logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

KIT'S P.OV
Nangingiting inilagay ko sa tupperware ang binake kong cookies para kay Cane.
Isinilid ko iyon ng maayos sa bag pagkatapos ay napagpasyahan ng umalis. Wala na ang aking ina dahil nasa trabaho na ito ng mga ganitong oras.
Pagdating sa paaralan ay masigla kong binati pabalik ang gwardiya ng muli nanaman akong nitong batiin ng magandang umaga.
I will start my day beautiful!
Excited akong ibigay ang binake kong cookies kay Cane. Hindi ko alintana ang mga tingin sa akin sa hallway at corridors. Masaya ako ngayong araw.
Una dahil hindi ako napagalitan ni mama.
Pangalawa ay dahil magkakaroon ako ng kaibigan. Gusto kong maging kaibigan si Cane dahil siya ang unang taong kumausap sa akin.
Sana lang ay hindi ko makita sina Reevo ngayon...
"Goodmorning Kit!" ngumiti ako kay Cane saka siya binati rin pabalik.
"Goodmorning too Cane.." mahina kong bati sa kanya. Medyo naiilang parin ako na may kumakausap na sa akin ngayon.
"Ano ka ba huwag ka nang mahiya sa akin. Madaldal talaga ako sa mga taong gusto at kumportable ako."
Hindi ko mapigilang mangiti sa tinuran niya. I was hoping too and looking forward  about being Cane's friend.
"Mabait ka naman eh. At saka we are friends na!"
Masaya ako na tinuturing niya akong kaibigan. Napangiti ako ng malawak sa kanya.
"May ibibigay ako sayo mamayang lunch, sabay tayo ha?" alok ko sa kanya. Ngayon may kaibigan na ako pwede ko na siguro siyang yayain na sabay kaming kakain ng lunch sa canteen.
"Sure why not? Ano bang ibibigay mo?" may halong excitement ang boses niya at bahagya pang sinundot ang tagiliran ko. Masayang kausap si Cane. Sa una lang siya tahimik pero kapag nakuha mo ang loob niya ay dumadaldal siya.
Napatawa ako sa kiliti at pinigilan ang kamay nito."Secret. Mamayang lunch ibibigay ko sayo."
Natigil lang kami sa kulitan ng dumating ang guro at nagturo.
Natapos ang subjects ng pang umaga at dumeretso kami ng canteen, halos punuan pa. Pagkatapos umorder ay saka kami umupo saay bandang dulo.
"Mabuti at hindi ka ginulo nila Reevo ngayon ano?" sa kalagitnaan ng pagkain ay tanong  niya.
"Oo nga eh, sana magtuloy tuloy na."  I hopefully said.
"Ang balita ko ay ikaw daw ang dahilan kung bakit siya nahatulan ng suspension?"
Tuwing naaalala ko ang magyari ay hindi ko maiwasang magsisi. Kung sana ay hindi ko na lang siya isinuplong, hindi ko sana aaabutin ito.
Nagbaba ako ng tingin sa pagkain.
"K-kit ayos lang kung ayaw mo ikwento, huwag mo nang isipin iyon. Ayos ka lang? Nangangamba ang boses nito at nagsisisi.
Ngumiti ako sa kanya."Ayos lang ako.Wag kang mag alala, saka ayos lang kung magtanong ka, diba nga magkaibigan na tayo."
Ngumiti ito at tumango tango."Speaking of friend, asan na yung sabi mong ibibigay mo? Sa sinabi niya ay hinagilap ko ang bag ko ngunit ng maalalang inilabas ko ito sa aking bag sa classroom ay nawala ang ngiti ko sa labi at nahihiyang tumingin sa kanya.
"N-naiwan ko sa room, teka kukunin ko." tutal tapos naman na akong kumain. Tumayo ako at akmang aalis ng pigilan ako nito.
"Teka! Teka! Huwag na, pagbalik na lang mamaya. Ito naman hindi naman ako nagmamadali eh" nangamot pa ito sa ulo.
"Hindi pwede, cookies iyon kapag hindi mo kinain ngayon ay masisira na."
"Samahan na kita, kung ganon"
"Di ka pa tapos kumain, ako na lang malayo pa naman ang time. Hintayin mo na lang ako dito." wala na siyang nagawa kundi sumang ayon sa akin.
Tinahak ko ang hallway pabalik sa room. Pagdating ay nakita ko ang isang paper bag. Napangiti ako ng malamang bukas ang pinto. Dali dali ko itong kinuha at pumihit papunta sa pinto.
Nawala ang ngiti ko ng mabungaran ang seryosong mukha niya sa labas na tila ba ay may hinihintay. Umayos siya ng tayo ng makita ako. Bumaba ang tingin niya sa hawak ko kaya inilagay ko iyon sa likod ko bahagyang nagdikit ang kanyang kilay sa ginawa ko.
"What's that?"
"C-cookies. . "
Tumingin ako sa paligid at kinabahan ng makitang walang tao. My heart beats fast, parang tinatambol iyon. Alam kong galit siya sa akin dahil sa nangyari at kapag galit siya ay nananakit siya.
Ilang beses ko na bang nabalitaan na may binugbog siyang kaaway niya dito? At sa lahat ng kaaway niya, ako lang ang babae.
I guess he can't hit a girl that's why sa mga ganitong paraan niya na lang ako pinapahirapan. I wish I am a man para isang bugbugan lang kagaya noong mga nagdaang kaaway niya.
Natatakot ako sa maaari niyang gawin ngayong kaming dalawa lang ang narito. Sure, I didn't experience being punch by him yet will I still wait for it?
Sa pagkakatanda ko ay puro panunulak at panghahawak ng mahigpit ang ginagawa niya.
Sa laki niya ay siguradong isang suntok lang sa akin ay sapat na.
Kitang kita ko kung paano namuo ang ngisi sa kanyang labi ng makita ang aking ekspresyon.
"Give me that." nakalahad ang kamay nito sa akin.
"Hindi pwede. Para kay Cane i-ito." nangunot ang noo nito at masamang tumitig sa akin.
Humakbang siya palapit sa akin.
"I don't care." wala akong nagawa ng hinila niya iyon mula sa kamay ko.
"B-bakit mo ba ako ginaganito." nanginginig ang labi kong tanong sa kanya. Napaka childish naman ata niya masyado.
Naningkit ang kanyang mga mata. " You owe me remember?"
"Pero sumosobra ka naman na ata masyado." I don't want to cry infront of him and look weak even more.
But containing my emotion in a bottle of jar made me more frustrated. Minsan parang ayaw ko na ding pumasok ng school but I had dreams that I wan't to achieve.
Lilipas din to, magsasawa din siya but waiting for that to happen seems impossible. Minsan napapaisip ako kung saan niya hinugot ang sama ng loob niya sa akin.
I mean I understand I am the reason why he was suspended but he is at fault too!
"That... is my own reason to keep." humugot ito ng malalim na hininga at muli nanamang ngumisi.
No matter how hard I suppresed my bottled up emotion ay hindi ko pa rin napigilan. Nag- init ang mata ko at nanginig ang labi sa pagpigil ng pag-iyak. Nagbaba ako ng tingin. I can't look at him in the eye. Mas nasasaktan ako kapag nakatingin sa kanyang mata.
One thing is for sure he is a childish egoistic and insecure man. Hindi niya matanggap ang pagkakamali niya at ibunubunton niya iyon sa iba.
"Ang sama sama mo. . ." puno ng pagdaramdam ang tinig ko. I hate him.
Natigilan ito sa aking sinabi at tumalim muli ang kanyang paningin. Maya maya pa ay ngumisi ito sa akin ng parang baliw.
"Watch me." Nanlaki ang aking mga mata ng ibagsak niya sa sahig ang bag ng cookies, kumalat iyon sa sahig. Tila hindi pa ito nakuntento at dahan dahang dinurog isa isa ang mga nagkalat na cookies.
Tulala na pinanood ko lamang ito sa kanyang ginagawa.
Ang sama niya!
Pero dapat kong ipakita sa kanya na hindi niya dapat ako ginaganito lang. Dapat ay lumaban ako! Pinunasan ko ang luha at masamang tumingin sa kanya.
"I'm just starting Kitarni." humakbang ito palapit sa akin.
I glared at him.
"Sige, Ipakita mo sa lahat kung gaano ka kasama! You're just a childish, egoistic insecure man! " Buong lakas kong isinigaw iyon sa pagmumukha niya bago pumihit ng takbo. Nakita ko pa ang pag alab ng tingin niya sa akin.

Komentar Buku (84)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    12/08

      0
  • avatar
    FulgencioHaidee

    ang ganda ng kuwento,it is all about forgiving and accepting.highly recommended❤❤❤👍👍👍

    06/04

      0
  • avatar
    Gregorio Alo

    👍👍👍❤️❤️❤️❤️

    13/11

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru