logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 5

Emilia
"Makikipaghiwalay na ako sa kaniya," sabi ko kay Andoy nang magkita kami nito kinabukasan. Sumaglit lang naman ako dahil pinuntahan ko ang puwesto ko sa palengke para ubusin ang mga natitirang gulay at mabuti na lang dahil mabilis itong nabenta.
Kakaunti na lang naman iyon dahil hindi na ako kumuha pa ng bago. Baka masira lang kasi ang mga ito kung iiwanan ko lang ng ilang araw. Isasama kasi nila ako sa pupuntahan nilang mag-ama, kaya heto't nandito ako sa parlor ni Andoy para na rin magpaalam at sabihin sa kaniya ang plano ko pagbalik namin.
"MABUTI NAMAN, EMILIA MY FRIEND!!!" hysterical nitong sabi habang pumapalpak at nakangiti akong tinignan.
"Hoy! Bakla, h'wag ka ngang maingay riyan. Kita mong natutulog ang mga costumer, eh!" singhal sa kaniya ng kasama sa trabaho dahil sa ginawa nitong pagsigaw. Habang ako'y tahimik lang na pinagmamasdan sila. Ibinaling naman ni Andoy rito ang tingin at tinaasan ng kilay.
"Hoy ka rin! Parlor ko 'to, 'te. Pinapasuweldo lang kita at saka hindi ito hotel para dito pa matulog ang mga costumer. Gisingin na mga 'yan at tapusin niyo ang trabaho. I'm a busy person, don't bother me. Okay?!"
Natawa ako dahil sa sinabi ni Andoy sa kasama na pinaikutan lang siya ng mga mata. Masama itong tinignan ni Andoy bago niya ibinalik ang tingin sa akin.
"So, where are we?" tanong niya habang nakataas pa rin ang kaliwang kilay. Ang mga kamay niya'y nakapatong sa nakatiklop niyang mga hita at maarteng nakatingin sa akin.
Bumuntonghininga ako bago ko siya sinagot. "Makikipaghiwalay na ako kay Roman." Umiwas ako ng tingin at ibinaling iyon sa labas ng glass wall.
"Tumingin ka sa akin, Emilia." Gamit ang mautoridad na boses nito'y napatingin ako sa kaniya.
Kung hindi lang naging bakla itong si Andoy ay baka maraming babaeng magkakagusto sa kaniya. Mayroon kasi itong natural na mahahabang pilik mata at magagandang mga mata, dahil na rin sa amerikano nitong ama na iniwan lang sila.
"Totoo bang wala nang pumipigil sa 'yo sa desisyon mong iyan?" tanong nito na diretsong nakatingin sa aking mga mata. "Dahil nakikita ko sa mga mata mo na iba ang sinasabi niya, hindi ito sumasang-ayon sa gusto mo."
"Hindi ba'y ito rin naman ang gusto mo? Na hiwalayan ko na lang siya dahil mas lalo lang akong masasaktan. A-At saka, hindi ko na kaya. Suko na ako, Andoy." Yumuko ako at mabilis na pinunasan ang mga luhang lumandas na naman sa mga mata ko.
"Gusto ko dahil concern ako sa 'yo bilang kaibigan mo at kaya kita tinatanong kung gusto mo ba ito? Dahil pakiramdam ko'y napipilitan ka lang," anito.
Umiling ako bilang sagot. Kung napipilitan lang ako'y agad ko naman itong malalaman dahil mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa pagkakakilanlan niya sa akin. Alam kong hindi ako napipilitan na hiwalayan si Roman.
Totoong pagod na ako, hindi ko na kayang magtiis. Iyong siya ay masaya sa piling ng iba, habang ako'y nagdurusa dahil sa pagkakamaling hindi ko naman sinasadya.
"Totoong pagod na ako, Andoy. Palagi na lang akong nagtitiis sa lahat ng mga binibitiwan niyang salita. Kaya bakit ko pa ipagpipilitan ang sarili ko sa taong hindi naman ako kayang mahalin at patawarin?"
Wala nang nagawa si Andoy sa desisyon ko. Masaya raw siya para sa akin dahil natauhan na ako sa kahibangang matagal ko nang ginagawa. Kaya tutulungan ako nitong makahanap ng abogado na mag-aasikaso sa divorce paper na pipirmahan naming dalawa ni Roman.
Nagpapasalamat ako dahil may katulad ni Andoy sa buhay ko, kung hindi dahil sa kaniya na palaging nagpapaalalang hindi dapat ako nagpapakatanga. Baka hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong naghihintay na balang araw, mamahalin ako ni Roman at patatawarin sa kung ano mang kasalanan na nagawa ko sa kaniya.
--
"Where have you been? Kanina pa naghihintay ang anak mo," bungad nito sa akin nang makapasok ako sa loob ng bahay. Nasa sala ito habang nanonood ng television, hawak niya rin sa isa niyang kamay ang cellphone nito.
"Inubos ko lang ang panindan ko sa puwesto dahil masasayang lang 'to. At saka, para na rin may sapat tayong pera na magagamit. M-May ipon din ako," sabi ko sa kaniya habang naglalakad papalapit. Naupo ako sa pang-isahang sofa at tumingin sa pinapanood nito.
"What do you think of me, Emilia. I have no money to spend on where we are going?" Lumingon ako rito at ngumiti.
"Hindi naman sa gano'n. Ayoko lang na iasa sa 'yo ang lahat, 'di ba nga'y wala ka pang trabaho?" Kinuha nito ang remote ng TV at pinatay. Masama siyang bumaling ng tingin sa akin ngunit hindi ako nagpatinag.
Pinagmasdan ko lang ang kabuuan ng mukha ni Roman. May balbas na ito ngunit bagay na bagay pa rin sa kaniya at ang pinakamagandang pagmasdan dito'y ang kaniyang mga mata na isa sa gustong-gusto ko noon.
"Iniinsulto mo ba ako? Kaya nga magbabakasyon tayo dahil may trabaho na ako. May maipapakain na ako sa inyo at hindi mo kailangan pumunta pa sa palengke para lang makipaglandian sa gago mong mga costumer!"
Bumuntonghininga ako. Ipinagsawalang-bahala ko na lang ang mga binitiwan niyang salita dahil alam ko sa sarili kong wala namang katotoohanan ito lahat. Alam nito na hindi ako katulad nang iniisip niya, na hindi ako maduming babae. Dahil simula't sapol ay siya lang ang nakagalaw sa akin.
"Masaya ako at may trabaho ka na. Pero hindi mo kailangan na buhayin kami ni Rowan dahil pagkatapos ng bakasyon na gagawin natin ay magpa-file na ako ng annulment," sabi ko. Wala nang saysay pa para itago ko ang plano ko, para saan pa't malalaman din niya ito dahil kailangan ko ang pirma niya para tuluyan nang mapawalang bisa ang kasal naming dalawa.
"So, are you really going to continue the plan to divorce with me?" Tumango ako kaya bigla itong napasandal sa sofang kinauupuan niya.
"Pero may hihilingin sa ako," sabi ko na siyang ikinatingin ulit niya sa direksiyon ko. Lumunok muna ako bago ko sinabi ang gusto kong sabihin. "Puwede bang magpakaama kay Rowan habang nando'n tayo? Gusto ko kasing iparanas sa bata na kahit magkahiwalay na tayo'y hindi ka niya kakamuhian at kakalimutan."
Hindi ito sumagot, padabog lang siyang tumayo at iniwan akong tulala. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya o pumapayag ba ito sa gusto ko. Pero kung hindi naman siya magpapaka-ama kay Rowan ay itutuloy ko pa rin ang plano kong hiwalayan siya. Ipaparamdam ko na lang sa bata na kahit hindi na kami ni Roman, nandito pa rin ako bilang ama at ina niya.
--
Maaga akong nagising kinabukasan at inihanda ang mga pagkaing lulutuin ko para sa dadalhin naming tatlo. Maaga raw kasi kaming aalis kaya heto't bitbit ang mga tupperware na may lamang pagkain ay agad akong lumabas ng bahay at naglakad papunta sa kotseng nakaparada sa labas ng gate.
Inilagay ko ang mga iyon sa likod kung saan nakaupo si Rowan sa isang car seat at hindi na ako nito pinapansin nang isarado ko ang pinto. Tumingin muna ako sa likod ko kung saan nakasunod pala sa akin si Roman bitbit ang kaniyang bag at ang susi ng bahay na agad niyang ibinigay sa akin pagkalapit.
"I already locked the house. Wala ka na sigurong naiwan sa loob?" tanong nito at umiling lang ako bilang sagot, dahil kanina ko pa nakuha ang mga gamit na dadalhin namin.
Bago kami umalis ay muli kong siniguro ang gate ng bahay kung naka-locked ba 'to at nang masiguro ay agad akong pumasok sa front seat kung saan nakaupo na si Roman sa driver's seat.
"Where are we going po pala, Papa?" tanong ni Rowan na nasa car seat. Nasa byahe na kami at nakalabas na kami ng village.
"To the place where Papa will be a father to you and a husband for your mother."

Komentar Buku (102)

  • avatar
    ChavezNecol

    nicely 5star

    11d

      0
  • avatar
    Ann Prajes

    thank you po

    21d

      0
  • avatar
    AlayaayJocelyn

    I love your story ..Thank you so much for writing this that could captivate the hearts of US READERS..

    21d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru