logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

ANG BABAE SA PROPESIYA

ANG BABAE SA PROPESIYA

Ecrivaindereve


PROLOGUE

AUTHOR'S NOTE
Hi babies! Kung mapapansin niyo, this is the revised version—kaya kapag may sticker sa title ng chapter, ibig sabihin revised na siya. HAHAHA! It’s been a year since huli kong na-update ‘tong story, and grabe, JEJE ERA ko pa talaga dati! BWHAHAHA! Anyway, enjoy reading, babies! Sana mahalin niyo itong bagong bersyon katulad ng pagmamahal niyo sa mga crush niyo! 😭💖
---
PROLOGUE
Sa gitna ng katahimikan ng kagubatan, isang magandang tinig ang maririnig—malambing, mapanaginip, at puno ng damdamin.
Isang dalagang taglay ang mala-anghel na boses at inosenteng mukha ang nakakubli sa isang mataas na tore. Siya si Ilumina Celestina Hedalgo—ang nag-iisang tagapagmana ng isang sinaunang sumpa, at ang prinsesang matagal nang ikinubli sa gulo ng mundong ibaba.
Buong puso niyang inaawit ang kantang itinuro sa kanya ng kanyang mahal na ina noong nabubuhay pa ito. Sa bawat nota, ramdam ang lungkot at pananabik sa mundong hindi pa niya kailanman nasisilayan.
Sa buong buhay niya, pinangarap niyang makita kung ano ang meron sa ibaba ng tore. Pero hindi niya maaaring suwayin ang huling habilin ng kanyang ina:
"Huwag kang bababa hangga’t hindi ka pa handang ipaglaban ang sarili mo."
Nangako si Ilumina sa sarili na hindi na siya muling bababa. Minsan na siyang bumaba noon—at muntik na siyang mapahamak sa kamay ng mga tagalupa. Mabuti na lang at naabutan siya ng kanyang ina, kaya siya'y nailigtas.
Simula noon, itinakda niya sa sarili na mananatili sa toreng iyon. Ilang taon na ang lumipas, at sa bawat araw, paulit-ulit niyang pinapakinggan ang mga kwento ng kanyang ina—mga kwento tungkol sa kagandahan at kasamaan ng mundo. Ngunit ang isang kwento ang tumatak talaga sa kanya: ang kwento ng babae sa propesiya.
Isang babaeng pinili ng Dyosa ng Kalangitan upang bigyang pag-asa ang magulong mundo ng mahika. Siya ang magiging susi ng bagong kasaysayan—ang tinig na magpapagaling sa sugatang daigdig.
At sa kanyang puso, naniniwala si Ilumina—na baka siya ‘yun. Baka siya ang tinutukoy sa propesiya.
Ipinagpatuloy niya ang madamdaming awitin, iniaalay ito sa buwan—dahil sabi ng kanyang ina, “Kapag malungkot ka, tumitig ka lang sa buwan. Awitan mo ito, at gagaan ang puso mo.”
At totoo nga. Noon, nung pumanaw ang kanyang ina, ito ang tanging nagpapatahan sa kanya. Kaya nangako siya:
Sa oras na kaya ko na ipaglaban ang sarili ko, bababa ako. Para sa kanya. Para sa hustisya.
"Ang lupit ng mundo sa ibaba. Walang awa nilang kinitil ang buhay ng isang inosente… ng aking ina. Hindi ko man ginustong magtanim ng galit, pero ngayon, kahit buhay ko pa ang kapalit—ipaghihiganti kita, ina." bulong ni Ilumina habang pinipigilan ang mga luhang dumadaloy.
"At sa aking ika-labingwalong kaarawan... bababa ako sa tore. Hindi lang para gumanti, kundi para harapin ang kapalarang itinakda sa akin."
Lumuhod siya sa gitna ng kanyang silid, nanalangin ng taimtim:
"Aking mahal na Dyosa ng Kalangitan, nawa'y gabayan niyo po ako sa landas na tatahakin ko. Hinihingi ko ang inyong basbas at proteksyon. Alam ko pong alam niyo ang nilalaman ng puso ko. Sana’y pahintulutan ninyo ako."
Kinabukasan at sa mga susunod pa, magsisimula na siyang maghanda—pisikal, emosyonal, at espiritwal. Sa pagbaba niya, dala niya ang galit, ang pagmamahal, at ang propesiyang pilit umiikot sa kanyang kapalaran.
"Hahanapin ko ang taong pumatay sa aking ina. At ipapalasap ko sa kanya ang sakit na pinatikim niya sa amin."
Tumingala siya sa langit, binigkas ang mga salitang punô ng pananabik, lungkot, at pagmamahal:
"Aking inang mahal… sana’y kasama ka ng liwanag. Bababa ako para sa’yo. Alam kong hindi madali ang tatahakin ko, pero nais kong malaman mong ginagawa ko ito para sa'yo. Mahal na mahal kita."
Sa huling bahagi ng awitin, dahan-dahan niyang winagayway ang kanyang kamay at bumigkas ng sinaunang dasal. Isang matinding liwanag ang bumalot sa kanyang palad. Lalong lumakas ang ihip ng hangin, at nagbago ang kulay ng kanyang mga mata—mula luntian, naging bughaw na kasing lalim ng karagatan.
Nagliparan ang makukulay na paru-paro, at tila nabuhay ang buong kagubatan. Sa paligid niya, isang mahiwagang liwanag ang sumasayaw kasabay ng kanyang tinig. Tila sumasagot ang kalikasan sa panalangin niya.
Unti-unting nanumbalik ang lahat sa katahimikan. Bumalik ang kanyang mga mata sa dating anyo. At sa kanyang pagtalikod, kitang-kita sa kanyang makinis at maputing balat ang isang kakaibang marka—isang selyo ng kalangitan.
Dahil siya si Ilumina Celestina Hedalgo.
Ang prinsesa ng propesiya.
A/N: This story is under editing until i reach the chapter 19 and after that the story have her continuation. It's been years baby till I open my account here, so here I am back to writing again. Thank you for your support babies and this time I won't disappoint you guys. 
P.S. This is your Zero_effort (Ecrivaindereve) signing on again.

Komentar Buku (63)

  • avatar
    Rochelle Mondin

    Nice story

    08/09/2023

      0
  • avatar
    Ken Salinay

    Ken

    01/11/2024

      0
  • avatar
    Arvin Pamfilo

    ang ganda ng kwento

    23/10/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru