logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

KIT'S P.O.V
We ate lunch with his group. Iyon na yata ang pinakamatagal na oras sa pakiramdam ko.
Nagyon ay hila- hila niya ako at hindi ko alam kung saan ang tungo namin. Inabangan niya ngang talaga ako kinahapunan. Huminto kami sa parking lot at sumakay sa kanyang kotse.
"Uhm. Saan tayo pupunta?" I carefully asked.
Tahimik na pinakiramdaman ko siya.  Hindi siya umimik kaya nanahimik na ako. Pasulyap sulyap ako sa dinaraanan at sa kanya. Umalon ang lagukan nito at bahagyang bumaling sa akin kaya wala sa oras na napatingin ako sa kalsada. Nahuli niya ako! Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. Hindi naman ito umimik at patuloy lang sa pagmamaneho. Namumuti ang kamay niyang nakahawak ng mahigpit sa manibela. Hindi ko na lang pinansin at nanahimik sa kinauupuan.
Huminto ang sasakyan sa isang restaurant. Lumabas siya kaya napasunod ako. Gulat ako ng kinabig nito ang baywang ko marahang hinila papasok sa loob.
Formal ang suot ng mga tao sa loob. Napatingin ako sa suot ko. Pareha lang naman kaming naka uniform kaya napatingin ang iba sa amin.
Nag order naman siya ng pagkain mula sa menu.
"How about your drinks sir?" napakunot ang noo ko sa matinis na boses ng waitress. Umorder lang siya ng lemonade para sakin at wine sa kanya.
Umalis ang waitress kaya hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Pano ba kasi ay nakatitig nanaman siya. Isa pang dahilan ay nagtataka ako kung bakit sa kalagitnaan ng lunch ay dinala niya ako rito. Ito ang ayaw ko sa lahat, some time he is playful and sometimes serious.
"Bakit tayo nandito?" lakas loob kong sinalubong ang kanyang titig.
Hindi nanaman siya sumagot, umiwas ito ng tingin at inilibot ang mata sa paligid, tila ay may hinahanap ang kanyang mata. Sinundan ko ang tinititigan niya at huminto iyon sa isang lalaki.
Kumabog ng malakas ang puso ko. Pamilyar ang kanyang itsura. Kahit pa medyo tumanda ang itsura niya ay hindi ako pwedeng magkamali. Si papa iyon!
Hindi ko alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang lapitan, ngunit may pangamba sa aking dibdib.
Paano kung hindi niya ako makilala o maalala?
Nakita kong masaya ang kanyang itsura saka lumingon sa kanyang likuran. Tila nabagsakan ng malaking bato ang aking dibdib ng makita ang isang babae na sa tantiya ko ay ka edad ni mama.
Napakaganda niya, maamo ang kanyang mukha at may ngiti sa labi. Sa gilid niya ay nakatayo ang lalaki na sa tingin ko ay nasa dalawampu ang edad, mas matanda sa akin. Seryoso rin ang mukha nito, kamukang kamuka niya.
Napalunok akong pinagmasdan silang naupo sa di kalayuan sa amin. Ang saya nilang tingnan. Parang lahat ng balak ko kaninang lapitan siya ay biglang nawala.
"You okay?" nagulat ako sa tanong ng kaharap ko. Saka napatingin sa kamay niyang nakapatong sa akin. Tumingin ako sa mata niya at parang biglang natauhan ito at inalis ang kamay. T-talaga bang kinakamusta niya ako?
"K-kinakamusta mo ako?" lumunok ako dahil nananakit ang lalamunan ko.
Pasimple akong tumingin sa kanila. Umorder ang babae habang nakikipag usap naman siya sa lalaking katabi.
Anak kaya nila iyon?
Pero imposible dapat ay mas matanda ako sa kanya! Ngunit kawangis na kawangis niya iyon. Mula sa malamlam na mata hanggang sa hugis ng mukha.
Naramdaman kong may nagpunas sa aking mukha. Tulala akong pinagmasdan si Reevo na may hawak na tissue at ipinunas sa aking pisngi.
"R-reevo.." hinawakan ko ang kanyang kamay sa aking mukha at pinigilan iyon.
"Yvo. Call me Yvo." malamlam ang pagkatitig niya sa akin na parang nakikiramay, may kakaibang emosyon din akong nakita.  He bit his lower lip and muttered a curse.
Ako na ang unang nag-iwas ng tingin ng marinig ang pagmumura niya.
Hindi na ako nakasagot ng dumating ang mga order. Mapansin kong panay ang salin niya ng wine at panay ang inom niya nun. Nag aalala na rin ako at baka gabihin kami
"Reev- Yvo balik na tayo?" hindi siya sumagot at panay pa rin ang pag-inom niya. Parang may malaking problema itong dala-dala.
"May problema ka.?" hindi nanaman siya sumagot at tumingin sa kung saan. Sa pwesto ng pamilya malapit sa amin. Sa pwesto nila papa.
Mapupungay na rin ang kanyang titig. Sa wakas ay tumayo siya kaya tumayo na rin ako. Nag-iwan na lang siya ng pera sa lamesa at hinila ako palabas.
Sa huling beses ay sumulyap pa ako sa kanilang kinaroroonan. Bahagya niyang hinila ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. His lip was in a thin line while seriously staring at me.
My big brown eyee is kept on him while he was driving, tila lasing at may tama na siya. Huli na ng mapansing hindi pabalik sa eskwelahan ang tungo namin.
"Yvo, iba ang daan natin?"
Nakangiti siyang lumingon na siyang ikinakaba ko. Alam kong may mali sa klase ng ngiti niya.
"I wann'a sleep."  Sa isang magarang building kami huminto.
Pumasok siya sa elevator kaya napahinto ako. Bakit nga ba ako nakasunod sa kanya?
Lumingon ito sa akin kaya wala sa sariling sumunod nanaman ako. Hinila niya ako palabas, humarap kami sa isang pinto. Saglit siyang nagtipa ng password doon saka pumasok sa loob.  Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako, nakita ko siyang sumalampak sa sofa at pumikit. Hindi niya isinara ang pinto kaya kitang kita ko siya.
Bumukas ang katabing pinto at nabungaran ko ang lalaking nanggulat sa akin sa eskwelahan na nagpakilalang Caleb. Nakakunot ang noo nitong nakatingin sa akin at sa pintuan kaya wala sa sariling pumasok ako sa loob at sinara ang pinto.
Bitbit ang bag ay lumapit ako kay Yvo at pinagmasdan siya. Gumagalaw galaw ito sa kinahihigaan dahil hindi siya magkasya doon. Nalaglag ang paa niya sa sahig na may suot pang sapatos.
Hindi na ako nakatiis na panoorin kaya dahan dahan kong tinanggal ang kanyang sapatos upang hindi siya magising, kumuha ako ng stool at idinugtong sa hangganan ng sopa at ipinatong doon ang kanyang paa. Nakagat ko ang aking labi at dahan dahang kinalas ang butones ng kanyang polo.
Nakaluhod ako sa gilid ng sopa para maabot siya dahil nakakailang naman kung tutunghay ako. Nakasando siya ng puti sa loob, ngunit kita ko ang kanyang mga muscles, kumpara sa iba ay maganda ang hugis ng katawan niya. Hindi masyadong maskulado  hindi din naman payat, katamtaman lang. Hawak ko ang huling butones ng magmulat siya ng mata.
Diretso ang kanyang tingin sa akin. Ang lakas ng pintig ng dibdib ko at pakiramdam ko ay nahuli ako sa isang kasalanan kaya naiilang na binitiwan ko ang kanyang polo.
"T-Tinatanggal ko lang ang polo-"
Hindi ako nakahuma ng dagli niyang hinigit ang batok ko kaya napahiga ako sa taas niya, sunod na naramdaman ko ay pagdikit ng aming mga labi. Natuod ako at naitukod ang kamay sa kanyang dibdib, bahagya niyang kinagat ang pang ibabang labi ko at hinigop iyon.
Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. Halos maduling ako kaya napapikit ako ng wala sa oras. Itinulak ko ang kanyang dibdib ngunit lalong humigpit ang kapit niya sa aking batok. My mouth open when he bit my lip, he took it as an advantage to enter my mouth.
Nauubusan na ako ng hangin sa ginagawa niya. Sinipsip niya ang aking dila. Nagdudulot iyon ng kung anong kiliti sa aking sistema. Nawawalan ako ng lakas sa kanyang ginagawa. Wala sa sariling ginaya ko ang galaw ng kanyang labi.
Nakakadarang at tila ba biglang uminit at nagsimula akong pagpawisan. Ramdam ko rin ang pagbilis ng kanyang hininga at pinagpawisan pang lalo. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng maramdaman nanlakbay ang kanyang kamay sa katawan ko. Sa isang iglap ay siya na ang nasa ibabaw.
Ang bilis ng tahip ng dibdib ko. I can see emotions in his eyes that I am afraid to name.

Komentar Buku (84)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    12/08

      0
  • avatar
    FulgencioHaidee

    ang ganda ng kuwento,it is all about forgiving and accepting.highly recommended❤❤❤👍👍👍

    06/04

      0
  • avatar
    Gregorio Alo

    👍👍👍❤️❤️❤️❤️

    13/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru