logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 1: What!?

"Teka nga Blaze! Shh! Huwag kang maingay. Magigising mo siya."
"Sus. Ayun naman ang gusto natin diba? Saka ikaw kaya ang maingay. Sa lakas ng bunganga mo Shine, for sure kahit si sleeping beauty babangon mabatukan ka lang."
"Excuse me? Hindi na gigising si sleeping beauty no! dahil ako na mismo 'yon."
"Yuck."
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bakit ang ingay ng mga tao sa paligid ko? Wala ba silang konsiderasyon sa taong nakapikit at natutulog? Nakita na nga nilang nakahiga ako dito, pero kung mag-usap silang dalawa, daig pa ang taong naka megaphone, pambihira!
Wala ba silang sense of respect?
"Alam niyo, parehas lang kayong maingay." saad ko habang pilit na inaaninag ang mga taong walang habas na nagiingay dito pa mismo sa tabi ko. "Nagtatalo pa kayo diyan, eh pareho lang malakas ang mga boses niyo."
"Gising na siya!" hiyaw nung babaeng may mahabang buhok at saka nagtatatalon habang nakahawak sa isang lalaki na hindi man kasing intense niya ang tuwa, ay nakangiti.
"Yes Shine. Kita ko nga," sagot naman nung lalaki at saka hinawakan niya yung babae sa magkabilang balikat. Para bang kinakalma ang babaeng walang paglagyan ng galak.
Mariin ko silang tinignan. Pirming nakapako ang mga mata ko sa kanila. Kabaligtaran ng tuwa nila, naguguluhan naman ang utak ko at tila wala akong mahanap na sagot. Ilang ulit ko pang hinalukay ang utak ko, pero wala parin.
Hindi ko sila kilala. Hindi ko sila namumukhan. Sino ba ang mga taong ito? Bakit sila nandirito sa kwarto.... ko?
Teka, parang hindi ata ito isang simpleng kwarto lang.
Agad na inilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng silid. Maaliwalas ang kwarto, hindi kaliitan at paniguradong kakasya kahit pa sampung tao. Kulay puti at kulay kape ang pintura sa buong silid na sinasabayan ng isang di pamilyar na amoy sa akin. Hindi siya mabango pero hindi rin naman siya mabaho. May kung anong aroma ito na pumapasok sa ilong ko at tumutuloy ng diretso sa lalamunan at baga ko.
Inilibot ko pang muli ang mga mata ko sa kabuuan ng kwarto. Maganda siya at simple lang. Pero ang nakapukaw ng pansin ko ay ang mga swerong nakakabit sa akin. Kaya pala gano'n ang amoy ng kwartong ito. Nasa loob pala ako ng isang kwarto sa isang ospital.
Ospital?
Bakit nandito ako? Anong ginagawa ko sa isang ospital? Sino ang mga taong ito at higit sa lahat.. sino ba ko?
Mula ng imulat ko ang mga mata ko, iniisip ko na kung anong pangalan ko. Pero kahit anong gawin kong baligtad sa utak na mayroon ako, kahit anong gawin kong kalkal sa natitira, ay wala akong makita, hindi ko mahagilap ang tamang sagot.
Naputol ang pagiisip ko ng biglang ilapit nung babae ang sarili niya sa akin. Agad na inangkla niya ang kamay sa braso ko na bahagya ikinagulat ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin? Or what?" biglang sabi nung babae kaya bahagya akong napaatras habang ang mga kamay ko ay mabilis kong binawi sa kanya at mahigpit na kumapit sa unang nakaharang sa aking sarili.
Malakas ang kabog ng dibdib ko. Parang naririnig ko na nga ito mismo sa tainga ko. Pakiramdam ko nga sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko. Gusto ko man siyang palayuin ng kaunti sa akin ay hindi magawang bumuka ng bibig ko. Siguro ay dahil na rin sa hindi ko sila kilala at naguguluhan pa ang isip ko.
Agad na napailing yung lalaking kasama nung babae at saka lumapit sa amin at marahang hinawakan sa balikat yung babae.
"Hala ka. Ayan na Shine. Tinakot mo na siya. Yung mukha mo kasi iatras mo ng konti. Nakakatakot." sabi niya at saka hinila paatras yung babae at siyang humarap sa akin. "Okay ka lang ba? Kamusta pakiramdam mo? Pagpasensyahan mo na ang isang 'to, natutuwa lang na makita kang gising na." mahinahong saad nito.
Napatitig ako sa kanilang dalawa. There's this feeling na parang kilala ko sila pero hindi ko talaga maalala.
Maganda yung babae. Mahaba ang kanyang itim na buhok na sa palagay ko ay umaabot sa kanyang beywang. Medyo maputi rin siya at may katangkaran at may kagandahan ang katawan.
Kakaiba ang gandang mayroon siya. Parang isang karakter mula sa romance comics na nabuhay. Ganoon siya kaganda.
Yung lalaki naman ay di hamak na mas matangkad doon sa babae na halos hanggang balikat niya lang. Malapad ang mga balikat at medyo moreno siya na may maayos at maiksing buhok.
Kapansin-pansin din ang medyo may kalakihan niyang katawan na sa unang tingin, iisipin mo na baka isa siyang pulis o sundalo.
Sino ba talaga ang mga taong ito? Bakit nandito sila at sino ba ko?
Matagal ko pa silang tinitigan na nakatingin din akin. Pilit kong inaalala ang pangalan ko at kung kilala ko ba ang mga 'to pero bigo ako. At isang paraan lang ang nakikita kong paraan para malaman ko na ang sagot.
Bumuntong hininga ako. "Si-sino ba kayo?" medyo nauutal at nagaalinlangan pang saad ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na medyo natigilan naman.
Agad na tumikhim yung lalaki at napangiti at saka naghila ng upuan at umupo sa gilid ng kama ko. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ko na mabilis niya ring inilapat sa dibdib niya ng hindi ko kuhanin ito.
"I'm Blaze Sebastian Rodriguez. And this woman," saad niya at saka itinuro ang babaeng nakaupo na rin sa kanyang tabi na may napakalaking ngiti. "this is Shine Willow Rodriguez my-"
"Your wife? I knew it! Well, bagay kayo." saad ko habang nakatitig sa kanilang dalawa.
Totoo yung sinabi ko. Bagay silang dalawa. Kahit na magkatabi lang sila, ay nakakaramdam ako ng kaunting kilig at tuwa na hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling. Hindi ko naman kilala ang mga ito, pero bakit parang tuwang-tuwa ako na makita silang magkasama at magkatabi? Parang tumatalon ang puso ko sa tuwa na makitang magkasama silang dalawa.
Parehas silang nagulat at napatingin sa magkabilang gilid at sabay pang naubo. Kita rin sa mga mukha nila ang pamumula at kaunting pagkahiya. Pero sa kanilang dalawa, napansin ko na medyo nakangiti yung Blaze habang nakatakip sa kanyang bibig. Kita parin ang kurba ng labi niya sa likod ng kanyang kamay.
"N-no no. We're not a couple." saad ni Blaze matapos makabawi at umayos ng upo. Nagcross legs pa ito at sumandal bago nagsalita na muli, "We're not a couple, we're actually your-"
"Bakit parehas yung surname niyo?" singit ko ulit bago niya pa matapos yung sasabihin niya.
Sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung saan ko nakukuha ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Basta nasasabi ko na lang at hindi ko na napipigilan pang lumabas.
Agad namang napatawa si Blaze at napailing, 'the same Shadow' bulong niya pero hindi ko naintindihan kaya napatitig ako sa kanya habang nakakunot ng noo ko.
"Could you please let me finish before you talk?" saad niya habang natatawa pa.
"Okay."
"As I was saying, we're not a couple. The reason behind our surname being the same is we're actually siblings." pagpapaliwanag niya ng mahinahon.
Lalong napakunot ang noo ko at pakiramdam ko ay natatawa ako. I don't buy it.
Mas maniniwala pa ko kung sinabi niyang nagkataon lang na magkaapelyido silang dalawa. Pero to say na magkapatid sila with that kind of chemistry between them? With that kind of romantic vibe around them? That's bullshit. There's something romantic about them and again, hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga ito.
Dami kong alam, pero yung sarili kong pangalan hindi ko naman maalala.
"Seriously?" di makapaniwalang saad ko, habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanila.
"Yup, seriously. And actually, we're your siblings too." Lalong nanlaki ang mga mata ko.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ako!? Kapatid ko sila? How come? First of all, there's something between this two that feels off and all. Tapos dadagdag pa ko? Hindi ko naman sinasabi na there's no possibility sa mga sinasabi ng lalaki na to, to think na wala nga akong memories, pero ba't ganon? Hindi ko ma-feel? There's no connection between me and them as siblings. Walang sparks. The balance between us three is off, really.

"What!?" tanging naisagot ko na lang nang medyo nakangiwi.
Agad na lumapit sa akin yung Shine at umupo sa kama, sa mismong tabi ko.
Hinawakan nito ng mahigpit ang mga kamay ko at saka ngumiti ito sa akin ng pagkaganda-ganda. Sa ganda, halos magmukha na siyang anghel.
"It's true. I am Shine Willow, he's Blaze Sebastian and you are Shadow. We're the children of Rodriguez." Pagpapakilala ni Shine.
Hindi pa rin ako naniniwala sa mga sinasabi nila. Ewan ko ba. It really feels off. Hindi sa hindi ko gustong maging kapatid sila. Actually natutuwa ako sa hindi ko malamang dahilan. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang galak. Para bang noon pa gusto ng sarili ko na maging kapatid ko sila. Ang hindi ko matanggap ay yung silang dalawa ang magkapatid.
It feels so... weird.
Pero sa ngayon, I will keep it to myself. Baka nga naguguluhan pa ako at kagigising ko lang sa hindi ko malaman kung gaano katagal na tulog at wala talaga akong maalala na kahit na ano.
"Okay.. so anong ginagawa ko dito?" agad na tanong ko sa kanilang dalawa.
Bigla, ay naglaho yung mga masasaya nilang ekspresyon. Napalitan iyon ng lungkot at nakakakita ako ng awa sa mga mata nila na hindi ko talaga nagustuhan. Nag-init bigla ang tainga ko at nakaramdam ko ng matinding inis sa kanila.
"Can you not look at me with those kind of eyes?" saad ko sa seryoso at malamig na tono. "I don't like the way you're looking at me."
Nanlaki ang mga mata ko. Ako mismo ay nagulat sa tunog ng boses ko. Saan nanggaling yon? Bakit ganon ang naging reaksyon ko sa isang napaka-simpleng bagay? Saka, kahit na sa akin pa nanggaling ang boses na 'yon, ako mismo natakot.
There's a hint of threat in my voice na hindi ko alam kung saan nanggaling. And it was so cold na kahit alam kong boses ko yon, ako mismo ay nangilabot. If it was meant for me, for sure, I would tremble in fear. Ganoon ang tunog ng boses ko.
Tulad ko, medyo nagulat silang dalawa at nagkatinginan pa. May kakaiba sa mga tingin nila. Bigla silang napangiti at sabay na tumawa na para bang nasisiraan ng mga bait.
"A-ano.. Anong na-nangyayari sa inyong da-dalawa?" naguguluhang turan ko at lalo pang humigpit ang pagkakakapit ko sa unan. "Can you please stop laughing at me?"
Tumingin lang sila sa akin at lalo pang tumawa ng malakas at ang parehong kamay pa ay nakalagay sa kanilang mga tiyan.
Nanatili akong nakatitig sa kanila habang pareho na silang nasisiraan ng ulo kakatawa. Nung mapansin ni Blaze na nakatingin lang ako sa kanila ay agad itong umayos ng upo at tumikhim.
"Sorry," saad niya habang nagpupunas pa ng mga mata. "Natuwa lang kami na you still got the charms and angas. Nandun parin, hindi nawala." saad niya at saka tinapik si Shine na tumatawa parin.
"Sorry. As what he said. Natuwa lang kami, pasensya na, tao lang, nadadala ng damdamin at emosyon." sabi ni Shine at saka pa nag-peace sign habang nakangiti ng napakalapad.
"To answer your question, you got into an accident a year ago an-"
"A YEAR AGO!?" gulat na tanong ko at naihagis pa ang hawak kong unan sa sobrang pagkabigla at medyo napatayo.
Damn. What the heck is happening? One year!? I've been sleeping for one whole year? Why!? This is so unbelievable!

Komentar Buku (25)

  • avatar
    Mery Jane M. Lopez

    this story so amaze because i really good for your professional and ethics and life is the best time to our house so we can see what we have done that I don't know what we have to safeguard dewormer for your professional and ethics in my be safe out and process the importance so I have become a good day today love 😘 and life Science so much for the elements of commication so I have another meeting and life is the importance of commication and life is the best time to take care of you apply our

    08/08

      0
  • avatar
    Jeliane Layron

    500

    28/07

      0
  • avatar
    AnchingRalphvincent

    goodd

    17/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru