logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

Chapter 6
"Miss! Miss! Wake up!" Unti unti akong napabuga ng tubig at dahan dahan kong iminulat ang mata ko.
Sumalubong saakin ang mukha ng isang lalaking, nababakas ang pagkabahala. Basang basa ito at tumutulo sa mukha ko ang tubig na tumutulo sa kanyang basang buhok.
Gusto kong magsalita ngunit, wala akong lakas upang gawin yun.
Unti unting bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa lamunin na ako ng dilim.
.....
Naalimpungatan ako sa mga maingay na paligid. Dahan dahan kong inilibot ang paningin ko sa hindi pamilyar na kwarto.
Kulay beige na ceiling ang una kong nakita at amoy panlalaki ang kwartong ito.
Kung gayon, nasan ako?
Umupo ako sa gilid ng kama at inilibot ko ang paningin sa loob ng malaking kwarto. Tumayo na ako at sumilip sa bintana.
Tipid kong hinawi ang kurtinang nakaharang sa malaking bintana. Sumilip ako at ang raming taong nagkukumpulan sa dalampasigan.
Maraming tao ang nag iinuman, habang may nagbobonfire at ang iba naman ay nakahawaii dress at sumasayaw gamit ang nagbabagang apoy. Ang iba naman ay nakikipagsiyahan.
Nabanggit saakin ni Ate na mayroon nga daw ngayong gabi na isang event. Kaya siguro nagkakasiyahan.
Umalis na ako sa harap ng bintana at naupo sa gilid ng kama.
Ano bang nangyari?
Hala! Naalala ko na.
Isang taon na ang nakakalipas ngunit ngayon na lang ulit nagparamdam ang lahat ng mga panaginip ko.
Hindi ko alam kung totoo ba yun o isa lamang na panaginip.
Pero kasi sobrang saya ko nang kahit man lang sa panaginip ko ay may tumawag saakin Ate. Tandang tanda ko pa ang babaeng nakipaglaro saakin sa dagat. Ang mga ngiti at tawa niya at kung paano niya ako tawagin na Ate.
May iba pa ba akong kapatid bukod kay Ate Allison? May hindi ba sinasabi sila Mommy saakin?
Ang mukha ng matandang babae na nakangiti na nag aantay saamin sa kubo ay isa ring dahilan upang matunaw ang puso ko. Wala man akong maalala, hindi ko man alam kung totoo iyon o hindi. Alam kong may parte sa puso ko na may puwang sila. May parte sa puso ko na kahit hindi ko mawari kung ano yun, alam kong importante pa rin sila saakin.
Ngunit ang itsura ng lalaking katabi ng babae ay naging dahilan ng pangingilabot ko. Ang pagngisi nito na parang aso ay kinatatakutan ko. Mapupula ang mata nito at maraming tattoo sa katawan. Hindi ko alam pero sobrang natatakot ako sa kanya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Isa lamang ang natatandaan ko, may tattoo siya sa leeg na isang Agila.
Eagle.
Kusang nagsitulo ang mga luha ko papunta sa pisngi. Naguguluhan ako! Nalilito ako!
Napahikbi na ako lalo nang makita ko sa isip ko ang larawang hindi ko nais makita. Ang lalaking may mapulang mata at nakangisi ng parang aso.
Sana naman bumalik na ang ala-ala ko. Gusto ko malaman ang lahat ng tungkol saakin. Kahit pa malaman ko ang maraming masasakit na nakaraan ay kakayanin ko, malinawan lang ako.
Napatigil ako sa paghikbi ng may panyo na nasa tapat na ng mukha ko.
Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang lalaking nakita ko kanina sa dalampasigan. Siguro siya ang nagligtas saakin sa pagkakalunod.
Nag aalalang mukha nito ang nakita ko sa pangalawang pagkakataon. Ang gwapo nitong mukha ay nababahiran ng labis na pag aalala. Ang makapal nitong kilay ay nangungunot, nagtataka siguro kung bakit ako umiiyak.
Ang kulay brown eyes niya ay nag uumapaw ng sobrang pagkabahala.
"Are you okay?" Mas lalo akong nabighani ng marinig ko ang boses niyang parang mas malalim pa sa balon.
Natauhan ako kaya dali dali akong umatras sa kama at natumba ako sa kabilang side nito at nagtago ako sa gilid.
Iniangat ko ng kaunti ang ulo ko upang masilip siya. Nandoon pa rin siya sa kabilang side ng kama at nagtataka na ito habang nakatingin sa direksyon ko.
Nagsalubong ang makapal niyang kilay at mas nangunot ang noo niya. Binasa muna niya ang narrow lips niya gamit ang dila niya atsaka dahan dahan lumalapit dito sa gilid ng kama.
Kinuha ko ang unan na malapit lang saakin at ibinato sa kanya.
Umangkas ako sa kama at lumipat sa kabilang side ng kama kung nasaan siya kanina. Pinagbabato ko siya ng unan na nandito sa kama. Nang wala na akong makapa na unan ay nanghina ang mga tuhod ko.
Maluha luha kong tiningnan ang taong nakatayo sa kabilang side ng kama. Nag aalab na sa galit ang brown nitong mga mata. Namula na rin ang fair skin niyang balat dahil sa pwersa kong pagbato ng mga unan. Palagi ko kasing nasasapul ang mukha at katawan niya. Kahit malambot ang mga unan ay alam kong masakit pa rin kapag binato ko. Pero nevermind.
Humakbang siya, "Don't come near me, or else,"  pagbabanta ko sa kanya at dinuro ko pa siya sa nanginginig na kamay. Huminto siya sa paglapit niya at umangat ang isa niyang kilay. Sumilay ang ngisi sa mukha nito.
"Or else?" Naging husky ang boses nito na para bang nang aakit. Pero No! Walang maakit!
Tumingin ako sa paligid at nakita ko sa night table ang isang flower vase na nakapatong dito.
Ngumisi ako at kinuha ko ito, pinakita ko ito sa lalaki.
"See this? Babasagin ko ito if you dare to move a single step." Pinagbantaan ko siya na mas ikinalawak ng ngisi sa mapaglaro niyang labi.
Humakbang siya ng isang beses na halatang iniinis lang ako.
"Go ahead, i don't mind. It's not mine after all." Nagkibit siya ng balikat habang nakahakbang na siya ng tatlong beses.
Walang pag aalinlangan na binasag ko ang Vase at kinuha ang bubog na ito. Hindi ko naman gagawin ito, kung hindi dahil sa kanya.
Pinakita ko sa kanya ang bubog at halos malaglag na ang panga niya sa pagkagulat, halos lumuwa na rin ang mata niya sa nakikita niyang hawak ko. Binalot siya ng takot.
Hmm, i don't mind pala 'ha?! Well!
Ipinakot ko sa mga daliri ko ang bubog na para bang naglalaro lang ako ng ballpen sa kamay.
"You don't mean that, 'do you?" Humakbang pa siya ng isang beses at pinagpapawisan na siya ngayon. Ako naman ang napangisi ng lubos.
"Don't you dare move a single step." Tiningnan ko siya ng matalim sa mata.
"Look, akala ko nagbibiro ka lang. I-im sorry, 'okay?" Itinaas niya ang dalawa niyang kamay na parang susuko na sa pulis.
"Mukha ba akong nagbibiro," tinaasan ko siya ng isang kilay at itinaas ko na rin ang kaliwang kamay ko, idinikit ko dito ang bubog ngunit hindi ko diniinan.
"Don't do this, please!"
Nawalan yata ako ng lakas ng marinig ang boses niyang parang ilang segundo na lang ay iiyak na.
"How can i not? All men is a pervert, maniac, and a cheater! Walang lalaking matino sa panahon na ito, so please leave me alone!" Parang mawawalan ako ng boses sa paraan ng pagsigaw ko. Nagsituluan na naman ang luha sa mga mata ko. Sobrang basa na ang suot kong t-shirt dahil sa pag iyak.
Sa nakita ko sa mukha nito ay papaiyak na nga ito, bagay na nakakakonsensya.
"Not all. Okay? Not all. Look miss, hindi ako masamang tao gaya ng iniisip mo. Wala akong gagawin na masama sayo. Hindi lahat ng lalaki ay masama gaya ng inaakala mo. Hindi lahat." Kumalma na nang unti unti ang puso ko na sasabog na sa takot. Kahit papaano ay masasabi kong naging kampante ako dahil sa sinabi niya.
Hindi ko pa rin binibitawan ang bubog ngunit hindi ko rin idinidiin sa pulso ko.
"Miss wag mo itutuloy yan. Kung anuman ang pinagdaanan mo sa buhay mo. Please magtiwala ka man lang kahit saakin. Gusto ko lang makatulong sayo, just this one. Wala akong balak na masama, i just want to help you out." Paliwanag pa nito at dahan dahan nang lumalapit saakin.
"Sh*t!" Inilayo kaagad niya saakin ang bubog na may bahid na nang dugo. Hindi ko namalayan na nadiin ko pala ng kunti ang bubog.
Mabuti na lang at hindi malalim at gasgas lang.
Kinuha niya ang panyo na ibinigay niya saakin kanina sa sahig. Itinali niya ito sa pulso ko ngunit wala pa rin akong imik.
Kaya ko ba siya pagkatiwalaan, gayong hindi ko siya kilala.
...
"Sa-salamat sa ginawa mo. So-sorry sa mga na-nasabi ko sayo. M-mali ako." Nauutal kong sambit habang nakayuko ako sa harap ng lalaki hindi ko kilala.
Nasa labas na kami ng resort room niya at nagpapaalam na lang ako na aalis na.
Nakikipag usap na ako sa kanya ngunit hindi ko hahayaan na hawakan o lumapit siya saakin. Ginamot lang niya ang gasgas aa pulso ko ngunit pagkatapos noon ay lumayo na ako mahigit isang metro. Buti nga naintindihan niya.
"Wala iyon. Ihahatid na kita sa resort niyo."
"Ah hindi na, kaya ko."
"I insist, dadaanan ko rin sa resort niyo ang kaibigan ko." Tumango na lang ako dahil mapilit siya.
Nagsimula na kaming maglakad sa hallway ng isang napakalaki at engrandeng resort. Animo'y five star hotel at nakakita rin ako ng isang artista dito sa loob ng resort. Eleganteng elegante ang resort na ito na halatang mayayaman lang ang makaka afford.
Amour de gracia's isang napakagandang pangalan.
"Ang ganda naman ng resort na ito." Bulong ko sa sarili ko.
"You like it?" Lumingon ako sa lalaking kasabay ko maglakad ngunit isang metro ang layo namin sa isa't isa.
"Ha?"
"Nevermind" umikot ang dalawa niyang mga mata kaya napa tsk na lang ako.
Maattitude!
Naglalakad na kami sa dalampasigan at marami pa ring tao na nagkakasiyahan.
May mga nakaswimsuit pa rin kahit gabi na at sobrang lamig na nang simoy ng hangin.
Tiningnan ko ang suot ko ngayon. T-shirt na kulay black ang suot ko na abot hanggang hita ko sa sobrang laki.
Pinahiram kasi niya ako ng damit ngunit hiniram niya daw ang pantalon na suot ko sa kaibigan niya na babae.
Nang makarating kami sa tapat ng resort kung saan kami nag stay. Tumigil na ako sa paglalakad at hinarap na siya.
"Salamat uli." Sinuklian ko siya ng ngiti na galing sa puso. Iyon lang ang magagawa ko sa mga panahong ito.
"Your welcome." Ngumiti rin siya saakin at sa hindi maipaliwanag na dahilan biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang lalabas ito sa dibdib ko nang anumang oras.
Tumalikod na ako dahil baka marinig niya ang tibok ng puso ko. Huminto ako sa paghakbang sa maliliit na hagdan dito sa labas.
"Bakit?"
"Before i forgot, i just want to know your name." Ngumiti ang perpekto nitong anyo sa harapan ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.
"Shanna." Saad ko at akmang tatalikod na nang magsalita ulit siya, "baka lang gusto mo malaman ang pangalan ko, ehem!" Mahina akong natawa dahil nagparinig pa siya at peke pang napaubo ubo.
Tatanungin ko naman dapat ang pangalan niya ngunit naunahan ako ng kaba ko at baka isipin niya na interesado ako sa kanya. Nah! Never!
"Okay, if you insist. What's your name?" Nangingiti pa rin ako ng bigla na naman umamo ang mukha niya.
"Yown! I am Hanz." Kahit ilang metro na ang layo namin ay nagawa niyang itaas ang palad niya upang makipagshake hands.
Itinaas ko rin ang palad ko para kunwari ay nagshake hands kami.
Long distance shake hands.
"Hanz? Ikaw yung nagdala saakin sa hospital?" Nanlaki ang mata ko nang maalala ang pamilyar niyang pangalan.
"So, naalala mo pa pala. Nice to meet you again, m'lady." Nagbow pa siya saakin at inilagay ang kanang kamay niya sa kaliwang dibdib.
Pakiramdam ko ay nagbu-blush na ako dahil sa kanya. Biglang uminit ang magkabila kong pisngi dahil sa mga kaek- ekan na ginagawa niya ngayon.
"Salamat ulit." Nagmadali na akong tumalikod kahit pa tinatawag niya ako. Ayokong makita niyang namumula ang mukha ko nang dahil sa kanya.
Isa pa gabi na at baka hinahanap na ako nila Mommy.
"Kitakits na lang bukas." Pahabol nito.
Bukas? Makikipagkita siya bukas? Sa akin? Hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil sa huli niyang sinabi.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay kinuha ko na ang swipe card sa ilalim ng paso dito sa gilid ng pinto ko at isinwipe ito sa may gilid ng pader.
Siguro hindi pa lumalabas sila Mommy, sobrang napagod talaga sila sa mga activities na ginawa nila ngayon.
Sumalampak na ako sa kama at doon tumili tili. Paikot ikot ako sa kama ko na parang baliw.
Posible bang crush ko na siya. Takot ako, oo. Hindi ko ipinagkakaila na wala akong tiwala sa mga lalaki. But for Hanz? I think siya yung taong hindi hindi ko kakatakutan dahil nagagawa niya akong pasayahin, kagaya ng kanina.
Kung crush ko talaga si Hanz, hindi ko alam kung matutuwa ako o matatakot. Pero ang alam ko ang swerte niya dahil sa loob ng mahabang panahon, siya ang first crush ko. First crush ko hangga't hindi pa bumabalik ang ala ala ko.
Tiningnan ko ang suot kong t-shirt. Inamoy ko ito at sobrang bango. Ackkk! Hindi ko na siguro ito maibabalik sa kanya.
Umayos na ako sa pagkakahiga at nakangiting ipinikit ang mga mata.
Gusto kong matulog na hindi man lang inaalala ang pangyayari na sigurado akong hindi magpapatulog saakin. Kaya iisipin ko na lang ang masayang nangyari saakin sa araw na ito kagaya nang makilala ko si Hanz sa araw na ito.
This day is the special day na hinding hindi ko makakalimutan. Kahit na mawala pa ang buong ala ala ko.

Komentar Buku (5)

  • avatar
    Cyrus Kim Daliva

    wow

    04/07

      0
  • avatar
    Rexie Benjamin

    Nakakakilabot at kwento at naaawa ako sa babae na gusto pang mabuhay, ang tiyuhin nya ay sobrang sama at nagawa nya iyon sa sarili niyang pamangkin, nakakakilabot ang kwento na parang nangyayari sa totoong buhay

    02/01

      0
  • avatar
    Elijah Monterde

    this is so nice

    07/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru