logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 6: Echo

"Earth to Shadow!"
Nagitla ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses mula sa aking likuran. Agad na nilingon ko ito at hindi nagkamali ang pandinig ko. It was Echo, my closest friend... Sabi niya.
Jericho was the first one to approached me when I came back to Margox. Medyo nainis pa nga ako sa kanya nung una kasi wala siyang ibang ginawa kung hindi ang sundan ako at makipag-usap sa akin kahit na obvious na obvious naman na ayoko siyang kausap.
Isa siyang napakakulit na nilalang na walang ibang ginawa kung hindi sundan ako at guluhin. Sobrang naiinis na nga ako sa kanya non eh. Ready na kong sabihin sa bahay na gusto ko na lang palang manatili sa kwarto ko.
Until Blaze told me that Jericho, well "Echo" was actually a close friend of mine. According to Blaze, we were really close and nakakagulat man daw, pero sanay ako sa bubbly na ugali ni "Echo".
Hindi pa ako naniwala nung una eh dahil hindi convincing ang expression na ipinapakita ni Blaze sa akin. Parang may bahid pa nga ng galit yung mukha niya non eh, pero both of my siblings showed me a picture of us together. Kuha daw yon, few years ago. I was a bit of skeptical at first. But then, even if I was still having my sets of doubts, naniwala na rin ako.
And that was a year ago.
"Oh! Nanggugulat ka diyan? Tch." saad ko sabay irap sa kanya.
Agad niyang hinablot ang leeg ko at ikinulong ako sa kanyang hindi payat pero hindi din naman matabang braso. It was leaning more to being muscular. Actually no. Not just leaning, he is muscular but not that bulky and macho. Hindi siya yung sobrang putok na putok na yung muscles na akala mo eh puputok na yung sleeves sa sobrang laki. Hindi gano'n.
Above average pero hindi naman sobra. At hindi rin naman siya payat na payat. Saktong-sakto lang ang katawan ni Echo.
"Kanina pa kaya kita tinatawag, di mo lang ako naririnig," sabi nito sakin habang may nakakalokong ngiti sa mukha niya. "Paano yung utak mo, naiwan mo na naman yata sa kotse ng kapatid mo," dagdag niya pa sabay tawa ng malakas.
Tch. Hinahamon talaga ako ng isang 'to. Ayaw ko sana tong gawin pero pinipilit mo ko Echo.
Mahigpit na hinawakan ko ang firm niyang braso, pinaghiwalay ang dalawa kong paa, huminga ng malalim at saka bumwelo mula sa likuran.
"Te-Teka Shadow! Teka!" malakas na sigaw niya ng ma-realize niya kung ano ang gusto kong gawin. Nginitian ko lang siya ng nakakaloko, kumindat at saka buong lakas na ibinalibag siya sa lupa.
"Aray! Shadow naman eh!" malakas at nakakunot na reklamo niya nang dumikit na ang likod niya sa konkretong lupa. "That was really rude! It hurts!" angal niya na parang bata.
Mayabang na ipinagpag ko ang dalawa kong kamay sa kanyang harapan at saka ngumiti ulit sa kanya. "Sinabi ko na kasi sayo, ayaw kong inilalagay mo ako sa ganong posisyon, naiinis ako." mapang-asar pero may bahid ng inis na sambit ko sa kanya. "And I thought, you might need it. Naloloko ka na kasi."
Naiinis siyang napatingin sa akin at saka dahan-dahang tumayo habang pinapagpag pa ang damit at pantalon niyang medyo narumihan.
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Nawala na rin ang nakakalokong ngiti sa mukha ko. Blangko lang akong nakatingin sa kanya ng diretso, walang imik, walang kibo.
Medyo naiinis na rin kasi talaga ako. Idagdag pa yung napagusapan namin kanina ni Blaze. Si Echo lang ang naging trigger.
Nakita kong napalunok si Echo sa gilid ng mga mata ko. Ito na naman siya. Madalas kasing sabihin sa akin ni Echo na medyo nakakatakot daw ako sa tuwing naiinis o nagagalit ko.
Well, hindi ko naman maikakaila yon. May ganoong side nga ako. Nakikita ko rin kasi ang reaksyon niyang yon sa loob ng bahay. Sa mga magulang at kapatid ko. Siguro nga nakakatakot talaga akong magalit.
"I-Ikaw naman. Di ka na mabiro," saad niya at saka sinundot pa ang braso ko. "Sorry na ha?" sabi niya pa at saka inangkla ang kamay sa kamay ko.
"Tch. Ewan ko sa'yo," tanging sagot ko sa kanya at saka naglakad na ako papasok sa MU.
"Teka, hintayin mo ko, sasagutin ko lang to," biglang niyang sabi at saka mabilis na lumakad palayo sa akin papunta sa isang sulok.
Isang bagay na napansin ko kay Echo, mula nung nagpakilala siya sa akin bilang kaibigan ko bago pa mawala yung memories ko, araw araw, same time laging may tumatawag sa kanya.
Sa tuwing makikita ko siya sa araw-araw, pagkatapos naming batiin ang isa't-isa laging may tumatawag sa kanya. At isa pa, napaka seryoso lagi ng mukha niya tuwing kausap niya ang kung sino man na yon. Nawawala yung mukha niyang nakakatawa na parang laging nakatira ng enervon.
Sa tuwing may kausap siya sa kanyang telepono sa ganitong oras, sobrang seryoso ng mukha niya at hindi ito kakikitaan ng pagbibiro o kahit pa simpleng pagngiti.
Sa totoo lang, wala naman talaga akong pakialam kung sino man ang laging tumatawag sa kanya pero nakakapagtaka lang na walang palya sa pagtawag ang kung sinoman na yon sa kanya sa araw-araw. Ang malala pa, tuwing pagkatapos niya kong makita.
Parang ako ang ginagawang reminder na kailangan nang tumawag. Minsan tuloy naiisip ko baka secret bodyguard ko pa tong si Echo na sa totoo lang, hindi imposibleng mangyari.
Minsan na ring sumagi sa isip ko na baka nirereport ni Echo ang lahat ng nangyayari sa mga kapatid ko o sa mga magulang ko. Para kasi niya akong minomonitor araw-araw.
Lagi kong nararamdaman ang mga mata niya na nakapako sa likuran ko.
Hay nako, ewan! Ayoko nang mag-isip at baka kung saan pa mapadpad ang napakalawak kong isipan.
"Sorry ha, pinagintay na naman kita." saad ni Echo nang makalapit na siya sa akin.
Natawa na lang ako at napailing ng bahagya, "Ano pa bang bago, Echo? Mula ng makilala kita laging may tumatawag sayo tuwing ganitong oras minsan nagtataka na ko." sagot ko sa kanya habang diretsong nakatingin. "Para ka kasing isang hired spy. Lagi mo kong minamanmanan."
Nakita kong napalunok siya sa sinabi ko. Ibinaling ang direksyon ng mga mata sa isang gilid at saka nagbasa ng labi at bumuntong hininga.
Ewan ko ba pero ang ganitong aksyon ni Echo, para bang sinasabi na kinakabahan siya at may itinatago siya sa akin. Para niyang sinasabi na ang isa sa mga iniisip ko tungkol sa kanya ay maaaring tama.
Parehas sila ni Blaze. Ganito rin ang reaksyon ni Blaze sa tuwing nagtatanong ako o kung nakatitig ako sa kanya at hindi ko alam kung bakit. Sa mga ganitong pagkakataon, hindi ko mapigilang mapaisip.
There's really something weird. Hindi lang kay Echo at Blaze kung hindi sa lahat ng taong nakapaligid sa akin. Something is definitely wrong.
Although wala akong naaalala, nararamdaman kong isa sa mga hinala at iniisip ko ang tama. Kung alin do'n ay hindi ko alam.
"Ano ka ba?" pagtanggi ni Echo, "natataon lang siguro. Kita mo nang ka-block mo ko oh, paano naman ako magiging spy no'n?" dagdag niya pa habang bahagyang tumatawa.
Tumango na lang ako bilang sagot at saka nagpatuloy na sa paglalakad.
Hindi ako kumbinsido sa klase ng pagsagot ni Echo sa akin. Masyadong vague at parang hindi sigurado ang tunog ng boses niya. Parang nangangapa at nanghuhula. Pero sa ngayon, wala akong magagawa kung hindi ang maniwala.
"Sabi mo eh," sagot ko at saka nagkibit balikat na lang.
Ano ba talagang tinatago niyo?
Someone's POV
"Ano na? Sa palagay mo ba maaalala niya na?" nakangiti ngunit may bakas ng pagaalalang sabi niya sa akin.
Tinignan ko muna siyang mabuti at ngumiti. Umiling na lang ako at napabuntong hininga.
"Ewan ko. I just hope hindi siya magalit once she regained those memories back. Iniisip ko palang, natatakot na ko sa galit niya pero.. For sure, kung magagalit man siya, I would be very glad. It would mean that she is finally back," sagot ko sa kanya at saka napaupo. " Pero for a second thought, I would gladly accept all the beating basta huwag lang siyang magalit." natatawang dagdag ko.
"She should and I know she will be back soon. Myriad Corporation is constantly making their move." sabi niya at saka ipinakita sa akin ang isang printed material. "The senator was missing for almost a month, but then he reappeared in a live report. No wounds, no scars, no marks that could say he went missing. He just came back to work as if nothing happened. And you know what that means.." she paused and looked at me intently,
"Chaos is on the move." seryosong saad niya.
"Damn that madman. Wala talaga siyang balak tumigil at malas lang natin, she never gave us any information about that cruel and evil man." nakayukom na kamaong sagot ko sa kanya. "We definitely need her as soon as possible."
"We badly need her to come back. She's the only person that could stop that evil. At isa pa, siya ang dapat na tumapos ng labang 'to at hindi kung sino man," makahulugan niyang sambit habang nakatingin sa akin ng diretso.
"I know. Technically, this is not just about her being an agent. It's about her parents' death, his betrayal and her mission to get back to that evil son of a peach. This is her fight." sagot ko naman sa kanya.
Dow, you have to come back soon. The world that you swore to protect is slowly crashing down. The man you've been wanting to punish is corrupting the world. Dow, alam kong babalik ka at naniniwala ako doon. Pero kailangan mong bilisan.
Time is not on our side this time.
We need you, Leader. Please hurry and recover quickly and take those damn memories back.

Komentar Buku (25)

  • avatar
    Mery Jane M. Lopez

    this story so amaze because i really good for your professional and ethics and life is the best time to our house so we can see what we have done that I don't know what we have to safeguard dewormer for your professional and ethics in my be safe out and process the importance so I have become a good day today love 😘 and life Science so much for the elements of commication so I have another meeting and life is the importance of commication and life is the best time to take care of you apply our

    08/08

      0
  • avatar
    Jeliane Layron

    500

    28/07

      0
  • avatar
    AnchingRalphvincent

    goodd

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru