logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

BEASTLY SERIES 2: THE BEASTLY HEIR

BEASTLY SERIES 2: THE BEASTLY HEIR

Ms. Hanuelkim


CHAPTER 1

MABILIS na lumabas ang isang babae habang may nakapulupot na balabal sa kanyang katawan. Animo'y parang nagmamadali at palinga-linga ito bago lumabas ng gate ng tahanan ng mga Fuentebella.
Titig na titig at nagmamasid naman si Joan kasama ang tatlong lalaking nakaitim sa babaeng naglalakad papunta sa kanilang sasakyan. Kahit na inaantok na siya dahil sa madaling-araw na at kailangan na niyang matulog ay tiniis niya dahil ngayon ang araw na nakatakda para makuha niya ang kaligayan ng mag-asawang Montecillo.
Pagkakita niyang malapit na ito sa kanilang sasakyan ay agad niyang binuksan ang pinto ng L300 van na dala niya.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kami naghihintay dito sa labas," inis na sabi ni Joan sa babaeng kadarating lang. Idinura niya ang bubble gum na kanina niya pa nginunguya sa labas.
Nakita niyang sumulyap muna ang babae sa bandang likod ng sasakyan. Napadako ang tingin nito sa tatlong lalaking nakaitim na may hawak na mga 45 calibre na baril habang nakatingin sa babae. Nakita niyang bigla itong napalunok at napahakbang paatras habang mahigpit na niyakap ang karga nitong bata.
"So-rry po, a-no po ang ba-lak ni-niyo sa bata?"
"Wala ka na ro'n at hindi mo na kailangang malaman pa! Kaya akin na ang bata para matapos na tayo at makapasok ka na sa loob," dikit ang kilay na sabi ni Joan habang nakatingin sa babae.
"Parang awa niyo na po huwag niyo na sana idamay ang bata," sabi ng babae habang tuloy-tuloy na dumadaloy ang masaganang luha sa kanyang mukha.
"Huwag kang mag-alala. Wala naman akong gagawin sa bata. Kailangan ko lang siyang kunin at dalhin sa lugar kung saan di na siya makikita nina Khrystal at John."
"Pero..." Hindi niya na naituloy ang kanyang pagsasalita.
"Akin na ang bata!" sabi niya pagkatapos ay marahas na inagaw niya ang bata na mahimbing na natutulog sa mga bisig nito. "Wala ka ng magagawa kung di ibigay siya. Kung hindi ay mamatay ka at ang pamilya mo! Kaya bumalik ka na sa loob at magkunwaring may kumuha sa bata. Huwag kang magkakamaling magsalita kung di alam mon a ang mangyayari."
Tumingin muna ito sa karga niyang batang babae at umiiyak na tumalikod papasok sa gate. Sinulyapan ni Joan ang batang mahimbing na natutulog sa kanyang bisig. Nakita niya itong ngumiti sa kanya kaya hindi niya maiwasang mamangha sa taglay nitong kainosentehan sa mukha.
"Paandarin mo na ang kotse. Diretso tayo sa condo ko sa Antipolo City. Puwede niyo na rin ako iwan mamaya ro'n pagkarating natin. Tatawagan ko na lang ulit kayo kapag kailangan."
Tumango lang ang mga goons na kasama niya. Sila ang ibinigay ni Marianne na mga tauhan para samahan ako sa pagkuha sa anak ni John. At kung sakaling magka-aberya ay sila ang bahalang promotekta sa kanya.
Alam niyang delikado at puwede siyang makulong dahil sa pag-kidnap niya sa bata at pakikipagsabwatan niya kay Marianne. Pero wala na siyang magagawa kung di makipagtulungan. Alam niya na kasi ang mangyayari kapag hindi niya sinunod ang utos nito.
Kinuha ko ang cell phone sa aking shoulder bag na dala. Pagkatapos ay pumunta ako sa contacts kung saan naka-save ang cellphone number ni Marianne.
Ibinigay ko muna sa isa sa mga goons na kasama ko ang anak ni John para maayos kong makausap si Marianne.
Tatlong beses na nag-ring ang tawag ko bago sinagot ng nasa kabilang linya.
"Oh... Ba't ka napatawag? Nagawa mo ba ang inuutos ko sa 'yo?" Walang kagana-ganang tanong ni Marianne sa akin.
"Oo, nagawa ko na ang pinag-uutos mo. Ano na bang susunod kong gawin dito sa bata?"
Saglit munang tumahimik ang nasa kabilang linya. "Bahala ka kung anong gagawin mo sa bata. Basta huwag mo lang patayin kung di mananagot ka sa akin."
"O sige, huwag kang mag-alala. Hindi ko papatayin ang bata dahil hindi naman ako mamamatay tao. Naisip kong gawin na lang siyang anak ko tutal naman e wala pa kaming anak ng pinsan mo." Pero nasa isip lang niya ay papalakihin niya ito para pagdusahin sa poder niya.
"Bahala ka na kung anong gagawin mo. Basta huwag mong sasabihin sa asawa mo kung kaninong anak ang batang 'yan dahil alam mo na kung anong mangyayari sa atin." Paalalang sabi pa nito.
Napaismid na lang ako dahil parang pinagmumukha nitong tanga ako at hindi alam ang gagawin ko.
"Huwag kang mag-alala Marianne alam ko kung anong ginagawa ko. Basta tuparin mo ang pangako mo, at tutuparin ang pangako ko."
MAKALIPAS ang labingwalong taon...
Lahat na ata nang pagmamalupit ay naranasan na ni Akhi simula pagkabata niya. Nandyang hindi siya papasukin sa loob ng kanilang pamamahay ng mama niya o ng kapatid niyang si Blesie tuwing huli na siyang umuuwi galing sa school nila. O kaya naman ay daratnan niyang walang tao sa bahay nila dahil nag-out of town ang mga ito ng di siya kasama.
Kaya simpleng bagay na lang sa kanya ang paulit-ulit na masaktan ng pamilya niya. Kung 'yon nga ba talaga ang turing sa kanya ng mga ito.
Hindi niya alam kung paano siya lumaki na wala man lang pagmamahal at pag-aaruga siyang naramdaman. Sabagay wala ngang perpektong pamilya. Kung mayroon man edi suwerte. Kung wala naman edi malas. Hindi niya alam kung ikatutuwa ba niya na hindi siya sinasaktan ng mga ito sa pisikal. Dahil puro verbal lamang ang kanyang natatanggap o kaya ay pinararamdam lang sa kanya nito.
Kasalukuyan siyang nakaupo sa sala ng bahay nila habang malalim na nag-iisip ng tungkol sa mga bagay na nangyayari sa buhay niya. Kaya hindi niya na namalayang nakalapit na pala sa kanya ang kapatid.
"Oy, ano Akhi? Nagde-daydreaming ka na naman diyan. Huwag kang mag-alala dahil hindi magkakatotoo 'yan. Subukin mo na lang kaya gumalaw-galaw diyan sa kinauupuan mo para hindi ka ma-stroke," kunot-noong sabi sa kanya ng bunsong kapatid na si Blesie.
Napabalik siya sa ulirat nang marinig niya ang litanya ng kapatid. Limang taon ang tanda niya rito ngunit kahit kailan ay hindi niya narinig na tinawag siya nitong Ate Akhi. Pakiramdam niya ay biglang umakyat ang dugo sa kanyang ulo dahil sa inis na bigla niyang naramdaman.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yong tawagin mo akong Ate Akhiko? Ate mo ako at mas matanda ako sa 'yo! Kaya ayusin mo 'yang bibig mo kung ayaw mong tahini ko 'yan."
Pansin niya ang pagkatulala ng kapatid nang makita siguro nito ang namumula niyang mukha. Ito rin kasi ang unang beses na nakaramdam siya ng sobrang pagkainis kaya hindi makakailang magtaka ito sa ipinakita niyang pag-uugali. Karaniwan kasi tuwing tinatawag lang siya nitong Akhi ay pinapalampas niya pero iba ngayon.
"A-no na-man sa 'yo kung hindi kita tawaging ate? Saka ayaw ko ngang tawagin kang ate. Ikaw? Magiging ate ko? Kadiri ha?" sabi nito pagkatapos ay umirap patalikod sa kanya. Agad niya namang napigilan ito sa pag-alis dahil bigla niya itong hinawakan sa kanyang kanang braso.
"Ulitin mo nga 'yong sinabi mo! Ayaw mo akong tawaging ate? Bakit? Sa tingin mo sino ba ang magulang ko? Di ba pareho lang naman tayong anak nina mommy at daddy kaya paano mo nasasabi ang mga bagay na 'yan?"
"Wala ka na ro'n kaya puwede ba? Bitawan mo na ang braso ko. Baka mamaya ay mahawa pa ako ng kamalasan mo."
Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni mommy.
"Mommy, si Akhi tinatakot ako oh! Tatahiin daw niya ang bibig ko kapag di ko raw siya tinawag na ate," nagmamaktol na sabi ni Blesie. Nagpapapadyak pa ito sa sahig habang parang batang naglalakad palapit sa kanilang mommy.
"Totoo ba 'yon, Akhi? So may ipinagmamalaki ka na ngayon at naging matapang ka na? Wala na ang papa mo rito kaya huwag kang umasang may kakampi pa sa 'yo," nakataas-kilay na tanong ng Mommy Joan niya sa kanya habang nakahalukipkip ang dalawang braso nito. "Ang laki na nga ng problema ng pamilya natin dadagdag pa kayong dalawa! Ang laki na ng nalulugi sa kompanya natin dahil sa malaking ginastos natin sa pagpapagamot sa daddy niyo pero ano? Namatay din siya at nag-iwan pa ng bayarin. Kaya puwede ba tumigil na kayong dalawa sa pagiging aso't pusa. At ikaw Akhi magluto ka na lang ng tangahalian natin mas mabuti pa para makakain na tayo."
"Pero mommy..." magmamaktol na sana siya at balak niya na sanang sabihin kung ano ang nais niya ngunit bigla siyang natigilan dahil sa nababakas na pagkainis sa mukha ng ina.
"Wala ng pero-pero. Magluto ka na lang," sabi ng Mommy Joan niya habang pinandidilatan siya ng mata.
Sumulyap siya kay Blesie at nakita niya ang simpleng pagngisi nito na parang pinapakita sa kanya na siya ang kinampihan at hindi siya. Naikuyom na lang niya ang kanyang kamao dahil pakiramdam niya ay sasabog na siya sa sobrang sama ng loob na kanyang nararamdaman.
Kung minsan hindi niya mapigilang tanungin ang sarili kung talaga bang anak siya ng Mommy Joan niya o hindi. Pakiramdam kasi niya ay ibang tao siya sa mga ito kung ituring siya. at paminsan-minsan tuwing mapapatitig siya sa mukha ko ay kita ko ang poot at pighati sa kanyang mga mata.
Tumalikod na lang siya at laglag ang balikat na naglakad papunta sa kanilang kusina. Minsan ipinagdadasal niya na lang na sana ay bigla na lang na ipagtapat ng mommy niya ang tungkol sa pagkatao niya na hindi siya nito anak.
PAGKATAPOS niyang kumain ng pananghalian at maghugas ng mga pinagkainan nila ay umakyat na agad siya sa kanyang maliit na kuwarto. Sa buong parte ng bahay nila ay ang sarili niya lang na kuwarto ang bukod tanging nagpapakilala kung sino siya.
Inilibot niya ang tingin sa kabuoan ng kanyang kuwarto. Sa ilang taon na nabuhay siya sa mundo ay ito lang ang lugar ang naramdaman niyang kabilang siya. Kaya kapag may oras para kumuha siya ng larawan na masaya siya ay ginagamit niya ang kanyang cellphone na iniregalo pa sa kanya ng daddy niya noong labimpitong kaarawan niya. Pagkatapos ay pinapa-print niya at idinidikit niya ito sa lugar kung saan niya ito madaling makita.
"Hindi! Hindi mo kailangang umiyak, Akhi. Tama na ang maraming beses na pag-iyak mo dahil sa kanila. Dahil kahit anong gawin mo ay hindi ka nila magugustuhan. Dahil wala na ang Daddy Alec mo na lagi kang ipinagtatanggol sa evil witch mong kapatid at mommy mo."
Ramdam niya ang mainit at masaganang luhang dumadaloy sa kanyang magandang mukha.
"Aalamin ko kung anuman ang itinatago sa akin ng pamilya ko. At kapag nalaman kong totoo ang hinala kong ampon ako at hindi sila ang magulang ko. Matitikman nila kung paano magalit ang taong inapi at inalipusta nila. Pagkatapos no'n ay aalamin ko kung sino ang totoong magulang ko at kung bakit ginagawa nila 'yon sa akin."
Marami siyang bagay na ipinagtataka sa pamilya niya. Una, wala siyang kamukha sa mommy at daddy niya. Mas lalong wala silang pagkakahawig ng kapatid niya. Pangalawa, Hindi niya alam kung bakit nasa Antipolo sila nakatira samantalang ang negosyo ng pamilya nila ay nasa Maynila. At pangatlo, may kakaiba sa ikinikilos ng Mommy Joan niya pati ang kapatid niyang si Blesie na parang ang laki ng galit sa kanya.
Kaya ngayon, susundin niya ang tumatakbo sa isip niya. Iyon ay alamin ang sekretong itinatago ng pamilya niya tungkol sa pagkatao niya. Hindi naman siya bobo para hindi maramdamang hindi siya kabilang sa mundong ginagalawan ng mga ito.

Komentar Buku (7)

  • avatar
    Evander Sarabia

    500

    16/06

      0
  • avatar
    Cherry Ramos Amoroso

    Very good

    10/06

      0
  • avatar
    ReyesPrincess

    ganda

    03/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru