logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Despoina Academy: The Girl of Hope

Despoina Academy: The Girl of Hope

cahsteria


PROLOGUE

HOPE
“Brielle!”
Mabilis akong napalingon kay Noah noong tawagin ako nito. Tinignan ko ito ng matagal bago kumagat sa hawak kong tinapay.
“Bakit?” ngumunguya kong tanong.
“May raket ako mamaya, sama ka?” nakangiti niyang tanong.
Mabilis na nagningning ang aking mga mata bago sunod-sunod na tumango.
“Saan ba ‘yan?” tanong ko at nag-umpisa nang maglakad.
“Sa Donila village,” sagot niya.
Agad na kumunot ang aking noo dahil sa kanyang sagot. Donila village? Seriously?!
“Hindi ba delikado roon?” may halong pangamba kong tanong.
Natatawa ako nitong tinignan bago umakbay sa akin at sumabay sa paglalakad ko.
“Exciting nga ‘yun ‘e,” bulong niya sa ‘kin.
Napaisip ako ng ilang minuto sa kanyang sinabi, I have no choice, I haven't saved enough money for another week. Tinitigan ko si Noah na naghihintay lang ng sagot ko kaya dahan-dahan akong tumango.
“Sige sasama ako,” buo ang desisyon kong bigkas.
Mabilis na lumawak ang ngiti ni Noah sa akin. He grabbed my head and immediately messed up my hair so I quickly frowned and tried to reach his hand but he was taller than me.
“Noah, stopped!” inis kong sabi na tinawanan niya lamang.
“Huwag kang matakot, kasama mo naman ako,” natatawa niya pa ring sabi na agad na nagpatigil sa akin.
He was right, he always besides me, no matter what happen.
“Baka kasi mahuli tayo,” mahina kong sabi ngunit sapat upang marinig niya.
Agad na sumeryoso ang kanyang mukha matapos marinig ang aking sinabi. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ito sa maliit na bahay na nasa aming harapan. Hindi namin namalayang nakarating na pala kami sa kanya-kanya naming tirahan.
“Hindi tayo mahuhuli, Brielle. Expert ata itong kasama mo,” narinig kong sabi ni Noah sa aking tabi.
Huminga ako ng malalim bago salubungin ang kanyang mga tingin. Tinitigan ko ang itim niyang mga mata bago mahinang tumango. Sa tagal naming magkakilala at sa tagal namin itong ginagawang magkasama kahit kailan hindi niya ako inilagay sa kapahamakan. Kahit papaano ay nabawasan ang kabang nararamdaman ko dahil sa kanya.
“Kita na lang tayo bukas?” tanong niya.
Tumango ako at nagpaalam na sa kanyang papasok na sa loob ng bahay.
“Dahan-dahan sa pag-akyat mahal na Prinsesa,” pahabol niyang sabi.
Nilingon ko ito at agad na binigyan ng masasamang tingin dahil sa sinabi niya. Tumawa ito ng malakas kaya napairap na lamang ako sa kawalan. Pumunta ito sa katapat ng aming bahay at noong papasok na sana ito ay bigla itong lumingon sa direksyon ko. Agad na nagtama ang mga mata namin at noong iiwas na sana ako rito ay bigla itong kumindat sa akin. Mabilis na nagsalubong ang aking mga kilay at pinipigilan ang sariling mapangiti. Tumawa ito dahil sa reaksyon ko bago tuluyang pumasok sa kanilang bahay.
Nanatili ako roon ng ilang minuto habang pinoproseso ang nangyari sa isipan ko. Tumingin muli ako sa bahay na pinasukan ni Noah habang tulala pa rin, pakiramdam ko pulang-pula na ang pisnge ko ngayon dahil sa ginawa niya! Did he see that? Argh! Damn you Noah Villanueva!!!
Noong matauhan ay pumasok na ako sa loob at agad na bumungad sa akin ang mga bote ng mga alak na nagkalat sa sahig. Agad akong sinakalay ng kaba at mabilis na hinanap si mama.
“Ma?! Na saan ka?!” sigaw ko sa tahimik na bahay habang palinga-linga sa paligid.
“Ano ba ang ingay mong bata ka!”
Mabilis akong lumingon sa sala at agad na tumakbo papunta roon noong makitang nakaupo roon si mama. Dahan-dahan akong umupo sa tabi niya habang malikot ang mga mata, tinitignan ang bawat parte ng kanyang katawan kung may nangyari bang masama sa kanya.
“Bakit mo ba ako hinahanap?” naaantok niyang tanong.
“Uminom ka na naman?” mahina kong tanong, hindi sinagot ang kanyang tanong.
Iminulat niya ang kanyang mga mata at salubong ang kilay na tinignan ako.
“Ano bang pake mong bata ka?” sagot niya sa akin kaya mabilis akong natahimik.
Tahimik kong kinuha ang mga boteng nasa tabi niya at isa-isa iyon inayos. Lumingon muli ako kay mama na nakatulog na dahil sa kalasingan. Bumuntong-hininga na lamang ako at pumunta sa kuwarto niya upang kumuha ng kumot. Bumalik muli ako sa sala at agad na kinumutan ang nanay kong mahimbing nang natutulog. Umupo ako sa kanyang harapan at tinitigan ito. Tinanggal ko ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumatakip sa kanyang mukha bago nakangiting tinitigan ito.
“Goodnight, ma,” mahina kong sabi.
Tumayo na ako at nagtungo sa pinto upang i-lock iyon. Sumulyap muli ako kay mama bago pumunta sa kuwarto ko upang magpahinga. Isang buntong-hininga muli ang aking pinakawalan noong nakapasok ako. Iginala ko ang aking tingin sa maliit kong kuwarto maging sa mga kagamitan nito, lumang kama, sira-sirang aparador, at kawayan na lamesa. Tahimik kong tinungo ang bintana at tinanaw ang paaralang gusto kong pasukan noon pa man.
“Hindi ka ba nagsasawa kakatingin diyan sa paaralan na ‘yan?!” narinig kong boses ni Noah sa kung saan.
Mabilis itong hinanap ng mga mata ko at nakita ko itong nakadungaw rin sa kanyang bintana habang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin dito at itinuon sa paaralan.
“Ano kaya ang buhay ng mga mayayaman, ano?!” pasigaw niyang tanong upang magkaintindihan kami.
“Ewan ko!” sigaw ko pabalik.
“Kung mayaman ka lahat ng gusto mo makukuha mo ng walang kahirap-hirap!” sigaw niya na nagpatigil sa akin.
Tama siya. If you are rich everything you want you can get effortlessly. If you are poor you have to work hard to get it.
“Hoy, Brielle! Buhay ka pa ba diyan?!” tanong ni Noah na nagpabalik sa akin sa wisyo.
Tinignan ko ito at tumango.
“Nga pala, ‘yang bra mo bumabakat. Magpalit ka na ng damit,” saad niya kaya mabilis na nanlaki ang aking mga mata.
Natataranta kong tinignan ang suot kong damit and he was right! Sa sobrang taranta ko hindi ko na naisip na nakatingin pa rin pala sa akin si Noah habang pinagtatawanan ako!
“Yari ka sa akin bukas, Noah!!!” sigaw ko sa kanya bago pabagsak na isinara ang bintana na nagpadagdag sa sira nito.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa gagawin namin ni Noah. I'm a little bit nervous, it's our first time stealing in a village and if we miss we have nothing to lose to the guards on duty.
“Saan ka pupunta?” bungad agad ni mama noong nakababa ako.
“D-Diyaan lang, ma,” sagot ko.
Uminom ito ng kape nang madatnan ko. Lumapit ito sa akin at marahan akong hinila patungo sa harap ng salamin na ipinagtaka ko.
“Gusto mo bang ireto kita kay Mr. Roosvelt? Mayaman iyon anak,” nakangiti niyang sabi kaya agad na dinaga ng kaba ang dibdib ko.
“A-Ayoko, ma,” sagot ko at bahagyang lumayo sa kanya.
Mabilis na nagsalubong ang kilay nito bago ako nito pilit na hilain pabalik sa harap ng salamin.
“Gaganda ang buhay natin kung papayag ka, Brielle!” may halong awtoridad niyang sabi.
“Ma, ayoko po,” saad ko kasabay ng paglandas ng luha ko.
Naramdaman ko ang pinto sa aking likuran kaya mabilis kong kinapa ang doorknob upang makalabas. Narinig kong tinawag pa ako ni mama ngunit patuloy pa rin ako sa pagtakbo palayo sa bahay.
“Hoy, Brielle! Nang-iiwan ka!” narinig kong sigaw ni Noah kaya mabilis kong pinunasan ang aking pisnge.
“Teka, umiiyak ka ba?” nag-aalala niyang tanong noong silipin nito ang mukha ko.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin noong tinangka niyang iharap ako sa kanya.
“H-Hindi ah! Na-Napuwing lang,” pagdadahilan ko.
Hinarap ko ito at mas lalo itong nag-alala noong makita ang itsura ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at mabilis na yumakap dito, muling dumaosdos ang luhang kanina ko pa pinipigilan noong maramdaman ang mga kamay nito sa aking likuran. Hindi ito nagtanong ng dahilan, ngunit patuloy lamang ako nitong pinapatahan. That’s Noah, my best friend.
“You are lying,” basag niya sa katahimikan.
“Okay lang ako, Noah,” natatawa kong sabi at bahagyang lumayo sa kanya noong makaramdam ng hiya.
“Anong plano natin?” nakangiti kong tanong, inilalayo ang usapin.
“Okay ka lang talaga?” hindi kumbinsido niyang tanong sa sagot ko.
“Okay nga lang ako. Gusto ko lang mag-emote, sabihin mo na ang plano,” saad ko.
Tinitigan pa ako nito ng ilang minuto bago tumango. Sinabi nito ang magiging plano namin maging ang paglusot namin sa mga gwardya upang makapasok kami sa loob ng nayon.
“Nervous?” tanong niya habang tinatahak namin ang daan patungo sa pakay naming lugar.
I bit my lower lip before nodding.
“Sino ang nanakawan natin?” I asked and stopped in front of the village.
“Dahlia Roseta at Sonya Sison, parehong mga mayayaman,” sagot niya.
Napatango-tango ako bago muling tignan ang kabuoan ng village. Ano kaya ang pakiramdam na tumira rito?
“Tara na?” yaya niya.
Hindi ako sumagot at pinakiramdaman ang bilis ng tibok ng aking puso.
“Baka mahimatay ako sa loob, Noah,” pag-amin ko kaya mabilis itong tumawa.
Kinuha ko ang bag na hawak niya at isinabit ko sa aking balikat. Inilagay ko na rin ang mask na hawak ko sa mukha ko upang hindi kami makilala. Gano’n rin ang ginawa ni Noah. Noong masigurong handa na kami ay nagtungo na kami sa mga gwardyang nagbabantay. Agad nila kaming nakita at mabilis kaming inusisa. Sobrang lakas ng tibok ng aking puso at kahit na mainit ang temperatura ngayon ay nanlalamig ang mga kamay ko.
“Just quite, ako na ang bahalang makipag-usap sa kanila,” bulong ni Noah sa akin habang palapit kami nang palapit sa mga gwardya.
“Sino kayo?” bungad agad ng isa.
“Delivery po para kay Miss Dahlia Roseta,” si Noah ang sumagot.
Ibinigay ni Noah ang pekeng papel sa isa pang gwardya at binasa niya ito ng ilang minuto. Noong natapos nitong basahin ay mabilis kaming pinapasok. Mabagal akong naglakad sa loob ng village habang isa-isang tinitignan ang mga naglalakihang bahay sa aking harapan. Kailan ko kaya mararanasang tumira sa mga ganitong bahay?
“Ang sarap namang tumira dito!” komento ni Noah sa aking gilid at gaya ko, nakatingin rin siya sa mga bahay.
“Ang sarap nga,” pagsang-ayon ko.
Noong nakarating kami sa bahay ni Dahlia Roseta at Sonya Sison ay tahimik lamang ang bahay na ipinagtaka ko.
“Wala sila,” saad ni Noah noong makita ang nagtatanong kong mukha.
Agad na sinira ni Noah ang lock ng bahay habang ako naman ay lumilinga-linga, nagbabantay kung may makakakita man sa amin.
“Matagal pa ba ‘yan?” mahina kong tanong.
“Ito na!” masaya niyang sabi habang nakahawak sa lock na sinira niya.
Mabilis kaming pumasok at agad na tinahak ang daan patungo sa loob. Iginala ko ang aking tingin noong nakapasok na kami at agad akong napanganga sa ganda ng loob ng bahay. Agad na naghanap si Noah ng pwede naming kunin habang ako naman ay naglibot sa bahay.
“Dalawa lang ba silang nakatira dito?” tanong ko habang nakatingin sa mga kuwarto.
“Oo, ang yaman ‘no?” natatawang saad ni Noah.
Sasagot pa sana ako noong makarinig kami ng mga kaluskos at mga yapak. Agad akong dinaga ng kaba at hindi agad nakagalaw sa aking pwesto habang pinapakinggan ang yapak ng mga taong ‘yun patungo sa direksyon namin!
“What are we going to do now?” natataranta kong tanong kay Noah.
Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ako sa kamay. Ramdam ko ang kaba rin nito dahil sa panginginig ng kanyang kamay. Ginulo nito ang buhok at natatarantang lumingon sa kusina.
“D-Doon tayo,” mahina niyang sabi.
Mabilis kaming tumakbo papunta roon at agad na nagtago dala-dala ang mga gamit na nakuha namin kanina. Binasag ni Noah ang bintana at agad na inihulog doon ang taling dala namin.
“Nandyan na sila, Noah,” kinakabahan kong sabi habang nakatingin sa mga paang papalapit nang papalapit sa direksyon namin.
“Mauna ka na,” saad ni Noah sa akin sa gitna ng paghahabol ng hininga.
Noong pupunta na sana ako roon ay biglang may humawak sa aking braso kaya mabilis akong napatili at tinangkang alisin ang kamay na iyon na nakahawak sa aking braso ngunit mas lalo lamang hinigpitan ng taong ‘yun ang pagkakahawak sa akin!
“Sino kayo?” kalmadong tanong ng isang babae na siyang nakahawak sa akin.
“Noah, alis!” sigaw ko sa kanya.
Mabilis na nagsalubong ang kanyang mga kilay at noong magsasalita pa sana ito ngunit inunahan ko na ito.
“Save yourself, Noah!” sigaw ko kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin.
Sasagot na sana ito noong buong pwersa ko itong tinulak. Mabilis itong napamura ngunit nagtuloy-tuloy na ito sa pagbaba. Ngayon mag-isa na lang ako rito, mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa laylayan ng aking damit bago unti-unting hinarap ang babaeng may hawak sa akin. My body is shaking because of nervous and fear.
“H-Hindi po namin intensyon na pagnakawan kayo, huwag niyo po kaming ipakulong, ibabalik po namin ang mga kinuha namin sa inyo,” nagmamakaawa kong sabi at kulang na lamang ay lumuhod ako sa harapan niya.
“Remove your mask,” saad niya at binaliwala ang mga sinabi ko.
Dahil sa takot dahan-dahan kong tinanggal ang mask na nagtatakip sa kalahati ng mukha ko. Mabilis na nanlaki ang kanyang mga mata na ipinagtaka ko.
“The prophecy,” may tila ibinulong ito ngunit hindi ko naintindihan kung ano.
“Natawagan ko na ang mga—”
Hindi na naituloy ng bagong dating na babae ang kanyang sasabihin noong makita ako. Taka ko silang tinignan ngunit nakatitig lamang sila sa akin habang may mangha sa mga mata.
“You found her,” mahinang sabi ng bagong dating na babae habang nakatitig pa rin sa akin.
Mabilis na kumunot ang aking noo, naguguluhan dahil sa kanilang mga inaakto.
“The Academy’s hope... is here,” saad pa ng isang babae na mas lalong nagpataka sa akin.

Komentar Buku (67)

  • avatar
    DeguzmanAdrian

    thank you so much

    03/08

      0
  • avatar
    Aljun Estelloro

    THISIS GOOD

    28/07

      0
  • avatar
    Marc Adrienne D Galvan

    Ang Ganda nang story na ginawa nila dahil dito my natutunan ako sa bohay ko

    11/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru