logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER ONE

Chapter One: Back in Beachwood
Ten years later
I opened the window at my side and automatically greeted by the wind's caress. Naamoy ko ang pamilyar na amoy ng bayang kinalakihan ko. Presko at dalisay hindi gaya ng hangin sa siyudad. Dinama ko ang kaginhawaan ng pagbabalik. Ni hindi ako makapaniwala na babalik ako rito, pero heto...ilang milya na lang at nasa Beachwood na muli ako.
"Angelie! Ipasok mo nga 'yang ulo mo sa loob! Baka makarating tayo na pugot ka na."
Natatawa kong nilingon si Mommy na nasa front seat at nginitian ng matamis. Umiling lang ito at nagpatuloy sa pagkausap kay Daddy.
I'm sure Mom missed the town so much. She loves Beachwood pero walang pagdadalawang isip na pumayag silang dalawa ni Daddy sa hiniling ko dati, sampung taon na'ng nakalilipas.
I sighed and leaned on the head rest after closing the window. Pero ang mga mata ko'y nanatili sa bintana. Tinatanaw ang bayang nilisan ko...at binalikan.
Napapikit ako sa inis nang biglang pumasok sa isipan ko ang nakangising mukha ng siit na 'yon. I grunted in irritation. Mabilisan kong kinuha ang earphones ko at agad na ipinasok sa magkabilang tenga at nagpatugtog.
Happy thoughts, happy thoughts Angelie. Don't think of some worthless twigs. Remind yourself kung bakit umuwi ka ng Beachwood!
Mahina kong sinasabayan ang tugtog ng paborito kong banda at matagumpay namang naiwala ang walang kwentang bagay. I heaved a sigh and let myself relax until I fell asleep.
~✧~
Iritado akong napamulat at mas nairita pa sa lakas ng tugtog sa magkabilang tenga ko. Agad kong tinanggal ang earphones at napa-angat ang ulo nang may marinig na katok sa bintanang nasa gilid ko. Napatuwid ako ng upo nang makita si Mommy na sinesenyasan akong lumabas, kita ko ang maraming taong nakapaligid sa kaniya. Ang iba ay sumisilip sa bintana kung saan ako.
We're here. It's now or never, Angelie.
Humugot ako nang malalim na hininga at binuksan ang pinto ng sasakyan at tuluyang lumabas. Sari-saring ingay agad ang narinig ko, madami ang lumingon sa gawi ko. Mga kaedaran ni Mommy ang kadalasang nakatingin sa'kin at bumabati. Nginitian ko naman sila. Nahanap ng mata ko si Daddy na may katawanan sa likuran ng kotse, kung saan binababa nila ang mga maleta namin. Nakikilala ko ang iba na mga kaibigan ni Daddy.
A hand on my left shoulder got my attention. Paglingon ko ay siyang pagyapos agad nang lumapit sa'kin. Una ay kumunot ang noo ko sa kung sino ang yumayakap sa'kin pero nang maamoy ang pamilyar na halimuyak ng rosas ay kusang pumalibot ang mga braso ko rito.
"N-Nay Carol..."
Ang isang rason kung bakit gusto kong bumalik ay si Nanay Carol. Ang tagapangalaga sa'kin mula pa nang ako'y sanggol. I treated her as my grandmother. Since my grandparents on both sides are already gone.
"Namissed po kita." Garalgal kong sambit.
Hinagod nito ang likod ko at mahinang tinapik-tapik. Narinig ko pa itong suminghot.
"Missed na missed na rin kitang bata ka!" Kumalas ito at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
Napanguso ako nang pasadahan niya ako ng tingin.
"Ang laki mo na! Dalagang-dalaga ka na, apo!" Galak na saad nito.
Natawa ako at niyakap muli si Nanay.
Ilang sandali pa ay sabay kaming naglalakad ni Nanay Carol papasok ng bahay. Ang mga bisita'y nasa loob na rin. Madami ang bumati, pero ngiti lang ang naigaganti ko dahil madalas ay di ko namumukhaan.
"Buti at di ka pa nag-a-asawa, hija." Ani Nay Carol.
I chuckled and thought of something funny.
"Actually..." Pabitin kong saad na agad namang nagpatigil kay Nay Carol.
Kumunot ang noo nito. Natatawa ko namang hinilig ang ulo ko sa balikat nito at nagpatuloy, "May laman na po ang tiyan ko, Nay..."
Naramdaman ko na natigilan ito. Pagkalipas nang ilang segundo ay agad na nilingon ako na nanlalaki ang mga mata. Tapos bumaba sa tiyan ko ang tingin nito at suminghap.
Napakagat labi akong nagpipigil na di mabunghalit ng tawa. Her reaction is epic! Pero napansin ata nito ang pagpipigil ko kaya nanliit ang mga mata nito.
"Angelie." Pagbabanta nito.
I burst in laughter when I can't take it anymore. Umiling-iling na lang si Nay Carol pero may multo ng ngiti ang mga labi. I could even read some relief on her face.
I snaked my arms on hers and leaned my head as we continued to walk. "I hope you'll take good care of my babies. Kanina pa sila gutom, Nay..." Malambing kong saad.
Napangiwi na lang ako nang kurutin niya ako sa tagiliran. "Pinakaba mo 'kong bata ka! 'Ku...kay pilya mo pa rin."
I really missed her....
~✧~
Isang tradisyon na ng bayang Beachwood ang magtipon at maghanda pag may bumabalik. The town's mayor wants the townspeople in close ties with one another. Kaya di na ako nagulat sa pagdami pa ng tao sa loob ng bahay namin. Kung saan-saan ako nahihila para sa konting kumustahan. May iilang mukha ang pamilyar, may mga bata rin akong nakitang nagtatakbuhan. I recognized some teenagers na noong andito pa ako ay mga paslit pa pero ngayon ay mga dalaga at binata na. They still call me Angel, na naalala ko'y ginawang bansag nila noong mga minsanan na mga pagkakataon na nakahalubilo ko sila sa baybayin. I would braid the girl's hair, and the boys would annoy the girls na makalaunan ay maghahabulan na sa isat-isa.
A lot really happened in my ten years of not being here. I'm surprised that I felt intense longing whenever I talked with the old acquaintances. Akala ko ay pagkarating ko rito'y magkukulong lang ako sa kwarto lalo na't naalala ko pa rin ang dahilan kung bakit ginusto kong umalis sa Beachwood. Pero ang trahedyang iyon pala ay maituturing na mahina kumpara sa trahedyang naranasan ko sa siyudad. I went to the city to escape Beachwood pero heto...andito muli ako para takasan ang masalimot na alaala na nasa siyudad.
"Ang ganda ng kutis mo! Ano'ng ginagamit mong sabon? Lotion ba o may tini-take ka na vitamins?" Isa sa madaming tanong ang pilit kong sinasagot galing sa mga schoolmates ko sa high school, pamilyar sila pero iilan lang ang naalala kong pangalan.
Madalas nilang tanong ay ang mga napansin nilang pagbabago sa panlabas na anyo ko. Tinatanong nila ako sa mga brands, na hindi ko masagot-sagot ng maayos dahil hindi ko rin alam ang mga brand ng mga sabon at lotion namin. Pero di sila kuntento sa mga sagot ko, akala nila nililihim ko at ayaw kong ipaalam. Sa totoo lang ay wala talaga akong pakialam sa mga brands ng mga gamit namin sa katawan, si Mommy kasi ang bumibili ng supplies namin sa bahay. Ang importante lang naman sa'kin ay may magagamit, di ko na inaalam kung sikat na brand ba o hindi.
Kasalukuyang silang nag-uusap sa mga kilalang brand na ginagamit nila. Pinipilit ko ang sarili kong makinig kahit di ako interesado. Nagtama ang mata namin ni Ginger, kababata ko na nakatira sa kasunod naming bahay. Siya ang ampon ni Tita Katherine na walang anak. Nginitian ko ito. Gumanti naman ito at napayuko na parang nahihiya. Pansin ko rin na katulad ko ay tahimik lang na nakikinig sa palitan ng mga schoolmates namin.
Maganda si Ginger, kahel na may pagkapula ang natural nitong kulay ng buhok. May lahi ito pero ulila at kinupkop nga ni Tita Katherine. May freckles rin ito sa may bandang ilong na bagay sa kaniya. Dagdagan pa ng berde nitong mga mata. I wonder kung kagaya ng grupong kasama namin ay may boyfriend o asawa na ba siya? Pero imposible kung wala, with that beauty?
Mahigit dalawang oras pa ang tiniis ko para magkunwaring nakikinig nang sa wakas ay nahanap ako ni Nanay Carol at in-excuse.
"You're a lifesaver, Nay. Gusto ko na pong magpahinga..." Mahina kong sambit rito.
Malamlam ang mga mata nitong hinagod ang buhok ko at giniya ako papuntang kusina. "Pasensiya ka na talaga, hija. Binantayan ko ang mga nasa kusina, at pinakain ang mga magulang mo. Buti at nahanap kita, pero kumain ka muna bago ka magpahinga."
Napanguso ako at napahilig kay Nanay. Bibigay na talaga ang katawan ko sa pagod.
"Kaya ko pong tiisin ang gutom pero di po ang pagpapahinga," Pilit kong maglakad ng tuwid at baka'y mawalan pa kami ng balanse ni Nay Carol kung hihilig muli ako sa kaniya. "Please po, Nay? Mamaya na lang po ako kakain..."
Bumuntong hininga ito at iginiya ako paakyat sa hagdan. "O sige, basta'y kakain ka mamaya."
Tumango lang ako at di namalayang napapikit sa sobrang antok. Namali ako ng apak, narinig ko ang gulat na hiyaw ni Nanay pero di man lang nito nawala ang pagkaantok ko.
"Salamat, hijo..." Ani Nanay Carol sa tumulong ata para di kami tuluyang mawalan ng balanse.
"Ako na po ang magdadala sa kaniya, Nay. Mukhang pagod na pagod..." Ani ng pamilyar na boses pero di ko na napagtuonan ng pansin.
I'm so tired. I just want my bed...
Ang tila paglutang ang huli kong naramdaman bago tuluyang makatulog.

Komentar Buku (3)

  • avatar
    Karl TZ Echo

    kapayapaan

    18/02

      0
  • avatar
    Francis Baria

    nice

    21/08/2023

      0
  • avatar

    🥰🥰

    11/09/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru