logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 2 Una

Maraming bagay ang nangyari simula nong umalis ako ng bansa at pumunta ng Canada.
Many opportunities unlock, simula nong dumating ako. Marami. Naging modelo ako, endorser at nakapagtapos nadin ako ng pag-aaral dito.
Thanks to dad, I'm just 18 back then, nong tinawagan niya ako, at sabihing kailangan ko ng mag-aral kong paano magpatagpo ng isang kompanya.
Nong una, tumanggi ako. Syempre paano mo, ihahandle ang isang sikat na kompanya, na matagal ng namamayagpag sa industriyang ito.
Montaverde Empire
We Own the high class luxury hotel, Resort, Restaurant, at marami pa.
Sabi niya kasi "Anak, ikaw na magpapatakbo nito sa mga susunod na taon." mahinahon pa yan nong sinabi niya, kaya lang nabigla ako. "Huh?! Hindi pa pwede. Diko pa kaya" tarantang sagot ko. Kaya lang, napahiya ako kasi naman. Mali pala ako ng iniisip, tuturuan pa pala ako, magpatakbo bago sakin ipahandle. And hindi naman ako nag over acting duh. Excuce me!
I'm just thinking the consequences if I accept the position as C. E. O immediately. Imbis na, tanggapin yun, ang sabi ko ay mas maganda atta kong panonoorin ko muna ang bawat galaw ng isang mas nakakataas.
Pumayag naman siya, kapag nakabalik na kami dito sa Pilipinas, at ngayong ngang nakabalik na kami. That is the freaking topic we discussing now.
>>_<<
"So, Gusto mong matuto, base lang sa panonood? " nagtatakang tanong ni Dad, sakin. I just smiled, and nod at him.
"Okay. Bibigyan kita ng posisyon, pero bilang isang secretary. Kaya lang hindi sa akin, kasi I have my own secretary na." masaya na sana ako, kaya lang. Bakit hindi pa mismo kay Dad.
"Kanino?" nagtatakang tanong ko.
"Siya, sa kanya ka magtratrabaho" sabay turo ni Dad sa lalaking kaka pasok pa lang.
At doon na ako, nagulat. Literal! Kasi naman. Ung taong halos taon munang kinalimutan, biglang babalik, at sa kanya pa talaga ako mag-uumpisa para matuto magpatakbo ng kompanya
"Ay bakit siya?" tinuro ko yung lalaking kaka pasok lang, sabay masamang tinignan Si Dad.
"At bakit hindi? May pinagsamahan naman kayo?" Literal na nanlaki ang mata ko, nang banggitin niya ang salitang pinagsamahan. wala naman akong paki-alam sana, ang akin lang. Bakit siya? Alam niya naman yung nangyari eh? Bakit siya pa?. Parang tanga naman ito. Opps, bad.
Wala na. Tang*na talaga. Bakit naman sa kanya pa, pwede naman sa iba na lang.
"Dad!! Wala bang ibang tao dyan? Katulad ng VP, o kaya naman Substitute Secretary ng Secretary mo Dad, if ever wala siya. Dad! naman" at kahit pa siguro, maglupasay pa ako mismo sa harap niya ay wala siyang magiging paki-alam.
Sinamaan ko naman ng tingin, yung lalaking nakatingin sa amin ngayon. This guy is getting to my nerves. Tela natauhan naman siya, at nginitian ako.
"Oh my bad. Wait let me introduce my self first, para maging formal naman" nakangiti niyang sabi. Inirapan ko lang siya.
Opss. Wala ng hard feelings, tanda ko yun. Pero sabi ko noon, mabilis akong magpatawad, pero matagal ako makalimot.
And worst, hindi pa ako naka move-on. Tang*na.
"I'm Kyle Oliver Fuentes. " ngiti niyang pagkilala, at sabay lahad ng kamay sakin.
Masama man ang loob kong tanggapin yun, pero wala eh, nasa harapan kami mismo ni Dad.
Be good girl self. Pakita mong di kanna affected.
"It's nice to meet you Mr. Fuentes. I'm Phoerose Montaverde" pekeng ngiti ang ginawa ko, at tinanggap ko naman ang kamay niyang kanina pa nakalahad.
Well, that's me. Hindi naman ako manhid, para hindi makaramdam ng sakit noon, kahit sabihin pa nating halos taon na ang lumipas.
Hindi ko na nga din, matandaan kong ilang taon na nga ba ang lumipas.
Nang mapansin kong hindi niya padin tinatanggal ang kamay niya sa pagkaka hawak ay ako mismo na ang kumalas doon.
"Good start for the both of you. Inaasahan kong sana ay magtuloy-tuloy yan. And before I forgot anak, he's the vice president by the way" what the! nakangiting sabi ni Dad. Wala naman akong maisagot kaya ngumiti na lang din ako. Kaysa naman makipag-away pa ako diba, ngingitian mo na lang, keysa naman masapak ko pa.
Maya-maya ay biglang tumunog ang cellphone ko, dahilan para tumingin ang dalawang taong kasama ko ngayon sakin.
"Sorry, kailangan kong sagutin ang tawag na ito" paalam ko sa kanilang dalawa, lumayo lang ako ng kaunti, at pumunta lang sa may bintana.
Inis kong tinignan ang caller, and to my surprise si Tamara lang pala.
"Anong kailangan mo?" walang gana kong tanong sa kabilang linya.
"Bakit di mo sinabi na nakauwi kana pala!" nagtatampo niya kunyari ng sabi, napatawa na lang ako ng mahina dahil kahit, buntis na ang Gaga, ay isip bata padin. Mas grumabe lang atta.
"Kumusta ang paglilihi?" natatawa kong tanong. Marami talagang nagbago, nong araw na yun.
Naging maayos ang relasyon nilang mag-asawa, naging maayos. At ngayon, buntis na siya sa una nilang anak.
"OH! SHIT!. ang hirap eexplain ng sa tawag lang. Kung gusto mo magkita na lang tayo, sa pinakamalapit na Mall dyan?" suhestiyon niya.
"K" as usual na sagot ko, kapag wala na talga akong masagot, ganyan na.
Pinatay ko ang tawag at agad yung linagay sa dala dala kong shoulder bag.
Naglakad na ako ulit pabalik kela Dad, at Kyle.
Shitt. That name.
Lumapit ako kay Dad, at bumeso. Kapag ganyan na galawan ko, alam niya na kong anong gagawin ko.
"Where are you going? Dapat nagsisimula kanna sa trabaho mo. Since, ito na magiging first day mo." sabi niya, habang nakakunot na noo ang sa akin.
Nginitian ko lang siya, at tsaka ako nagpaawa.
Ngumuso ako, at tsaka siya ulit hinarap.
"Dad naman, promise last na ito. Please Dad, pagkatapos nito, magiging full-time na ako sa pagiging secretary ng ku---este ng VP natin." sabi ko, habang ginagamit ang tono ko, kapag gusto ko nagpaawa, o humingi ng bagay na gusto ko kay Dad.
"Alright. Alright. Pwede kanna pumunta!" I'm not spoiled. Actually, pinaghihirapan ko ang ang mga bagay na gusto ko, hindi nga lang ganun kahirap, pero atleast kahit papano, hindi ko, pinipilit yung gusto ko. Kahit papano, alam kong humanap nang paraan para sakin.
****
Gaya nga ng napag-usapan namin ni Tamara, nagkita kami sa isang Mall, malapit sa kompanya namin.
Ayyt. Para akong naguiguilty, kasi siya yung buntis pero siya pa yung bumiyahe ng malayo.
Kaya kanina niya pa ako pinagtritripan dito, pinaglilihian atta ako. Ang clingy.
"Bes, wag kang lalayo!"
"Bes, dito ka lang!"
"Sukatin mo ito oh"
"Ay ang ganda non"
Nakalimutan na atta ang dahilan kong bakit kami magkikita ngayon.
Kanina pa yan. Wala na attang kapaguran Sa pagsasalita. Kanina pa siya, feeling ko tuloy pumunta lang ako dito, para gawin niyang manikin.
Ohhh myyy godd. Kanina niya pa ako ayaw paalisin sa tabi niya. Kanina niya padin ako binibigyan ng mga damit na susukatin ko daw.
"Saglit nga, saglit nga!" pigil ko sa kanya. Habang pilit hinahawakan ang mga damit, na kanina niya pa, binibigay sakin.
Hindi ko na nga, halos mahawakan sa sobrang dami. Kanina pa kasi ako inaabutan.
"Ang dami na nang hawak ko Tamara. Tignan mo naman, halos gawin mo na akong taga-bitbit dito oh. How can I buy my own, if I was holding your things.!" asik ko kaniya. Ngumuso lang siya, pero kita ko naman ang bigla niyang pagkuha ng cellphone, at nagpipindot doon ng kung ano-ano.
Maya-maya ay may mga naka-men in black ng dumating, at lumapit sa kinaroroonan namin.
Ayy nakalimutan ko, mayaman at kilalang tao pala ang asawa niya, ayt. Sinamaan ko ng tingin si Tamara nang may napagtanto ako, King-ina. May mga body guard pala siya, pero ako pinagbitbit niya.
"May body guard ka pala, pero sa akin mo pinahawak lahat ng pinabili mo. Kakainis ka!" inis kong sabi sa kanya, habang padabog na binibigay ang mga damit at bag, sa body guard niya.
"GAGA, masusukat ba nila, yung mga damit na yun. Malamang, sayo ko ibibigay, ikaw magsusukat, hindi naman sila!" aniya. Lakas pa ng boses?!.Nanahimik na lang ako, sa bagay kasi may point siya.
Pahiya ako don. Tae*na.
Hindi na lang kami nagsalita buong oras ng pamimili. Naka shopping din ako ng iilan, pero mas marami ang kaniya.
Mabuti na lang at naisipan ng Gaga, na pumunta muna kami kumain sa pinakamalapit na korean restaurant.
Taena, naglilihi atta sa korean food. Halata eh.
Ang dami eh, sobra.
"Pinaglilihian mo?" takang tanong ko, dahil parang halos lahat ng dish na nasa menu ay inorder niya.
"Hindi, trip ko lang" walang ganang sagut niya.
"Tangina. Ayos yang trip mo, pag-patuloy mo yan.!" sambit ko, sabay ngisi sa kanya.
Umismid lang ang King-ina, at sarap na sarap sa kinakain niya.
"Ang baboy mo kumain!" sita ko, pero parang wala siyang narinig, kasi tuloy tuloy lang siya sa pagsubo.
"Wag mo nga akong paki-alaman sa paglamon ko, kwento mo na lang sakin kung anong nangyari kanina bago kita tawagan! HAHAHA, halatang naiinis ka kanina nong tawagan kita eh!" natatawang sabi niya. Habang sumusubo ng sushi.
"Iniiba mo yung usapan eh. Sabi ko, kakamustahin ko pagbubuntis mo, pero ako naman yung ginaganyan mo!" nang maalala ko na ulit kong bakit nga pala kami pumunta dito.
Tsk! Inirapan lang nanaman ako, wala naman akong magawa kundi sagutin ang tanong niya kanina. Kaysa naman, manahimik, at sinasarili ko lang yung pagka-inis ko.
Inis ko namang linapag ang kinakain ko, saka ako tumingin sa kanya, ng may naiirita na mukha.
"Tsk! Tangina talaga. Dapat pala, hindi na ako umuwi. Magiging sekretarya lang naman kasi ako ng ex ko. Ang ganda! Grabe!" sabi ko.
Kumunot naman ang noo ko, dahil tinaasan niya ako ng kilay. Siguro ang nasa isip nang babaeng ito, nagbibiro ako. Porket alam niyang hindi pa ako naka move-on.
"Totoo nga! Bakit ba! Parang hindi ka naniniwala!" asik ko, habang tinuturo siya ng chopstick
"As in si Kyle Oliver Fuentes. Yung ex mong iniwan ko noon kasi hindi kanna daw mahal." talagang dinitalye pa, pwede namang sabihin na "Yung ano nga? Diba! Siya!" pwede namang ganyan lang, talagang sinabi pa buong pangalan.
Hindi na ba siya naawa sakin, halos dalawang beses ko na naririnig ang pangalan na yan ah, yung totoo, lang. Nananadya ba sila. Kasi kong Oo, King ina. Patayin niyo na lang ako, kesa naman, makita ko siya araw-araw sa trabaho.
"Bakit ba? Kailangan pang banggitin ang pangalan na yan? Required ba yan, para makilala mo talaga yung taong yun! Pwede namang kahit wag na! Kasi sabihan mo lang akong "Yung taong iniwan ko noon kasi hindi kanna daw mahal!"pwede naman yun!" Naiinis kong sagot ko sa kanya, habang ang gaga, ay yun lang. Medyo natatawa.
"HAHAHAHAHA. Nakalimutan ko, hindi ka nga pa pala naka move-on. Hanggang ngayon pala eh, mahal mo padin ex mo!" natatawa niyang sambit. Inirapan ko siya.
"You shut up, don't you dare say that name again." gamit ang pinaka-nakakatakot kong tono kapag nagbabanta.
PERO ang gaga, ay parang walang narinig, at nakuha pa akong irapan. Kaya naman inis akong kumain, kahit nawalan na ako nang gana.
Sayang naman kasi yung grasya diba. Bawal tanggihan. Kahit yung isa dyan, mahilig manira ng araw.
*****
Sa wakas. Naka-uwi na ako. Nakauwi na rin sa wakas. Kung hindi ko lang talaga inaalala yung buntis na yun, kanina pa ako umalis at iniwan siya.
Kaya lang kasi hindi na tulad nang dati kasi na pwede ko siyang ewan kong asang lugar man kami, iba na kasi ngayon. Hindi na siya pwedeng ewan kong saan-saan lang kasi nga buntis ang Gaga.
Kahit papano marunong ako mag-alala.
Nang makapasok na ako sa bahay, ay wala akong naabutan sa sala, kasi malamang sa malamang, wala pa sila.
Alas-sais palang naman kasi, akalain mo yun, hinapon na kami sa Mall. Wala man lang nakapansin sa oras.
Ayyt. Wala naman akong gagawin dito sa sala, kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko para maglinis na ng katawan.
At tumambay narin. Nang matapos na akong maglinis, naisipan kong magbukas na lang ng social media account ko. Total, wala naman akong magawa ngayon. And bukas pa ako magiistart na magtratrabaho.
Nag-iiscroll lang ako sa Facebook ng biglang may nagnotif, isang taong matagal ko ng blinock, pero dahil magaling ang king-inang kumuha ng pamalit--este gumawa ng pamalit sa dati niyang acc.
*Ting*

Ayttt may Facebook pala siya. Nakakagulat naman ang biglaan niyang pagnonotif. Tsk!
*Ting*

Oh pati Ig
Tsk! Wala namang masama kong iistalk ko na lag din, beside siya naman unang nag ganyan.
Tsk! King ina. Siya na famous. Diko din, kasi alam na gumawa pala siya nang second accounts niya. Matapos kong iblock lahat ng acc niya sakin, kasi nga gusto kong makalimot.
-----------------------------------------
Facebook
Kyle Oliver Fuentes.
Yung profile niya sa fb ay nakacaption ng
"Before I met you I never knew what it was like, to look at someone and smile for no reason. 🌹" nama'y kasaling Rose ng emoji, pagkatapos ng caption.
Yung profile ay matagal ng naipost, at halos wala pang pinalit.
May halos 3M din siyang followers, dahil naging modelo din pala siya ng kilalang brand dito sa Pilipinas.
Bukod sa may itsura siya, at agaw pansin ang katawan niya, ay wala na akong makitang iba kung paano niya nakakuha ng ganyan karaming followers.
Ako nga, 1.2M lang eh. Sa fb.
Nang mabored ako sa fb, dahil halos wala namang naka post doon na marami. Puro tag lang, yung iba don, puro shared post pa.
Kaya naisip kong, iistalk na lang siya sa Ig, and to my surprise.
Dito siya nag popost ng mga achievements and tungkol sa mga adventure niya.
Bago din ito, puro second account. Hindi ko tuloy maiwasan na isipin kong ano ng nangyari sa first account niya.
---------------------------------------
Instagram.
its_kylefuentes
75                  3.5M                25
POST FOLLOWERS FOLLOWING
And may recent siyang post, naka-businesses suit siya, wait. Teka lang! Ito yung suot niya kanina aahhh.
At gaya ng emoji kanina sa fb na ginamit.
Ay ganun din ang nakalagay sa caption niya, ang pinag-kaiba nga lang nun sa fb, walang caption ang post niya sa Ig, tanging yung Rose lang.
🌹

Komentar Buku (128)

  • avatar
    Prin Cess

    So very sad this Story

    21d

      0
  • avatar
    Hanopol Joshua

    good

    27d

      0
  • avatar
    Chan Artie Mallari

    CODM

    26/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru