logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 4 A Day before the Sports Fest

A day before the Sports Fest
COLEEN.
Hinawakan ko ang tiyan ko na kanina pa kumukulo. Argh, hindi pa ba matatapos itong discussion ni Ma’am? 5 minutes na siyang over time.
Tiningnan ko si Camila na gumagamit ng kaniyang cellphone. Agad kong sinipa ang paa niya , siyempre mahina lang. Pinanlakihan niya lang ako ng mata.
Kinuha ko rin ang aking cellphone at itinakip sa akin ang libro upang hindi ako mahuli. Tinext ko siya, “Umakto kang masakit ang tiyan tapos sasabihin ko kay Ma’am na sasamahan kita papuntang clinic. Bilis, nagugutom na ako!”
Malaki ang ngiting tumango siya sa akin. Inihulog niya ang mga librong nasa desk niya saka humawak sa kaniyang tiyan.
“Miss Montereal! Anong problema diyan sa likod?” Malakas ang sigaw na sabi ni Ma’am.
“Hala, Ma’am! Masakit po ata ang tiyan ni Camila, tingnan niyo po oh.” Nag-aalalang sabi ko. Binitawan namang agad ni Ma’am ang chalk at eraser, saka siya pumunta sa gawi namin.
Chineck niya si Camila. “Iha? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang magpatingin muna sa clinic?” Ani Ma’am. Tumango si Camila.
Lumingon-lingon si Ma’am sa paligid at biglang nagliwanag ang mukha. “Mr. Vega! Come here for a minute,” utos niya habang tinatawag ang lalaking kadaraan lamang sa corridor ng room namin.
Nilingon ko si Camila na mamula-mula habang nakayuko. Anak ng!
“Vero, pakisamahan mo muna si Ms. Montereal sa clinic. Masakit raw ang tiyan, pwede ba?” Tanong ng teacher namin.
Tiningnan ni Kuya Vero si Camila, nakakunot ang noo. “Sure, Ma’am. Ako na ho ang bahala.” Nakangiting sabi niya. Kinuha niya ang bag ni Camila at inalalayan siya papalabas.
Nilingon ako ni Camila, pinandilatan ko siya. Pucha! Ako dapat ang kasamang lumabas at ideya ko iyon! This is so unfair.
Wala na akong nagawa kundi makinig sa lesson ni Ma’am kahit na kanina pang nag-aalburoto ang aking tiyan.
--------------------------
“Cola!”
Kunot-noo akong lumingon sa letseng tumawag sa akin. Malaki ang ngiting hinila niya ako palapit sa table kung saan naroon na si Jonas.
“Hello. Kumusta ang klase mo, Ms. Fabian?” Ani Jonas. Ipinalo ko sa kaniya ang camera kong dala. Napakalakas mang-asar, nakakainis!
“Ah nga pala, Cola. Sasabay pala satin ngayon sina Kuya Sho. Ayos lang naman sayo, diba?” Nakangiting tanong ni Camila. Kumunot ang noo ko.
“Sino? Yung pinsan mo ba yan?” Naguguluhan kong tanong, tumango naman siya. Tumango nalang din ako pabalik at masama padin ang loob na yumuko.
Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang may marinig akong sigaw papalapit sa amin. Lumingon ako at nakita ko ang mga pinsan ni Camila na naglalakad papunta sa direksiyon kung nasaan kami. Ambilis, nandito na agad sila?
“Jonas, pare! Anong kakainin natin? Dapat pare-parehas para masaya!” Poging lalaki ang tumabi agad kay Jonas at inakbayan ito. Ah, so siya si Red. Ayon sa pagkakalarawan ni Camila sa akin, makulit at maingay ang pinsan niyang iyon.
“Ew, grow up naman, Red. Anong gusto niyo? Ako na bibili.” Nakangiti namang tanong ng isa pa. Keishon Montereal. So, siya yung ‘matino’ daw, ika ni Camila.
“I want fries, and water. Dito mo na kunin yung magagastos nating lahat,” ani Cios sabay abot ng pera kay Kuya Keishon. At siya naman ang Kuya ni Camila. Cios Montereal, ang pinakapoging nilalang sa kasaysayan ng lupa.
Isiningit ko talaga yung ‘pinakapogi’ kasi true naman iyon, walang halong biro! Siya kaya ang crush ko, hmph.
“Kuya Keishon, fries and water nalang din po akin.” Singit ko. Siyempre dapat bida-bida tayo dito, diba?
“Keishon amp! Parang matandang gurang lang!” Malakas ang tawa ni Kuya Red. Kaya binatukan siya ni Kuya Keishon.
“Sho nalang, Miss. Ikaw? Anong name mo?” Tanong ni Kuya ‘Sho’ daw. Ngumiti ako at inihanda ang sarili na sabihin ang napakaganda kong pangalan.
“Co—”, hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil may sumingit.
“Coleen Fabian, diba? What club are you from?” Singit ng kapatid ni Camila na si Cios.
Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong iniinom na tubig. Napakurap ako at tumingin sa napakagandang nilalang na siyang nagsalita. Eme!
“Photography Club siya, Kuya. Bakit mo naitanong?” Kunot-noong sabi ni Camila.
“Hm, kaya mo ba ako pinipicture-an?” Nakataas ang kilay na tanong ni Cios. Nanlaki ang mga mata ko.
Nahuli niya ako?! Shit!
“Ha, ano?! Crush mo ba si Boss Kyo kaya mo siya kinukunan?!” Sigaw ni Kuya Red at napatayo pa siya.
“Ingay ng bunganga mo, Kuya Red. Teka nga, wait! Ano bang nangyayari? Anong sinasabi mo diyan, Kuya Cios?” Ani Camila.
Tumikhim si Cios. “Nahuli ko siyang kinukuhanan ako. Care to explain, Miss Fabian?”
Umubo ako. “C-cola nalang.”
“Gagi, ano ka coke?!” Hagikhik ni Kuya Red. “Isa pa talaga, Red. Gagawin na kitang green,” nanlalaki ang matang sabi ni Kuya Sho.
“Ano, Coleen? Hindi mo ba alam na you are invading my privacy?” Cios again. Hindi ko mahagilap ang dila ko, para bang gusto ko nalang magpalamon sa lupa.
Pick me up, Mom. I’m scared :(
“Sorry....” Nakatungo kong sabi. “Alam ko kasing hindi ka naman papayag e. Nakita ko yung ibang ka-club members ko, tinanggihan mo sila.” Paliwanag ko.
“Kaya nagdecide kang kuhanan nalang ako ng patago, ganoon ba?” Tanong ni Cios.
Lihim akong kinurot ni Jonas sa siko. “Ba’t naman kasi nagpahuli ka, teh?” Bulong niya. Kinurot ko siya pabalik at tumingin kay Cios.
“B-bakit? Kapag ba tinanong kita tungkol doon, papayag ka ba?” Lakas-loob kong tanong. Napabuntong-hininga siya.
“That’s not the point here, Fabian.” Medyo kunot ang noo niyang sabi, he looks so disappointed.
“I’m sorry talaga. I’ll delete the pictures I’ve taken nalang. Or kung gusto mo, ikaw pa mismo ang magdelete.” Nagpapanic kong sabi. Iniabot ko sa kaniya ang aking camera, tiningnan niya lamang ito.
Hinablot ni Kuya Red sa kamay ko ang camera. “Bwisit, Antonio! Pakialamero ka talaga!” Inis na inis na saway ni Kuya Sho. Tumawa naman si Kuya Red.
“Shh, titingnan ko. Hala! Ang ganda naman pala neto,” malakas ang boses na sabi ni Kuya Red. Nagsitayuan na ang mga kaibigan namin para tingnan ang sinasabi ni Kuya Red. Nanatili lamang kaming nakaupo ni Cios, nakayuko lang ako ngunit ramdam ko ang pagtitig niya sa akin.
“Bro, tingnan mo ang ganda talaga niya! Aray ko, Camila!” Sigaw na naman ni Kuya Red, binatukan kasi siya ni Camila. “What I mean is yung mga pictures kasi!” Dugtong niya.
Halos mailuwa ko ang lahat ng kinain ko mula kaninang umaga dahil sa kaba nang kinuha na ni Cios ang aking camera upang tingnan.
“You may delete it na if you want,” nakayuko ko pading sabi. Kanina ko pa dinadasal na sana ay mag-ring na ang bell para makatakbo na ako agad kasi hindi ko na talaga kayang manatili pa dito.
“Hala wag, Miss! Ang ganda-ganda mo kaya—”
“Pre, isa pa talaga. Ipapalo ko na ‘tong lamesa sayo.” Hawak ang lamesang sabi ni Kuya Sho kay Kuya Red. Bahagya akong napangiti dahil sa kulitan nila.
“Coleen.” Nasamid na naman ako kahit wala akong iniinom na tubig. “Bakit ako ang gusto mong maging model?”
Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. “W-what?”
“May dalawa ng lumapit sa akin at sinabing crush nila ako kaya gusto nila akong kuhaning model. Malay ko ba kung ganiyan ka din—”
Napatayo ako sa aking kinauupuan. “H-hoy! Hindi kita crush ah! I-I mean... medyo crush kita pero hindi ganoon yun!”
“Gaga! Crush mo si Kuya?!” Napatayo nadin si Camila. Napanganga ako at saka lang narealize kung ano ang sinabi ko.
Mahinang hinila ni Jonas ang aking buhok. “OMG, tanga!”
“Edi lumabas rin ang totoo, crush mo rin ako.” Nilingon ko si Cios na mukha na namang disappointed.
“Hindi nga dahil dun kung bakit gusto kitang magmodel for me, kulit mo.” Nawawalan na ng pasensiyang sabi ko. Bakit ba ipinipilit niya na crush ko siya? Oo, crush ko siya! Pero hindi nga ganoon yun.
“Tell me about it, then. What makes your excuses different from theirs? What makes you different from them?” Mukhang naghahamon na tanong niya. Huminga ako ng malalim. Ah, bahala na!
“Ang expressive kasi ng mukha mo. Kapag naiinis ka, nakalantad yun sa face mo. Madaling basahin yung nararamdaman mo through your face. At magandang gawing model yung mga taong ganoon, pwede pa ngang gawing artista!” Nakangiting paliwanag ko. Narinig ko ang bulungan sa paligid, maging ang kina Kuya Red.
“Pinsang Camila Blanca, pakisalo naman oh.”
“Ang alin, Kuya Red?”
“Yung luha ko, nakaka-saddening eh.”
“Lagot ka sa akin mamaya, Pula.”
“Joke lang, Daddy Sho! Ito naman di na mabiro, halika kiss kita yung may tunog.”
Tumikhim si Cios. “Andami mong sinabi. By the way—”
“Hindi pa ako tapos,” confident kong sabi. Nagkahagikhikan ang mga kaibigan namin. Narinig ko pang bumulong si Jonas, “Shuta, barado!”
“Okay, continue.” Kalmado niyang sabi.
“Yung iba natatakot kapag kausap ka, kasi palagi kang tumatanggi sa alok nila o di kaya e hindi mo sila pinapansin. Kaya tinitigilan ka nila agad.”
“Bakit siya nags-speech e alam na yan ng lahat?” ani Jonas. “Ewan ko din, pre.” Sagot ni Kuya Red.
“Pero hindi kita titigilan, Cios. Kasi gusto talaga kita—”
Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin dahil nag-iritan na ang halos lahat ng nasa cafeteria. Gagi, nakikinig pala sila?
“Nababading ako, Boss Kyo! Bakit kasi ang pogi mo? Pakiss nga yung may tunog!” Maingay na sabi ni Kuya Red.
Tumikhim ako. “I-I mean, gusto kitang maging model.”
“Duwag, pucha.” May pasimpleng kurot na sabi ni Jonas.
“Pero crush rin kita! Ah ano hehe...” Hindi ako makatingin kay Cios ng ayos kaya nanatili akong nakayuko. Muntik pa akong mahulog sa aking kinauupuan dahil sa biglaang pag-ring ng bell. Bakit ngayon pa nag-ring kung kailan umamin na ako?!
Nanghinayang ang lahat, at siyempre ako din. Ang pag-ring na iyon ay hudyat na tapos na ang lunch. Pero wala pang umaalis, lahat ay nakatingin kay Cios, liban sa akin na nakayuko at nagsimula ng magligpit ng gamit.
Shit, ni hindi ako nakakain!
“Coleen—”
Pinutol ko ang sasabihin niya. Alam ko namang tatanggihan niya rin ako kaya bakit pa ako mag-aabala diba? “Okay lang naman kung ayaw mo, Cios. Buburahin ko naman yung mga pictures, sorry ulit—”
“I’ll do it.”
Ha?
Nakanganga akong tumingin kay Cios na ngumiti muna sa akin ng bahagya bago naglakad papalayo.
Halos lahat ng mga estudyante sa cafeteria ay gulat din. Feel ko ay masusuka ako sa mga pangyayari at hindi padin ako makapaniwala. Ni hindi rin ako makahinga.
I’ll do it.
I’ll do it.
Paulit-ulit kong naririnig ang sinabing iyon ni Cios. Totoo ba ito? Hindi ba ito panaginip?
“P-papi Sho....”
“Ano, Red? Tara na— gagi, ano yan?!”
“Alalayan mo ako, Sho. Nanghihina ako sa sinabi ni Boss Kyo....”
“Bahala ka, nahihiya ako sayo.”
Naramdaman ko ang paghila sa akin ni Camila. Binitawan niya lamang ako nang makarating kami sa classroom.

Komentar Buku (93)

  • avatar
    AcuñaJilwin

    so excited

    31/03/2025

      0
  • avatar
    Francis Almer Bool Fortu

    please robux

    26/11/2024

      0
  • avatar
    kyglaze

    awesome

    16/11/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru