logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 7: Party

"Gosh! I can't find the perfect dress for the party!" I rolled my eyes as I heard Celyn whined.
Pagkabigay na pagkabigay ko ng invitation sa kanila ay taranta agad sila sa mga dapat ihanda at bilhin. Akala mo naman first time makapunta sa gano'ng party para paghandaan ng bongga, eh.
"Try the blue one, it's elegant," I said as I roamed my eyes inside the store. May hawak siyang limang dress at ang mga sales lady na naka-alalay sa kaniya ay may hawak din na dress, pinapakita sa kaniya.
Bumuntong hininga ako at tamad na naglakad. Sino ba kasing nakaisip na sumama ako rito? Wala nga akong mabili. Wala rin naman akong balak na gamitin 'yong pera ng tatay ko. Kinuha ko ang isang puting dress at nang makita ang presyo nito ay nanlalaking mata ko itong ibinaba.
Jusq, sinong gagastos ng 20k plus para sa isang damit? No thanks. Hindi na lang ako pupunta sa party kung gano'n.
"Argh! I can't choose!"
I rolled my eyes as I gathered my things. "Ang tagal mo naman. Aalis na ako. Hindi mo naman ako binabayaran para maging alalay mo, 'no." Tulala  niya akong pinagmasdan at halos hindi makapaniwala sa sinabi ko dahilan para hindi makasagot agad.
Kung binabayaran ako para samahan siya ay hindi ako magrereklamo, 'no. Pero sino ba kasing matino ang magtatagal sa isang boutique ng halos tatlong oras, pero wala pa ring nabibili? 
Nang marating ko ang department store ay agad akong pumunta sa school supplies. Hindi gano'n karami ang tao, mabuti na lang. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kinuha na agad ang mga kailangan ko. 
"The total is 3,456 po, ma'am." Inabot ko naman agad ang bayad sa kaniya.
I bought paints and canvas. Hindi ko alam kung tama ba 'tong pinanggagawa ko, pero ito na lang ang naiisip kong pwede kong maregalo sa mama ni Phoenix. 
Base sa napapansin ko, ang mga mayayaman na tao ay mahilig magbigay ng bags, wallet, shoes, tapos may iba pa kotse ang binibigay. Hindi naman sa hindi ko afford pero ang common lang kung gano'n din ang iregalo ko!
Hah, Papa won't like this idea. Makita lang na may brush sa aking mga kamay ay halos itakwil niya na ako. 
I texted Dim. I think siya lang ang makakatulong sa akin. I can't bring those to my room! Lalong-lalo na at iniwan ko pa si Celyn. Baka may magwala na naman.
To: Arturo Dimitrio
Punta ako sa condo mo may gagawin lang ako.
Napangiwi naman ako nang makitang mabilis itong mag reply.
From: Arturo Dimitrio
Sige. 'Wag ka lang magkalat. Iba-ban talaga kita.
Tinaasan ko ng kilay ang cellphone ko. Wow naman sa kaniya, huh! Agad kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa condo niya.
Nang marating ko ang unit ni Dimitri ay agad akong nag-umpisa ng aking gagawin. I don't know what I'm thinking. But one thing for sure, I'm just doing what I'm enjoying.
Dapat ay hindi ko 'to ginagawa. Sa oras na mahuli ako ni Papa lagot talaga ako.
As I blend the colors on my palette, nostalgic feeling filled the whole room. The smells of the paint and the new canvas travel through my nose.
"Long time no see," I said smiling.
It was a strange feeling when I finally hold a brush again. A brush that really fits with my hands. A thing that I'm sure it's really for me. Pero nang mag-umpisa ako sa aking pagpipinta ay tuluyan nang manginig ang aking mga kamay.
Harsh memories flashed into my mind.
"You're wasting your money and time here, Alliesha!" Papa pointed out.
Niyuko ko ang ulo ko, pilit na iniiwasan ang mga sinasabi niya. Ang tunog ng pagkasira ng painting ang tanging maririnig sa buong kwarto. Maski ang mga papel kung saan ako nagdodrawing ay pinunit-punit din niya.
"This painting of yours is not for you. Wala kang mararating dito, Alliesha!"
Tulala kong nabitawan ang brush at napa-upo ako sa sahig, nanlalabo ang paningin dahil sa luha. Ang bagay na akala ko para sa akin ay hindi pala para sa akin sa tingin ng iba.
Papa tried everything to stop me from painting, and he succeed. I stopped painting for all over years. Maski ang pagluluto. He's trying to do it again. Ano na lang ang matitira sa akin? 
Malakas akong humugot ng hininga bago ko inayos ang sarili ko. I wiped my tears as I hold the brush.
I can do this. This is nothing. I shouldn't meet anyone expectations with this. This is just a gift. At hindi naman siguro malalaman nila papa na ito ang binigay ko. Isa pa ay hindi ko sigurado kung magugustuhan ito ng mama ni Phoenix, but they can throw it away if they don't want it. Ito lang ang kaya kong ibigay bilang regalo.
Isinantabi ko ang lahat ng nasa isip ko at tuluyan kong tinapos ang ginagawa ko. This is my only choice. I need to finish it. Kung hindi ay gagastos na naman ako sa panibagong regalo.
Wala na akong pera, 'no!
Hindi ako umuwi at kinabukasan ay dumiretso agad ako sa opisina ni Phoenix, ng walang tulog.
"I'm sorry, ma'am. Wala pa po kasi si Sir. Kung gusto niyo po ay maghintay na lang po kayo sa loob," his secretary informed me.
I smiled. "I'll wait him here."
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Phoenix. Sa wakas!
"You're late," salubong ko. Nakita ko ang pagtaas ng kaniyang kilay bago ako lagpasan at dumiretso sa opisina niya.
Sumunod naman ako bitbit ang canvas.
"What's that? Don't tell me you're here to give me that. I don't like paintings." pagsusungit niya. He loosen his necktie as he opened his laptop.
Tss, hindi ba 'to nakainom ng kape niya? At ang sungit-sungit na naman.
I awkwardly smiled. Iniharap ko ang painting sa kaniya at tinanggal ang cover nito.
"As if naman na ipagpapaint kita! Can you give this to your mom? Baka wala ako bukas or baka malate ako bukas," paalam ko.
Tumayo siya sa upuan niya at nilapitan ang painting.
"She will be mad at you for sure. Ayaw niya ng hindi sinisipot ang imbitasyon niya." Naghalukipkip ako sa gilid ng table niya.
"I didn't know you can paint," he changed the topic.
Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang painting. "I'm sorry it's not perfect as it should be."
I painted a bouquet of tulips. It's colorful, yet gloomy. I don't know what happened. Matitingkad na kulay naman ang ginamit ko, pero bakit kapag tinitingnan ko ang painting ay kitang-kita ang kalungkutan dito.
"You shouldn't paint when you're sad. Look at this, your emotions affected the mood of the painting," Phoenix pointed out.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ako at agad akong umuwi sa bahay. May balak naman akong matulog, 'no. 
No one's home. Buti na lang. Ayokong marinig ang mga tanong nilang paulit-ulit. Simula no'ng mag-umpisa ang kontrata namin ni Papa ay parang wala na akong privacy. Lahat ay tinatanong nila sa akin, at kung minsan pa ay may nakasunod sa aking mga guard.
Maghapon kong inubos ang oras kong nakakulong lang sa kwarto. Ni hindi ako lumabas para kumain, wala akong gana. At nang mag gabi na ay tinawagan ko si Dimitri.
"Sino ba kasing nagsabing pumunta ka ro'n?" Dim his eyebrows through the screen.
"Sino pa ba? Edi si Papa, duh!" Pabalang kong sagot at binalot pa ang sarili ko sa kumot. Habang siya naman ay seryosong nakatingin sa selpon niya.
"Ah, basta. Kung kailangan mo ako, tawagan mo lang ako bukas. Wala akong pasok."
I raised my eyebrows.
"First time, ha! Hoy, never ka nawalan ng trabaho kasi gustong-gusto mo magkasahod!" I mocked him.
"Marami na akong pera, 'di ko na kailangan," sagot niya gamit ang seryosong boses. Nakakunot pa rin ang noo niya at seryosong nakatingin sa akin.
I tsked. Natahimik ako habang pinagmamasdan siya na mukhang nag-sscroll sa cellphone niya. "Sayang ka. Sure ka na ba? Ayaw mo ng magjowa?" I asked full of playfulness on my voice.
"Tantanan mo ako. Pasalamat ka kinaibigan pa kita, eh. Tsaka ayoko, 'no. Hindi ko maimagine sarili kong naghahabol sa babae. At isa pa ayokong magkaro'n ng malalim na koneksyon sa ibang babae. "
Tumahimik ako. Kung tutuusin ay ilang beses na akong tinaboy ni Dim, dahil sa pagkamuhi niya sa mga babae. Mabuti na lang at magkaibigan na kami bago mangyari ang insidente na 'yon. Insidente na nagdahilan para isara niya ang kaniyang pintuan sa lahat ng babae sa buhay niya.
Hmm, ano kayang mangyayari kapag kinain niya na mismo ang mga salita niya.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Nag-asikaso na ako sa pagtulog at hindi na nag-abalang bumaba para kumain. Hinayaan ko na lang ang sarili ko na lamunin ng antok hanggang sa tuluyan akong makatulog.
Nagising ako dahil sa malakas na kalabog sa aking pintuan. Hindi agad ako tumayo at tulala lang na nakatingin sa aking pintuan. Binalot ko ang sarili ko sa kumot at nag-cellphone lang. Hindi alintana ang mga katok galing sa aking pintuan. Hanggang sa hindi ko namalayang maghahapon na.
Saan sila kumukuha ng sipag na katukin ako ng katukin?
"Huwag mo akong ginagalit Alliesha Solemn!" Bulyaw ni Papa na nakapagpatayo sa akin.
I pouted. Kanina pa sila nag-aayos, ah? Ang aga-aga pa para sa party. Labag man sa loob ko ay naligo na ako at nag-asikaso.
I wore a champagne long-sleeve dress. It's a v-neck and has a puff sleeve, na ang haba ay hanggang sa tuhod ko.
Hays, ayaw ko sana sumama kasi nando'n 'yong kamag-anak ko sa side ni mama, eh. Ang laki pa naman ng problema sa akin ng mga taong 'yon.
Naglagay ako ng kaunting kolorete sa aking mukha bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ko.
"Sasama naman pala mag-iinarte pa," salubong ni Celyn. 
"Sino ba kasing nag sabing hindi ako sasama?" I shrugged my shoulders to her before I left her and sit comfortably to the sofa.
Wala pa si Papa at silang dalawa pa lang ang handang umalis. Napansin ko rin na pareho sila ng suot ng Mama niya, kumikinang at punong-puno ng glitters ang tela ng damit.
"Where's your gift? Celyn, I thought you two bought gifts yesterday?" Her mom asked.
"She left me alone yesterday, mom!" Laban pa ni Celyn sa ina. Dahil do'n ay sinamaan ako ng tingin ni Tita.
What? Ano naman kung iniwan ko siya? Tsaka may regalo naman ako, 'no. Ang kapal ng mukha kong pumunta ro'n para makikain lang. Hays, sayang bawal magtake out.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Papa na suot ang kaniyang suit. Nakabusangot ito at masasama ang tingin ang binaling sa akin. Agad naman kaming umalis nang dumating na ang sundo naming limousine.
Wow, gumastos talaga sila para sa ganito. Pero sabagay, mayaman naman sila, eh.
Hindi pa man kami tuluyang nakakarating sa venue ay sinalubong na kami ng nakakasilaw na ilaw galing sa camera. May ilan pang reporter ang humahabol sa aming sasakyan. Nagtataasang building ang nadatnan ko nang tumingin ako sa labas. Maski ang building na pagdadausan ng party ay tila nag-aagaw pansin sa kabuuan ng lugar. Ibang iba sa mga building na katabi nito.
"Stay inside the car, Alliesha. Sa back door ka dumaan." Nanliit ang mata ko at napalingon kay Papa. Simula kanina ay hindi na nawala sa aking labi ang mapaglaro kong ngiti.
"Still scared Papa? Takot kang malaman ng iba ang nakaraan ng pamilyang ito?" Full of arrogance in my voice.
Masasamang tingin ang kanilang ginawad sa akin na tatlo. Mas lalo ko silang nginisihan bago sila bumaba. Nang makababa sila ay agad silang dinumog ng media. Kasabay no'n ang pagbago ng kanilang mga emosyon. 
"Miss Saranza can you tell me what you are wearing today?"
"What's the secret Mrs. Saranza and you're still beautiful?"
"Do you have any plans with Guevarra right now Mr. Saranza?"
Hays, buti na lang talaga hindi gan'yan ang buhay ko. Ayoko pa naman ng dinudumog ako. Hindi naman artista o ano ang pamilya ko, sadyang maraming tao lang ang gustong maki-usyo sa matataas na pamilya. The media can do anything to have an article about powerful families.
Sino ba namang hindi? Panigurado, magkaro'n ka lang ng article tungkol sa mga pamilyang nagtataasan ay magiging daan na ito para sa magandang career. 
"Salamat po!" I said to our driver when he dropped me at the back door.
Mahabang hallway ang unang sumalubong sa akin pagpasok ko sa back door. Ang tunog na nagmumula sa aking heels ang tanging maririnig sa kabuuan ng lugar. Tahimik, at masyadong payapa. Ibang iba sa pagdadausan na lugar ng party.
Nang makapasok ako sa pinaka-venue ay agad akong naghanap ng mauupuan. Iyong nasa gilid at hindi gaano kapansin-pansin.
My lips parted as I roamed my eyes inside the venue. This isn't my first time going to a party like this, pero ibang-iba ito. The theme was violet and gold. This party screams the richness of the Guevarra's. Imbis na mga lobo ang makikita ang lugar ay napalibutan ng mga bulaklak na pumasok naman sa tema. There's also a fairy lights everywhere.
Pero sabagay, hotel pa lang na pinagdausan ay alam mong mamahalin na, eh. 
Natanaw ko ring may buffet sa isang gilid. Nagkalat din ang mga naka-suit na waiter. 
Habang naghihintay ay hindi ko mapigilang marinig ang pinag-uusapan sa kabilang table na halos katabi ko lang.
"Nanahimik ang mga Montevarde, ha? Dati pa mang nanahimik ang mga Montevarde pero iba ang ngayon. Maski ang mga Guevarra ay wala gaanong paramdam."
Humalakhak ang isang babae. "Hah! Sa oras na kumilos ang mga Montevarde ay katapusan na ng lahat. Balita ko ay may minamatyagan silang pamilya na balak nilang pabagsakin? Tahimik ang mga Montevarde pero sa isang iglap ay kaya nilang magpabagsak ng ilang kumpanya."
"Ibang-iba sa mga Oranza. Na hindi matatapos ang araw na walang issue ang babae nilang anak," singit ng isa pa.
"Marami ng sumubok na pabagsakin 'yang mga 'yan. Maraming koneksyon, hindi 'yan babagsak. Isa rin 'yang mga 'yan. Halimaw sa pagpapatakbo ng kumpanya."
Nang umalis sila ay hindi ko mapigilang mapa-iling. Nakakatawa lang  na ganito ang ugali ng karamihan dito.
"Hi!" Nang itaas ko ang tingin ko ay sumalubong sa akin ang isang babae na may kasamang lalaki.
"Uhmm, good evening," bati ko pabalik na may pag-aalinlangan. Luh, ayaw ko nga ng kausap, eh! Ang dami-daming upuan ba't dito pa sila umupo?!
Hindi sila nagsalita at umupo lang sila sa tabi ko.
"Are you bored?" The girl asked. Nanliit ang mata ko sa kaniya at hindi siya sinagot.
"Tss, nautusan lang kami na samahan ka para hindi ka raw ma-bored." The guy emphasize the word 'raw'.
Siraulo ba 'tong mga 'to? Trip na trip ako, ah.
Nginitian ko lang sila at patuloy na nilibot ang mga mata sa lugar. They're weird, but somehow familiar.
"Ouch, inisnob tayo, Von."
"Daldal mo kasi," sagot pa ng lalaki ro'n sa babae.
"By the way, I'm Jadaza Mhae Oranza and this guy is Von Israel Montevarde. You're Alliesha, right? Phoenix fiancée ?" Doon na nila tuluyang nakuha ang atensyon ko. Oh, kilala pala nila ako? How?
"Uh, hindi. Hindi niya ako fiancée," pagtanggi ko. Winagayway ko pa ang kamay ko sa harap nila at pilit silang nginingitian.
Nang tingnan ko silang dalawa ay doon ko lang napansin na may piercing pala sa labi si Von.  Ang kaniyang kamay ay may tattoo rin. Sa isang tingin ay matatakot ka at iisipin na delikado siyang tao, pero ibang iba naman ang ugali niya sa kaniyang itsura. 
"'Yan ang tunay na ouch." Von chuckled. 
I awkwardly smiled to them.
"Ilang araw lang ako nawala mukhang ang dami ko ng hindi alam sa nangyayari," biro pa ni Von.
"Ha? Anong ilang araw? You're bobo, isang bwan kang nasa probinsya, 'no! Bobo ka na nga tanga ka pa. Imagine, Alli pumunta 'yang si Von sa probinsya para kalimutan 'yung ex niya!" Jadaza laughed. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil pilit nila akong sinasali sa usapan.
"Shut up! Kaysa naman sa'yo. Feeling broken wala namang boyfriend! You're wasted yesterday, for what Jaz?" Bawi ni Von na siyang patawa-tawa sa tabi ni Jadaza.
"You're two are cute together," I commented. Napatigil sila sa sinabi ko.
"Oh, no. Kung ano man ang iniisip mo ay imposible 'yan, Alli. Eh, hindi pa nga 'to nakakamove-on sa ex niya! At isa pa I don't like men. They're boring!" Sagot ni Jadaza. Ngumiti ako.
"Asa kang magugustuhan kita? Iw!" Dugtong ni Jadaza at pinandirihan pa ng mukha si Von.
Sasagot pa sana si Von pero naputol iyon ng malakas na palakpakan. Nang lingunin ko ang main entrance ay doon ako napaayos sa aking upo. Ang dalawa ay napatahimik din sa kanilang upuan.
The family of Guevarra and Saranza both entered the venue.
Sa bawat hakbang nila ay napapasinghap ang mga tao na kanilang nilalagpasan. They're both the same. Tinitingala at hinahangaan ng tao. May narating na at may mararating pa sa hinaharap. Dalawang makapangyarihang pamilya.
Celyn should be really in my place. Mas bagay sila ni Phoenix Guevarra. Nang tumama ang mata sa akin ni Phoenix ay agad kong iniwas ang aking mga mata sa kanila.
Ano kayang iniisip niya sa akin? Alam kong alam niyang hindi ako kilala ng iba bilang Saranza. Naaawa ba siya? Kung oo ay ewan ko na lang.
Kinuha ko ang wine na nasa harapan ko at marahan na sumimsim dito.
"You should be there. You're a Saranza, right?" Napalingon ako sa katabi ko. Kitang-kita ko sa kaniyang mata ang pagtataka nito.
How did she know?
Tila nabasa niya naman ang aking isipan. "Sorry, I just did a background check on you." Nagkamot batok siya bago muling tiningnan ang direksyon ng Guevarra.
Nang marating nila ang kanilang mga lamesa ay tumigil na ang pagpalakpakan ng mga tao. Kasabay no'n ang pag-akyat ng Guevarra sa harap ng stage. 
Dapat talaga ay hindi na ako pumunta rito. I don't belong here. Kung lilibutin ko ang tingin ko sa lugar ay nakakapanliit. Mayayaman ang taong nandito at ang iba ay kilalang mga tao. May kani-kaniyang narating na sa buhay. Tapos ito ako, walang marating dahil kulong na kulong ako ni Papa.
"This is not the party you mentioned! Where's the fucking hard liquor, Jaz?!"
Napalingon ako nang marinig ko ang inis na bulong ni Von.
"Did you expect that this is a bar party? What are you? A moron? Nakalimutan mong ganito magpaparty ang mga tao rito!" Pabulong na sagot pa ni Jadaza sa kaniya. Nanlilisik ang mga mata nito kay Von.
"Tss, dapat hindi talaga ako pumunta." Same Von. I can see how bored he is, at ang pakikipagsagutan niya kay Jadaza ang ginagawa niyang paraan para hindi mabored.
Mabait naman sila. Pero bakit ibang iba ang sinasabi sa kanila sa kwento ng ibang tao? 
"Then, Tita Phoebe will be mad at you."
Kinuha ko na lang ang baso ko at pinaglaruan ito sa aking mga kamay. Ang dalawa naman ay hindi pa rin tumigil sa pag-aaway. Hindi ko namalayan sa pagkatulala ko ay tapos na pala ang pagsasalita sa harapan at tuluyan nang nag-umpisa ang party.
The sound of the violin filled the whole venue.
"Hindi ba kayo makikisali sa kanila?" I asked to them na agad naman nilang nginiwian.
"Let me tell you a secret, Alli. All of the people here are fake. They are just here for a business," bulong ni Jadaza. Tumango-tango naman si Von habang pinaglalaruan ang piercing niya gamit ang kaniyang dila.
"I'll get us a food," paalam ni Von. Pero kasabay ng kaniyang pagtayo ang pagdaan ng isang babae. Dahilan para magbanggaan silang dalawa.
"Oh, god! I'm sorry!" I saw how the girl panicked. Pilit niya pang pinunasan ang suit ni Von gamit ang kamay niya. Narinig ko ang iilang singhap ng mga malalapit sa amin.
Habang si Von ay nanatili ang dalawang kamay sa ere. Walang ginagawa at pinapanood lang ang ginagawa ng babae.
What the fuck?
"Von! Do something!" I heard Jadaza whispered.
Napaawang ang labi ko nang makitang nanginginig ang kamay ng babae at ang kaniyang mga labi ay nangangatal. Hindi rin nakatakas sa aking mga mata ang paglandas ng luha niya sa kaniyang pisnge.
Napasinghap ang babae nang kuhanin ni Von ang kamay nito at tinanggal sa kaniyang damit. "That's enough. Apology Accepted."
Panay ang yuko pa rin ng babae at hingi ng tawad bago ito umalis sa harapan namin. May ilan na nakatingin sa amin at ang iba ay nagbubulungan. Marami ang dumalo sa kanilang waitress. Von instructed some waiter, at hindi ko na narinig ang sinabi pa.
"Gago ka! Pinahiya mo yung babae!" Jadaza lectured.
Nagkibit balikat si Von habang tulala pa ring nakatingin kung saan dumaan paalis ang babae.
Ilang minuto pa ay dumating na ang aming pagkain, na inutos ata ni Von kanina. Ang dalawa ay hindi pa rin umaalis sa aking tabi. Kanina ko pa rin napapansin na ang iilang bisita ay sinusubukan kausapin sila pero hindi nagtatagumpay.
"Hmm... Ashley Gospel Andalio. The Andalio heiress. I really want to be her friend but I always failed! She's too shy to herself and doesn't have a confidence! Laging nakayuko at iwas na matingnan sa mata ang ibang tao!"
Hindi ko pinansin si Jadaza at nagpatuloy lang sa paglalaro sa pagkaing nasa harapan ko. I don't think I can eat this food.
I might throw up if I ate this. Kanina pa ako kinakabahan at pilit lang na pinapakalma ang sarili ko. 
Napabuntong hininga naman ako nang makita ko si Phoenix na papunta sa direksyon namin, may bitbit na sarili niyang inumin.
"Tagal! Pa-vip pa, oh!" Tudyo ni Jadaza. Umupo naman si Phoenix sa tabi ni Von.
Nang makita ko ang nasa likuran niya ay agad kong kinuha ang mga gamit ko.
I bit my lips as I tried to stay calm. They're here. The Grande are here. At patungo pa sila sa tatlo! Balak ata kausapin ang mga ito!
Ramdam ko rin ang mapanimbang na tingin sa akin ni Phoenix. Tila inaabangan ang mga susunod kong galaw. Mabigat ang kaniyang tingin at tila nakakasakal. Ngunit wala ako sa sarili para pagtuonan pa ito ng pansin. Sa oras na ito ay hindi siya ang dapat na inaalala ko.
"Good evening, everyone."
Nanayo ang balahibo ko nang marinig ang boses niya. Angelo, my cousin.
"Oh, Grande. It's been a while," bati ni Phoenix.
"This party is wonderful," puri ni Angelo. I clenched my fist. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa clutch bag ko.
"But I think someone doesn't deserve to be here." Walang nakarinig ng huli niyang bulong at tili hindi nga napansin ng tatlo.
They hate me. The Grande's hate me and my mom.
Hays, kung pwede lang tumawa ay kanina ko pa ginawa, eh. Lahat na lang galit na galit sa amin, ah?
Hinawi ko ang buhok ko bago tumayo. "Excuse me, rest room lang ako."
Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng tatlo, at tumayo na agad ako. Pero hindi pa man ako nakakalayo sa lamesa namin ay may humawak na agad sa kamay ko, na ikinahinto ko.
"Leave, Saranza. You don't belong here. Where do you got your audacity to show to us?" Mariin na bulong ng isang babae.
Nang labanan ko ang tingin niya ay doon ko lang siya nakilala. She's my cousin Lovely.
I smiled. "Why? Do you own the party? Do the Grande own this party? Well, I'm sorry, the person who own this party invited me." Kumawala ako sa hawak niya at nagpatuloy papuntang restroom.
Mabilis akong pumasok sa isang cubicle at tulalang napaupo ron. I can't breathe! Naninikip ang dibdib ko at ang buong katawan ko ay nanlalamig. Maski ang palapulsuhan ko ay namamanhid dahil sa pagkakahawak ng pinsan ko kanina.
Mas lalo ko pang pinilit na manahimik nang marinig kong may papasok.
"Sino ba 'yung babae? Sayang naman si Phoenix Guevarra. Mas bagay sana siya sa ilang kilala ang pamilya sa industryang ito."
"Nakapagtapos ba ng pag-aaral?"
"Ewan, hindi ko nga alam kung saang pamilya galing, eh. Grabe pa dumikit sa mga Montevarde at Oranza. Tingnan mo yung Andalio kanina, nagpapapansin din!"
Naninikip ang dibdib ko dahilan para manlabo ang paningin ko.
Nang narinig kong bumukas ang pintuan ay tumahimik sila. Narinig ko ang panibagong tunog ng takong, paniguradong may bagong pumasok sa loob ng restroom.
"Omg, pwedeng papicture?"
"I can't believe the Jadaza Mhae is Infront of me!" Tili pa ng isa. Oh, she's here?
"Sorry, my picture cost a lot. This face of mine are just for magazine, articles, and tabloids. Not everyone deserve my picture." Ilang sandali pa ay lumabas din agad si Jadaza, base sa tunog ng kaniyang sapatos papalabas.
I pouted. Ibang iba ang trato sa kaniya ng mga taong nandirito. Bakit ko ba pilit na dinidikitan yung tatlo? Eh, kung tutuusin ang layo layo ng agwat ko sa kanila. 
"Tss, akala mo kung sinong maganda. Tingnan mo, hanggang ngayon walang boyfriend! Mapili masyado!"
"True, balita ko may bagong issue raw 'yan, ah?" Nang unti-unti ng humina ang boses nila ay doon na ako lumabas.
Binuksan ko ang gripo at marahang inayos ang sarili ko. 
"They... Are... Disgusting..." Napalingon ako sa babaeng kalalabas lang din sa isang cubicle.
Siya 'yong babaeng nakabangga ni Von kanina!
"Everyone's fake. Nakakasakal na."
Umawang ang labi ko at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha niya.
Kagaya ko ay inaayos niya rin ang sarili niya, pero siya ay tulala. Ni hindi nga lang niya ako nilingon. Mugto rin ang mga mata niya. Doon ko lang napansin na may pasa siya sa kaniyang braso.
Where did it came from?
Hanggang sa paglabas niya ay pinagmamasdan ko siya. Pinong-pino ang galaw niya, 'yon nga lang ay wala siyang tiwala sa sarili niya. Tila takot na takot siyang magkamali at hiyang-hiya sa sarili niya.
Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Dim.
"Can you pick me up? I think, I don't belong here," pabulong kong salubong kay Dim.
Hindi siya sumagot, at mabilis ko namang pinatay ang tawag. Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas sa cr ay may humagit na agad sa kamay ko.
"What did you say to Lovely? Hah, nagmamayabang ka na ngayon Saranza?!" Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko dahilan para mapa-ungol ako sa sakit.
Walang emosyon kong binalingan sila ng aking tingin. Angelo, and my other cousins.
Luh, wala naman akong balak makipag-away sa kanila ba't nagtawag agad ng back-up?!
"Dumidikit ka pa talaga ro'n sa tatlo, ha? Ano, hindi pa ba sapat 'yang pera ng mga Saranza para sa'yo? At umaasa kang makakabingwit ka pa sa tatlong 'yon? Wala ka ring pinagkaiba sa nanay mo. Malandi at manggagamit."
Hindi ako nagsalita, imbis ay nginitian ko sila.
"What? Akala ko ay matagal na akong natakwil sa Grande? Bakit kayo pa 'tong lapit nang lapit sa akin?" Pilit kong pinagmumukha na naglalaro lang ako. They shouldn't see me weak and affected by their words, they can use it againts me.
"Oo, pero hindi namin hahayaan na pati ang mga Guevarra ay mapunta sa inyo. Pati ba naman 'yan Alliesha? Dapat 'yang taong 'yan ay para lang sa mga taong karapat-dapat," sagot pa ng isang lalaki kong pinsan.
"Yung may mararating. Hindi yung gaya mo. Ni hindi ka nga makapag-umpisa ng sarili mong kumpanya. Lovely should be the fiancée of Phoenix Guevarra. May narating at may mararating pa."
Tulala ako sa kanilang lahat at hindi makasagot sa mga ibinubuntong nila sa akin. Mas naninikip ang aking dibdib, maski ang aking mga kamay ay nanginginig na.
"Can you leave her alone? Sa sinasabi niyong ay mas mukhang wala kayong narating kaysa sa kaniya. Nakakadiri. Nakapagtapos sa mataas na unibersidad pero gan'yan ang mga ugali." 
Nang lingunin ko ang nagsalita ay naabutan ko si Jadaza. Malayo pa man siya sa amin ay rinig na rinig na ang kaniyang boses. Mas lalo pang nakadagdag sa kaguluhan ang matinis na tunog ng kaniyang sapatos.
"Jadaza! It's not what you're thinking!" Sigaw ng iilan kong pinsan.
"Makakarating 'to lahat kay Dad. And take note, stop the project we're doing. I'm taking out all of our shares in your company."
"You can't do that!"
"Well, I can. I can decide to our company. I hold a big role in our company!" Jadaza smirked.
Hinawakan ni Jadaza ang kamay ko ay mabilis akong hinila paalis do'n. Umangal pa ang iilan kong pinsan pero hindi iyon pinansin ni Jadaza.
"Can you please not tell this to anyone?" Tanong ko gamit ang maliit kong boses.
Napahinto naman siya sa paglalakad.
She gave me her smile. "Magagalit nito si Phoenix sa akin, eh. Pero makaka-asa ka. Do you want to go home? I can drive you home—"
"Uh, no. I'll just go to the parking lot. My friend is there. Thanks for everything," putol ko sa kaniya.
"Let's go. Ihahatid kita."
Nagpatinaod lang ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang parking lot. May iilan kaming nakakasalubong, mabuti na lang at hindi kami pinapansin. Pagkalabas na pagkalabas pa lang namin ng backdoor ay agad kong nakita ang sasakyan ni Dim.
"Thanks for everything, Jadaza!" I said as I opened the door of Dimitri's car. Bumaba naman si Dim sa sasakyan at inalalayan ako papasok sa kotse niya. Habang si Jadaza ay nakamasid lang sa aming dalawa.
"It's nothing. Ako ng bahala gumawa ng paraan para pagtakpan ka!" Paalam niya pa. Napansin ko ang titig niya kay Dim bago tumalikod sa amin.
Nang makasakay kami sa kotse ay agad na itong pinaharurot ni Dim paalis sa lugar na 'yon. Paalis sa lugar na hindi nababagay sa akin, at sa mga taong hindi ko dapat nilalapitan.

Komentar Buku (34)

  • avatar
    GozonLiezel

    i love the story❤💚

    05/05/2022

      0
  • avatar
    Adrian Dalit Gajutan

    it's a great story

    12/07/2024

      0
  • avatar
    Arnold Galendez

    The best

    16/05/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru