logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

Nagising si Akhi dahil sa ingay na nagmumula sa alarm niya sa cellphone. Kinusot-kusot pa niya ang kanyang mata para gisingin ang kanyang diwa. Gustuhin man niyang matulog pa ay hindi na puwede dahil tuwing alas-singko ng umaga ay trabaho niya na ang magluto muna ng almusal bago siya umalis para pumasok sa paaralan.
"Good morning, God! Salamat po at binigyan niyo po ako ng panibagong buhay. Sana po bigyan niyo ako ng lakas para harapin ang lahat ng pagsubok sa buhay," piping dasal niya habang nakapikit na kinakausap siya.
Masiglang tumayo si Akhi sa kanyang luma pero maayos pang higaan. Maayos niyang isinalansan ang apat na malambot niyang unan at kumot. Pinagpagan pa muna niya ang higaan bago niya napagpasyahang suklayin ang buhok bago siya bumaba sa kusina.
Lahat ng mga gamit niya sa loob ng kanyang kuwarto ay mahalaga sa kanya dahil ito ang tanging alaala na ibinagay sa kanya ng kanyang yumaong ama. Labinlimang taon siya no'ng mamatay ito dahil sa sakit na Leukemia katulad din ng pagkamatay din ng tita niyang si Marianne.
Tiningnan niya ulit ang oras sa cellphone na nasa bulsa ng short niya. Pagtingin niya sa oras ay agad na nanlaki ang kanyang mata nang makita na limang minuto na ang lumipas simula nang magising siya. Kaya agad siyang nagmadali na bumaba sa hagdan para pumunta sa kusina.
Pagkarating ay agad siyang kumuha ng puwedeng lutuin para sa almusal. Sunod-sunod niyang isinalang ang sausage, itlog, bacon pagkatapos ay nagsaing na siya ng kanin. Nang matapos na siya sa ipiniprito ay nilagay niya na 'yon sa lamesa at tinakpan para hindi langawin.
Kumain na rin siya ng almusal para bago umalis ng bahay ay busog na siya. Hindi rin kasi sapat ang perang ibinigay ng mommy niya para pangkain sa school. Mabuti na nga lang ay nakaka-survive siya kahit papaano sa tulong ng nag-iisang kaibigan niya sa Gem University.
Nang dahil nga sa maaga pa ay siya pa lang ang gising sa kanilang bahay. Si Blesie kasi ay mamaya pang alas-sais ang gising. Bumaba na lang ito ng nakabihis na at kakain na lang bago umalis. Ang mommy naman niya ay alas-nuebe na gumigising. Tapos aalis na lang ito ng bahay pagkatapos kumain.
Dati, wala naman sa kanya kung siya ang laging gumagawa ng gawaing bahay dahil 'yon naman talaga ang tungkulin niya bilang panganay na anak ng pamilya nila. Pero ngayon pakiramdam niya ay turing sa kanya ng mga ito ay katulong. Suwerte na lang niya dahil di siya nito pinapatigil sa pag-aaral kaya nagpapasalamat pa rin siya.
"Kailan kaya ako matatanggap at mamahalin ng sarili kong pamilya? Hmmnnn... baka siguro kapag pumuti na ang uwak. Tama na nga, kailangan ko ng pumasok sa school dahil tiyak ko inaabangan na niya ako," umiiling-iling na sabi niya sa kanyang isip habang nagsisimula nang maglakad papunta sa kanyang kuwarto.
Dalawampung minuto ang nakalipas pagkatapos niyang maligo at magbihis ay isinukbit niya agad ang kanyang maliit na lumang bag pack na kulay itim na ibigay din sa kanya ng daddy niya. Pagkababa ay agad na siyang nagmadaling umalis para pumasok.
Mayamaya lang kasi ay gigising na rin ang demonyita niyang kapatid kaya bago pa masira ang araw niya ay kailangan niya ng umalis.
Pagkalabas niya sa pinto ng kanilang bahay ay siniguro muna niyang dala niya ang susi ng kanilang bahay na palihim niyang pina-duplicate kung sakali mang mahuli siya ng uwi. Napangiti siya nang masiguro na nasa loob na ng kanyang bag ang susi kaya agad niyang sinarado ang pinto at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng gate.
Nang makarating siya sa kanilang paaralan ay dumiretso na siya sa kanilang tambayan ng matalik na kaibigan.
"Hi Akhi, ang aga mo talaga pumasok. Dito ka ba natutulog sa school natin?" nagbibirong sabi sa kanya ni Allysa habang naglalakad papalapit sa kinuupuan kong bench na paborito nilang tambayan malapit sa round table na may puno ng acasia sa gitna.
"Kung hindi lang kita kaibigan Allysa baka nabato ko na sa 'yo 'tong hawak kong notebook," nakairap na sabi niya habang itinutuloy ang pagsusulat. "Alam mo naman na palagi akong maagang umaalis sa bahay namin dahil ayaw kong makita ang kapatid ko. Saka para makaiwas na rin sa galit ni mommy."
"Hay naku, kung ako sa 'yo layasan mo na sila. Huwag kang mag-alala sa bahay ko puwede ka namang tumira roon."
"Huwag na, kaya ko pa namang pagtiisan ang kapatid ko at si mommy. Ang mahalaga ay di niya ako pinatitigil sa pag-aaral. Kaunting panahon na lang ay makagagawa na rin ako ng paraan para malaman ang itinatagong baho ng pamilya ko.
"Tama 'yan girl. Kung tama ang kutob mo na hindi mo sila kaano-ano ay makakaganti ka na rin sa demonyitang kapatid mo at sa mommy mo na parang ginagawa ka ng katulong sa bahay niyo. Sana di na lang namatay ang daddy mo para di ka nahihirapan ng ganyan. Tingnan mo ang sarili mo, talo mo pang may anak na sampu dahil sa napapabayaan mo na ang sarili mo."
"Hindi na siguro kailangan 'yon dahil alam kong malulungkot si Daddy kapag ginawa ko 'yon. At may dapat ba ako pagandahan para mag-ayos ng sarili? Saka alam mo namang sakto lang ang pera ko para panggastos sa school uunahin ko pa baa ng magpaganda? Di naman ako mayaman katulad mo kaya bahala na kung ano ang itsura ko. Basta ayos na sa akin ang magpulbo at magsuklay ng buhok."
"If I know 'yong kapatid mong si Blesie lahat ng gusto nabibili. Ewan ko ba sa 'yo at nagpapakamartir ka," nakahalukipkip na sabi ni Allysa habang matamang nakatingin sa kanya. "Balik tayo sa isinusulat mo. Ano ba 'yan?"
"Ito?" turo niya sa hawak sinusulatan niyang notebook.
"Oo, para saan ba 'yan?" tumatangong sabi ni Allysa pagkatapos ay tumabi sa kanya ng upo.
"Naku, mukhang nakalimutan mo na namang may assignment tayo sa Algebra," nakangising sabi niya habang nakatingin sa magiging reaksiyon ng kaibigan niya.
"God! Oo nga pala, nakalimutan kong gawin ang assignment ko. Terror pa naman ang professor natin diyan. Pakopya naman o! Sige na, ililibre kita sa lunch at snacks."
Tumango na lang siya bilang sagot dahil sino ba siya para tumanggi sa kaibigan niya? Give and take lang naman sila. Saka limandaang piso na lang ang mayroon siya at kaunting barya na badyet niya para sa isang buwan. Kaya makakatulong ang panlilibre ni Allysa para di mabawasan ang panggastos niya.
"Sige na nga, If I know talaga namang kinalimutan mo gawin 'yon para kumopya sa akin. Style mo bulok. Isip ka naman ng bago sa susunod 'yong di na halata," nakangiting sabi ko sabay abot sa katatapos ko lang na sinagutang tanong.
"Ano ka ba? Papahirapan ko pa ba sarili ko? Alam mo namang maganda lang ako. Hindi katulad mo na maganda na, matalino pa. Kaya nga kaibigan kita e," alanganing ngumiti si Allysa sa kanya pagkatapos ay kinuha ang notebook na iniabot niya.
"Edi wow!" sabay na sabi nilang dalawa pagkatapos ay tumawa nang malakas. Napatingin na lang sa kanila ang ibang estudyante na dumadaan malapit sa kanila. Siguro dahil para silang mga batang tumatawa na parang wala nang bukas.

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Evander Sarabia

    500

    16/06

      0
  • avatar
    Cherry Ramos Amoroso

    Very good

    10/06

      0
  • avatar
    ReyesPrincess

    ganda

    03/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru