logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER THREE

Chapter Three: Where It All Started
Fifteen years ago
Katulad ng mga nagdaang araw ay pahayapa akong lumalangoy sa kalmadong dagat sa katirikan ng araw. Naglagay naman ako ng sunblock bago lumusong sa dagat kaya di ako nababahalang magka-sunburn. I was busy floating nang mapansin kong medyo lumayo na ako sa dati kong pwesto. Wala na akong natanaw na mga kabahayan...nasa pinakadulong bahagi na ata ako ng Beachwood. Pero nang lalangoy muli ako para bumalik, naagaw ng isang gubat ang pansin ko. Yes, it's a forest since malaki at madaming sakop na puno at halaman ang lugar.
I never knew a forest near the sea existed here in our town.
Kuryoso ko itong tinitigan at nadismaya nang mapansin ang nakapalibot na barbed wire. May nagmamay-ari pala. Sayang naman. Sa kaalamang hindi basta-basta ako makakapasok sa gubat na iyon, inignora ko na ito at lumangoy pabalik para makauwi.
Pero halos araw-araw pagkagaling ko sa paaralan ay kusa akong dumadako sa malayong parte na ito ng Beachwood na hindi gaanong pinupuntahan ng mga tao, para lamang masilayang muli ang gubat na 'yon. Ngunit simula rin non, mas umusbong pa ang kuryusidad ko sa lugar. Napapansin ko rin na pag ganitong tanghaling tapat akong naliligo, walang tao. Mag-isa lang ako. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil sino ba naman ang gustong maligo kung tirik na tirik ang araw? Syempre ako lang.
Ayaw ko nga kasing may kasama. Kaya as possible, gusto ko ako lang mag-isa sa tuwing 'me' time ko. Hindi nga ako nagkakaroon ng kapayapaan sa school dahil sa daming mga estudyante ang panay aya saking gumala o makipagdal-dalan. Nakakapagod kayang tumanggi at panatilihing kalmado kahit nakakainis na sa kulit ang mga kaklase ko. Kaya kahit pagod at stressed sa pakikipagsalamuha sa mga tao sa school, at imbes na magpahinga—mas gugustuhin ko pang magbabad sa dagat. Kahit mainit, okay lang! May sunblock naman saka wala akong pakialam kung mangingitim man ako, pero ewan ko ba at namumula lang ang balat ko. Kaya okay na rin. Walang problema.
Humangos ako sa tubig at dahan-dahang lumapit sa gubat. Lumingon-lingon pa ako sa magkabilang gilid ko kahit imposible na may tao. Sa mailang ulit ko ba namang pabalik-balik rito ay ni minsan walang ibang tao maliban sa'kin.
Napakagat labi ako nang mga isang dipa na lang ang distansiya ko sa barbed wire. Gagawin ko ba talaga 'to? Trespassing ang gagawin ko, pero...wala namang makakakita. Saka saglit lang naman ako, titingnan ko lang ang loob ng gubat.
I'm so excited to the point na nanginginig ang mga kamay ko habang papalapit sa pointed part ng barbed wire. I-te-test ko lang kung gaano ito katalas.
"Oh..." Medyo gulat kong sambit nang makitang dumugo ang hintuturo ko dahil sa panginginig ay marahas ang pagpatong ko ng daliri ko sa barbed wire. Pinagkibit balikat ko lang iyon.
"Here I go..." Mahina kong cheer sa sarili at unti-unting inangat ang isang paa papasok sa espasyo sa gitna ng barbed wire. Kakasya naman ako basta pipilitin kong maging kalmado at di na masiyadong masabik.
Namumuo ang pawis ko sa noo habang dahan-dahan na ipinapasok ang sarili. Namamasa na rin ang mga kamay ko dahil sa kaba at pagkasabik. I felt stings in certain part of my arm and legs pero dahil determinado ako ay pinagpatuloy ko hanggang sa makapasok ng tuluyan.
I yelped in happiness pero yong mahina lang at baka may makarinig pa sa'kin. I pat my own shoulder of a job well done. Ni wala akong pakialam sa mga natamo kong mga gasgas sa braso at binti, may iba pa na medyo dumudugo. Madali lang naman silang maghilom. It's alright.
Now, that the vast greenery is in front of me. I can't help but smile widely. Ang saya! Tuwang-tuwa akong huminga ng malalim. I'm surrounded with the oxygen source! Gosh, breathing never been this easy!
I surveyed the area, parang namamasyal lang ako sa isang eco park at dahan-dahan akong naglalakad. I could be in jail pag nahuli ako ng may-ari. But who wouldn't be tempted with these wonders?! Gosh! Ang gaganda pa ng mga ligaw na bulaklak, there are even butterflies. Seriously, this place is marvelous!
I walked and walked until I reached the limits. Isang matayog na pamilyar na pader. Tiningala ko ito at nag-isip kung bakit pamilyar. And it hit me! This is ours! I mean, the wall! The wall is ours! Ibig sabihin, bahay na namin ang nasa likod ng pader na ito! Ang swerte ko naman!
If only there's a passage or even a hole in our backyard's wall, mas madali sanang bumalik-balik rito. Should I asked Dad about it? Pero malaking tsansa na di ako payagan lalo na't pinagbabawalan niya akong maligo ng tanghaling tapat.
Yes. No one knows I sneaked out everytime Nanay Carol checked me in my room kung nagsi-siesta na ako. But after she checked me, dali-daling akong pumapanaog paalis. Since nagpapahinga rin si Nay Carol sa mga oras na iyon. Sina Mommy at Daddy naman ay nasa kani-kanilang trabaho. Then, babalik ako makalipas ang isang oras.
Simula nang araw na iyon, ay wala ng palya kong binibisita ang gubat pagkatapos magtampisaw sa dagat. Gumagaling na rin ako sa paglagpas sa barbed wire at mga dalawa o tatlong mabababaw na gasgas lang ang natatamo ko. Trespassing is really exciting, huh?
But after a year or two, something new happened. Nagulantang ako sa nakitang malaking daan sa gubat. Mga dalawang dipa ata ang laki nito, ang pagputol rin sa barbed wire ay pinaikot paloob kaya hindi nakausli ang wire na pinutulan. Sinong nagputol?
Napaatras ako at umusbong ang kaba sa dibdib. Nandito ba ang may-ari?!
Patakbo akong lumisan sa lugar at nalulungkot na pinagmasdan ang lugar sa isa pang pagkakataon bago tuluyang umalis.
That night, I cried until I fell asleep. Sobrang lungkot ko na di na ako makakapalibot sa gubat. It became part of my daily routine! Tapos, wala na! Hanggang dagat na lang ako! Nakakainis!
But a month after that heartbreaking moment. Wala namang nangyari. Wala pa ring pagbabago sa gubat. Walang senyales na binisita ng may-ari o anuman. Ang dalawang dipang daanan lang talaga ang siyang bago, wala ng iba. And so...I got tempted again. Ngayon ay di na ako nagkakaroon ng gasgas sa kahit saang parte ng katawan ko dahil sa malaking daanan na ginawa ng di ko kilalang nilalang. Kung sino man iyon, malaki ang pasasalamat ko. Ang dali na lang na maglabas-pasok sa gubat, di na rin ako nagkakaroon ng sugat. Flawless na ulit ang balat ko, di na ako magi-imbento ng palusot sa tuwing mapapansin nina Nay Carol ang gasgas sa mga braso ko.
Ah...ang sarap mabuhay na di na nagsisinungaling. Nakakakunsensiya rin kaya.
My trespassing skills even improved! Di na ako napapadaan sa maraming tao para lang makapunta sa baybayin. Aakyat lang ako sa steel ladder na nasa bakuran namin at diretso na ako sa gubat. Galing sa gubat ay mabilis na rin akong makakalabas papunta naman sa dagat. Grabe...my life is amazing!
Just I thought...hindi pala. Dahil makalipas ang isang taong kapayapaan, may dilubyong dumating. That made my everyday life full of ugly events!
James happened.
~✧~
Twelve years ago
It was a usual fine and peaceful afternoon. Nakalutang ako sa malamig na tubig habang ramdam ang init ng araw sa naka-exposed kong balat. I don't really care, nakasunblock naman ako. And I love the feeling, it's so euphoric.
I feel so grateful to the loving God, ang swerte naman ng mga tao para ipatira sa napakagandang mundo na ito. When in fact, human are undeserving of this treasure. They only existed to ruin everything, yes, I'm not an exception that's why it's a shame to be human. Mas gugustuhin ko pa sigurong maging hayop at tahimik na kumain ng damo at least wala akong kakayahang pagputol-putulin ang mga puno para pagtayuan ng mga infrastructure. But my thoughts got cut when suddenly a foreign hard thing slipped on my popliteals and back. Napasinghap at napadilat ako sa sobrang pagkagulantang, at sumigaw at pilit na kumakawala sa nakapalibot sa'kin.
What's this?!
"Hey, calm down!"
Nanlaki pa ng husto ang mga mata ko at mas lalo pang kumawag para makawala. I'll be rape! No! Bakit may lalaki rito?!
Sumigaw pa ako ng sumigaw hanggang sa biglaan akong hinulog ng lalaki sa tubig. Napalunok ako ng maraming tubig alat dahil di ko iyon inaasahan! Umuubo akong tumayo at pinanlisikan ng mga mata ang malaking disturbo sa kapayapaan ko.
"You pervert brute! Wag mo nang itutuloy ang kung ano mang nakakadiring bagay na pinaplano mo sa nakakadiri mong utak or else my Dad will put you behind bars!" I screamed while pointing my index finger on him.
He only chuckled, brushed his hair and smirked sarcastically. Humagod pa ang mga mata nito sa katawan ko kaya agad na niyakap ko ang sarili ko.
He's a rapist! A pervert, dirty and handso—ugly—very very ugly rapist!
He clicked his tongue and cocked his head.
"Oh? I have a dirty plans on you? Ano kaya ang mga maduduming bagay na 'yon? Care to enlighten me, kid?" Patuyang saad nito at hinimas ang baba saka pinagkrus ang dalawang braso sa dibdib.
Gosh, I hate the guts of this creature!
"And why would I waste my saliva on you?" Nandidiri kong sambit saka lalagpasan na sana ito but he held my arm.
Oh my gosh! Pervert!
"B-Bitaw!" I tried to pull my arm pero nginisihan niya lang ako.
"I'm surprised you know what awaits you if some stranger will find you here...alone." His right brow raised in mocking manner. Hinagod niya muli ang katawan ko ng isa pang beses saka umiling-iling. "What could a little girl with the body of yours do if someone will try to harm you, hm?"
Nakakainis siya! Little girl? Ano ako? Paslit?!
I tried to pull my arm again but his arm suddenly snaked around my waist and pulled me close! I don't know if my eyeballs are about to pop out of their sockets! How dare this pervert to hold me more?!
"Let me go, you jerk!" I waggled and pushing his chest pero pinaglihi ata sa bato ito at di natitinag.
May ideyang pumasok sa isip ko. I was about to kick his precious jewel pero agad na kinulong nito ang mga binti ko sa mga binti niya.
I grunted in annoyance.
"Subukan mo at makikita mo, nasa ilalim na kita." He tauntingly smirked when my jaw dropped.
"You will really go to jail after this! I assure you!"
"Kung pakakawalan kita."
What?!
Lumingon-lingon ako at baka'y magkahimala't may mapapadaang tao pero sino bang niloloko ko? Dati pa man ay walang nangangahas na pumunta sa dakong ito ng Beachwood. I feel so helpless! Kung kailan kailangan ko ng tulong ay wala akong mahingan! Parusa na ba ito sa pagtre-trespassing ko?!
I swallowed the lump in my throat. Natatakot ako. Hinarap ko ang lalaki. Kailangang makipag-areglo ako, kailangang makatakas ako.
"W-What do you want?" Nanginginig kong tanong.
If he wants money, he could get it! My parents will surely give him tons of it!
"What do you think?" He chuckled again and shook his head. Nawala bigla ang ngisi nito't sumeryoso.
Napalunok ako. Dios ko, please I don't want to die being molested!
"Whatever you're thinking, stop assuming because it'll never happen..." Bumuntong hininga ito at lumuwang ang pagkakahawak niya sa mga braso ko.
Dahan-dahan akong umatras palayo sa kaniya. Hindi binibitawan ang tingin ko sa kaniya para di niya mapagtanto na tatakas na ako. Pero kumiling ang ulo nito pakanan. Natigilan ako sa pag-galaw.
"I thought you are drowned and floating dead. But since you're crazy and judgmental...napalayo tayo sa plano kong pagsagip sa'yo."
What...? Wait, why would I even believed him? Tumayo ako ng tuwid at tinaasan siya ng kilay.
"Well, obviously I'm alive. But thank you, because you ruined my peace." I glared at him.
"Don't come on this part again. Walang dumadaan rito. Walang tutulong sa'yo kung may mangyari mang masama sa'yo."
I was about to speak but he continued with his word of wisdom na di ko kailangan.
"Kung maliligo ka, magdala ka ng kasama. Your nanny or babysitter."
Aba't!
"I'm not a kid! Why would I need a babysitter?!"
He made a 'tsked' and nodded in confirmation of whatever he is thinking. "Whatever...kiddo."
Napaawang ang bibig ko sa tinawag nito sa'kin. How rude and arrogant!
Tumalikod ito at aalis na. Pinipigilan ko lang ang sarili kong batuhin siya ng buhangin habang nakatalikod. But in my head, I'm already drowning him to death, or burying him with the sands.
Pero tumigil ito bigla at nilingon ako. I rolled my eyes.
"Don't come here again if you're alone."
Who gave him the permission to order me? Ang kapal! Sino ba siya sa akala niya?
"You're no boss of me." Ani ko.
Akala ko hindi niya narinig, pero mabilisan itong humakbang palapit muli sa'kin. Naalarma akong umatras.
Dang it! Dapat tumahimik na lang ako! "D-Don't come near—"
Agad na kinulong ng kamay nito ang braso ko. Napaigtad ako sa takot.
"Do you want to be rape? Sure! Where do you want to do it? Underwater? On the sand? The fore—"
With my other free hand I slapped his face with all my might. Bumakat ang kamay ko sa pisngi nito.
That's the first time I met him, and the hatred is already established and intensified everytime we coincidentally bumped to each other's path.
Dapat pala noong una pa lang ay ipinakulong ko na siya. Kung hindi sa ginawa niya sampung taon na ang nakakalipas, hindi sana kami mapupunta sa siyudad—di ko sana narasanan ang pagguho ng mundo, pagkawasak at pagkadurog ng dangal ko bilang tao! Hindi ko sana siya nakilala!

Komentar Buku (3)

  • avatar
    Karl TZ Echo

    kapayapaan

    18/02

      0
  • avatar
    Francis Baria

    nice

    21/08/2023

      0
  • avatar

    🥰🥰

    11/09/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru