CIOS. All of my classes for today are done. I am now packing my things so that makakapunta na ako sa Adviser namin upang magreview para sa gaganaping Quiz Bee. Natigil lang ako sa pag-aayos nang lapitan ako ni Sho. Kunot ang noo, nagtataka. “Ano yun, Kyo? Mabait si Cola pero kasi nakakapanibago na pumayag ka agad.” Panimula niya. Lumapit narin si Red sa amin at takang tumingin kay Sho. “Hindi ah. Hindi ako pumayag agad, Sho. Tinanong ko muna siya diba? And she have her reasons naman.” I replied, at ipinagpatuloy ko ang pag-aayos ng aking mga gamit. “At yung mga naunang lumapit sa iyo ay wala, Cios?” Sho asked. Natahimik ako. Akma na akong sasagot nang tapikin ako ni Red sa balikat. “Ano ba yan, Sho? Napakakontrabida mo talaga!” Singhal niya kay Sho na nakangiti na. Ibinaling sa akin ni Red ang kaniyang tingin. “Wag mo isipin itong si Sho, Kyo. Magmodel ka for Cola’s portfolio, tama yang ginagawa mo bro.” Ngumiti ako sa kanila. Nagvibrate ang phone ko kaya dinukot ko ito sa aking bulsa. “Where are you, Montereal? Nandito na ako to review, ikaw nalang ang kulang.” “Shit!” And with that, I ran as fast as I can papunta sa room na pagr-review-han namin ng Adviser ko. ********** Day 1 of 14 CIOS. Padabog akong bumangon upang buksan ang pinto ng aking kwarto. Bumungad sa akin ang naka-pajamas pang si Camila. “Kuya, anong mas bagay? Mag-cheer kasi kami nina Cola sa VBT mamaya, hindi ako sure kung ano ang susuotin ko.” Naka-pout niyang sabi. “Why are you here ba? What do you need?” Kunot-noo kong tanong. Napapadyak siya at itinaas ang dalawang damit na hawak niya sa magkabilang kamay. “Make pili nga ng mabilis kasi baka ma-late ako.” Utos ni Camila. Tiningnan ko ng maayos ang dalawang damit na ipinapakita niya sa akin ngayon. Parehas lamang naman na T-shirt, bakit hirap na hirap siya? “Hindi ka na bata para magsuot niyang may Mickey Mouse na design, kaya iyang plain ang isuot mo. Wag kang magsuot ng shorts,” seryoso kong sabi saka isinara ang pinto at bumalik sa pagkakahiga. Magc-cheer sa Volleyball Team? Sino-sino ba ang naroon? Kinuha ko ang aking phone at chineck kung anong mayroon sa schedule ko. Magr-review lamang pala ako buong hapon. Plano ko sanang matulog muli kaso may asungot na namang katok ng katok sa pintuan ko. I ignored it at first pero mukhang walang balak tumigil ang kumakatok. Padabog akong tumayo at binuksan ang pinto without opening my eyes wide. Wala pa akong balak bumangon kaya hindi pwedeng mawala ang antok ko. “What else do you want, Camila? Stop knocking na, may balak ka bang sirain ang pinto? Can’t you see na I’m trying to sleep here?” Nawawalan na ng pasensiya kong tanong. Katahimikan. “Kung wala kang kailangan, pwede ka ng umalis. Wag mong guluhin ang tulog ko,” akma ko ng isasara ang pinto. “H-hindi po ako si Camila.” Inayos ko ang pagkakamulat ng aking mga mata at tiningnan ng ayos ang kaharap. Coleen Fabian, Camila’s friend since 9th Grade. Naka-Mickey Mouse na damit at naka-headband pa, nakaterno. “What are you doing here? Sinusundo mo ba si Camila? This isn’t her room, doon sa kabila.” Mabilis kong sabi. Bahagya siyang naubo. Is she sick? “Ah, actually nakaalis na po si Camila. I-iniwan ako...” Nakayuko niyang sabi. Taka ko siyang tiningnan. Lumabas ako ng kwarto ko upang i-check kung totoo ba ang sinasabi niya. The hell? “Bakit ka naman iniwan ni Camila? Umalis siya mag-isa? Sino ang kasama?” Sunod-sunod kong tanong, nakatitig lamang sa kaniya. Naghihintay ng sagot. “Kasama po si Kuya Vero.” Inosente niyang sagot. “Si Vero? Yung Team Captain ng Basketball Team?” Kunot-noo kong tanong. “Ay may iba pa bang Vero sa school natin?” Pabalang niyang sagot. Inis akong pumasok ng kwarto upang kunin ang cellphone ko. “Si Vero Vega ba ang kasama?” Paninigurado ko. “Oo nga! Kulit,” nagpapadyak niyang sagot. Inirapan pa ako. She also keeps on doing that when I confronted her last time. Kung makairap pa siya ay 360°. Paano kaya kapag nahipan iyan ng hangin at hindi na bumalik sa unahan? Agad kong tinawagan si Camila. Thank God, sumagot namaan ito kaagad. “Where are you?” [Kuya Cios? Nandito na ako sa school, why?] “Saan ka sumakay?” [Po? Ah, sinundo po ako ni Vero.] “What do you mean by ‘Vero’, mas matanda siya sayo ah?” [Ha? Ah, Kuya! Sorry start na yung laro, bye bye!] At binabaan niya na ako. Bastos na bata. Papasok na sana ako ng kwarto nang mapansin kong wala na ang kaibigan ni Camila sa harapan ko. Nandito lang yun kanina ah? May narinig akong hagikhik sa baba kaya padabog akong pumunta doon. Marahil ay nandoon ang kaibigan ni Camila, wala namang ibang hahagikhik dito dahil kaming dalawa lang naman ang natira sa bahay. I saw her laying beside Zoey. She’s caressing Zoey’s head and surprisingly, Zoey seems to like it a lot as she keep on clinging to Camila’s friend. “Excuse me? May plano ka bang pumasok pa? May pamasahe ka ba?” Tanong ko. Napatalon pa siya at nahihiyang tumayo. “Hindi mo ba ako ihahatid?” The house was filled with silence. For a minute, no one dared to speak. “I-I mean, hindi ka ba papasok? First day ng Sports Fest ngayon, diba? S-sasabay nalang ako sayo!” Taranta niyang sabi. “May review ako ngayon. Send me your sched pala,” kinuha ko ang cellphone ko. “Ha? Bakit? Para saan?” Naguguluhan niyang tanong. “Sa portfolio mo. We need to fix our schedules para mag-fit. Busy ako kaya kailangan kong malaman ang schedule mo kung kailan ka free para maisingit ko yan sa sched ko.” Mahaba kong paliwanag. Napanganga siya. “K-kung super busy ka, okay lang naman sakin na maghintay! What if sakin mo nalang ibigay ang schedule mo? Para ako nalang mag-adjust!” I sighed. “Can you please calm down? Ang hilig mong mag-panic. Give me your number, I’ll send you my sched. Bigay mo din sa ‘kin ang sayo in return.” Utos ko. Sinave ko ang number niya sa cellphone. Kagaya ng napag-usapan, sinend namin sa isa’t-isa ang aming schedule. “Hindi ka ba talaga papasok?” Tanong niya na naman. “Hindi. I’ll book you a grab nalang, will you be okay?” Hinintay ko muna ang sagot niya bago ako nag-book. Agad siyang umiling, sabay tango. “Sure! Thank you.” Saka tumakbo palabas ng bahay. Nagbook na ako ng grab for her saka matamlay na pumasok sa kwarto upang matulog ulit. Sobrang energetic, I can’t stand people like that. ----------------------------------- 2 PM na nang matapos ako sa pagre-review. Tamad kong binuksan ang aking cellphone para naman i-check ang schedule namin ng kaibigan ni Camila. Magkaiba ang schedule namin dahil hindi naman kami parehas ng Strand. Events are supposed to be a pahinga for the students, ewan ko ba kung bakit may klase padin sa school namin. Mabuti nga at mabait ang ibang teachers, hindi na nagka-klase. Pero ang iba talaga ay walang awa, may klase padin. 1 hour break sa hapon, yun lang ang oras na parehas kami. Unless, i-ditch ko yung solo-review namin ng ini-hire ni Mom. Na hinding-hindi ko gagawin. Bakit nga ba ako pumayag ulit? This is so stressful. Tumayo na ako upang maligo, ngunit bago pa ako makapasok ng banyo ay tumunog na ang cellphone ko. Bumalik ako sa kama upang i-check ito. From: Camila Kuya, kakain kami ni Vero sa labas ngayon. Pwede ba? Kumunot ang noo ko. Kailan pa naging close ang kapatid ko at si Captain Vega? To: Camila Kayong dalawa lang? Naghintay ako ng kaunti sa reply niya. Mabuti naman at hindi mabagal mag-reply itong si Camila. From: Camila Hindi po. Kasama namin si Cola hehe. Sama ka din? Ita-type ko na sana na ayoko pero naisip ko rin na ngayon namin pwedeng simulan ang portfolio ng kaibigan ni Camila. Nagtipa ako sa aking cellphone at sinagot na ang tanong ni Camila.
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
so excited
31/03/2025
0please robux
26/11/2024
0awesome
16/11/2024
0Lihat Semua