logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 4

BEGINNING
Pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay agad kaming dumeretso ni Luna sa dormitoryo. Tapos na ang paglilibot niya sa akin dito sa Academy kaya naman inaya ako nitong manatili sa dormitoryo upang doon sabihin sa akin ang iba’t ibang uri ng kapangyarihang taglay nila.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Pakiramdam ko nasa magical world ako gaya ng mga napapanood ko sa telebisyon noon.
“Mayroong anim na kapangyarihan na taglay ng bawat isa dito sa Academy,” panguna niya.
Umupo kami sa aking kama at agad ko itong hinarap dahil sa sabik na marinig ang kanyang susunod na sasabihin.
“First the Elemental control, ang elemental control ay ang kilos ng pagkontrol at pagmamanipula ng mga elemento ng lupa, hangin, apoy, at tubig. Gaya nga ng sinabi ko kanina ay mga piling tao lamang ang may kapangyarihang ganito.”
“P-Pero bakit mga piling tao lang ang mga may ganitong kapangyarihan? Hindi ba kagaya ng kapangyarihang ito ang kapangyarihan mo?” kunot noo kong tanong.
Ngumiti ito sa akin at umiling.
“Only a few have this power because it is the most powerful of all,” sagot niya at napatango-tango naman ako roon.
“Second is the invulnerability, ang sumusunod sa elemental control. The invulnerability is the most dangerous power dahil posibleng makapinsala ang taong may kapangyarihang ganito,” paliwanag niya.
“Is there a student with such a power like invulnerability?” kuryos kong tanong.
“Uhm... Yes, siya ang nag-iisang invulnerability dito sa Academy, and clue about him. Nakasalamuha mo na siya kanina,” sagot niya kaya mas lalo akong linamon ng kuryosidad.
“Him? Sino?” wala pa ring ideya kong tanong.
Sumagi sa isipan ko ang lalaking sinuntok ko kanina. Siya ba? Siya ba ang tinutukoy niya?
Tinitigan ko ng ilang segundo si Luna noong hindi ako nito sagutin. May halong pag-aalala ang kanyang mga mata noong dapuan ko ito ng tingin. Tila may sinasabi ito, hindi ko lang alam kung ano.
“Ikaw na mismo ang ang nakasagot sa tanong mo, Brielle,” wika niya.
Saglit akong natigilan bago unti-unting nanlaki ang aking mga mata.
“Iyong lalaking ‘yon?!” gulat kong tanong habang nakaturo sa pinto.
Dahan-dahan itong tumango at hindi manlang nagulat sa naging reaksyon ko, tila inaasahan niya na ang magiging reaksyon ko sa lalaking iyon.
“Sabi nga nila, stay away from him if you don't want to be ashes,” she said and I just rolled my eyes.
“Are you afraid of him?” mausisa kong tanong sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga mata.
Mabilis itong umiwas ng tingin. What the hell, Luna?! You’re afraid of that jerk?! Seriously?!
“His family is rich, even richer than you think. He is also the heir of their clan. Everything he can do effortlessly,” she said in a serious tone.
Pagkatapos sabihin ni Luna ang iba’t ibang uri ng kapangyarihan ay umalis na ito upang magpahinga na rin sa kanyang kuwarto. Bukas na ako mag-uumpisang mag-aral dito sa Despoina Academy at mag-iisang araw na ako dito bukas. I’m still adjusting. Mahirap pa lang mawalay sa mga taong nakasanayan mo nang makasama.
Dahil hindi pa ako naaantok ay nagtungo muna ako sa bintana ng kuwarto ko at binuksan iyon. Mabilis na humampas sa akin ang malamig na hangin kaya agad kong ipinikit ang aking mga mata upang madama ito.
“I missed my best friend,” I whispered.
Mula bata hanggang sa kasalukuyan kami ang magkasama. Walang araw na hindi kami magkadikit sa isa’t isa. Kung na saan siya, naroon rin ako. Kahit kailan hindi kami nagkalayo, maliban lamang ngayon.
Dahan-dahan kong kinuha ang kuwintas na nakasuot sa aking leeg at tinignan iyon. Noah gave me this necklace when we we’re a kid, noong araw na nagkakilala kami. Unti-unting gumuhit sa aking labi ang isang ngiti noong pasadahan ng aking kamay ang nakaukit dito.
Mi amor.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng salitang iyon. When I asked him once sinabi niyang ibang lenggwahe iyon at hindi idinerekta ang mismong ibig sabihin nito.
“Should I trust Luna, Noah? May kapangyarihan rin ba ako gaya nila?” wala sa sarili kong tanong habang nilalaro ang kuwintas sa daliri ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang makapaghanda sa klase. I’m excited and little bit nervous dahil wala pa akong masyadong kakilala dito sa Academy maliban kay Luna, and speaking of her kanina pa ito nasa harap ng pinto at hinihintay ako.
“Why naman your so tagal, Brielle!” maktol nito habang naglalakad kami patungo sa building namin.
“Matagal na ‘yon? Luna, six-thirty pa lang ng umaga,” saad ko.
“Hindi mo ba binasa ang schedule na ibinigay ko sayo kagabi? Six thirty-five ang umpisa ng class natin!” paalala niya at mas binilisan pa ang paglalakad kaya napahabol ako dito.
“Bakit ang aga?” taka kong tanong.
“Ewan ko rin,” kibit balikat niyang sabi.
Noong nakarating na ito sa classroom niya ay nagdalawang isip pa itong pumasok. Maging ako rin ay nagtaka dahil sa inasta niya kaya naman hindi na ako nakapagpigil na tanungin siya.
“Bakit?” mahina kong tanong.
Nakapikit itong humarap sa akin at iminulat lamang niya ang kanyang mga mata noong nakahugot na ito ng hininga.
“You don't know your power yet, how can you get into that?” problemado niyang tanong.
Mabilis akong ngumiti sa kanya bago kunin ang dalawa niyang kamay.
“Ako nang bahala roon,” abot tainga kong ngiti ngunit maging ang sarili ko ay hindi kumbinsido sa gagawin kong ito.
“Sure ka? Pwede ko namang sabihin kay headmis—”
“Hindi na,” mabilis kong putol sa kanya.
Mabilis itong ngumiti sa akin bago mahigpit akong yinakap. Naglakad na ito patungo sa classroom nila at bawat paghakbang niya papalayo sa akin ay gusto ko itong pigilan ngunit pinigilan ko lamang ang aking sariling gawin ang binabalak kong iyon.
Noong tuluyan na itong nakapasok ay tumalikod na ako. Tinignan ko ang schedule ko at binasa ito habang bumababa sa hagdan. Anim na classroom ang pagpipilian kong pasukan, ngunit iisa lamang ang gusto kong pasukan sa anim. Super speed. Base sa sinabi ni Luna kagabi, ang mga estudyanteng may ganitong kapangyarihan ay mababait at madaling pakisamahan. Can I just go there? but I don’t know my power.
Natigil lamang ako sa pagbabasa noong may bumangga sa akin kaya ko nabitawan ang hawak kong papel.
“Look where you’re going!” sigaw ko dito at padabog na kinuha ang papel na nabitawan ko.
Hindi ko na sana papansinin ang taong nakabunggo ko noong makitang nakatingin ito sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay at halos mawalan ako ng balanse sa pagkakatayo noong makita kung sino ito. Naka-uniporme rin ito gaya ko, at ang itim niyang buhok ay maayos na maayos. He’s so fresh and it looks like he’s modeling while looking at me, it looks like I’m his photographer! Walangya!
Unti-unting sumilay sa kanyang labi ang isang ngiti bago dahan-dahang humakbang patungo sa akin. Mabilis akong umatras at buong akala ko ay titigilan niya na ako ngunit nagkakamali ako, naramdaman ko na ang sementong nasa likuran ko at ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay patuloy pa rin sa paglapit sa akin! Anong ginagawa niya?! At bakit ako nanginginig?! Hindi! Hindi dapat ako matatakot sa kanya! Tama hindi! Hinding-hindi.
“Newbie,” baritono niyang sabi sa akin noong makulong niya ako sa kanyang mga bisig.
“M-May pangalan ako,” masungit kong sabi sa kanya, iniiwasang mapatingin sa kanyang mga mata dahil alam kong nakatitig ito sa akin ngayon.
Bakit ako nauutal!
“And so?” hindi niya nakuha ang pinupunto ko.
“Hindi newbie ang pangalan ko,” ulit ko.
Amoy na amoy ko ang pabango niya maging ang hininga niya at masasabi kong napakasarap nito sa ilong.
“So anong pangalan mo?” tanong niya muli.
“At bakit ko naman sasabihin sayo?” nakataas ang kilay kong tanong.
Hindi pa rin nito tinatanggal ang dalawa niyang kamay na nakaharang sa dalawa kong gilid kaya naman nakakulong pa rin ako sa kanya.
“Dahil magiging abo ka kung hindi mo sasabihin sa akin,” nakangisi niyang sabi.
“Akala mo ba tatalab ‘yang mga banta mo sa ‘kin?” nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.
Magsasalita pa sana ito noong may magsalita sa likuran niya kaya naman humarap ito dito habang ako naman ay mabilis na lumayo sa kanya.
“What are you doing to Miss Ramirez Mr. Dela Ves?” tanong ni headmistress Dahlia bago dumapo ang tingin niya sa akin.
Mabilis akong ngumiti sa kanya.
“Nothing, ma’am. Pinag-uusapan lang namin kung saan ko siya tuturuan,” sagot ng katabi ko kaya kunot noo akong tumingin rito.
Napakasinungaling.
“Tuturuan? saan?” takang tanong ni headmistress Dahlia at tumingin pa sa akin kaya mabilis akong napalunok.
“She’s invulnerability too ma’am, that's why I volunteered to teach her so she can use her power correctly,” malawak ang ngiting sagot niya kaya mabilis akong nagprotesta.
“What are you saying?!” may bahid na galit sa tono kong tanong ngunit hindi niya ako pinansin.
“This is your first time to teach a student, Mr. Dela Ves,” may halong mangha sa tonong sabi ni headmistress Dahlia.
Does she believe in this man? Seriously?!
“We’re leaving ma'am, bye!” masiglang sabi niya at biglaan na lamang akong hinila habang hindi pinapansin ang huling sinabi ni headmistress Dahlia.
“Anong teach-teach, volunteer-volunteer ka diyan?! Liar! Never akong magpapaturo sayo!” sigaw ko sa kanyang mukha noong nakalayo na kami.
Pwersahan kong hinila ang kamay kong hawak niya at noong tatalikuran ko na sana ito ay bigla nitong hinablot muli ang braso ko at sobrang higpit ng pagkakahawak niya roon!
“This is just the beginning, Miss Ramirez.”
The tone of his voice turned into a lion that wanted to hunt an animal.
And for a second, I felt afraid of him.

Komentar Buku (67)

  • avatar
    DeguzmanAdrian

    thank you so much

    03/08

      0
  • avatar
    Aljun Estelloro

    THISIS GOOD

    28/07

      0
  • avatar
    Marc Adrienne D Galvan

    Ang Ganda nang story na ginawa nila dahil dito my natutunan ako sa bohay ko

    11/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru