logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2

RICHIELLE'S ANASTACIA GREY'S POV:
Nakarinig ako ng paglagaslas ng tubig mula sa kung saan, pinakiramdaman ko ang paligid habang nanatiling nakapikit. Ramdam kong nakahiga ako sa isang malambot na kama, akala ko'y nasa kwarto ko lang ako, ngunit nakaamoy ako ng manly scent, kaya kahit ayaw ko pang buksan ang dalawang mata ko, ay napilitan ako.
Bumungad sa akin ang isang madilim na kwarto, kaya napaupo kaagad ako sa kama. Halos lahat ata ng gamit ay kulay itim, kung hindi naman, ay puti. Kinakabahan ako na ewan, at di ko gusto ang nasa isip at hinala ko.
Umayos ako ng upo, at mas lalo akong nanlumo ng mapansin kong, wala akong suot na kahit na ano. "D-did I s-slept, with other m-man, even though I have a f-fiancé already?" bulong ko, at napahawak sa aking ulo ng sumakit iyon.
Di ko na napigilan ang sarili kong maiyak ng mahina, habang nakalagay sa bibig ko, ang aking kamay. Inayos ko rin ang comforter na nakabalot sa katawan ko, dahil pakiramdam ko, ang rumi kong babae.
Hindi ako iyakin, lalo na kung maliit na bagay lang naman ang dahilan o problema. Pero itong nararamdaman ko ngayon, iba ito.....at MALING-MALI ito.
Tuloy lang ako sa pag-iyak, at isinandal ko nalang ang aking likuran sa head board nitomg higaan. Pilit ko ring inaalala kung anong mga nangyari kagabi, at kung bakit ako napadpad dito.
Narinig kong may bumukas na pinto, at galing yun sa cr nitong kwarto, pero hindi pa rin ako huminto sa paghikbi. Iniluwa nito ang isang lalakeng sobrang ganda ang katawan, di ko maiwasang mapalunok, lalo na ng makita kong, tuwalya lang ang tumatakip sa kanyang ibabang parte, at basa pa ang buhok niya.
Di ako gumalaw, at nakatingin lang ako sa kanya, na pilit ko ring inaaninag ang mukha niya. Di ko kase ito makita ng malinaw, dahil na rin sa dilim nitong kwarto.
"Why are you crying?" dinig kong tanong ng isang familiar na boses, bago ako nakarinig ng mga yabag, papalapit sa kinauupuan ko.
Napasinghap ako ng maupo siya sa gilid ng kama, at nagulat ako, ng makita ang mukha niya.
"H-hunter?" utal na saad ko, at bahagyang umatras at mas lalong idinikit ang sarili sa sinasandigan ko.
Paano ba kase ako napunta rito? Aishh!
Hindi na siya nagsalita ulit, pero itinaas niya naman ang isang kamay niya, at hinaplos ang aking pisngi.
Napapalunok nalang ako, sa ginagawa niya, at di ko maiwasang tumitig sa mga mata niyang parang kinakausap ako.
Lumapit pa siya sa akin, bago magsalita, "Stop crying," he gently said, at pinahid ang mga luhang umaagos mula sa mata ko.
Mas napaiyak ako dahil sa sinabi niya. Paano ba ako hihinto sa kakaiyak, kung alam kong may nangyari kagabi— sa amin!
Pinilit kong magsalita, kahit parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko, "P-paano? h-how can I stop crying, if I know n-na ang d-dumi kong b-babae?" saad ko, na parang naaawa sa sarili ko.
I heard him chuckled, "Hey! calm down, woman," saad nito, sinapo niya ang mukha ko, at inilagay ang ilang hibla ng buhok ko, sa likod ng aking tenga, "Look into my eyes, Anastacia," utos niya, so I did, "nothing happened between us, kung yan ang nasa isip at iniiyakan mo." pagpapaliwanag nito, at bahagyang lumayo sa akin.
Medyo gumaan naman ang loob ko, dahil sa sinabi niya. Pero nang mapatingin ako sa aking katawan, ay parang gusto ko na namang umiyak.
I looked at him, "If nothing happened between us, b-bakit....bakit—
"Bakit wala kang suot na kahit na ano?" tugtong niya sa sasabihin ko dapat. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina, at pinitik niya ang aking noo.
"Ouch!" saad ko, at hinawakan ang noo ko, habang nakanguso.
"Did you even tried to remember, all the things that you did, last night?" tanong nito, na natatawa.
Napayuko ako dahil sa hiyang nararamdaman, at sinimulang alalahanin ang mga nangyari, after kong uminom ng dalawang shots ng Spirytus Vodka.
*FLASHBACKS*
After umalis ng babaeng nakakandong sa fiancé ko, ay hinapit ni Hunter ang bewang ko, kaya napaupo ako sa kanyang hita.
Inilapit niya ang kanyang labi sa likod ng aking tenga, "You're drunk, woman." bulong niya, in a manly tone.
"I'm n-not...hik!" pagtanggi ko, kasabay ang pagiling-iling.
Nakarinig naman ako ng isang magandang tawa, at naramdaman ko na lamang ang labi niya, na nakalapat sa labi ko.
Ibang klase ang halik sa akin ni Hunter, kaya napakapit ako sa kanyang batok, at mas idiniin pa ang aking sarili sa kanyang dibdib.
"Uhmm....H-hunter..." I moaned his name, as he kissed me deeper.
Bumaba pa ang halik niya sa aking panga, patungo sa aking leeg, pero napahinto din siya.
"I can't do this to you, not now, my Anastacia,"
May sinabi siya, pero di ko masyado narinig. Naramdaman ko lang na binuhat niya ako, habang nakapulupot pa rin ang aking mga paa, sa kanyang balakang.
"Shaan t-tayo p-pupwunta— hik!" saad ko, na kahit sarili kong tanong, ay di ko maunawaan.
Nakita kong napailing-iling siya, at nakarinig ako ng pagbuntong-hininga.
"C-come on—hik! k-kish m-mhe, hihii..." pangungulit ko sa kanya, at sinapo ang kanyang mukha, habang tuloy pa rin siya sa paglalakad.
"Stop, woman." maowtoridad na saad niya, na tinawanan ko lang naman.
Pinadaan ko ang aking isang daliri, sa ilong niya, papunta sa labi niya, and look at him seductively, na nakapag-pasinghap sa kanya.
Naramdaman ko ang mabibigat niyang paghinga, at inalis ang daliri ko, sa kanyang malambot na labi.
Napasimangot ako, pero napangiti ng makita kong makakasalubong namin sina Eloise and Lucas sa pwesto namin, kasunod si William, na parang natatawa.
"Eyy, Bro! saan mo idadala si Richielle?" tanong kaagad ni William kay Hunter.
Close ba sila? yeah, yeah, whatever.
Nagkibit-balikat lang si Hunter, habang buhat pa rin ako, at nakayakap ako sa kanya.
"Mister, I think, taking advantage to someone when they are drunk, is out of the law. I can file a case on you, for doing this to our friend." taas-noong saad ni Lucas, at hinihintay si Hunter, na bitawan at ibaba ako.
"Oo nga, Pre, bitawan mo na si Richielle, abogado ang kaharap mo ngayon." nag-aalalang gatong ni William.
Pinagmasdan ko naman ang reaction ni Eloise, at kita ko ang paghanga niya sa mukha nila William at Hunter, na para siyang nakakita ng dalawang gwapong nilalang na galing sa ibang planeta.
"Go on, file some cases on me, Mr. Attorney." balewalang saad ni Hunter, "Yun ay kung, sasabihin sa akin ni Anastacia na ibaba ko siya." dagdag niya.
Mabilis naman akong umiling-iling, at mas lalong iniyakap ang aking mga binti, sa kanya.
Siguro nga'y lasing na lasing na ako ngayon, dahil di naman ako ganito, kapag di nakainom. Di ko na din talaga ma-control ang katawan ko.
Natahimik naman ang dalawang lalakeng kausap ni Hunter, kasabay ang malakas na pagtili ni Eloise.
"WAHHHHH! d-don't tell me, ikaw si Ezekiel...Ezekiel, ano nga ba yun?" saad ni Eloise, na pilit inaalala ang buong pangalan ng fiancé ko.
"I'm Ezekiel Hunter Hendrix, the owner of this Bar, and a FIANCÉ of Anastacia." may pagmamayabang saad ni Hunter, bago lampasan ang mga kaibigan namin.
Tuloy lang siya sa paglalakad, hanggang sa narinig ko, ang pagbukas ng pinto. At naramdaman ko nalang na iniupo niya ako sa isang malambot na higaan.
Napangiti ako, pero napasimangot din kalaunan.
"ANG INIT! AISH!" reklamo ko, at naisipang hubarin nalang ang halter dress na suot ko.
Ang init talaga ng pakiramdam ko ngayon, kahit feeling ko, malakas naman yung aircon dito.
"H-hey! what are you doing?!" saad ni Hunter na bakas ang pagkagulat.
Dali-dali niyang pinulot ang itinapon kong dress, at pinipilit niyang ipasuot ulit ito sa akin, pero tinulak ko lang siya papalayo, at hinubad ko na rin ang mga natitira ko pang suot.
Maganda naman ang katawan ko, kay wala akong dapat ikahiya, hihi.
"FVCK! FVCK!" rinig kong pagmumura ni Hunter, at mukhang di alam ang gagawin.
"Ang sexy ko b-ba— hik!" saad ko, at tumayo sa kama, at nameywang sa harapan niya. Nakatali ang buhok ko ngayon, kaya lantad na lantad ang hinaharap ko sa kanya.
"Sh*t! please....m-maawa ka sa akin, Anastacia, baka di ko macontrol ang sarili ko." pakiusap ni Hunter, na mukhang nahihirapang huminga.
Sinusubukan niyang hawakan ako, to stop me, pero lumalayo lang ako sa kanya.
"Do you want to see me, dancing while naked? hihiii..." tanong ko, at kinagat ang aking labi.
"I don't want to....just stop, I'm begging you." seryosong sagot niya.
Di ko alam, pero bigla nalang akong umiyak, kaya nataranta siya. Nakarinig ulit ako ng sunod-sunod na pagmumura, hanggang sa hawakan niya ako sa bewang, at pinaupo, hanggang sa maihiga niya ako ng tuluyan sa kama.
"I don't want, because were still not married, my Anastacia....I respect you, and I'll never take some advantage on you. Did you understand?" pag-aalo nito sa akin, at naramdaman kong tinakpan niya ng comforter ang aking buong katawan, bago ako halikan sa noo.
Tumango-tango lang ako na parang bata, at nakaramdam na rin ako ng antok, napahikab ako.
"You have to be thankful tomorrow, because your fiancé can't take advantage to you." saad nito, at pinitik ang noo ko, bago umalis sa kama.
"I didn't expect na ganito ka pala kapag nalalasing, hahaha, such a wild woman." bungol niya, na di ko masyadong narinig, hanggang sa kainin na ako ng kadiliman.
*END OF FLASHBACKS*
Ilang ulit kong sinabunutan, at binatukan ang sarili ko, nang maalala ko na ang lahat ng mga ginawa ko kagabi.
Grabe! halos di ko makilala ang sarili ko kagabi. Gusto kong isuka ang sarili ko ngayon din mismo, dahil sobrang nakakahiya ng mga nagawa ko. Biruin mong nakuha ko pang maghubad sa harap niya?! AISH!
"Now, can you atleast, say THANK YOU, to me?" nakangising tanong nito.
Napalunok naman ako, at napayuko. Iniiwasan ko talagang mapatingin sa mata niya, dahil pakiramdam ko, matutunaw ako.
Mahigpit ang pagkakakapit ko sa comforter, bago magsalita, "T-thank you," nahihiyang saad ko.
"You're welcome," saad nito na pinipigilang tumawa.
Napakunot ang noo ko, "May nakakatawa ba?" tanong ko sa kanya.
Tumayo na siya sa pagkakaupo sa kama, at napatingin sa katawan kong natatakpan ng comforter.
"Magbibihis lang ako," saad nito, at maglalakad na sana palabas, ngunit napahinto din kalaunan, "I already ordered some clothes for you, don't worry." dagdag nito, at walang-lingon na lumabas ng kwarto.
Naramdaman ko nalang na nakangiti na pala ako, sa isiping, mabait at may respeto siya sa akin. I think, kahit di na niya ako matutunang mahalin, okay lang. Kase di pa naman ako ready na magmahal ng isang tao. As long as di niya ako sinasaktan physically, hindi ako makikipaghiwalay sa kanya.
Maya-maya ay bumukas ulit ang pintuan, at iniluwa nito si Hunter, ngumiti ito ng tipid, at iniabot sa akin ang isang paper bag. Eto na ata ang sinasabi niyang inorder niyang damit.
Ipinulupot ko ng maayos ang comforter sa aking katawan, at ibinaba ang dalawang paa ko sa sahig, upang makatayo, at abutin ang bininigay niya.
"Thank you, Hunter," saad ko, at ngumiti sa kanya.
"You're welcome, dadalhan nalang kita dito ng almusal—
"Uuwi na ako—
"No— I mean, wag ka munang bababa. May ilang lasing ba sa Bar, baka mapano ka." pigil nito sa akin, at lumabas na ulit ng kwarto.
Ayy oo nga pala. Andito ako sa second floor ng Bar niya. Natampal ko nalang ang sarili kong noo, at inabot ang dala kong purse kagabi. Nakita ko naman kaagad ang cellphone ko, kaya tinignan ko kaagad ang oras.
"Five in the morning palang?" bulong ko, sabay alis ng comforter sa katawan ko, at patakbong pumasok sa banyo, upang makaligo na.
Mabilis lang ang naging kilos ko, dahil nasa ibang lugar ako, at hindi sa bahay. Nakakahiya naman kung magtatagal ako sa loob ng banyo, right?
Nakaupo ako ngayon sa edge ng kama, babang pinapatuyo ko ang aking buhok. Di na ako nagulat nang biglang pumasok si Hunter, kasabay ng pagkalam ng sikmura ko. Saka ko lang naalala na di nga pala ako kumain ng madami kahapon, bago pumunta dito sa bar.
"Hungry already?" tanong nito, at inilapag sa isang maliit na table, ang dala niyang almusal.
2 bowls of fried rice yun, with bacon and eggs, and dalawang glass of milk.
Napangiti ako, "Ikaw ba ang nagluto nito?" pagtatanong ko, "parang masarap.." natatakam na dagdag ko.
"Yes, I'm the one who cooked that, kumain ka na," saad nito, at inayos ang kutsara't tinidor.
"Ano...uhmm, patutuyuin ko lang ang buhok ko, tapos kakain na ako—
"Let me," saad nito, pumunta siya sa aking likuran, at siya nga ang nagpatuyo ng buhok ko, gamit ang maliit na towel.
"T-thank you," mahinang saad ko, at sinimulan nang kumain, dahil mas nakakahiya kung marinig niya ulit ang pagkalam ng tiyan ko.
Nang mapansin kong huminto siya sa pagpapatuyo ng buhok ko, ay tiningala ko siya, "sabayan mo na kaya ako? mukhang hindi ka pa rin nag-aalmusal eh." suggestion ko, kaya wala siyang nagawa, kung hindi ang tabihan ako, at kumain.
Nang matapos akong kumain, ay pinanood ko lang siya, habang focus siya sa pagkain. Mukhang di rin siya kumain kagabi, siguro ay dahil sa kababuyang ginawa ko, AISH!
Napaiwas nalang ako ng tingin, at bahagyang lumayo sa kanya. Naalala ko na naman kase ang nangyari kagabi.
"Uhmm, wala ka bang trabaho?" lutang na tanong ko.
Huminto naman siya sa pagsubo at tumingin sa akin, "I think, I'm the one who should ask you, that question." nangingiting saad nito, habang naiiling.
Muntik na akong mapalundag sa kama, nang maalala kong marami pa pala akong kailangan trabahuin na documents sa Hospital.
Shete ka naman, Richielle oh!
Nagmamadaling tumayo ako, at inayos ang sarili sa harap ng salamin na naroon, at mabilisang isinuot ang high heels ko.
Naramdaman ko naman ang presensya niya sa aking likuran, kaya tumingin ako sa kanya, "I need to go, Hunter, may mga gagawin pa pala ako," naghahabol ng hiningang saad ko, at nakarating na ako sa pintuan ng may maalala, "By the way, I'm really sorry for the trouble that I've made last night. Hindi ako yun, promise." pahabol ko, at dali-daling lumabas ng kwarto.
Narinig ko pang may sinabi siya, pero di ko na iyon pinansin, at dali-daling bumaba ng hagdan, na papunta sa Bar Area.
"Hi Richielle, good morning!" bati ng nakasalubong ko.
Muntik pa akong magpakain sa lupa, ng makilala ko kung sino ito.
"Ahm, good morning, William. S-sorry about last night," saad ko at napakamot pa sa batok.
"It's okay, soon to be Hendrix ka naman na eh, hahahah." pang-aasar nito, na ikinapula ko.
Nagpaalam na agad ako sa kanya, dahil nga marami pa akong kailangan gawin. Buti nalang at may dumaan kaagad na taxi, kaya pinara ko ito, at sinabing sa Hospital nalang ako ibaba.
"Thanks, kuya." pasasalamat ko sa taxi driver, at kahit medyo nagulo ang buhok ko, ay tuloy-tuloy akong pumasok ng hospital.
Lahat ng nurse at doctor ay napapatingin sa akin, at bumabati, pero ngiti lang ang natanggap nila sa akin.
Napagdesisyonan ko namang puntahan muna si lolo, sa kwarto niya, para na rin kamustahin ang lagay niya.
"Good morning, Granpa—
"Hi," saad ng lalakeng di ko inakalang makikita ko pa ulit, after 10 years.
"T-theron?" gulat na saad ko, at muntik pa akong mapaluhod, dahil biglang nanghina ang aking dalawang tuhod.
Why did he came back? why?!

Komentar Buku (104)

  • avatar
    Ashieee

    season 2 pleaseeeee!!!

    10/04/2022

      0
  • avatar
    Norayah D. Hadji Abdulhalim

    5.0

    13d

      0
  • avatar
    Marlon Gantalao

    thanks

    23d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru