logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER TWO

Chapter Two: The Secret Passage
Mga hugis bituin ang sumalubong nang magmulat ako ng mga mata. My glow in the dark stickers are still firmly placed on my ceiling. Though, hindi na sila nag-glo-glow. Matagal na rin nang binili nila Daddy ang mga 'to.
I yawned and stretched my arms while staring at the stickers, a rush of nostalgia flowed in my veins. Kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko nang maalala ang dahilan kung bakit binilhan ako ng mga magulang ko ng mga glow in the dark stickers. From the start, I'm already in love with nature, during my teenage years, madalas akong tumambay sa dalampasigan galing sa paaralan. It became my stress reliever... especially pag wala akong ibang ingay na maririnig pwera sa tunog ng kalikasan, peace will always be at my side. I don't know if I could address myself as an introvert person since I prefer doing things alone. I easily found peace whenever I'm alone with the nature.
One time, I was on the beach...laying on the sand. I was too preoccupied with the peace and forgot about the time, until I fell asleep. Ang nagpagising sa'kin ay ang sigaw ni Nanay Carol, di kalayuan sa pwesto ko. I even felt the water that already reached my feet. At dahil ang pwesto ko'y walang poste ng ilaw at tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing guide ko para maaninag ang flashlight na hawak-hawak ni Nay Carol na panay tawag sa'kin.
I hurriedly stood and wave my hand while approaching her. "Nay!" I called her attention.
Habang pauwi kami noon ay mahaba-mahabang sermon ang natanggap ko rito. Pagkauwi ko pa ay sermon muli ang bumungad galing kina Mommy at Daddy na may mga kausap na mga kapitbahay namin. They were so worried, mag a-alas nueve na pala ng gabi. Di ko namalayan. I was not even shocked nong sinabi nila Mommy na wala ni isa ang nakakita sa'kin na papuntang baybayin. Of course, they won't dahil di ako dumaan sa common na daanan para makarating sa baybayin. I have my own passage, that I always use secretly to go straight to the beach.
I don't want to attract a companion. I only want my solitude, kaya as possible ayaw kong magpakita sa mga kapitbahay namin o yong mga kaedaran ko dahil malaki ang tsansang sasamahan nila ako. I'm aware that a lot wanted me to be their friend. Kaso ayoko. A companion will be a threat to my peace.
Simula non, they insisted to stick these stickers on my whole ceiling. Even though I prefer real stars, but I appreciated their effort. So, di ko na inulit ang magpagabi kung pupunta man sa dalampasigan.
I wonder if my secret passage is still a secret? Nalaman na kaya nila Nanay Carol? O ng ibang kapitbahay or worse, pinasarado na ng may-ari?
"Oh no..." I unconsciously uttered in dismay.
Umupo na ako sa kama at nakita ang isang mabalahibong itim na tsinelas na nasa may paanan ng kama. I bet Nay Carol placed them here. Sinuot ko na ang tsinelas at pinalibot ang mga mata sa dati kong kwarto. Wala gaanong pinagbago...this feels so good.
I saw my suitcase already atop my cabinet. Nang buksan ang cabinet ay nakitang naka-arranged na ang mga damit ko galing sa maleta. Napagdesisyunan kong maligo muna bago pakainin ang mga bulate ko sa tiyan, kanina pa kumukulo ito.
After taking a bath and changing to a comfortable get up: a shirt and a pants. Pinagtuonan ko ng pansin ang kung anu-anong abubot sa may lamesa kaharap ng vanity mirror. Mom bought all these hair accessories na dinala niya pala dito, akala ko pa naman na iiwan niya ito sa siyudad. I'm not really fond of accessories, ini-imagine ko pa lang na magsusuot o magpapatong sa ulo ko ay nabibigatan na ako. Jeez.
Kumunot ang noo ko nang pumapanog ako ay tahimik ang buong kabahayan. Well... it's been three or four hours that I was asleep. So, basically nagsiuwian na ang mga bisita.
"Nay?"
Napanguso ako nang walang marinig na sagot. Baka lumabas. Mom and Dad are probably still with their friends somewhere.
I went past the dining dahil walang kung ano ron. I assumed Nay Carol still remember my preference. Mas gusto kong kumain sa may kusina instead of that very long dining table. I smiled instantly seeing a food cover on the table here in the kitchen. Naglalaway na ako sa amoy pa lang ng pagkain.
Tumunog bigla ang tiyan ko nang matanggal ang food cover at makita ang mga masasarap na pagkain na pawang mga paborito ko. Nay Carol surely wants me to eat a lot.
I chuckled in delight, "Be calm, babies. Pakakainin ko na kayo..." Kausap ko sa tiyan kong tumunog na naman. I'm really so famished.
I ate with gusto, and even hummed every time I chew. Gosh, ang sarap kumain pag gutom na gutom. I ate comfortably when suddenly I became conscious, my chewing slowed down too. Parang may nakatingin sa'kin. Haunted na ba ang bahay namin?
Nahanap ko agad ang sagot nang mag-angat ako ng tingin. An intense pair of grey orbs found my light brown ones. In his left hand is a glass of water, while his right lateral is leaning on the kitchen and dining's divider.
Who is he?
Nagbawi ako nang tingin at napalunok sa kaba at ilang na naramdaman. I gasped when I remember I just directly swallowed the food in my mouth. Hindi nga ito nagdiretso sa esophagus ko at parang nastuck...tanga.
Agad kong hinagilap ang baso ko ng tubig at napapikit na lang sa iritasyon nang makitang wala na pala itong laman. I gasped for air and was about to stand when a glass of water is in front of my sight.
"Drink." He commanded in a very authoritative tone.
Umiling ako dahil di ko siya kilala. Malay ko ba kung ano ang nasa tubig ng baso niya? But I couldn't breathe anymore. Bahala na.
Kinuha ko ang baso niya at diretsong nilagok ang tubig. Tinapik rin ng estranghero ang likod ko.
Bumuntong hininga ako nang mailapag ang wala ng laman na baso sa mesa. Gosh, that was pathetic of me to just swallow without chewing it enough!
"T-Thanks..." Mahina kong sambit at medyo nakaramdam ng hiya rin. Ano kayang naging itsura ko habang nabibilaukan? At nakita pa ng lalaking ito? Nakakahiya!
Umatras ang lalaki ng isang hakbang pero nanatili sa bandang gilid ko. My eyes found his dark-blue jeans, and a brown leather shoes. Hindi pa nakuntento ang mga mata ko at kusang umakyat, mabalahibong mga braso, maugat...lalaking-lalaki. Napalunok ako at nagpatuloy pa sa hayagang pagpapasada ng tingin sa kabuuan ng lalaking tahimik lang sa gilid ko.
He's wearing black long-sleeves na nakatupi sa may bandang siko. He's hot. But I haven't seen his face, I mean di pa nakarehistro ang kabuuan ng mukha niya sa utak ko. But it's a wrong move...after all.
When my eyes laid on his clean-shaven square jaw, thin red lips, aristocrat nose, grey eyes that are staring at me, intensely. I gasped in realization when it hit me.
A familiar young looking monster flashed in my head. My hands both balled to fist. I gritted my teeth in anger.
His jaw clenched.
"James." I spat the monster's name. Na akala ko ay tuluyan ng nabura sa utak ko.
How dare he stepped a foot in our house?! Ang kapal! The nerve of this monster to stood beside me like nothing happened at all!
He swallowed hard. Some emotion even flicked in his eyes, "Angelie..." He said gently.
Susugurin ko na sana siya ng sampal pero mga tunog ng takong ng sapatos ang nagpatigil sa'kin. Sabay kaming napalingon sa babaeng papalapit sa kinaroroonan namin.
She's wearing a body-hugging dress, nakalugay ang kahel na buhok nito at malagkit ang tingin sa lalaking nasa tabi ko. Ginger in a sinful picture. Nagpalit ito ng damit dahil hindi ito ang suot niya kanina na medyo konserbatibo.
"Architect..." Malambing na ani Ginger na ang mata'y kay James lang nakatuon.
Oh my gosh, don't tell me she and this monster have something? That's the foolish idea a woman could think. Well, unless if Ginger is suicidal.
Kumunot ang noo ko nang makitang umiigting ang panga ni James na pinasadahan ng tingin ang kabuuan ni Ginger. He looks mad.
"What are you wearing?" Madiin na pagtatanong ni James na tunog nang a-akusa.
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa na nagtititigan na ngayon. James is glaring while Ginger is mocking James.
I shook my head. Parang dito pa sila maglalandian sa pamamahay namin. But of course, should I expect good things from the monster? Ni wala atang delikadesa.
I looked at Ginger once more, na kahit pa nanunuya ang ngiti nito kay James ay di maitatago ang emosyong nasa mga mata nito. She's in love with the jerk! What a shame! Kawawang Ginger.
"Obviously, a dress Architect. Don't you like it?"
Tumaas ng kusa ang kilay ko nang marinig ang lambing at akit sa tono ng boses ni Ginger.
Nawalan na ako ng gana. Makita pa lang si James ay nakakawalang gana na, dagdagan pa sa katotohanang naging tanga ang kababata ko sa isang halimaw. Although she is not that close with Ginger but she still consider her as a friend. But I guess it'll be too late to warn Ginger about the monster hiding in that face of James.
I stood and ready to leave kaso ang ingay na dulot ng upuang napaatras ay kumuha sa atensiyon ng dalawa. I scoffed, parang ngayon lang nila napagtanto na may tao pa pala maliban sa kanilang dalawa.
"Angelie! Andito ka pala!" Ginger exclaimed.
Andito ako? Malamang bahay namin 'to. Like seriously...
I faked a smile, it really disappoints me that Ginger has feelings for the son of Satan. I expected more from her.
Sa gilid ng mata ko'y napansin ko ang paghakbang paatras ni James kay Ginger.
"Sorry nadisturbo ko kayo. But don't worry, I'm done eating. Maiwan ko na kayo. Ipagpatuloy niyo lang, feel at home." Halos mapangiwi ako sa kalumanay ng boses ko.
I hope they wouldn't sense the sarcasm. It'll be a shame kung mapuputol ang paglalandian nila sa bahay namin.
"Ange—"
Naputol ang pagtawag ni James dapat sa'kin nang yakapin ako bigla ni Ginger. "Masaya ako't nandito ka na ulit, Angelie!" Masayang saad nito.
I hate to doubt her statement kasi kahit dati pa man, mabait talaga sa'kin si Ginger. We're civil, actually pero since I treasure my time with myself, only with myself. Nilalayo ko ang sarili ko sa mga taong gustong makipaglapit sa'kin—isa na diyan si Ginger.
"Uh...thank you." Naiilang na sagot ko.
Nang pakawalan na ako ni Ginger, ay agad naman akong humakbang paalis na sa kusina pagkatapos siyang ngitian ulit. It'll be rude to just leave immediately, yong atat na maka-alis. A smile wouldn't hurt.
I heaved a heavy sighed when I finally out of the kitchen. Malaking ginhawa ang makalayo kay James.
"Angelie!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang pagtawag ni James. What does he need from me?! Di pa ba obvious na ayaw ko siyang makita man lang?! Gaano ba kakapal ang mukha niya?!
"We're just going to talk about the project your father entrusted to us..."
Napataas ang kilay ko. Why would my father entrust a project to—oh, right. Naalala ko ang tinawag ni Ginger kanina. He's an architect, huh?
Walang lingon-lingon akong nagpatuloy sa paglakad. Ano kayang naisipan ng halimaw na iyon at nag-explain pa siya sakin? Akala niya ba may pakialam ako sa kung ano man ang sadya nila rito? Ang kapal. Ang feeling.
Kahit ano pang gawin nilang dalawa ni Ginger ay labas na ako ron. Pero sana man lang magkaroon ng konting hiya at umupa na lang sila ng hotel room. A jerk like James wouldn't waste time to taste a beauty like Ginger. Baka nga nagpipigil lang 'yon kanina dahil andun ako, because I know, susunggaban agad non si Ginger.
Guys like him are slaves of their libido. Just like that damn twig. Dapat sa mga katulad nilang halimaw ay tumira na lang sa ibang planeta kasama ng mga babae nila.
This world doesn't need trash like them.
Dumiretso ako palabas ng bahay namin nang makasalubong ko ang papasok na si Nanay Carol.
"Oh, hija gising ka na pala. Kinain mo na ba ang hinanda ko sa mesa?" Lumapit ang matanda sa'kin at hinagod ang buhok ko.
Tila mahika na nawala ang inis ko. Ngumiti ako kay Nay Carol. "Opo, Nay. Ang saya nga ng mga alaga ko sa tiyan." I chuckled.
Lumiwanag ang mukha nito sa galak. Pagkatapos ay kumunot ang noo. "May pupuntahan ka ba?"
Now, that she asked her that...oo nga, san ba ako pupunta?
"Sa baybayin, Nay..." Instinctively I answered. "Pakisabi na lang po kina Mom and Dad...di naman po ako magpapagabi."
Kumusta na kaya ang lihim kong lagusan?
Tumango-tango si Nay Carol. "Sige, sasabihin ko sa kanila hija. Gusto mo bang ihatid kita? Baka nakalimutan mo na ang da—"
Winasiwas ko ang dalawang kamay ko sabay iling. "Naku, Nay! Kabisado ko pa po!" Natatawa kong sagot. When in fact, I want to go there alone. Saka gusto kong panatilihing lihim ang lagusan. Kung lihim pa nga ba ito ngayon.
"Okay, sige...basta'y mag-iingat ka."
Nagpaalam na ako rito. Hinintay ko pa muna na tuluyan itong makapasok sa bahay bago ako tuluyang lumiko lang sa gilid ng bahay padiretso sa likod. Lumingon-lingon ako at baka may nakatanaw pala sa'kin. But since that's impossible dahil matayog na semento ang nakapalibot sa bahay namin. Hinanap ko sa mga nakasandal sa likod ng bahay ang steel ladder na siyang ginagamit ko para makapunta sa likod nitong matayog na pader namin.
Siguro'y kuminang ang mga mata ko nang mamataan ang hagdan. Matibay pa naman siguro 'to?
Hinawakan ko ito sa magkabilang gilid at sinubukang itaas. Mas nakakaya ko na ang bigay nito kumpara noon na bigat na bigat ako. Kinarga ko ito't dahan-dahan na isinandal sa pader na nagsisilbing harang. I tried the first step of the ladder, okay naman. Then, umakyat muli ako sa sunod na baitang hanggang sa iniihip na ang buhok ko nang nasa may tuktok na ako.
Rumagasa ang kasabikan sa'kin nang maramdaman ang hanging galing sa baybayin. Kaso dahil sa naglalakihang puno ay di ko pa matanaw ang dagat. Tumungtong ako sa flat na ibabaw ng pader at umupo. Tanaw ko na ngayon ang kagubatan. Kung dati'y may mga naglalakihang espasyo pang natitira sa lupa na walang tanim, iba na ngayon. Puno na ng halaman ang lugar, ang mga puno'y mas lumaki at mas yumabong pa ang mga dahon. Madaming mga ligaw na mga damo't bulaklak ang nagsitubo.
Sa malapit na sanga ng puno ay kumapit ako at umakyat para makababa ng dahan-dahan sa lupa. Mukhang sa loob ng sampung taon ay di ito pinakialam ng may-ari. Ibig sabihin, nanatili pa rin itong lihim sa ibang hindi dumadako sa parteng ito? Eh, di mas maigi.
My secret passage is safe.
Habang naglalakad ay binabantayan ko kung may maapakan ako na halaman. At syempre, baka may ahas. Pero sana wala. Pinalibot ko ang mga mata sa paligid, para akong diwata na pinalilibutan ng mga ibang-ibang kulay ng bulaklak.
Kapayapaan...
Namissed ko ito.

Komentar Buku (3)

  • avatar
    Karl TZ Echo

    kapayapaan

    18/02

      0
  • avatar
    Francis Baria

    nice

    21/08/2023

      0
  • avatar

    🥰🥰

    11/09/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru