logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 4

CHAPTER 4
OWEN'S POV
"K-kayleigh?" bulalas ko.
Tumingin siya sa akin pagkatapos ay dahan-dahan niyang ibinuka ang labi niya.
"T-tubig," utal na sabi niya.
Gulat pa rin ako nang magsalita siya pero nang makabawi na ako ay agad naman akong sumagot.
"Tubig? Sure! Wait lang," sabi ko sa kanya sabay mabilisang tumayo at bumaba para ikuha siya ng tubig.
Pag-akyat ko, wala na siya sa tapat ng pintuan ng kwarto niya. Sumilip ako sa kwarto niya at nakita ko siya na nakaupo sa kama habang may hawak na sketchpad at marker.
Pumasok ako ngunit nanatiling malayo sa kanya.
"Kayleigh, heto na 'yong tubig mo. Ilalapag ko na lang dito sa mesa mo, hindi ako lalapit," sabi ko sa kanya at nilapag na ang baso na may laman na tubig sa lamesita na malapit sa dulo ng kama niya.
Ngumiti siya sa akin. Nagulat ako dahil doon pero ngumiti naman ako pabalik sa kanya at tumalikod na nang…
"Totoo bang aalagaan mo ako?" Bigla siyang nagsalita.
Napahinto ako sa tanong niya. Pagharap ko sa kanya ay balik na ang atensyon niya sa sketchpad at pagsusulat. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang magsalita ulit.
"Ako 'yong may sakit pero parang sila 'yong takot sa akin. Ang dami na ngang kinuha ni mommy na mag-aalaga sa akin pero lahat sila umaalis. Hindi ko naman sila mapigilan kase… kase hindi ko naman sila kayang hawakan." Sinasabi niya 'yon habang nakayuko siya at patuloy na nagsusulat.
Kahit nakayuko siya ay ramdam ko iyong lungkot sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Hindi ako tulad nila, Kayleigh. Hindi kita iiwan," sabi ko sabay upo sa dulo ng higaan niya.
"Anong pangalan mo?" tanong niya habang nakatingin sa akin.
"Owen," tugon ko.
Ngumiti siya at nagsalita ulit.
"Owen, kapag natakot ako ulit sa iyo at ipinagtabuyan kita, 'wag mo pa rin akong iiwan, ha?" Sinasabi niya iyon habang nagsusulat pero ilang segundo lang ay tumingin siyang muli sa akin na para bang naghihintay siya ng tugon.
Hindi ko alam kung bakit at kung ano pero mayroong kurot sa puso ko noong narinig ko 'yon mula sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako ulit ngunit ngumiti rin sa kanya.
"Syempre, hindi ako aalis. Paano kita maaalagaan kung aalis ako?" saad ko.
"Paano mo nga ako maaalagaan kung 'di mo man lang nga ako malapitan?" biglang tanong niya.
Once again, nabigla na naman ako sa tanong niya. Parang ang bigat na hindi ko maipaliwanag.
"Madali lang 'yon, Kayleigh. Ilang feet lang naman ang pagitan eh." Ngumiti ako sa kanya.
"Parang LDR?" natatawa niyang tanong habang nakatingin pa rin sa akin.
"Oo, parang long distance relationship lang," tugon ko at nakitawa sa kanya.
Ngumiti ulit siya tapos nilahad ang kamay niya na parang nakikipagkamay.
"Kayleigh Pascual, ang babaeng may pang-warrior na pangalan pero sobrang duwag naman," saad niya habang nakalahad ang kamay.
Nilahad ko rin ang kamay ko na parang nakikipagkamay sa kanya.
"Owen David. Pang-warrior din 'yong pangalan ko. Pwede akong lumaban para sa iyo," tugon ko.
We shook hands kahit magkalayo sa isa't isa. Biglang may pumasok sa kwarto.
"Kayleigh…" Dumating si Manang Beth na may dala-dalang damit.
"Manang!" masiglang sabi niya kay Manang Beth habang kumakaway.
"Sa wakas at okay ka na ulit," sabi ni Manang Beth na parang nakahinga siya nang maluwag.
"Sorry po Manang…" paumanhin ni Kayleigh.
"Nako, ayos lang. Heto ang damit mo. Maligo ka na ha?" bilin ni Manang Beth sabay lapag ng damit sa dulo ng higaan ni Kayleigh malapit kung saan ako nakaupo.
Tumango naman si Kayleigh pagkatapos ay lumabas na si Manang ng kwarto.
Bumalik ang tingin ni Kayleigh sa akin.
"Maliligo na ako," sabi sa akin ni Kayleigh.
Parang wala ako sa sarili ko, ano ba 'to? Ano raw sabi niya?
"A-ayos 'yan." 'Yon lang ang nasabi ko.
"Ahm… maliligo na ako," ulit niya habang nakatingin sa akin na parang may hinihintay siya na gawin ko.
"Aish." I shook my head at natauhan ako.
"Oo nga pala, sorry, sorry. Sige iwan na kita," sabi ko sabay talikod.
"Owen…" sambit niya sa pangalan ko. Humarap naman ako sa kanya.
"Lalabas ka lang, hindi ka aalis. Hindi mo ako iiwan, 'di ba?" saad niya.
Tumango ako, "Lalabas na ako."
Tumawa lang siya at tumango. Paglabas ko ng kwarto niya, sinarado ko na 'yong pinto.
Ang weird. Ang weird kase parang hindi siya 'yong Kayleigh na nakita ko kahapon at kanina. Ang weird kase nakatatawa siya na parang wala siyang sakit. Ang weird kase kahit may anxiety disorder siya, alam niyang sabihin 'yong mga bagay na 'yon. Ang weird kase kahit hindi normal ang buhay na ginagalawan niya, alam niya pa rin 'yong realidad na nakikita niya.
Ang weird kase parang kinain ko lahat ng sinabi ko kanina na aatras na ako sa deal dahil ayaw kong mag-alaga ng katulad niya. Ang weird kase parang ayaw ko ng umalis. Ang weird kase parang gusto ko talaga siyang alagaan at mas makilala pa. Ang weird, pero mas maganda na 'to.
"Ang weirdo."

Komentar Buku (229)

  • avatar
    BinibiningAttorney

    Hi! Thank you in advance sa mga magbabasa nito and pasensiya na rin po if magiging mabagal ang update ko para dito. Midterms na po kasi namin next week. I hope you'll understand. Sana rin po ay mabasa niyo pa ang ilan kong stories. My Boyfriend's Secret Lover (Romantic Comedy) Culprit's Memoir (Mystery, Horror) Love Your Enemy (Drama, Romance) MARAMING SALAMAT PO! 💜🖤💚

    26/03/2022

      20
  • avatar
    meranosanny

    how

    14d

      0
  • avatar
    NetoMiguel

    muito bom

    15d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru