logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Cupcakes

Kabanata 1
Cupcakes
--
Eleven ng umaga natapos ang samba. Nakakahiya man ang nangyari kanina, nagawa ko pa ring sumayaw ng maayos kahit pa nanonood ang pamilya ni Benjamin lalo na siya. Sa tuwing sumusulyap ako sa kanya, nakikita kong nakatingin siya at kabadong kabado ako dahil baka iritado pa rin siya sa nangyari kanina.
Pero humingi na ako ng pasensya. Siguro naman ayos na iyon tsaka hindi ko naman sinasadya. Hindi ko alam na nandoon siya sa likod ko at hindi ko naramdaman ang presensya niya.
Pagkatapos magpaalam sa mga kakilala, nagtungo ako sa likod ng simbahan para makapag simula nang mag bake. Sana makabenta ulit ako ngayong araw para hindi na magalit sina Tita Cecilia at Celine sa akin. Kahit naman ganon ang trato nila sa akin, gusto ko pa rin na magustuhan nila ako at... mahalin.
Wala na akong mga magulang at nandyan man ang mga kaibigan ko tsaka si Pastora, gusto ko pa ring maramdaman ang pagmamahal nina Tita Cecilia dahil kapatid siya ng Nanay ko at pinsan ko si Celine. Mahalaga sila sa akin at gusto ko ring ituring nila ako na para na nilang pamilya.
Gusto ko ring mahalin nila ako.
Nakita kong lumabas si Andrew sa banyo habang inaayos ko ang mga gagamitin ko para sa pagba-bake. Nakita niya rin ako at agad siyang lumapit. Ang nakasanayan ko nang ngisi na nasa kanyang labi tuwing nakikita niya ako ay muli ko na namang nakita.
"Magba-bake ka ulit?" tanong niya nang nakalapit.
"Oo," sagot ko at nagpatuloy sa ginagawa.
"Kung ganon ngayon palang magpapa reserve na ako. Isang box ng cupcakes," anya.
Nanlaki ang mga mata ko at agad natuwa sa sinabi niya. "Talaga?"
"Yup. Hinahanap ng Lola ko ang cupcakes mo simula nang ipatikim ko sa kanya."
"Sige! Dadalhin ko sainyo mamaya," nakangiti kong sinabi.
Tumango siya at ngumisi. Kinurot niya ang pisngi ko. "Mauna na ako."
Tumango ako at muling ngumiti sa kanya. Kumaway ako. Nang naka alis siya ay hindi na matanggal pa ang ngiti sa aking labi. Ang laking tulong talaga ng mga kaibigan ko. Sobrang nagpapasalamat ako! Lahat sila gustong bumili!
"Naku! Maraming salamat talaga. Malaking tulong ito para sa simbahan..." narinig ko si Pastora sa likod.
May ngiti pa sa labi ko nang nilingon ko siya. Pero unting unti ring nawala iyon nang ang seryosong mga mata ni Benjamin ang nasalubong ko. Nandoon rin ang kanyang mga magulang na siyang kausap ni Pastora.
Napakurap kurap ako.
"Walang anuman. Masaya kaming makatulong sainyo at simula ngayon dito na rin kami magsisimba. Nagustuhan rito ng anak ko..." ang ina ni Benjamin at tumingin sa kanyang anak habang may ngiti sa labi.
Binalik ko ang aking paningin sa ginagawa nang nagtagal ang titig ni Benjamin sa akin. Napalunok ako. Ano kaya ang binigay na tulong ng pamilya niya? Sigurado akong malaki iyon dahil mayaman sila at sobra sobra ang pasasalamat ni Pastora.
Muli akong tumingin sa aking likod at nakitang kausap na ni Pastora si Benjamin. Bahagyang ngumiti si Benjamin kay Pastora habang hindi ko na naririnig ang mga pinag uusapan nila dahil bahagya na silang lumayo.
Naalala ko na naman ang kahiya hiyang nagawa ko kanina. Napatingin ako sa t-shirt ni Benjamin na kulay grey. Hanggang ngayon guilty pa rin ako sa nangyari pero nagsorry na ako kaya ayos naman na siguro iyon, diba?
Lumipat ang mga mata ni Benjamin sa akin. Mabilis kong binalik sa ginagawa ang mga mata ko. Pumikit ako ng mariin at pinagalitan ang sarili sa isip isip. Anong ginagawa mo, Sha sha? Dadagdagan mo na naman ang kahihiyan mo!
Matagal na nag usap usap sina Pastora at ang pamilya na iyon. Nilalabas ko na ang mga cupcakes na ginawa ko sa oven nang nasulyapan ko ang paglapit ni Benjamin sa gawi ko.
Nataranta agad ako. At dahil sa taranta ay hindi ko na nakita ang maliit na bato sa paanan ko. Naapakan ko iyon at saktong malapit na si Benjamin! Nabitawan ko ang cupcakes at kitang kita ko kung paano niya ako sinubukang saluhin kahit pa palapit na ang cupcakes sa kanyang mukha!
Napapikit ako. Nahawakan niya ako sa aking braso at baywang kaya hindi ako tuluyang bumagsak ngunit ang cupcakes ay nagkalat sa kanyang mukha! May icing na iyon kaya mas lalo lang lumala!
Nanlaki ang mga mata ko. Agad dumalo sina Pastora at ang mga magulang ni Benjamin nang nakita ang nangyari. Tumayo ako nang maayos habang hawak pa rin ni Benjamin.
"P-Pasensya na!" natataranta kong sinabi.
"Son!" nanlaki rin ang mga mata ng kanyang ina nang nakita ang mukha niya na punong puno ng icing!
"S-Sorry po! Hindi ko po sinasadya!" sabi ko.
"Oh my! Is there a tissue here? O kahit anong pamunas?" ang kanyang ina.
"K-Kukuha po ako!" sabi ko at nagmamadaling pumunta sa lamesa kung nasaan ang damit na sigurado akong malinis naman.
Pinupunasan na ni Benjamin ang mukha niya gamit ang kanyang kamay. Nagtungo ako sa kanya at sa nanginginig na kamay, inangat ang damit para sa kanya.
"H-Heto..."
Tinignan niya ako bago kinuha ang damit. Nagpunas siya ng kanyang mukha.
"Are you okay, son? Mainit ba ang cupcakes na iyon?" baling ng kanyang ina sa akin.
"O-Opo," sagot ko. "Sorry po talaga. Hindi ko po... sinasadya..."
Guiltyng guilty at takot na takot ako. Nakakadalawa na ako ngayong araw at bago palang sila rito! Baka ayawan nila ang simbahan namin at malulungkot panigurado si Pastora roon. O baka iatras pa ang tulong na ibibigay nila nang dahil lang sa akin! Ano nang gagawin ko nito?
"P-Pasensya na po. Natalisod lang po ako sa bato na nandito at hindi ko po sinasadya. Pasensya na po talaga. Sorry po..." sunod sunod kong sinabi at tumingin kay Benjamin na tapos nang magpunas pero may kaunti pa ring icing sa mukha.
Kinagat ko ang labi ko habang tinititigan ang mariin niyang titig sa akin. Iritado na siya kanina kaya sigurado akong mas iritado na siya sa akin ngayon! Napayuko ako nang hindi na natagalan ang nakakatakot niyang titig.
"Hija, it's alright. Sa susunod mag iingat ka nalang..." ang ina ni Benjamin.
Nag angat agad ako ng tingin. "S-Salamat po. Pasensya na po ulit..."
Tumingin ako kay Benjamin.
"Pasensya na..."
Naalala ko ang pagsalo niya sa akin kanina kahit pa alam niyang mapupunta sa kanyang mukha ang mga cupcakes. Mas inuna niya pang saluhin ako kesa sa intindihin ang mangyayari sa kanya.
"A-At salamat rin sa... pagsalo sa akin..." sa maliit na boses kong sinabi.
"It's alright," malamig niyang sinabi at nagpaalam kay Pastora. Nauna na siyang umalis.
Kinagat ko ang labi ko at napayuko. Pumikit ako at inisip na siguro mag ba-back out na sila sa gusto nilang ibigay na tulong sa amin. Sigurado akong malulungkot si Pastora. At sigurado akong magtatampo siya sa akin.
"M-Ma'am..." kahit nahihiya ay nagsalita ako.
Napatingin sa akin ang mag asawa at si Pastora. Lumunok ako at nagdesisyon nang baliwalain ang hiyang nararamdaman.
"Pasensya na po talaga sa nangyari. Hindi ko po sinasadya. Sana po hindi kayo umatras sa tulong na gusto niyong ibigay sa amin, kailangan na kailangan po ng simbahan ang tulong ninyo. Please po... pasensya na po talaga..."
"Sha sha..." lumapit sa akin si Pastora.
"Sana po wag kayong magalit. Kung gusto niyo po ako nalang ang aalis..." hindi ko natuloy.
"Sha sha! Ano ka ba..." si Pastora at hinawakan ang braso ko. Hinagod niya ang aking likod. "Hindi ka aalis rito, naiintindihan mo ba iyon?"
"P-Pero..."
"Hija..." pinutol ako ng ina ni Benjamin. "Hindi kami umaatras sa tulong na ibibigay namin sa simbahan. At isa pa, ang anak ko ang nagpresintang tumulong at sigurado akong hindi siya aatras rito..."
Ano? Ang anak niya ang gustong magbigay ng tulong? Si Benjamin? Edi mas lalong may posibilidad na umatras siya dahil dalawang beses ko na siyang nagawan ng kasalanan! Paano na ito?
Ngumiti si Ma'am. "Don't worry, hija. My son will not back down from helping the church. Besides, nagsorry ka naman na kaya alam kong ayos na iyon sa kanya."
Oh! Bahagya akong nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Umalis sila pagkatapos noon at muli akong humingi ng tawad. Naupo ako sa harap ng lamesa nang nanghihina at sobrang nagi-guilty.
"Sha sha..." naupo sa harapan ko si Pastora.
Nag angat ako ng tingin. Ngumiti siya.
"Wag ka nang mag alala roon. Mabait si Benj at hindi siya aatras sa pagtulong niya sa simbahan..."
"Nag alala lang po ako. Inisip ko po na malulungkot kayo kapag umatras sila nang dahil lang sa akin. Pasensya na po sa nangyari, Pastora..."
"Ano ka ba. Ayos lang iyon, hija. Tsaka kung umatras man sila, oo malulungkot ako pero ayos lang. Maayos pa naman ang simbahan natin at marami pa ang siguradong tutulong sa atin..."
Napangiti ako sa sinabi ni Pastora. Kahit papaano gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Nakahinga ako ng maluwag. Pero nang napatingin ako sa cupcakes kong natapon na ay muling nawala ang ngiti ko.
Kaunti nalang ang mabebenta ko nito panigurado. Pero ayos pa rin dahil may kaunti pa namang natira. Tumayo ako at nagpaalam na kay Pastora na ipagpapatuloy na ang ginagawa.
"Maayos pa ba iyan? Gusto mo bigyan kita ng pambili para--"
"Hindi na po, Pastora!" agad kong pigil. "Ayos na po ito. May maibebenta pa po ako rito..." sabay ngiti.
"Sigurado ka? Mukhang kaunti nalang iyan."
"Isang box nalang po pero ayos na ito. Nagpa reserve naman na po si Andrew ng isang box."
Hinayaan ako ni Pastora pagkatapos noon. Napangiti pa rin ako nang nakita ang isang box ng cupcakes. Bale 12 na cupcakes yung nasa isang box at 15 isa kaya 180 lahat.
Napabuntong hininga ako. Dapat 260 pero dahil natapon ang dose na cupcakes kanina, 180 nalang ang kikitain ko ngayon.
Hinatid ko kina Andrew ang cupcakes nang napalamig ko na. Nakangisi agad siya nang nakita ako. Malaki ang bahay nila at mayaman sila. Guwapo si Andrew pero kadalasan mapang asar siya at palaging nakangisi sa akin na para bang may masama palagi siyang balak. Pero mabait rin siya kaya mabilis ko lang ring nakasundo.
"Gusto mong pumasok muna?" anyaya niya.
Umiling ako. "Hindi na. Baka hinahanap na ako sa amin. Salamat rito!"
"Hatid na kita."
"Hindi na, Andrew. Sige na. Bye!" kumaway ako sa kanya.
Tumango siya at hinayaan nalang akong umalis. Palagi ay gusto niya akong hinahatid gamit ang kanyang kotse pero tumatanggi ako. Bukod kasi sa pagchichismisan ako sa amin, gusto ko ring maglakad lakad. Ayokong sumasakay kapag umuuwi ako sa amin. Gastos lang iyon at malapit lang naman ang amin kaya bakit sasakay pa.
"Eto lang?!"
Napayuko agad ako nang sabihin iyon ni Tita Cecilia.
"N-Natapon po kasi ang ibang cupcakes kaya--"
"Ano ba naman yan! Anong gagawin ko rito? Eh, ang laki laki ng tubig at ilaw natin! Akala mo ba kumikita ako ng malaki sa pagsusugal? Huh!?"
"G-Gagawan ko po ng paraan. Magba-bake po ulit ako bukas at--"
"Dapat lang! Pinapatira kita rito ng maayos kaya dapat lang na magbayad ka! Alis nga dyan!"
Tumabi agad ako sa dadaanan niya. Muntik pa akong mawalan ng balanse nang bungguin niya ako gamit ang kanyang kamay. Ngumisi si Celine na nasa sala habang nanonood ng tv. May kinakain pa siyang chips at mukhang sarap na sarap sa kanyang higa.
"Bakit kasi hindi mo nalang ilabas ang pera na iniipon mo nang makatulong ka na rito sa bahay. Ipon ipon pa..." umirap siya.
"Balak ko kasing magpatayo ng sariling shop, Celine, kaya nag iipon ako--"
"Sus! Walang kwenta yan! Hindi ka kikita dyan sa maliit na trabaho mong yan!" umiling siya.
Bumuntong hininga ako at hindi na nagsalita. Nagtungo na lamang ako sa kusina para maghugas ng pinggan at pagkatapos noon ay maglalaba na ako ng mga damit namin.
Pangako, bukas mag iingat na ako. Para malaki na ang kitain ko at para na rin hindi na magalit si Tita Cecilia sa akin.

Komentar Buku (91)

  • avatar
    Fontelara Alvin

    okey

    4d

      0
  • avatar
    Annalou Soliba Limosnero

    excellent

    20d

      0
  • avatar
    MI KE

    nakakaiyak

    16/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru