logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

CHAPTER 2
OWEN'S POV
"Do you believe sa sinasabi nila na lawyers are liars?" biglang tanong niya.
Napatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko ine-expect 'yong gano'ng tanong. Masama ang kutob ko. Ngumiti lang siya sa akin.
"Tara, puntahan natin si Kayleigh," sabi niya.
Kahit nagtataka at naguguluhan ay sumunod lang ako sa kanya. Umakyat kami sa third floor ng bahay nila, naglakad-lakad hanggang sa makarating sa sulok. Kapansin-pansin ang kwarto sa pinakadulo ng ikatlong palapag, kung saan kami huminto, dahil sa isang malaking placard na nakapaskil sa pinto nito.
'KEEP DISTANCE'
"Ito ang kwarto ni Kayleigh," sabi niya nang makarating kami sa kwartong tinutukoy ko. Nagbuntong-hininga siya sabay dahan-dahang binuksan nang kaunti ang pintuan.
Maliit ang silid ngunit nagmukha itong malawak dahil walang gamit ang nakapalibot dito maliban sa isang kama at isang lamesita. Nakita ko sa sulok ng silid ang isang babae, si Kayleigh, habang nakaupo sa sahig at nakayakap sa mga tuhod na parang nilalamig at takot na takot. Umiiyak siya at lingon nang lingon sa paligid.
"I lied," biglang saad ni Mrs. Pascual.
"What?" I uttered.
"I lied about her true condition," pagpapatuloy niya.
"What do you mean?" paglilinaw ko.
"I'm sorry. Ang sabi kase ni kase ni Dr. Sevilla, hindi ka papayag sa deal kapag sinabi ko kung anong totoong sakit niya," pagpapaliwanag na.
"I don't understand." Tumingin ako sa kanya and asked her to explain.
"Hindi sakit sa puso ang sakit niya. It's Aphenphosmphobia."
Napabuntong-hininga na lang ako sa narinig ko.
"The fear of being touched. Kaya may keep distance na sign sa pinto," sabi ko out of realizations.
Tumango siya. Umiling naman ako.
"I'm sorry, Mrs. Pascual, I can't make it," sabi ko sabay talikod na pero hinawakan niya ang braso ko.
"Owen please..."
I faced her at umiling, "Hindi po ito ang pinirmahan ko ayon sa kontrata."
"I'm sorry if I lied. Please Owen, just for three weeks," she begged.
I sighed.
"It's not really about the lie, Mrs. Pascual. Any conditions will do, but not phobias."
"Please, Owen…" She began to cry.
"I did not sign for this. I'm sorry."
Hinawakan niya iyong dalawang kamay ko.
"Please, Owen. May tatapusin lang ako sa loob ng tatlong linggo. Babalik din ako agad para kay Kayleigh. Pangako. Kung hindi importanteng bagay iyon, hinding hindi ko iiwan ang anak ko. Please Owen, I'm helpless. I'm hopeless. Lumalala at dumadalas ang pagsumpong niya eh. I just need someone to take care of her, or just even look after her." She begged.
I looked at Kayleigh then looked at Mrs. Pascual.
"Please…" she pleased.
"Just for three weeks?" I asked.
Nakita ko 'yong saya sa mga mata niya.
"Yes, yes!" Tumango-tango siya habang nakangiti, "Thank you!"
Tumango lang ako. Pagtingin ko kay Kayleigh ay nakahiga na siya. Sinarado ni Mrs. Pascual ang pinto at sinamahan ako papunta sa tutuluyan kong kwarto.
Malaki ang kwarto at malinis.
"Ayos ka na ba rito?" tanong niya.
Tumango ako, "Mas ayos na at least malapit lang sa kwarto ni Kayleigh."
Napabuntong-hininga siya.
"Salamat sa hindi pag-alis, Owen," sadd niya.
Tipid na ngiti lang ang naging tugon ko.
"Marami na akong kinuha na mag-aalaga sa kanya pero lahat umalis at hindi nakatagal. Miss na miss ko na ang anak ko, Owen. Huling yakap ko sa kanya... sanggol pa siya. I failed as a mother at gusto kong bumawi sa kanya pero hindi ko magawa dahil sa kondisyon niya," pagkukuwento niya.
"I hope na matulungan mo siya. Tatanawin kong malaking utang na loob," dagdag niya.
"I'll do what I can do, Mrs. Pascual," sagot ko.
"Maraming salamat, Owen."
Tumango lang ako at nagpaalam na siyang lumabas sa kwarto ko. Lumabas muna ako ng kwarto para sana kumuha ng tubig nang madaanan ko ang kwarto ni Kayleigh at marinig na umiiyak siya.
"H-huwag po! Huwag niyo po akong hawakan! Bitiwan niyo po ako!" sigaw niya habang umiiyak.
I opened the door slowly and stared at her hanggang sa kumalma siya at humiga na. Sana nga matulungan kita at hindi ako lalong makasama...
Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa akin.
"S-sino ka?" Narinig kong sabi niya pero agad kong sinarado ang pinto at hindi nagpakita sa kanya. Baka matakot siya lalo o ano.
Bumaba na ako at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig. Paakyat na sana ako nang may mahagip ang mata ko, mga pictures.
Lumapit ako para masigurado ang kutob ko. Siya iyon? Si Kayleigh ang batang babae na iyon? I saw her picture when she was a kid, she's wearing our school uniform back then when we were in kindergarten. I just saw her before but I don't really know her. She seems fine when she was a kid. I wonder kung paano niya nakuha ang phobia niya.
I am still in doubt kung makakaya ko ba na mag-stay dito at alagaan siya pero gagawin ko na lang ang makakaya ko.

Komentar Buku (229)

  • avatar
    BinibiningAttorney

    Hi! Thank you in advance sa mga magbabasa nito and pasensiya na rin po if magiging mabagal ang update ko para dito. Midterms na po kasi namin next week. I hope you'll understand. Sana rin po ay mabasa niyo pa ang ilan kong stories. My Boyfriend's Secret Lover (Romantic Comedy) Culprit's Memoir (Mystery, Horror) Love Your Enemy (Drama, Romance) MARAMING SALAMAT PO! 💜🖤💚

    26/03/2022

      20
  • avatar
    meranosanny

    how

    14d

      0
  • avatar
    NetoMiguel

    muito bom

    15d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru