logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 3 Name

Kabanata 2
Name
--
Kinabukasan nagtungo ulit ako sa simbahan. Kumuha ako ng kaunti sa iniipon kong pera para makabili ako ng mga kailangang ingredients at para makapag bake. Ayoko mang kumuha sa ipon ko, wala naman akong magagawa dahil nagagalit si Tita Cecilia. Kailangan ko agad magbigay sa kanila ng pera.
"Magandang araw po--" bahagyang natigil ang pagbati ko kay Pastora nang nakita kung sino ang mga kausap niya.
Nandoon si Mr. Abelardo at si Benjamin Abelardo. Nalaman ko ang mga apelyido nila kahapon kay Pastora. Napalunok ako at bahagyang nakaramdam ng hiya dahil naalala na naman ang nangyari kahapon.
Pero bakit sila nandito? Akala ko si Pastora lang ang maaabutan ko pagpunta ko rito pero mukhang may pinag uusapan silang seryoso.
"Oh, hija. Hinanda ko na ang mga gagamitin mo sa kusina," ani Pastora.
"Ah, sige po..." nahihiya kong sinabi at dahan dahan nang umalis.
Iniwan ko ang mga mata ni Benjamin at nagtungo na sa kusina. Tanaw ko pa rin sila nang nasa kusina na ako at naririnig ang pinag uusapan.
"She's baking?" narinig kong tanong ni Mr. Abelardo, ang Papa ni Benjamin.
"Oo. Masarap mag bake iyan at masipag. Nagbebenta para magkapera," si Pastora.
"That's nice..."
Bahagya akong lumingon sa likuran ko at nasalubong ko na naman ang mga mata ni Benjamin. Mabilis akong nag iwas ng tingin sa kahihiyan. Tuwing nakikita ko siya naaalala ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Nakakahiya iyon! Dalawang beses ko siyang nasabuyan ng kung ano ano kahapon.
Ngumuso ako at ginawa nalang ang dapat na gawin. Nagsorry na ako sa kanya kaya ayos na iyon. Hindi ako nandito para isipin ang mga nagawa ko kahapon, nandito ako para magbake at nang makapag benta na at nang hindi na magalit sa akin si Tita Cecilia. Ito na nga lang ang paraan para makatulong ako sa bahay pumapalpak pa.
"Pinagalitan ka na naman ba ng Tita mo?" si Pastora na lumapit pala sa akin.
Nilingon ko siya habang hinahalo ko ang itlog. Nakita kong nag uusap na ang mag ama at nililibot ang mga mata sa bawat bahagi ng simbahan.
"Ah, hindi naman po..." sabi ko.
"Hindi ka madalas rito kaya naisip ko na baka pinagalitan ka. Lalo na dahil natapon ang ibang cupcakes mo kahapon. Pinagalitan ka dahil maliit lang ang naibigay mong pera?"
Natigilan ako. Hindi ko alam kung bakit alam niya agad na ganon nga ang nangyari. Matagal na akong kilala ni Pastora at alam niya kung paano ako tratuhin ni Tita Cecilia at ni Celine. Sa kanya lang kasi ako palaging nagkukwento. Simula nang namatay ang Nanay at Tatay ko, marami na akong nasasabi sa kanya.
"Sa tingin ko naman po tama lang na pagalitan nila ako. Kasalanan ko naman na natapon ang cupcakes kahapon..." sabi ko at nagpatuloy sa ginagawa.
Bumuntong hininga si Pastora. "Alam mo, pwede kitang ampunin. Dito ka nalang tumira."
Nagulat ako roon. Maraming beses niya nang in-offer sa akin ito pero panay ang tanggi ko dahil ayos naman na ako kina Tita. Gusto ko man na tumira nalang rito, gusto ko ring makasama sina Tita dahil kapatid siya ni Nanay at pinsan ko si Celine. Kahit papaano gusto ko silang maka close.
"Ayos lang naman po ako sa amin, Pastora..." itinawa ko iyon.
"Pero kung kailangan mo man, at kung sakali mang gusto mo nang umalis roon, bukas ang tahanan ko para sayo, Sha sha..."
Ngumiti ako at tumango kay Pastora. Masaya ako na may mga tao pa rin na handa akong tulungan kapag may kailangan ako. Masaya ako na nandito si Pastora sa tabi ko. Ganon na rin ang mga kaibigan ko dito sa simbahan. Kahit papaano pala swerte pa rin ako.
"Oh, siya, maiwan na muna kita rito. Babalikan ko lang ang mga bisita natin," ani Pastora at tumango lamang ako.
Umalis siya at sinundan ko siya ng tingin habang pumupunta kina Benjamin. Kaya lang nagtama na naman ang mga mata namin ni Benjamin. Tulad kahapon, nung una ko siyang nakita, seryoso na naman siya at nakakatakot tignan. Kaya naman mabilis lang rin akong nag iwas ng tingin at pinagpatuloy nalang ang ginagawa.
Ito lang ang dapat na pagtuonan ko ng pansin at hindi ang ibang mga bagay. Huminga ako ng malalim. Sana kapag nakabenta ako ng malaki, hindi na magalit sina Tita Cecilia. At tsaka si Celine sana makasama ko na rin palagi.
Matagal ko na siyang gustong maka-close dahil bukod sa pinsan ko siya at ka edad ko, gusto ko rin ang mga ginagawa niya. Gusto ko ang pananamit niya at gusto ko ring makilala ang mga kaibigan niya. Para bang tulad ng ibang magpipinsan lang, yung sobrang close na halos hindi na mapaghiwalay.
Gusto ko ng ganoong relationship sa kanya. Sana talaga hindi na siya magsungit sa akin o palaging nagagalit.
Wala pang trabaho si Celine. Ang alam ko gusto niyang maging model at humahanap palang ng kumpanya para mapag apply-an. Sigurado naman akong maraming kukuha sa kanya dahil bukod sa maganda, maganda rin ang kanyang katawan, matangkad at marunong rumampa. Pasok na pasok siya bilang isang modelo.
Nilalagay ko na sa fridge ang binake na cupcakes ay nandoon pa rin sina Benjamin at ang Papa niya. Hindi ko alam kung hanggang anong oras sila rito pero hindi ko naman na dapat alamin pa iyon, diba? Ano ba itong mga pinag iiisip mo, Sha sha.
Habang hinihintay na lumamig ang mga cupcakes ko, naglinis na muna ako ng school. School iyon para sa mga bata kapag may samba. Sigurado kasing maglilikot sila sa loob ng simbahan kaya dito nalang sila habang sumasamba ang mga magulang nila.
Maliit lang na kwarto iyon pero sapat na para makapag aral. Tungkol sa Bibliya ang mga tinuturo rito at minsan pa nga akong nakapag turo rito pero dahil sumasayaw ako, napuputol ang pagtuturo ko kaya iba nalang ang kinuha bilang teacher.
Kinuha ko ang walis at nagsimula nang maglinis ng school. Hindi naman ganon kadumi iyon pero wala akong magawa kaya ganito nalang. Ayos rin naman dahil gusto ni Pastora na palaging malinis ang buong paligid.
Marami akong na-bake ngayon. Tatlong box iyon kaya sigurado akong marami akong mabebenta. Ngayon palang napapangiti na ako kapag naiisip na matutuwa si Tita Cecilia.
Napasinghap ako sa gulat nang paglingon ko sa likod kung nasaan ang pintuan habang nagwawalis ay nakita ko si Benjamin na nakatayo, nakahalukipkip at bahagyang nakasandal sa hamba ng pintuan.
"N-Nandyan ka pala. Uh... m-may kailangan ka ba?" gulat at kabado kong tanong.
Tumingin siya sa winawalis ko at pagkatapos sa akin. Umalis siya sa pagkakasandal at lumapit sa akin. Kumalabog ang puso ko.
"Do you come here often?" tanong niya.
"Uh..." hindi agad ako nakasagot. "O-Oo. Dito kasi ako... uh... nagba-bake at... nagpa-practice ng sayaw kasama ang mga kasamahan ko."
"Kailan ka pa nagsimulang magsima rito?"
Hindi ko alam kung bakit nagtatanong siya pero sinagot ko pa rin.
"High school palang ako nagsisimba na ako rito," sagot ko, medyo gulat pa rin na nandito siya.
Tumango siya at huminto sa harapan ko. "Para saan ang pagba-bake mo? Is this your business?"
"O-Oo. Uh... gusto mo bang bumili?"
Ilang sandali niya akong tinitigan bago umangat ang gilid ng kanyang labi. Uminit ang pisngi ko nang napagtanto ang sinabi. Anong sinabi ko? Inalok ko lang ba siyang bumili sa akin? Ano?! Sinabi ko iyon?
Bakit mo sinabi iyon, Sha sha?! Parang gusto ko nalang kainin ng lupa!
"Uh... k-kung gusto mo lang naman. Uhm... business ko kasi..." bawi ko at nagkamot ng ulo.
"Mmm. Matagal ka na ring nagba-bake?" tanong niya, bahagya pa ring nakangiti.
"Oo. Simula high school palang rin ako. Meron kasi si Pastora na oven kaya..."
Tumango tango siya. "Can I see the cupcakes?"
Nakakahiya! Bakit ko ba kasi siya inalok? Pero magandang pagkakataon na rin ito! Kung bibili siya, maganda dahil makakabenta agad ako! Kaya bakit pa ba ako umaarte?
"Uh... dito..." sabi ko at sinandal muna ang walis sa table bago lumabas.
Sumunod siya sa akin. Nagtungo ako sa loob ng bahay ni Pastora at naghintay lang siya sa labas. Lumabas ako at pinakita ang tatlong box ng cupcakes na dala ko. Muntik nang mahulog ang isa mabuti nalang naibaba ko agad at nasalo.
"Uh... iba ibang flavor ito. May chocolate... strawberry... at mango," sabi ko at isa isang binuksan ang box.
Nakaupo ako roon at nasa lapag ang mga box. Dahan dahan ring umupo si Benjamin sa harapan ko. Nakatingin siya sa akin ngunit nang nag angat ako ng tingin sa kanya ay bumaba ang mga mata niya sa cupcakes. May multo pa rin ng ngiti sa kanyang labi.
"Do you have a free taste?" tanong niya.
"Ah, oo. Ito..." kumuha ako ng sobra sa chocolate at binigay sa kanya.
Bawat isa may sobra roon para sa mga ganitong gusto munang tumikim. Tinignan ako ni Benjamin bago niya kinuha ang binibigay ko. Napalunok ako nang dahan dahan niyang tikman iyon. Hindi ko alam kung bakit nag alala ako na baka hindi masarap iyon.
Hindi ako kailanman nag alala sa mga tumitikim ng cupcakes ko kaya hindi ko alam kung bakit ngayon...
"Hmmm..." tumango tango si Benjamin nang natikman niya iyon.
"M-Masarap ba?" natanong ko sa pag aalala.
Tumingin siya sa akin. Ngumunguya pa rin siya pero kahit ganon, alam kong nangingiti pa rin siya. Naghintay ako sa isasagot niya.
"It's sweet. It's good..." tango niya.
Napangiti ako roon. Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Kinuha ko ang sobra sa strawberry at binigay sa kanya.
"Ito rin. Baka magustuhan mo," sabi ko habang inaabot sa kanya ang cupcake.
"How do you sell these?" tanong niya habang kinukuha ang inaabot ko.
"Online. Marami akong friends sa facebook at gustong gusto nila ang cupcakes ko."
"You have a facebook?"
Tumango ako. "Oo."
Ilang sandaling kumunot ang noo niya bago kagatan ang strawberry cupcake. Napangiti ulit ako nang tumango tango siya. Medyo nahihiya pa rin ako pero umaasa ako na bibili siya. Matutuwa sina Tita kapag nalamang marami akong benta. Tsaka madadagdagan na naman ang ipon ko. Mababawi ko agad ang kinuha kong pera roon para dito.
Tinikman niya rin ang mango cupcake at masayang masaya ako dahil naubos niya ang tatlo na iyon. Sa totoo lang noong una akala ko talaga iritado siya sa akin dahil sa mga nagawa ko sa kanya kahapon pero ngayon napagtanto ko na hindi naman pala.
Siguro nga tama ang sinabi ni Pastora, mabait siya.
"I'll buy it all," si Benjamin pagkatapos ng ilang sandali.
"L-Lahat?" gulat na gulat kong tanong.
"Yes. My Mom love sweets."
Gusto kong magtatalon sa tuwa! Bibilhin niya lahat! Lahat ito! At hindi pa ako nito nakakapag post sa facebook pero ubos na agad benta ko! Hindi ko na napigilan ang paglawak ng ngiti ko.
"Maraming salamat! S-Saan ko ito ilalagay?" nakangiti kong tanong.
"Ipapadala ko nalang yan sa mga tauhan ko. Dante..." tawag niya sa isa niyang tauhan na nasa may pinto lang.
"Sir..."
"Paki lagay ang lahat ng ito sa kotse," utos niya na agad sinunod ng kanyang tauhan.
Nakangiti kong sinundan ng tingin ang kanyang tauhan habang umaalis ito. Nang nawala na siya sa paningin ko ay tumingin ako kay Benjamin. Nakita kong nakatitig siya sa akin, wala mang ngiti sa labi, bahagya namang nakangiti ang mga mata.
"What's your name again?"
Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Unti unting nawala ang ngiti ko at ang kalabog sa aking puso ay muling nagbalik.
"I'm Albert Benjamin Abelardo..." anya nang hindi ako nagsalita at naglahad ng kamay.
Nakaupo pa rin kami roon. Siguro mawe-weirduhan ang kung sino man ang makakakita sa amin na nakaupo ng ganito.
Nagbaba ako ng tingin sa kanyang kamay na naghihintay sa akin bago nag angat ng tingin sa mga mata niyang nakatitig sa akin.
Dahan dahan kong tinanggap ang kamay niya.
"Scarlett Natasha Romero..." sabi ko.
"What should I call you?"
"Uh... Sha sha nalang..." medyo nag aalinlangan kong sinabi.
"Just Benj for me too, then..."

Komentar Buku (91)

  • avatar
    Fontelara Alvin

    okey

    4d

      0
  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    20d

      0
  • avatar
    MI KE

    nakakaiyak

    16/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru