logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 4

RICHIELLE ANASTACIA GREY'S POV:
May mga taong umaalis at may mga taong bumabalik. Sa sitwasyon ko ngayon, kaharap ko ang taong umalis at bumalik, pero hindi ako yung dahilan, sa pagbabalik niya.
One week had passed at tinotoo nga ni Theron ang sinabi niyang babalik siya, para makausap ako. Kaya nandito ako ngayon sa isang lugar na tahimik at walang masyadong tao, kasama ang lalakeng di ko na ninais pang makita pa ulit.
"What did you say? you want money? the heck." malamig na tanong ko, sa taong makapal ang mukha, na nasa harapan ko.
After niya akong gaguhin, ay magpapakita pa siya rito, na parang walang nangyare? did he even know the word "hiya" or sadyang makapal ang mukha niya?
"Richie, listen, I'm your ex boyfriend, kaya kailangan mo akong tulungan." saad niya kaya napahalakhak ako.
Tumigil ako sa pagtawa at ngumisi, "Are you that desperate just to get money from me? pinaibig mo ako noon, dahil sa pera. Tapos, babalik ka ngayon, para rin sa lintik na pera na yan?!" galit na saad ko.
Yes, you heared it. He's my ex boyfriend at ang mga nangyari sa amin noon, ang nagtulak sa akin upang lagyan ng pinto ang aking puso, para sa mga lalakeng lumalapit sa akin, after we broke up.
Ngumisi rin siya, marahil ay natutuwa siyang apektado pa rin ako sa ginawa niya ten years ago, "Calm down, babe, di ko naman kase kasalanan na nahulog ka sa pustahan namin ng mga kaibigan ko noon, HAHAHAHAHA, tanga ka kase, pagdating sa pag-ibig." pang-aasar nito.
Pilit kong kinalma ang sarili ko, at nakailang buntong-hininga, "I'm just 18 years old that time, Theron! what would you expect me to do? you even court me for five months, so I guess, your feelings f-for me...was true! and it's not my fault na sinagot kita ng walang pag-aalinlangan." panimula ko, "and you know what? the worst thing that I've ever done on my life, was loving you. But thanks also, because of you, I learned how to be matured enough when it comes to love." pagmamayabang ko at nginitian siya, but deep inside, gusto ko na siyang putulan ng ulo.
Napahagalpak naman siya ng tawa, "Matured enough? kaya pala magpapakasal ka sa taong di mo naman mahal at di ka matututunang mahalin, HAHAHAHA, great joke, Richie." saad nito, na nakahawak pa sa tiyan niya.
Naikuyom ko ang kamao ko at di na ako nakapagpigil, kaya nakatanggap siya ng malakas na suntok galing sa akin. Matagal ko na itong gustong gawin sa kanya, di lang ako nakakakuha ng magandang timing.
Di ko rin alam kung papaano niya nalaman ang tungkol sa arranged marriage ko. Marahil matagal na niyang binabantayan ang bawat galaw ko.
Ngumiti ako ng mapang-asar sa kanya, "Masakit? don't worry, my one punched on your face is not enough. You deserve more than that, asshole." matigas na saad ko at aalis na sana nang bigla niya akong itulak sa pader na medyo madumi, dahil nasa likuran kami ng isang building na pinupuntahan namin dati. Hinawakan niya rin ang mahigpit ang kamay ko.
Masakit. Masakit ang pagkakahawak niya sa akin, pero mas masakit yung katotohanan na palagi akong talo sa kanya.
Pilit akong kumakawala sa kanya, pero ang g*go, nakangisi lang, "L-let me go!" inis na saad ko, pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
Sh*t! kapag di na talaga ako makapag-pinta, after this, papatayin ko talaga ang lalakeng ito. AISHHH! pakiramdam ko kase, parang mapuputol na ang kamay ko.
"Let her go." saad ng isang boses, kaya napatingin ako sa pinanggalingan non.
And there, I saw Lucas, wearing jeans and a simple white shirt, with his bored look. Pero anong ginagawa niya dito? sinundan niya ba kami? ang akala ko, ay busy siyang tao, dahil sa mga cases na hawak niya.
Lumapit pa siya sa kinatatayuan namin ni Theron, na hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya.
Tinignan niya ng malamig si Theron, "What do you need from Richielle?" kaswal na tanong niya, na animo'y imbestigador, well, abogado siya, kaya di na ako dapat nagtataka.
Tumingin sa akin si Lucas, na parang tinatanong kung okay lang ba ako, hanggang sa mapatingin siya sa kamay kong namumula na, dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Theron.
Ngumisi si Theron, sana ay di niya alam kung sino ang kaharap niya ngayon, dahil baka kung ano ang gawin niya kay Lucas, kapag nalaman niyang abogado ito at pwede siyang sampahan ng kaso. Kilalang-kilala ko na ang galawan ni Theron. Kapag ginusto niya, gagawin niya, dahil sa pagkakaalam ko, in almost 5 years na di kami nagkita, nalulong siya sa bisyo at droga. Pero I can't deny the fact, that he's still handsome at ang nawala lang ay ang pagiging maamo niya.
"Hmmm, ano nga ba?" parang nagiisip pa si Theron ng sasabihin, saka ngumiti na parang adik.
Naglakas-loob na ako at nagsalita na, "You want money, right? I can give you that. Just tell me, how much do you need." saad ko, dahil gusto ko na siyang umalis rito at di na bumalik pa.
"Gusto ko sana ng two hundred thousand pesos, pero nagbago na ang isip ko." saad nito at tinignan ako na para bang natutuwa sa inis kong reaction, "I want you back, Richie.....come back to me, babe." kumindat pa siya sa akin, pakatapos niyang sabihin yan.
Nahihibang na ba siya? oh yeah, matagal na.
"As usual, you're being insane again." mahinang bulong ko at tumingin kay Lucas, na pilit pinapakalma ang sarili, dahil iniisip niya siguro na maaari siyang mawalan ng license, kapag pumatol siya kay Theron, without a valid reason.
Habang nakatitig sa mukha ni Lucas, biglang nagbago ang ekspresyon niya, tila dumilim ang aura niya, na ngayon ko lang nakita. At kung ikukumpara ko siya sa Lucas na nakilala ko noong high school, masasabi kong malayong-malayo na.
Hinawakan ni Lucas ang balikat ni Theron, "She's not coming back on your side, and I'll never let her do that." matigas na saad ni Lucas.
Nagsukatan sila ng tingin, hanggang sa may ibinulong si Theron na naging dahilan upang bumagsak siya sa sahig, habang dumudugo ang ilong at labi. Grabe, di ko maiwasang mapahanga sa lakas ng suntok na ibinigay ni Lucas sa kanya.
"Hahahaha, ang hina mo namang sumuntok. Yun lang ba ang kaya mo?" pangmamaliit ni Theron, kahit mukha na siyang katawa-tawa dahil sa mukha niyang may dugo.
"Hindi lang yan ang kaya ko, kaya rin kitang ilagay sa loob ng rehas, kung gugustuhin ko, Theron." saad ni Lucas, na may pagyayabang.
Napailing-iling nalang ako, sa sinabi niya. Hindi niya ba alam na ang nakilala niya na Theron noong high school kami, ay ibang-iba na sa kaharap niya ngayon? tsk.
"Lucas, Lucas, Lucas, bakit ka ba ganyan? wag mong sabihin na hanggang ngayon, ay may gusto ka pa rin sa babaeng ito?" natatawang saad ni Theron at dinuro ako.
Nailang naman ako sa sinabi ni Theron at napatingin sa reaksyon ni Lucas. Mas lalo akong nahiya, ng marinig ko ang sagot niya.
"Ano naman kung hanggang ngayon, gusto ko pa rin siya? in fact, she's worth it para magustuhan ko." seryosong sagot ni Lucas at napatingin sa akin, kaya nagtama ang aming mga mata.
Napaiwas ako sa di ko malamang dahilan. Maybe, I just don't want to give him hope, dahil mas masasaktan ko siya sa ganoong paraan.
"Hahahaha, pag-ibig nga naman ano? pero mag-aasawa na siya, pre. Kaya kailangan mo nang mag-move on." naiiling na saad ni Theron, "And by the way, maganda yung kaibigan mong doctor, I think, she's enough in bed—
"WAG MONG IDAMAY DITO SI ELOISE!" malakas na sigaw ko.
Alam kong si Eloise ang tinutukoy ni Theron, lalo na ng sabihin niya ang salitang doctor, kaya di na ako nakapagpigil pa.
Napahalaklak si Theron at magsasalita na sana, pero nakatikim ulit siya ng malakas na suntok mula kay Lucas at nasundan pa ito, ng ilang suntok, hanggang sa mapahiga siya sa lupa.
Kung hindi ko pa naawat si Lucas, ay baka tuluyan nang mabasag ang mukha ni Theron.
"Ano ka ba, Lucas?! di mo siya kailangan patulan," inis na sita ko rito, habang hawak ng mahigpit ang kanyang braso.
"Bastos kase eh! t*ngina!" kung kanina ay inis lang ang nakita ko kay Lucas, noong nakita niyang mahigpit ang hawak sa akin ni Theron, ngayon naman ay sobrang galit ang nakikita ko, sa kanyang mga mata.
He loves Eloise, I can feel it.
"Calm down, okay?" pagpapakalma ko rito at binitawan siya, bago umupo sa tapat ni Theron.
"Please, umalis ka na." nakikiusap na saad ko kay Theron at tinulungan siyang makabangon.
Buti nalang at ang ilong at bibig niya lang ang dumugo, hayst.
Inilahad ko sa kanya ang isang puting panyo, na ikinagulat pa niya, "Tanggapin mo na," malamig na utos ko sa kanya, kaya napabuntong-hininga nalang siya at tinanggap niya nga ito.
Tumayo na ako at napagdesisyonan kong kami nalang ang mauunang umalis ni Lucas, pero napahinto rin ako sa paglalakad, at muling tinignan ang nakaupo sa sahig na si Theron, "If you really need that money, I can give it to you, but please, talk to me in a nice way, if you want to meet me again." mahinahong saad ko at tumalikod na.
Nang makarating ako sa harap ng aking sasakyan, lumingon ako kay Lucas, na tahimik lang na nakasunod sa akin, habang nakatingin sa kamao niyang namumula at may bahid ng dugo.
"Masakit? yan ang napapala ng mga maiinitin ang ulo." napapailing na saad ko at tinignan ang dala kong purse, baka sakaling mayroon ditong wipes.
Nang makakita ako ng wipes, ay kaagad ko itong iniabot sa kanya, kaya nginitian niya ako.
"Wag rin kase masyadong ipahalata na nahulog na sa best friend ko, hahahaha," pang-aasar ko kay Lucas, na ikinapula niya.
"H-hindi ko siya gusto.....ikaw yung gusto ko. Simula noon, hanggang ngayon." di makatinging saad niya.
Napatawa lang ako ng mahina, "Ikaw bahala, pero if I were you, habang maaga pa, aalamin ko na kung sino nga ba ang totoong nagugustuhan ko at baka mahuli ako." malalim na saad ko, habang tinatapik-tapik ang kanyang balikat.
Umiling lang siya at bahagyang ngumiti. Nagpasya na din akong magpaalam sa kanya, dahil kailangan ko pang dalawin si Lolo sa hospital.
May sasakyan rin siya, kaya okay lang kahit mauna akong umalis sa lugar na pinuntahan namin. Di ko na rin siya natanong kung bakit nandoon rin siya sa lugar na yun, dahil nagmamadali talaga ako.
Habang nasa byahe ay nakinig lang ako ng music, which is making me calm. At nagagawa nitong burahin ang mga nasa isip ko, hanggang sa makarating ako sa parking lot ng hospital.
Pagkalabas ko ng sasakyan, napansin ko ang familiar na sasakyan at siguradong pagmamay-ari yun ni Vrake, kaya nagmadali akong maglakad papasok ng hospital, dahil baka kasama niya ang parents niya. Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sila.
Di ko rin maiwasang kabahan ng makarating na ako sa labas ng room ni Lolo, dahil na rin siguro sa huli naming paguusap ni Vrake. Napakalandi ko nang araw na iyon! I even called him, baby! aish!
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang pinihit ang doorknob upang makapasok. Tama nga ang hinala ko. Vrake is here, with his parents, who smiled immediately, when they saw me, ganoon din si lolo.
Sinuklian ko rin ang mga ngiti nila at iinom muna sana ng tubig sa kitchen, ng magsalita si Vrake, "Anastacia, anong nangyari sa kamay mo?" nakakunot ang noong tanong nito at tumayo sa kinauupuan.
Lumapit siya sa akin, kaya handa na sana akong itago ang aking kamay sa likuran ko, kaso nahuli niya ito at tinitigan ng maigi.
Bigla akong kinabahan, "A-ahmm, i-it's nothing, Vrake," agap ko at babawiin na sana ang aking kamay, ngunit nagsalita si lolo, na nakapagpatuyo ng lalamunan ko.
"Who hurts you, my dear?" mahina, pero seryosong tanong ni grandpa, "is it the guy who called you, before you left a while ago?" may paghihinalang dagdag ni lolo.
Medyo nagulat pa ako, dahil alam niyang lalake ang kausap ko kanina, bago ako magpaalam sa kanya, na may pupuntahan lang. Hindi ko ata napansin na napindot ko ang speaker ng tawag, hayst. Buti nalang at di ako nagbanggit ng pangalan kanina. Dahil kung hindi, mas titindi ang galit niya kay Theron.
Umiling kaagad ako sa tanong ni lolo, "N-no g-grandpa, n-naipit lang po itong kamay ko," saad ko at ngumiti sa kanya ng alanganin.
Ngunit ang ngiting alanganin ko, ay biglang naghalo, ng biglang magsalita si Vrake.
"Who called you?" tanong nito, habang nakatingin pa rin sa kamay ko.
"W-wrong c-caller yun," utal na sagot ko at binawi ang kamay ko sa kanya, bago dumiretso sa kusina.
Alam kong medyo bastos ang ginawa ko, pero ayaw ko lang na mag-alala sila. Naramdaman ko ding sumunod sa akin si Vrake at hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at pinaharap niya ako ng dahan-dahan sa kanya.
Nang makita niya ang mukha ko, ay kaagad niyang hinaplos ang aking mukha, "Tell me what exactly happened, my Anastacia," saad nito na mayroong nangungusap na mga mata.
Nagisip ako ng pwedeng sabihin, "Uhm, the truth is, palabas na ako ng mall, pero may dumaang isang lalake at pilit niyang inaagaw ang dala kong purse, kaya pinili kong wag itong bitawan, hanggang sa umalis nalang siya." pagkukwento ko.
I know that lying is bad, but in my situation right now, I don't have any choice, but to do it. Sana lang ay maniwala siya kaagad, dahil mapipilitan akong magsabi ng totoo.

Komentar Buku (104)

  • avatar
    Ashieee

    season 2 pleaseeeee!!!

    10/04/2022

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    13d

      0
  • avatar
    Marlon Gantalao

    thanks

    23d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru