sobrang ingay na ng likod ko ay pinagbuti kong magpokis at naisipang mamaya nalang lilipat ng upuan. Feel ko rin kasi hindi ako welcome sa tabi niya. Eh pakialam ko naman di ba? Saksakin ko siya ng ballpen e. Pacool sya.
Napairap ako sa kawalan.

Komentar Buku (15)

  • avatar
    Ma Rhea

    wow ahh grbe

    18d

      0
  • avatar
    MarceloChristina

    How thrilling!

    27/04

      0
  • avatar
    Mark Dave Tarrazona

    wow

    29/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru