logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2

CHAPTER 2
Tahimik akong nakaupo ng biglang sumulpot si Jasper sa tabi ko.
"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nito.
"Sure. Tungkol saan?" tanong ko.
"Satin." diretsong sagot nito.
"Satin? May ganon?" takang tanong ko saka ito binalingan ng tingin.
He sighed. "Ayusin natin. Mag-usap tayo."
"Nag-uusap naman na tayo ah?" kunot-noong sagot ko.
"Usap. Yung matino. Matinong usapan, Captain Williams." inis nitong anas.
Natawa naman ako saka sumeryoso.
"Saan mo gustong magsimula?" tanong ko.
"Bakit tayo humantong sa ganito? Masaya naman tayo noon, diba?" balik tanong nito saka natawa ng bahagya.
"Mas maganda siguro kung itinanong mo 'yan sa sarili mo. Ikaw lang naman ang nagbago eh. Sabi mo, gumising ka nalang isang araw na hindi na ako. Na may bago na at ang mas masakit pa dun ay naka-buntis ka." anas ko saka natawa ng walang buhay.
"Pero hindi ko sinabing maghiwalay tayo." sagot nito.
Nagpanting ang tainga ko dahil doon. "What do you want me to do?" inis ko itong tinignan. "Ang manatili ako sa tabi mo? Manatili sa tabi mo kahit na hindi na ako?" natatawa kong tanong. "Ang gago mo naman yata masyado, Jas. Ang sabi mo ay hindi na ako at may iba na pero hindi mo sinabing maghiwalay tayo?" naguguluhang tanong ko.
"Oo. Pang-unawa mo lang naman ang gusto ko sa mga oras na 'yon. Kahit ako ay naguguluhan din sa sarili ko." sagot nito saka tumingin sa dagat.
"Pang-unawa ko ang kailangan mo? Kahit nga yung sinabi mong hindi na ako ay hindi ko naunawan kaya paano kong maibibigay sa'yo yung unawa na hinihingi mo? Ang gulo mo. Kung kailan ayos na ako ay saka ka magtatanong ng ganyan ngayon." may hinanakit kong sumbat dito.
Hindi ko alam kung anong kakapalan ng mukha ang mayroon siya at ngayon niya pa naisip na itanong iyon. Ilang taon na ang nakararaan.
"Gumising ka nang isang araw na hindi na ako, ayos lang. Naiintindihan ko. Pero yung sinabi mong may iba na at naka-buntis ka ng iba, anong gusto mong gawin ko? Ano gusto mong sabihin ko?" natatawa kong tanong. Hindi maintindihan ang gusto niya.  "Gusto mong mag-halumpasay ako at magma-kaawang h'wag mo ako iwan? Hindi naman ako ganon ka-despereda para gawin ko 'yon." inis kong sagot kasabay ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan na h'wag bumagsak.
"I-i'm sorry." nalang ang naisagot nito.
"4 years, Jas. 4 years tapos sasabihin mong ganon? Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko noong araw na 'yon. Kalahati sa pagkatao ko ay parang namatay." ani ko saka tumingala para pigilan ang pag-agos ng aking mga luha. "Ang masakit pa doon ay nakabuntis ka at sa best friend mo pa. Hindi ko alam, Jas. Hindi ka na alam."
"H-hindi ako ang ama nung bata." nanghihinang sagot nito.
"Bakit parang nanghihinayang ka?" natawa ako sa sarili kong tanong.
"No! Of course not! Mas gugustuhin kong magkaroon ng anak sa 'yo kaysa sa iba." agap nito.
Tumango naman ako.
"I'm sorry. Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang humingi ng tawad pero pasensya na sa lahat ng naging kasalanan ko sa'yo. Mahal kita. Mahal na mahal." sinserong ani nito.
"Ayos lang. Tapos na eh. Ano pa bang magagawa ko? Hayaan nalang natin." sagot ko.
"No. Gusto kong magsimula tayo ulit. Pwede ba?" mahinang tanong nito.
"Hindi." singit ng kung sino kaya naman napatingin kami sa likuran namin.
"Kuya."
"Sebastian." sabay naming usal ni Jasper.
"Hindi. Hindi ako papayag na masaktan na naman siya sa iisang tao na paulit-ulit siya sinasaktan. Hindi niya deserved yung ganong trato, Jasper. May kapatid kang babae, bud, kaya dapat sana naging mas maingat ka. Isipin mo, kung sa kapatid mo nangyari yung nangyari kay Faye, masarap maging criminal, diba? Ayon ang naramdaman ko nung mga araw na lugmok siya dahil sa'yo. Gusto kitang patayin sa sakit. Hindi lang naman best friend ang turing ko sa isang 'to, kapatid din. Iniingatan ko prinsesa ko eh tapos sasaktan mo lang? Mali 'yon, pre." seryosong sagot ni Kuya habang papalapit sa amin.
"Masaya ako na masaya na siya ngayon kasi sa wakas wala na yung sakit na idinulot mo sa kanya pero pwede bang h'wag mo muna siyang guluhin? Masakit samin na umiiyak siya sa pare-parehong rason at sa iisang lalaki. Hindi mo nagawang itrato siya ng tama, eh. Tapos ang kapal ng mukha mong magtanong sa kanya kung pwede ba kayong magsimula, ulit? No. After all those years na wala ka sa tabi niya ay bigla kang magtatanong nang ganon. Pumayag ako sa gusto mo dahil ang sabi mo ay gusto mong maliwanagan sa nangyari sa inyo pero hindi kasama ron ang paghingi mo ng tyansa sa kaibigan ko." dagdag nito.
"Kuya." tawag ko dahil hindi ko alam sa sasabihin ko sa mga sinabi nito.
I am happy too dahil sa wakas ay wala na yung sakit ng nakaraan ko.
Tumingin naman ito sa akin at ngumiti. "Pasensya ka na kung sa tingin mo ay nanghihimasok ako sa inyo. Hindi ako makakapayag sa ngayon. Ang kailangan mo ay yung lalaking mamahalin ka at pahahalagahan. Hindi yung lalaking walang ibang ginawa kundi ay saktan ka." paalala nito.
"Naiintindihan ko." singit ni Jasper saka bumuga ng marahas.
"Mabuti kung ganon." si Kuya Seb.
"Papatunayan ko sa inyo na nagbago na ako. Na karapat-dapat ako sa pagmamahal ni Faye. Pangako." pursigidong sabi ni Jas kay Kuya saka tumingin sa akin at ngumiti.
"Hindi mo kailangang mangako." sagot ko.
"Papatunayan ko ang sarili ko sa'yo. Na hindi na ako yung dating Jasper na gago." sabi nito.
At least aware siyang gago siya.
"Pahinga na tayo?" tanong ko.
Tumingin naman si Kuya sa relo niya saka tumango. "Late na din. Night, bud." paalam nito kay Jas saka ako inakbayan.
"Night, Seb. Night, Faye." dinig kong ani ni Jas pero hindi ko na ito pinansin.
"Ayos ka lang?" tanong ni Kuya Seb habang naglalakad kami papunta sa kwarto ko.
"Yes. Hindi ko lang inaasahan na gaganon siya kanina." sagot ko.
"Pasensya na. Kasalanan ko. Nagmakaawa kasing gusto ka daw niya kausapin. Tiwala naman akong nakalimot ka na sa sakit kaya umo-oo ako." paumanhin nito saka tinapik ang balikat ko.
"Ayos lang, Kuya. Naiintindihan ko naman saka wala na sa akin 'yung nakaraan." ani ko.
"Masaya ako kasi masaya ka na pero sana hindi ko kainin ang mga sinabi ko kanina." saad nito saka ginulo ang buhok ko.
"Oh, siya, paano? Dito nalang ako." anunsyo ko ng nakatapat kami sa kwarto ko.
Tumango naman ito. "Matulog ka na. Night, Faye." paalam nito saka hinalikan pa ang noo ko bago tumalikod kaya naman pumasok na ako sa kwarto ko.
Dumiretso na ako sa higaan saka nahiga.
Hindi ko inaasahan ang nangyari kanina. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung masakit pa ba o hindi na. At masaya akong hindi na.
Masaya din ako para sa sarili ko dahil hindi na ako apektado sa nakaraan.
Kakalimutan ang mga masasakit sa nakaraan pero hindi ko kakalimutan kung ano ang mga naging lesson na ibinigay nito sa buhay ko.
———————————————————
Thank you! =)

Komentar Buku (23)

  • avatar
    John Lydell Tumbucon

    kinikilig Ako

    18d

      0
  • avatar
    Alayana Dele Cruz

    chapter 2 palang pero abang na abang na sa last part ang ganda🫰🏻❤️

    06/07

      0
  • avatar
    Natasha Miranda Palacio

    nakaka touch

    24/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru