logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5

RICHIELLE ANASTACIA GREY'S POV:
Ang laki ng pasasalamat ko, dahil hindi na nagtanong si Vrake, nang marinig niya ang kwento ko. He just told me to be careful next time, lalo na di pa kami kasal at di niya ako nasasamahan because of him, being busy everytime.
After naming magusap sa kusina ni Vrake, ay pumunta na kami kina tita at naupo sa isang mahabang couch. Habang nakaupo, ay nagulat ako nang hawakan ni Vrake ang kamay kong namumula pa rin at bahagya akong gumalaw, dahil naramdaman kong may malamig na bagay siyang ipinatong doon, "What are you doing?" mahinang tanong ko.
"Your hand need a cold compress, wag kang malikot." saad nito, habang maingat na dinadampi ang cold compress na di ko alam kung saan niya nakuha.
Nakatitig lang ako sa ginagawa niya, at palihim na humahanga sa mukha niya. Simula sa makinis niyang noo, papunta sa ilong niyang matangos, hanggang sa labi niyang mapupula. Bahagya akong napalunok ng maalala ko kung paano niya ako halikan, noong bumalik ako sa Bar niya.
"Awwww, look sweatheart, ang sweet nila," dinig kong saad ni Auntie kay tito, kaya napunta sa kanila ang atensyon ko, ganon din si Vrake, na napahinto sa ginagawa.
Akala ko ay busy sila nila lolo sa pagkukwentuhan, yun pala ay lahat sila ay nakatitig sa bawat galaw namin ni Vrake.
"You know what mga anak? bagay na bagay talaga kayo! both matured enough, and smart, idagdag pa na ang gaganda ng mukha niyo. Kaya di na ako magtataka kung mamahalin niyo rin ang isa't isa after ng kasal, HAHAHAHAHAH," mahabang saad ni Auntie, kaya nagkatinginan kami ni Vrake.
Hindi ko man mabasa kung ano ang nasa isip ngayon ni Vrake, pero para sa akin, di pa ako ready na magmahal. Nadala na ako kay Theron at ayaw ko nang maranasan kung gaano kasakit magmahal ng taong di ka naman kayang mahalin. Ang pagmamahal kase, di naman isang bagay na kapag binigay mo, okay lang, kahit di na maibalik sayo, kase makakabili ka naman ng bago. For me, love is not a thing, if we gave love on someone, we should recieved love, too.
"Are you okay?" bulong sa akin ni Vrake, kaya napaharap ako sa kanya.
Napasinghap ako, muntik na akong atakihin sa puso, dahil ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Yung ilong namin ay halos magdikit na, kaya di ako makahinga ng maayos.
Kahit gusto kong lumayo sa kanya, ay di ko maigalaw ang katawan ko.
"Ehem," pagtikhim ni lolo, kaya napaayos kami ng upo.
Dahil don, narinig namin ang tawanan ng tatlo naming kasama rito, na pinangungunahan ni Lolo. Pinagkakatuwaan ba nila kami?
"Granpa," pagtawag ko rito, habang nakatingin sa kanya ng seryoso.
Ngumiti siya sa akin na parang nang-aasar, "Ano yun apo?" tanong niya.
"Wag ka pong tumawa, wala kang ngipin," saad ko.
It's not a joke, pero lahat sila ay tumawa sa sinabi ko. Napakunot nalang ang noo ko, dahil nagsasabi lang naman ako ng totoo.
"You're so funny, apo! HAHAHAHAHAHA," komento ni Lolo at pinalo-palo pa ang kanyang higaan.
Parang ang lakas niya ngayon auh? pero noong sinasabi niya ang tungkol sa arranged marriage, ay aakalain mong, huling araw na niya iyon, aish!
Napairap nalang ako at isinandal ang aking likuran, sa couch. Naramdaman ko rin, na inakbayan ako ni Vrake, kaya napatingin ako sa kanya, "Hmmm?" saad ko.
"Nothing, I just wanna be close to my fiancé," nakangiting saad nito at hinawakan ang aking ulo, upang isandal sa kanyang balikat.
Di na kami napapansin nila lolo ngayon, dahil busy na ulit sila sa pagkukwentuhan.
"Are you tired?" bulong ni Vrake, at ipinatong ang kanyang ulo, sa ulo ko.
Napangiti ako, "A little bit," sagot ko, at medyo namamaos rin ang aking boses.
Nagulat ako ng gumalaw siya, kaya napaayos ako ng upo at nagtatanong na tumingin sa kanya.
"Let's go to your office, di ba may room ka doon?" saad nito, kaya napanganga ako.
Ano na naman kaya ang iniisip nito? hayst.
"Y-yes, uhm," saad ko na may pag-aalangan.
Hinawakan niya naman ang aking kamay at sabay kaming tumayo, kaya napatingin sa amin sina Lolo, na nagtataka.
"Where the two of you going?" tanong ni tito, at ngumisi kay Vrake.
Tumikhim muna ako, bago magsalita, "Sa office ko po," sagot ko, na mayroong paggalang.
Napatango-tango naman silang tatlo, kaya hinila na ako ni Vrake, palabas ng kwarto ni Lolo.
Nang makarating kami sa loob ng office ko, hiningi niya kaagad ang susi ng aking kwarto, na iniabot ko naman sa kanya.
Walang pag-aalinlangang hinubad ko, ang aking blouse, kaya ang suot ko nalang ay isang manipis na sando, bago mahiga sa kama.
Napagod siguro ako sa kakaisip kay Theron, simula noong makausap ko siya.
Naramdaman kong gumalaw ang gilid ng kama, kaya napatingin ako doon, nakita ko si Vrake na napapalunok.
"Why?" tanong ko rito, habang nakakunot ang aking noo.
Imbes na sagutin ako, tumabi siya sa akin at hinapit ang aking bewang at pinaharap ako sa kanya.
"I'm horny, since I kissed you in the kitchen," pag-amin nito at narinig kong napamura siya ng mahina, na ikinatawa ko.
"So?" natatawang saad ko, "what do you want me to do?" dagdag ko at itinaas pa ang aking kilay.
He smirks, "Do you....really want to know?" may panghahamon na saad nito at mas hinapit ang aking bewang, upang magdikit pa lalo ang katawan namin.
Napasinghap ako, ng maramdaman kong buhay na buhay ang nasa gitna niya at ramdam na ramdam ko ito. Di ko tuloy mapigilan na mamula at mainitan.
"Ginalit mo yan, magtiis ka," natatawang panunukso nito, kaya tinampal ko ang kanyang dibdib.
"Ang bastos mo!" saad ko, na natatawa rin.
He's the only guy who can make me like this. Kahit anong pilit kong wag bumalik sa dating ako na makulit, marunong kiligin, at nakikipaglapit sa lalake, ay di ko talaga kayang kontrolin ang sarili ko. Isang malaking exception ba si Vrake, kaya ako nagiging ganito?
Napatigil ako sa pag-iisip, nang maramdaman kong ipinasok niya ang kanyang kamay, sa loob ng sando ko,
and tinanggal niya ang pagkaka-angkla ng suot kong bra, letting his hand to massage my breast, that made me lost my breath, because of the sensation I've been feeling.
"Hmmm, ang bango mo..." mahinang ungol niya at sinunggaban ako ng halik, na ginantihan ko naman.
Aggressive ang halik na ibinibigay niya, kaya medyo nahihirapan akong sabayan siya. Mas kumapit pa ako sa kanyang batok at napapaliyad, kapag kinakagat niya ang ibabang labi ko. Hanggang sa di na niya nakayanan at pumaibabaw na siya sa akin. Hinubad niya ang t-shirt na suot, kaya lumantad ang maganda niyang katawan at ang puti rin nito.
Nasa ganito kaming sitwasyon ng biglang bumukas ang pintuan nitong kwarto,
"AHHHHHHH!" tili ng familiar na boses, kaya mabilis kong itinulak si Vrake na nanigas din sa biglaang pagpasok ng isang tao sa kwarto ko.
Tama nga ang hinala ko, si Eloise ang pumasok nalang basta basta.
Natampal ko ang aking noo, "W-what are you doing here, E-eloise?" medyo nautal pa ako, sa pagtatanong sa kanya, habang isinuot naman sa akin ni Vrake, ang blouse ko.
Napakamot si Eloise sa kanyang batok, marahil pati siya ay nagulat sa kanyang ginawa, "A-ahmm, m-may..." she cleared her throat, "kailangan kase akong sabihin sayo, and napakaimportante non," mahinang saad nito, kaya napatango-tango ako.
Ramdam ko pa din yung hiyang nararamdaman niya hanggang ngayon, napansin ko rin na di siya makatingin sa amin ng diretsyo, pero alam kong lihim na siyang ngumingisi, dahil sa nakita niya kanina.
"Okay, hintayin mo nalang ako sa labas," saad ko, kaya kaagad siyang tumayo, pero bago siya lumabas, ay kinindatan niya ako.
Napailing nalang ako at umayos ng upo sa kama at ibinaba na ang aking paa, bago tumingin kay Vrake, na tahimik lang.
"Ey, suotin mo na yung t-shirt mo—
"I'm sorry," paghingi nito ng tawad.
"Hmm, it's okay, and I think, it's not really your fault." saad ko at tumayo na.
Pinulot ko din ang t-shirt niya at pumunta sa kanyang harapan, "Here, suotin mo muna, my horny fiance? hahaha," pagbibiro ko, na ikinatawa niya rin. "Dito ka muna, babalik ako," saad ko sa kanya. Di ko na siya hinintay pang makapagsalita at lumabas na ng kwarto.
Nadatnan kong di mapakali si Eloise sa kanyang inuupuan, kaya niyaya ko siyang lumabas at pumunta sa café, na nasa harap nitong hospital.
"So, ano yung nadatnan kong eksena kanina? haaa? ha?" pangungulit kaagad nito sa akin, ng makahanap kami ng pwesto.
Umupo naman muna ako, at isinandal ang aking likuran sa upuan, at tinignan siya, "We're just going to sleep, nothing more," simpleng saad ko, sabay tawag sa waiter.
"One caramelized coffee and mango pie," saad ko sa waiter at humarap kay Eloise, "How about you, Eloise?" I asked.
Ganon din naman ang gusto ni Eloise, kaya umalis na ang waiter.
"Kapag ba matutulog, kailangan nakahubad? tapos nakapatong si Ezekiel sayo? ayieeee, wag ako!!" pagpuna ni Eloise, sa sagot ko kanina.
Inirapan ko lang siya, dahil kahit ako, di ko maintindihan kung bakit hinahayaan ko si Vrake na halik-halikan ako, yakapin at hawakan. I mean, hindi kase talaga ako nagpapalapit sa isang lalake, dahil nga sa past experience ko, with Theron.
Speaking of Theron, hindi niya pa hinihingi yung pera na kailangan niya. Kinakabahan tuloy ako, dahil baka iba na ang binabalak niyang gawin.
"Uyyy! tulaley ka dyan!" sita sa akin ni Eloise, kasabay ng pagtapik niya sa aking balikat.
Napakurap-kurap ako, "H-ha?" umayos ako ng upo, "Uhm, I'm just thinking about Theron," I honestly said, at nangalumbaba sa harap ni Eloise.
Kita ko naman ang pagkagulat ni Eloise, at alam kong naguguluhan siya.
"Wait, wait! bakit mo siya iniisip? eh di ba, ayaw mo ngang binabanggit ko ang pangalan niya, since you and him, broke up," saad niya, habang nakataas ang kilay, "and, matagal na siyang wala dito sa Philippines—
"He's here, I met him, a while ago." diretsong saad ko, kasabay ng pagdating ng orders namin, kaya nagsimula na akong kumain.
"Halaa? totoo? anyaree?" namamanghang saad nito at bahagya pang iniusog ang kanyang upuan, papunta sa tabi ko.
Kapag talaga ako ang kasama ni Eloise, at kapag may chismis, di mo mahahalatang doctor siya. She's acting like an ordinary woman na uhaw na uhaw sa chika, hahaha.
"He harrased m-me, as expected," saad ko, at nagkibit-balikat, "good thing, dumating bigla si Lucas and he helped me," dagdag ko, dahil napansin kong nalukot ang mukha niya, sa sinabi ko.
Mukhang nakahinga naman siya ng maluwag, ng marinig ang pangalawang sinabi ko at napainom sa kanyang coffee.
Umayos siya ng upo, "So, what's your plan? alam na ba ito ni Ezekiel?—
"Di niya kailangan malaman," agap ko at sumimsim sa aking kape, bago tumayo.
Alam kong kukulitin niya lang ako, kaya mas mabuting bumalik nalang ako sa office.
Napatayo siya at hinawakan ang braso ko, upang di ako makalayo, sa kanya, "Bakit? sis naman! paano kung saktan ka ulit ni Theron? tapos wala doon si Lucas or ako? anong gagawin mo?!" pagtatanong nito nang sunod-sunod, na parang kinakabahan sa pwedeng gawin ni Theron.
Ngumiti ako ng tipid at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin, "Calm down, Eloise," saad ko, at kumalma nga siya, "Kahit malaman ito ni Vrake, sa tingin mo, mangingialam siya? no, because he doesn't love me and he will never care about my past." pagpapaliwanag ko ng mahinahon.
Sinabi ko lang ang totoo, pero pakiramdam ko, may kumirot sa dibdib ko, ng sabihin kong, di ako mahal ni Vrake. Napailing-iling ako, upang kalimutan ang kakaibang nararamdaman at tumalikod na kay Eloise.
"He will love you, trust me, Anastaciaaa!" pahabol na sigaw ni Eloise na ikinatigil ko sa paglalakad.
Lumingon ako sa kanya na mayroong masamang tingin, na ikinatawa niya, "HAHAHAHAHA, wag mo akong tignan ng ganyannn," pagbibiro nito, na inirapan ko lang at mabilis na bumalik ng office.
Akala ko ba may sasabihin siyang importante? hayst! ang babaeng yun talaga!
Nang makabalik ako sa office, doon ko lang napansin na malapit na palang dumilim.
"Vrake?" saad ko, sabay bukas ng pinto ng aking kwarto.
Nakita ko siyang nakahiga at mukhang nakatulog na, sa kakahintay sa akin. Tumagal ba ako doon sa café? o sadyang pagod lang siya sa pagmamanage ng Bar, kaya nakatulog siya kaagad?
Napailing nalang ako at umupo sa tabi ni Vrake. Marahan kong sinuklay ang medyo may kahabaang buhok niya, hanggang sa bumagsak ang aking tingin, sa kanyang labi.
Eto na naman ang pakiramdam na parang gusto ko siyang halikan. Tumikhim ako, upang maalis ang kakaibang sensation na nararamdaman ko.
Nakita kong may space pa sa tabi ni Vrake, kaya humiga ako doon at naramdaman ko nalang ang pagyakap niya sa akin at isiniksik niya ako, sa kanyang dibdib.
"Hmmm?" tanong ko at tumingala, upang makita ang mukha niya.
"I...love you," mahinang usal nito, nakapikit pa rin siya, na sa tingin ko, ay nananaginip lang siya, "Please, d-don't leave m-me...." nakita ko ang pag-agos ng luha sa gilid ng kanyang mata.
"I won't leave you—
"......Brielle," tila nanigas ako at napatulala, ng marealize kong, hindi ako ang taong sinasabihan niya, ng mga salitang iyon.
Bigla rin ako nakaramdam ng hiya, nang maisip kong, may nagmamay-ari na sa puso ni Vrake, bago pa man niya ako makilala. Pinilit kong makaalis, mula sa pagkakayakap ni Vrake at umalis sa higaan. Pakiramdam ko, ang landi-landi ko, dahil ilang beses na kaming naghalikan ni Vrake, without me knowing, that he already gave his heart to another woman.
"Brielle? who are you, in his life?" saad ko sa aking isipan, habang nakatitig sa mukha ni Vrake, na mukhang nanaginip lang talaga kanina, dahil di naman siya nagising.

Komentar Buku (104)

  • avatar
    Ashieee

    season 2 pleaseeeee!!!

    10/04/2022

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    13d

      0
  • avatar
    Marlon Gantalao

    thanks

    23d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru