logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 6

I woke up with a smile on my face, masaya ako dahil weekend na i have time to bond with my family. I have time to rest, and i have time to control my hands, kaylangan kong makontrol ang pag-lalabas ko ng lason. I just need to keep it in my mind na makokontrol ko, i can generate any kind of poison. I can kill anytime if i want syempre hindi ko naman pwedeng gawin yon ng basta basta.
I blew a deep breath kesa naman isipin ko ang mga kamay ko, I went to the bathroom para maligo. After kong maligo ay bumaba ako para sumabay sa kanila mag-breakfast, as we started to eat we talk about our everyday's life.
"Mom that was so embarrassing!" Reklamo ni Ate pano ba naman kinukwento ni Mommy nung six years old sya, sinuntok nya daw yung isang classmate nya, dahil akala nya yon yung tumulak sa kanya.
I remember her face that day na umuwi sya putlang-putla ang buong mukha nya dahil may black eye yung sinuntok nya. Hindi ko mapigilang humagalpak ng tawa kaya ayon inis sakin ang Ate ko.
"Ate past is past, and besides hindi mo na rin naman yata nakikita yon".
"Yon ang alam mo, nyo classmate ko kaya sya, alam mo ba Hella hindi ako makatingin sa kanya. Malay ko ba kung naalala nya pa ba ako? O hindi na ewan ko?" Frustrated nyang sabi.
"Eh si Ate, nahihiya pa, pogi ba?" Tanong ko gamit ang mapang-asar kong boses.
"Hella". Ani nya sa mababang boses pero may bahid ng inis, hindi naman nakaligtas sa mata ko ang pamumula ng tenga nya. Wala na to, may tama na to sa classmate nya.
"Mom, Dad, si Ate may crush na". Halos hindi na ako makapag-salita ng ayos dahil sa pag-tatakip ni Ate sa bibig ko.
"You know what okay lang naman magka-crush, normal lang yon. Normal lang din mag-karoon ng boyfriend, pero wag lang kalilimutan ang pag-aaral". Pangaral ni Mommy samin.
"Ate gwapo ba? Sabi mo hindi ka makatingin, so I guess gwapo yan". Bulong ko agad nya namang kinurot ang tagiliran ko.
"Aha si Ate in love, si Ate in love". Pakanta-kanta kong sabi habang tinatakbuhan ko sya mula pa ng matapos kaming kumain, kaya ayon habol ng habol. We're like kids magulo at maingay kapag weekend.
"Hella stop running, yung asthma mo pagagalitan ako ni Mom kapag inatake ka, Hella listen!" Sigaw nya habang hinahabol ako as if naman alam kong gaganti lang yon sakin.
"I'm heading to my room, I have something to do, and okay lang ako hindi ako pagod". Pabalik kong sigaw habang umaakyat. I badly need to go to my room and control my hands, pagpasok ko ay agad kong ni-lock ang pinto for my own safety, agad ko ring hinanap ang gas mask ko, then tinangal ko ang pag-kakadikit ng violet carpet ng kwarto dahil naroroon ang saan papuntang basement ng room ko, but before i go inside may face scanner na nandoon, tinapat ko ang mukha ko doon,nga pala nalimutan kong pangalan nga pala ang kaylangan dun sa lab ni Dad.
"Access granted". I heard Lindsay voice yung robot na nag-babantay sa basement.
"Thank you Linsay". Bungad ko.
"Welcome again Miss Hella".
Napangiwi ako sa sinabi nya plus yung boses nya, i can talk to her naiintindihan  nya ako, gawa yan ni Dad ewan ko ba kung scientists o inventor si Dad
Agad kong isinuot ang gas mask ko and nag-suot na rin ako ng PPE para sa katawan ko, inilahad ko ang kamay ko kay Lindsay ang kamay ko para tanggalin nya ang gloves ko, she never failed me halos mag-iisang buwan na rin akong pabalik-balik dito.
Inilapat ko ang mga kamay ko sa monitor for poison, unti-unting lumalabas ang puting usok at ang green liquid na huli kong nakita ng mag-palit ako ng gloves, nakita ko ang pag-sulpot ng iba't ibang lason na nakikita ko naman ang pangalan sa screen ng monitor.
Botalinum- it is a kind of poison that can damage the nervous system and die in pain.
Anthrax- it starts with fever that doesn't get better if you inhaled.
Sarin- it is a toxin gas that just one whift and you'll foam at the mouth and fall into a coma.
Tetrodotoxin- if it is consumed paralysis and death can strike within six hours.
Cyanide- it can kill by seizures, cardiac arrest and die in a minute.
Mercury- it can attack the brain and lungs, shutting down the central nervous system.
Hindi na ako nagulat sa mga nabasa ko, sinimulan ko ng kontrolin ang pag-lalabas ng lason pero habang tumatagal ay dumadami lang ang nilalabas kong lason, wala akong ibang magawa kundi tanggalin nalang ang mga kamay ko sa monitor. I feel so hopeless kahit man lang sana ay may ma-kontrol ako kahit dalawa lang na hindi lumabs, pero wala, wala talaga, wala na akong pag-asa.
Pagtapos non ay umalis ako ng basement ng sobrang sikip ng dibdib ko, i want to cry and shout but i know it wouldn't help me, mas lalo lang akong mag-lalabas ng lason at natatakot. I suddenly remember what happened when i was five years old.
"Hella be good to your classmates ha". Bilin ni Mommy.
"Yes Mommy i will". Sagot ko naman with my tiny voice because im just five years old.
"Remember don't let anyone touch your hands at wag mong hahayaang matangal to". Sabi ni Mommy habang hinahaplos ang medyo may kaliitan kong mga kamay. "Sige na go, pasok na nag-aantay na sila sayo".
Agad ko namang sinunod ang sinabi ni Mommy at dahil bago ay pag-titinginan ka ng lahat.
"Come here and introduce yourself to your classmates". Malambing na sabi ng teacher namin, dahil masunurin ako ay ginawa ko ang iniutos ng teacher namin.
Dumaan ang isang linggo na maayos ang pakikitungo nila sa akin at kahit na natatakot akong makipaglaro at makihalubilo sa kanila ay ginawa ko parin.
Pero dumating ang araw na kinatatakutan ko someone grab my hand at natanggal ang gloves ko, dahil sa takot ko ay tumakbo ako palayo, dahil bata ay curious sinundan nya ako at hinawakan nya ang kamay kong walang gloves pinilit kong itago yon sa bulsa ng palda ko para lang hindi ako makalason ng kung sino man.
I saw how his mouth foam, i know that i poisoned him, our teacher saw what happened kaya lalong nadagdagan ang takot ko, tumakbo ako papuntang parking lot ng school pero alam kong wala don si Mommy, sinubukan kong pumunta sa guard para humingi ng tulong, bago paman ako makarating ay binalot na ako ng dilim, ang huli kong narinig ay ang nag-papanic na boses ng guard siguro ay nakita nya ako.
Paggising ko ay bumungad sa akin ang puting  kisame at amoy ng gamot. I heard Mom's voice.
"Hella, anak, thank god you're awake, ayos na ba ang pakiramdam mo?" Bungad ni Mommy. Naalala ko ang mga nangyari kanina agad na tumulo ang mga luha ko.
"Mom i-i poisoned him, i poisoned him". Umiiyak kong sabi.
"Shhh-shhh anak don't worry he's okay now, maayos na ang lahat naayos na namin ng Daddy mo, okay". Paliwanag ni Mommy, i nod at her pero nangingibabaw parin ang takot ko.
I heard a knock on my door, saka ko lang napansin na namumutla ako, I take a deep breath at kinurot kurot ko pa ang pisngi ko, pag-bukas ko ay bumungad sakin ang mukha ni Ate, she look irritated.
"Ang tagal mong mag-bukas". Sabi na eh iritado nanaman ang kapatid ko, nginitiian ko pa sya na mas lalong nakag-pairita sa kanya, pinigilan kong tumawa dahil sa pag-mumukha nya.
"You look pale, did your asthma attack? Sabi ko naman sayo wag kang tumakbo kanina, malalagot ako kay Mom nyan". Ay ang Ate ko O.A.
"Ano, hindi, baka dahil gumawa ako ng activity sa Calculus, medyo mahirap ehh". Ayan nanaman ako sa pag-papalusot na walang kwenta.
"Didn't i tell you na magtanong ka sakin, naku Hella yang ulo mo tumitigas na ha". Ate mode attack. Nginitiian ko lang sya. "Wag mo akong mangiti-ngitiian dyan, halika na kakain na tayo". Yun lang naman pala ang sasabihin ang dami pang pinansin.
Sabay kaming bumaba habang sina Mom at Dad ay nandoon na, pinilit kong mag-mukhang masigla for the whole dinner.
Nang matapos ay sinundan ko si Mom sa office nila ni Dad, may mga papel syang inaayos. Nang makita nya ako ay ngumiti sya sakin at agad naman akong lumapit.
"Mom can i ask you?" I saw her nod. "Nung five years old po ako ano po ba talaga ang nangyari dun sa bata at bakit ako nasa Hospital pagtapos non?".
"You want to know?" This time ako naman ang tumango.
"Nawalan ka ng malay non at nakita ka ng guard at agad naman kaming tinawagan, nalaman namin yung nangyari, agad naman daw nilang dinala sa Hospital at naagapan, kinausap ng Dad mo ang teacher mo at pinalabas nalang na na-food poison yung bata". Pagpapaliwanag ni Mom.
"What about me? I mean bakit ako nawalan ng malay that time?".
"Hella, kaya hindi mo pwedeng gamitin ang kamay mo para manakit o manlason ng iba dahil, bumabalik sayo ang lason kahit hindi mo sadyaing lasunin ang sarili mo. Yon ang sabi ni Dr. Sanchez". Our private doctor, he know about poisons.
Pagtapos ng lahat ng nalaman ko mas lalo lang bumigat ang  pakiramdam ko, kapag nanlason ako ay babalik din sakin, such a great consequence's for me.

Komentar Buku (59)

  • avatar
    James Brian

    Yessss

    01/08

      0
  • avatar
    Jarylle Camingawan

    I love it

    21/07

      0
  • avatar
    Cheryl Villegas

    Nice

    06/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru