logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 3

CHAPTER 3
OWEN'S POV
KINABUKASAN
"Ikaw na ang bahala sa kanya, Owen. Sana ay maalagaan mo siya…" bilin ni Mrs. Pascual sa akin.
Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.
"Ingat po kayo, Mrs. Pacual," sabi ko na lang at ngumiti naman siya.
Umandar na ang kotse at umalis na siya papunta ng Airport. Pupunta umano siya ng Paris at may aasikasuhin umano roon na importanteng kaso.
Haaay, sana makayanan ko. Sana makatulong ako sa kanilang mag-ina.
Aphenphosmphobia. Sa case ni Kayleigh, wala namang gamot na kailangang ipa-inom o iturok maliban na lang kung talagang sinusumpong siya ng anxiety. Kailangan lang talaga na may tumingin sa kanya. Counseling, pero kakaiba kase. Mahirap siyang pakalmahin kung sakali lalo na at hindi mo siya pwedeng hawakan dahil iyon mismo ang consequences ng phobia niya.
"AHHH!"
Isang malakas at mahaba na sigaw ang umalingawngaw sa buong bahay ng mga Pascual. Kasunod nito ang dali-daling pagbaba ng hagdan ni Manang Beth at tumakbo papunta sa akin.
"Owen! Nagwawala si Kayleigh!" hinihingal na sabi niya sa akin.
We went up stairs immediately. Pagdating namin sa ikatlong palapag ay nadatnan naming nakasarado ang pintuan ng kwarto ni Kayleigh. Sinubukan kong buksan pero naka-lock ito mula sa loob.
"Kukunin ko 'yong susi!" sabi ni Manang Beth at mabilisan na tumakbo.
Ako naman ay sinusubukan kong kumatok at pakalmahin si Kayleigh.
"Kayleigh, buksan mo itong pinto para matulungan kita. Huwag kang matakot," sabi ko habang patuloy pa ring kumakatok.
Mayamaya lang ay bumalik na si Manang Beth dala-dala 'yong susi.
"Ano po bang nangyare?" tanong ko habang binubuksan 'yong pinto.
"Kase… pinapakain ko lang siya. Hindi ko sinasadyang hawakan siya noong matapon sa kanya 'yong sarsa tapos ayon na…" alalang tugon niya.
Pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Kayleigh na umiiyak habang lingon nang lingon sa paligid, umiiyak at sumisigaw. Kitang kita 'yong excessive sweating niya at panginginig.
"Ako na po ang bahala," sabi ko kay Manang Beth at pinalabas muna sila. Baka kase mas matakot si Kayleigh kung marami siyang makikitang tao.
Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto niya. Sabi nina Mrs. Pascual at Manang Beth, nakakausap at nakapagsasalita naman si Kayleigh. Kumakain, naliligo at nagbabasa pa nga raw siya. May mga araw lang talaga na wala siyang pinakikinggan kapag sinusumpong siya ng anxiety niya.
Hindi naman dapat ganito kalala talaga ang mga ganitong condition. Kadalasan ay ina-isolate lang ang mga may ganitong phobia kaso ay wala raw talagang makapagdala sa kanya sa specialists. Lahat din ng nurse na dinala nila ay sumuko. Hiling din daw ni Kayleigh na pumarito lang siya dahil ayaw niyang malayo sa mama niya.
"Kayleigh…" sambit ko sa pangalan niya.
Tumingin siya sa akin gamit ang mga nanlilisik niyang mga mata. Ramdam ko ang bigat ng paghinga niya at halatang mabilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba.
Kahit medyo nakararamdam na rin ako ng pag-aalala at takot ay nagsalita ako.
"'Wag kang matakot, Kayleigh. Ako si Owen, nurse ako. Ako 'yong mag-aalaga muna sa'yo," dagdag ko. Ngumiti ako sa kanya habang dahan-dahan pa ring lumalapit.
Nakatingin lang siya sa akin habang umiiyak. Napalitan na ulit ng takot at pangamba ang kanina'y lisik at galit sa mga mata niya.
"Ako iyong makakasama mo sa loob ng tatlong linggo," saad ko.
Humakbang akong muli papalapit sa kanya.
"Kayleigh… heto, may pagkain ka oh. Niluto pa 'to ng Mommy mo para sa iyo. Kailangan mong kumain, okay?" sabi ko habang nakangiti sa kanya.
Humakbang pa akong muli hanggang sa tatlong hakbang na lang ang layo ko sa kanya habang dala-dala 'yong caldereta na paborito raw niya. Hahakbang pa sana ako pero nang nakita ko siyang nanginginig sa takot at umiiyak ay umatras na lang ako ulit.
Nabalot ako ng pangamba. Hindi ko kayang lumapit. Hindi ko siya kayang pakalmahin… Ni hindi ko siya kayang tingnan hays.
Makasasama lang ako rito, wala akong matutulong. Wala akong magagawa…
Nilapag ko na lang sa mesa ulit 'yong pagkain niya.
Napabuntong-hininga ako habang nakatingin sa kanya.
"Hindi na ako lalapit, ilalapag ko na lang dito ang pagkain mo. Kumain ka na ha?"
'Yon na lang ang nasabi ko pagkatapos ay tumalikod na ako at lumabas ng kwarto niya ngunit nanatili sa harapan ng pintuan ng nito. Napaupo na lang ako sa sahig medyo malayo sa pintuan niya.
Ayaw ko na rito. I dialed Mrs. Pascual's number pero cannot be reached na. Hays.
Hindi ko kakayanin dito. Hindi talaga. I hate phobias. Mas gusto ko pang mag-alaga ng taong may cancer o alzheimer's disease kaysa rito. Once na ma-contact ko si Mrs. Pascual, aatras na ako sa deal. Habang wala pa siya sa flight. I tried calling her phone again and again pero wala.
Hays. I really want to help Kayleigh but how? Hindi ko kaya…
Napatigil ako sa pag-iisip nang may naaninag akong anino sa bandang kaliwa ko.
"K-kayleigh?" gulat na sabi ko.

Komentar Buku (229)

  • avatar
    BinibiningAttorney

    Hi! Thank you in advance sa mga magbabasa nito and pasensiya na rin po if magiging mabagal ang update ko para dito. Midterms na po kasi namin next week. I hope you'll understand. Sana rin po ay mabasa niyo pa ang ilan kong stories. My Boyfriend's Secret Lover (Romantic Comedy) Culprit's Memoir (Mystery, Horror) Love Your Enemy (Drama, Romance) MARAMING SALAMAT PO! 💜🖤💚

    26/03/2022

      20
  • avatar
    meranosanny

    how

    14d

      0
  • avatar
    NetoMiguel

    muito bom

    15d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru