logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2: Bagong Simula

"I've been sleeping for one whole year!?" pasigaw na tanong ko habang ang mga mata ko ay dilat at ang bibig ko ay medyo nakabukas pa tanda ng pagkagulat sa sinabi nila.
Medyo nagitla si Blaze pero agad ding nakabawi at bahagyang natawa. Umayos siya ng upo saka ako sinenyasan na bumalik sa pagkakaupo na agad ko namang sinunod.
"Yes Shadow. You've been sleeping for one whole year. You've been asleep... well in a coma for a year until you woke up today. Kaya ganun yung reaksyon niya kanina." sabay turo nito kay Shine na siya namang tumatango. "We know you would eventually wake up but it's still a surprise that you woke up today. We were told that it may take a little bit longer for you to open your eyes."
Hindi ako makapagsalita. Sobrang gulat parin ang nararamdaman ko sa sinabi niya. One whole year? It's been that long? Napatingin ako kay Blaze. Siguradong bakas na bakas parin sa mukha ko ang pagkagulat at pagkalito, kaya ipinagpatuloy na lang ni Blaze ang sinasabi niya.
"So ayun na nga. You got into a coma and they said it may take a couple of years but thankfully, you woke up today." pagpapaliwanag ni Blaze. "The doctor told us that you may forget some sort of things since based on your medical results, you've had a major head trauma and that you may have a dissociative amnesia. And it's true. That's why you don't remember anything."
"Dissociative Amnesia is when a person has difficulty in remembering info about them, their personal history, family and friends. It is caused by a traumatic or stressful event. Well, you got into an accident, with a severe head trauma.. So.. hindi siya nakakapagtaka." biglang sabi ni Shine.
Agad pa akong napatingin sa kanya na medyo nagugulat parin. Sa totoo lang, kung ano man yung sinabi niya, wala akong naintindihan. Bukod sa purong english, ay ang bilis niya magsalita. Nauunawaan ko naman yung sinasabi at ipinaliliwanag nila sa akin, sadyang hindi lang talaga ako makapaniwala.
Ilang segundo pa akong nakatitig sa kanya nang muli siyang magsalita na medyo ikinagulat ko na naman. Mukhang hindi magiging maganda sa puso ko ang mga rebelasyon na naririnig ko ngayong araw.
"It was actually rare for someone to have it in years, so I definitely hope you can regain your memories soon." dagdag niya pa sabay ngiti sa akin.
Ano ba ang mga taong ito? Ni hindi man lang pinalipas ang ilang oras bago sinabi sa akin ang mga bagay na 'to. Talagang kailangan paggising ko ay diretso briefing na agad sa kung ano ang nangyari at bakit ako nandito? Wala man lang pahinga, straight to the point na agad. Kahit pa ako ang nagtanong, hindi ba dapat ay hinayaan muna nila ang utak ko na mag-adjust sa mga nangyayari? May lakad ba ang mga taong 'to? Nagmamadali?
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Nagising ako sa isang kwarto na turns out, hindi naman pala sa akin. May dalawang hindi ko kilalang tao na sinasabing magkakapatid kami kahit na hindi naman sila bagay na maging magkapatid. At ngayon kaya pala wala akong maalala kahit na pangalan ko ay dahil may amnesia ako.
Sa mga panghapong telenobela ko lang napapanood ang mga ganitong eksena eh. At paano ko naman yon nalaman? Bigla-bigla ay parang automatic na naiisip ng utak ko ang mga bagay na 'to. Damn, pwede pala talagang mangyari sa totoong buhay? Nasaan na ba si Antonieta at paki sapok nga po ang dalawang ito.
Teka, sino si Antonieta? Telenobela? Kung ano pa yung hindi mahalaga, ayun pa yung naalala ko imbis na pangalan ko at buhay ko.
Napabuntong hininga na lang ako at napasapo sa sariling noo. Sa totoo lang, wala naman talaga akong magagawa. Lalo na at wala talaga akong maalala.
Dalawang bagay lang ang pwede kong gawin. Tumakas at magsimula ng bagong buhay na walang ideya kung sino ba talaga ako, o piliing maniwala at magtiwala sa mga taong 'to at tanggapin na magkakapatid kami, na magkapatid sila kahit na hindi ako naniniwala.
"Ano nga ulit pangalan ko?" nanlulumong saad ko habang nakapako ang mga mata sa kuko ko.
"Shadow. Shadow Rodriguez." mabilis na sagot ni Shine sa tabi ko.
"Shadow.. " mahinang bulong ko habang ninanamnam ang pangalang binanggit.
Sa lahat ng nangyari at nangyayari ngayon, ito lang ang naramdaman kong tama at sigurado. Sa lahat ng narinig ko sa kanila, dito lang ako naniniwala na totoo kahit pa hindi nila ipaliwanag at hindi ko alam kung bakit. It's just that, it feels like I really own it. It feels like Shadow is engraved to my very soul and existence.
Siguro nga. Ayun nga talaga ang pangalan ko. Shadow.. Shadow Rodriguez.
Ewan ko ba. Kung ano-ano iniisip ko, wala naman akong isip. Wala ngang maalala eh. Ang corny.
"So.. what do you want to do?" biglang saad ni Blaze.
Agad naman akong napatingin sa kanya. May mga bagay siyang sinasabi na parang hindi ko mapaniwalaan pero, when I'm looking at him, at them, I could feel that I can really trust these faces. Hindi dahil sa maganda at gwapo sila, pero kahit na hindi ko sila kilala, there's a familiar feeling inside that I can't explain.
So yeah. Even if I'm a little bit unsure of what is happening, I will trust this feeling.
Ewan, kahit na feeling ko may kulang or may nafi-filter na information, I just have this intuition na I need to trust them and that they won't do anything to hurt me. Kahit na may off sa kanilang dalawa, I feel safe.
I don't feel like my life is in danger. Rather, I feel so comfortable. Wala yung kaba ng taong takot sa mga kasama niya. Walang gano'n.
Tinignan ko silang dalawa. Ilang segundo ding nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila at saka ako umayos ng upo.
"Do I have an option?" mahinang saad ko at saka nagbuntong hininga. "It's not as if I have somewhere to go or someone to call. May amnesia nga diba?" dagdag ko pa at saka irap kay Blaze.
Natawa lang siya. "At saka isa pa, diba kapatid ko kayo? Then you have to take care of me whether you like it or not." walang ganang sagot ko.
Napailing na lang si Blaze at saka tumabi sa kabilang gilid ko sa kama at marahang hinimas ang ulo ko.
"I'm glad you're awake, Shadow." mahinahon at puno ng concern na saad ni Blaze. "Alright. We just need to hear the doctor's insight and we'll leave right after." saad niya at saka naglakad papunta sa pinto pero agad din siyang huminto at lumingon.
Nakapako ang seryoso niyang mga mata kay Shine. "Shine, I'll call the doctor. Take care of her, and keep your mouth shut." saad niya at tuluyan na nga siyang lumabas.
"Damn that annoying Blaze." dinig kong bulong ni Shine pero hindi ko na lang pinansin. Wala na ata akong energy para magtanong pa ng magtanong.
"Shadow, after your check up and if they tell us you could be discharged, you could take a shower and fix yourself. We have to go immediately." saad ni Shine at saka tumayo at inayos ang upuang iniwan ni Blaze.
"Go to where?" tanong ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin. Dahan-dahang umangat ang gilid ng kanyang labi hanggang sa makita ko na naman ang ngiti ng isang anghel.
"Home, Shadow. We're going home." mahinahong sagot niya.
I woke up without memories in front of people I don't really know. And just like in some adventure game or novel, I need to start from the very beginning. Level 1.
Ano pa kayang naghihintay sa akin?

Komentar Buku (25)

  • avatar
    Mery Jane M. Lopez

    this story so amaze because i really good for your professional and ethics and life is the best time to our house so we can see what we have done that I don't know what we have to safeguard dewormer for your professional and ethics in my be safe out and process the importance so I have become a good day today love 😘 and life Science so much for the elements of commication so I have another meeting and life is the importance of commication and life is the best time to take care of you apply our

    08/08

      0
  • avatar
    Jeliane Layron

    500

    28/07

      0
  • avatar
    AnchingRalphvincent

    goodd

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru